agrikultura

 

DSC05230[1]

 

 

Carabao FIESTA sa PCC kasama ang PCAARRD-DOST

Ang pistang kalabaw ay bahagi ng FIESTA o Farm and Industry Encounters through Science and Technology Agenda na isang programa ng PCAARRD kung saan kanilang layunin ay palakasin at I promote ang isang particular na sector sa agrikultura maging sa bahagi ng pananakahan, pangisdaan man o paghahayupan at sa pagkakataong ito ay ang pagpapagatas o dairy farm production.

Nagsimula sa ribbon cutting ng mga exhibits na halos ang mga nakahatag ay mga kagamitan pang laboratoryo buhat sa ibat –ibang bansa ngunit may mga lokal na eksklusibong distribyutor, pinangunahan ni Dr.Arnel N. Del Barrio ng PCC kasama ang PCCAARRD kasunod ay sabay-sabay na mga aktibidad gaya ng photo exhibits ng mga mukha ng kalabaw, essay writing contest at cooking contest kabilang rin ang mga nakahilerang mga produkto buhat sa gatas ng kalabaw. Isang kapansin pansin ay ang masarap na kesong puti na dala ng mga magsasakang taga Cavite.

Sa biotech pavilion ginanap ang karamihan sa mga aktibidad at ang mga seminar na ukol din sa animal biotech na kanilang ginagawa upang maparami ang bilang ng mga kalabaw sa bansa.

Target ng gobyerno na makapag prodyus ng 2 milyong litro ng gatas bago matapos ang taon upang makasabay ang bansa sa ASEAN Economic Integration na ayon kay DR. Del Barrio ay maaring mangyari sapagkat ngayon nga lang ay nakapagpo prodyus na ng 1 milyong litro ng gatas ng kalabaw, sa Nueva Ecija pa lamang lalo na umano kung maita tap ang lahat na mahikayat na mag alaga ng kalabaw na magpapagatas, tiyak na mare-realized ang nasabing hangarin.///mike balaguer

Naunang Tumulong ang DAR

Kinilala ni Mayor Viscuso De Lira ng Balangiga, Eastern Samar na ang Department of Agrarian Reform (DAR) ang unang ahensya ng national government na tumugon sa panawagan ng kanilang bayan sa pangangailangan na restoration at rehabilitation pagkatapos ng bagyong “Yolanda” na lumikha ng malawakang delubyo sa Samar at Leyte nuong November 8 ng nakaraang taon.

Ginawa ni De Lira ang pahayag na ito nuong ang Agrarian Reform Secretary Virgilio de los Reyes ay bumisita sa kanilang bayan may dalawang buwan na mula ngayon pagkatapos ng bagyo at nakipagkita sa mga agrarian reform beneficiaries (ARBs) at iba pang lider magsasaka buhat sa mga agrarian reform communities (ARC) sa bayan na ito at sa kalapit na bayan ng Lawa-an para sa pakikipagtalakayan at konsultasyon upang kilalanin ang mga pangunahing pangangailangan na kabilang sa restoration and rehabilitation plan ng mga nasirang ARCs.

Binanggit ni De los Reyes na may karagdagang pondo para sa mga binagyong lugar. Nais niyang malaman kung tama ang survey na kanilang isinagawa kamakailan at narinig sa mga apektadong ARBs ang mga agarang pangangailangan at Makita na rin niyang personal ang laki ng pinsala upang ma justify ang mabilis na paglabas ng pondo o gumawa ng tamang pagtutulungan sa mga apektadong local government units (LGUs).

Ang ibang pangangailangan ay maaring matugunan hindi ng government agencies at organizations na nakasasakop kundi ng iba sa mga kalapit nito, ayon sa kalihim. Ang mga aktibidad ng Restoration at rehabilitation ay darating kung ang relief operations, ay natapos na kadalasan tuwing apat na buwan. Inaasahan ngayon ng DAR ang susunod na 18 months bilang recovery period sa mga apektadong magsasaka.

Kabilang sa mga pangunahing pangangailangan ng mga magsasaka na kanilang ipinrisinta sa dalawang oras na talakayan ay ang pag aayos ng kanilang mga kabahayan at pasilidad sa post-harvest, materyales sa pagtatanim at iba pang farm inputs, paglilinis ng kanilang mga lote, pagsasa ayos ng irigasyon at oportunidad pangkabuhayan.

Binisita rin ni De los Reyes also ang mga bayan ng Basey at Marabut sa Samar at nakipagkita sa mga lider magsasaka pati ARBs upang talakayin ang mga plano sa restoration at rehabilitation.

Samantala ipinaliwanag naman ni Regional Director Eliasem Castillo na kanilang prayoridad ang mga malalang binayo na ARCs at sinabing ang DAR ay kasalukuyang nakikipag usap sa mga international organizations upang tiyakin ang panggagalingan ng tulong para sa mga nasabing lugar. Hinikayat ni Castillo ang mga magsasaka na iangat ang sarili at lagpasan ang mga pagsubok at maging matatag lalo ay huwag umasa sa bigay.  (mike balaguer)

SAMANTALA,

P23.4 Million halaga ng kalsada ipinagkaloob ng DAR sa Zamboanga del Sur                                  

Kamakailan ay ipinagkaloob ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang tinatayang P23.4-million halaga ng farm-to-market road  sa Zamboanga del Sur upang palakasin ang agricultural at economic activities ng mga magsasaka ng municipality of Josefina.

Ayon kay Regional Director Julita Ragandang ang rehabilitated na nine-kilometer road, na matatagpuan sa Josefina Highland Cluster agrarian reform community (ARC), kung saan makapagbibigay sa mga magsasaka ng madaling access patungong palengke upang makapagbukas ng bagong mga negosyo para sa kanilang produkto.

Ayon kay Ragandang ang nasabing infrastructure project ay implemented sa ilalim ng Agrarian Reform Communities Project Phase II (ARCP2) kabalikat ang Provincial government at local government unit (LGU) ng Josefina. “The cost sharing for the farm-to-market road is 50/50 between the LGU and the ARCP2 funded under Asian Development Bank (ADB),” dagdag pa niya.

Pahayag pa ni Josefina Mayor Fe Pitogo na magiging madali sa mga magsasaka na dalhin ang kanilang mga produkto sa pamilihan kahit buhat pa sila sa malalayong bahagi ng nasabing bayan.

Payo pa ni Pitogo sa mga makikinabang na habaan ang buhay ng kalsada at ang mga barangay officials naman na tagapangalaga ay dapat na tiyakin na alagaan ang daan para sa mga susunod na henerasyon.

Binati naman ni Governor Antonio Cerilles an at pinayuhan ang mga magsasaka na makibahagi sa mga programa ng gobyerno na ibinababa sa kanilang lugar. (mike balaguer)

KAUGNAY NITO

SRA, DAR nagsagawa ng mapping at soil-sampling para sa tubo block farms

Nagtulungan ang Sugar Regulatory Administration (SRA) at ang Department of Agrarian Reform kamakailan sa pagsasagawa ng mapping at soil-sampling sa ipinapanukalang lugar para sa Sugarcane Block Farming Project ng DAR at SRA sa Polangui, Albay.

“To map out the 30 hectares of sugarcane farms in Polangui, a Global Positioning System (GPS) was used for accuracy. Soil sampling was also conducted to determine if the Ming variety of sugarcane, which SRA suggested the farmers to plant, will be best on these soils. And we found out that the type of soil here is indeed good for the Ming variety,” pahayag ni DAR Regional Director Luis Bueno, Jr.

Ayon kay Bueno, ang 1.5-ektaryang demo farm ay ilalagay kung saan ang mga SRA experts ay ipapakita sa mga magsasaka ang bentahe at potensyal ng pagtatanim sa Ming variety.

“Trainings and study missions to other sugar block farms will also be provided to farmers to enable them to appreciate the technologies adopted by other sugarcane farmers in the country,” dagdag pa ni Bueno. (mike Balaguer)

Umiray muling nagka ugnay dahil sa matibay na tulay ng JICA at DAR ayon sa nagdisenyong Hapones

Muli na na-reunite ang Aurora at Quezon kamakailan matapos magkita ang mga Mayor, Bgy. Captain at representante ng kani kanilang LGU sa turn over ceremony ng isang tulay na ginawa sa pakikipagtulungan ng bansang hapon at ng Pilipinas.

Hindi lang para sa mga Agrarian Reform Beneficiaries ang tulay ng Umiray ayon sa Department of Agrarian Reform kundi pati na rin sa ibang residente kapwa ng Bgy. Umiray sa Gen. Nakar, Quezon at Dingalan, Aurora.

Matibay ang tulay at idinisenyo ito na akma sa lugar gaya ng Pilipinas na minsan ay nalilindol, gaya ng bansang Hapon ayon it okay Keiji, Sasabe P.E Jp APEC Engineer (civil) ang President and CEO ng TCI Engineering International Co. Ltd sa panayam ng www.diaryongtagalog.net kaya walang dapat alalahanin ang mga mamamayan, hindi dahil bagong gawa pa ito aniya ngunit dahil nasa standards ang pagkalikha nito mula sa disenyo pa lang hanggang sa konstruksyon.

Bukod sa LGU ng Quezon at Aurora ay naroon rin sina DAR USec. Jerry E. Pacturan, Congresswoman Belaflor Angara-Castillo ng Aurora, AFP Commander ng 7th Infantry Division na si MGen Hernando B. Iriberri, AFP Commander ng 703rd Infantry Brigade na si BGen. Vic C. Castro. (mike balaguer)

CARPER, kontra magsasaka-mga hasyenderong nangangamkam ng lupa, papanagutin-SAMBAT (huling bahagi)

MALAPIT sa bundok Batulao ang nasa 2,400 ektaryang Hacienda Puyat, saklaw nito ang 21 barangay na gagawing tourism project. May ilang bahagi na rito na napalayas ang mga magsasaka at dinala sa relocation site na tinawag nilang Bangladesh dahil ang mga tao umano duon ay bangla o nakatunganga.

Walang trabaho at serbisyong panlipunan para sa mga tao sa kabila ng mga pangakong babayaran ang mga ito ngunit matapos ang paunang bayad ay di na ito nasundan. Binakuran ng debeloper na Sandari ang ilang bahagi nito at pinagbawalan na ang mga tao na pumasok sa loob nito at magtanim kahit di pa naman nadedebelop ang lupa at ang mga magsasakang pinalayas ay di pa nababayaran ng husto.

Napakaraming butas ng CARP at ang ekstensyon nitong CARPER para lamang humaba pa ang pagmamani obra ng mga panginoong may lupa upang tuluyang makamtan ang mga lupang dapat sana ay sa mga magsasaka na.

Malinaw ang pagiging inutil ng mga ahensyang dapat sana ay naglilingkod sa mga mangingisda at magsasaka. tuluy-tuloy ang pagbibigay ng Environmental Compliance Certificate (ECC) at mga conversion order pabor sa mga debeloper at panginoong maylupa habang nakasalalay ang buhay at kabuhayan ng mga mamamayang Batanguenyo sa mga lupaing agricultural at mga pangisdaan sa mga karagatan.

Habang matindi ang pangangamkam ng lupa at krisis na nararanasan ng mga mambubukid sa Batangas mabilis naman tumaas ang halaga ng pangunahing bilihin lalo ang bigas.

Sumirit ang halaga nito buhat sa 30 pesos patungong 40 pesos habang ang kalihim ng DA na si Proceso Alcala ay sangkot rin sa kontrobersyal na pork barrel scam. Ang mga tiwali sa loob ng pamahalaan ay nananatili pa rin sa poder at kumukurakot sa kaban ng bayan.

Habang naghihirap ang masang batanguenyo, milyun milyon ang kinukurakot ng mga alipores ni Pangulong Benigno S. Aquino III. Kamakailan lang ay sumabog ang bagong bahong itinatago sa katauhan ni Janet Lim Napoles sa Pork barrel Scam ngunit nakaligtas si Pnoy na siyang may pinakamalaking Pork Barrel sa lahat (abdul malik ismail)

 

Abaca at mga gamit nito, showcase sa Abaca Fiesta ng BCARRD at PCAARRD

Pagdiriwang ukol sa mga silbi ng abaca sa Kabikulan gayundin ang mga interbensyon ng agham at teknolohiya upang mapag ibayo pa ang produksyon at kalidad nito ang pangunahing inikutan ng Abaca Fiesta sa lungsod na ito na ginanap sa campus ng Bicol University sa lungsod na ito.

Pinangunahan ng Bicol Consortium on Agriculture Resources Research and Development (BCARRD) ng Philippine Council for Agriculture Aquatic and natural Resources Research and Development (PCAARRD-DOST) ang nasabing okasyon kung saan imbitado di lang ang akademya at sector ng agham at teknolohiya kundi pati ang sector ng agrikultura at pamahalaang lokal.

Ang puno ng Abaca na may pangalang pang agham na “musa textiles” ay isang halamang kamag anak ng saging at tumubo sa mga lugar na medyo mainit at volcanic ang lupa gaya ng kabikulan.

Napakaraming fiesta o mga ipinagdiriwang na okasyon ang mga Pinoy ngunit ang kakaiba sa Abaca Fiesta ay ang nasabing halaman ay lubhang maraming silbi di lang sa mga Bicolano kundi pati sa buong bansa sa ibati ibang paraan gaya ng fibers o sa paglikha ng tela.

Kabilang sa mga nagsilbing panauhin sa dalawang araw na selebrasyon (Nobyembre 28-29) ay sina Albay Governor Joey Salceda, Dr. Patricio S. Faylon ng PCAARRD-DOST Executive Director, Legazpi City Mayor Noel E. Rosal at Dr. Helen M. Llenaresas na Vice President for Academic Affairs ng Bicol University. Ginagamit rin ang abaca sa paggawa ng ating pera bilang panghalo sa security paper nito.(Mike Balaguer)

Katangi-tanging magsasaka ginawaran ng parangal, PAGSASAKA HINDI TRABAHONG PANG MATANDA

BINIGYANG parangal ang mga katangi-tanging magsasaka sa bansa kamakailan pati ang mga dalubhasang nasa likod ng pagsusulong ng sector agrikultura sa bansa lalo ang may kaugnayan sa agham at teknolohiya. Ginanap ang TOFARM o the outstanding farmers of the Philippines kung sann mga magsasaka, mangingisda at may negosyo sa paghahayupan ang kabilang sa mga nominado kabilang rin ang mga sector na tumutulong upang iangat ang sector agricultural.

Kabilang sa nagwagi ay si Revenald Quizon ng San Ildefonso Bulacan sa Young Farmer Category, patunay na di lamang kapag tinawag na magsasaka ay mga may edad na. Binigyan siya ng parangal dahil isa siyang kabataang magsasaka sa gitna ng karamihang nakatatanda na sa pagbubukid.

Ang nasabing taunang aktibidad na nasa ikalawang taon pa lang ngayon ay buhat sa pakikipagtulungan ng Junior Chambers International, Universal harvestwers at ng Department of Agriculture. Isa sa nagsilbing hurado sa nasabing paggawad ay si Dr. Eufemio Rasco, ang Executive Director ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice) ng Department of Agriculture (DA), isang miyembro ng National Academy of Science and Technology (NAST) ng DOST. (M Jane O. Balaguer)

CARPER, kontra magsasaka-mga hasyenderong nangangamkam ng lupa, papanagutin-SAMBAT (ikalawang bahagi)  

HUMIGIT kumulang 13,000 ektarya ang lupain ng mga Zobel sa Calatagan at sa buong bayan dapat itong maipamahagi sa mga magsasaka at mangingisda. Nuong 1986 idineklara ng korte suprema na ang 2,000 ektarya na saklaw ng baybay dagat ng Calatagan na binubuo ng 19 barangay ay pag aari ng mga mamamayang nakatira duon.

Ngunit ayon sa DENR, ang 2,000 ektarya ay nasa 1,200 na lang at lumalabas na ang 800 ektaryang mahigit ay naipagbili na sa Zobel at sa ibat-ibang panginoong may lupa at debeloper na nakapuwesto ngayon sa baybayin ng Calatagan at pinalalayas pa ang mga mangingisda at magsasaka na nakatira sa sa baybay gaya ngayon sa Bgy. Talisay matapos idemolis ang mga kabahayan umabot pa sa puntong kasuhan ng isang retiradong hukom ng Court of Appeals ng Illegal entry, enciting to sedition, arson at paninirang puri ang mga ito.

Ang mga lider magsasaka sa Santiago ng Bgy. Sambungan ay kinasuhan naman ng DENR dahil sa pangangahoy, habang sa Bgy Hukay matapos na ipaputol umano ng mga tauhan at military ni Donya Rosanna Sy ang bakawan sa baybay dagat ay hindi kinilala ang isinampang kaso ng mga mangingisda at magsasaka dahil wala umanong sapat na batayan.

Dalawang lider rin ang tinangkang patayin ng mga goons at military umano nina Rosanna Sy at Zobel, samantalang ang malawak na lupain ng pamilyang Zobel ay hindi kailanman nasaklaw ng reporma sa lupa kahit sa mga panahon nina Marcos, Aquino at hanggang sa kasalukuyan dahil sa diumano katangian nito na alagaan ng hayop at batay sa batas ay di ito kabilang sa irereporma sa lupa.

Matapos ang 40 araw na pagkilos ng Samahan ng mga Mambubukid sa Batangas (SAMBAT) sa DENR napilitang magbigay ng pahayag ng dati ay DENR Secretary Lito Atienza na kanilang ipakakansela ang titulo ng lahat ng mga nakabili ng lupa sa saklaw na 2,000 ektarya sa Calatagan at muling susukatin upang ipamahagi sa tao, pero hanggang sa kasalukuyan ay wala pang nakakansela dahil sa diumano ay hindi pa nakikita ang mga titulo ng mga nakaposisyon na saklaw nito.

Noong 2010 naglabas ng pinal na desisyon ang korte suprema kaugnay sa pagmamay ari ng mamamayan ng 2,000 ektarya na saklaw ng lupain ng pamilyang Zobel ngunit hanggang ngayon ay di pa naiimplimenta ang nasabing desisyon. Ang huling bahagi ay sa susnod (abdul malik ismail)

DAR nagsimula nang ipamahagi ang mga titulo ng lupa sa mga mangagagawa ng Hacienda Luisita

SINIMULAN na ng Department of Agrarian Reform na ipamahagi ang mga certified true copy ng mga titulo ng lupa sa mga mangagawang benepisyaryo ng Hacienda Luisita. Halos 600 na benepisyaryong mangagawa sa tubuhan ng barangay Pando ang nabigyan ng certificate of land ownership award (CLOA), ito ay ipinagkaloob sa isang payak na seremonya na ginawa sa covered court ng nasabing barangay.

Ayon kay DAR Secretary Virgilio Delos Reyes, ang buong proseso ng pamamahagi ay aabot ng tatlong linggo dahil ang bilang ng mga Farme Worker Beneficiary (FWB) na pagkakalooban ng lote, habang ang mga nakapagbigay na ng mga tamang dokumento ay iri rehistro na sa registry of deeds ng kanilang lalawigan.

Ang CLOA ng 5,800 sa 6,212 na mga benepisyaryo ay rehistrado na sa registry of deeds, marami ang umaasang maire rehistro bilang benepisyaryo ang lumapit upang tanggapin ang kanilang sertipikasyon sa alokasyon ng lote at lagdaan ang kanilang APFUs.

Sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Law magbabayad ang mga agrarian reform beneficiary para sa mga loteng ipinagkaloob sa kanila sa pamamagitan ng CARP sa loob ng 30 taon.sabi naman ni Delos Reyes, ang halagang babayaran ng mga benepisyaryo ay abot-kaya.

Niliwanag niyang ang amortization payment ay hindi 70,000 kada taon bagkus ang kabuuang kabayaran ng lupa sa loob ng 30 taon ay humigit kumulang 75,000. Sinabi pa niyang sa unang tatlong taon, ang mga benepisyaryo ng Hacienda Luisita ay magbabayad lamang ng 730 pesos kada taon o 61 pesos kada buwan. Sa pang apat at panglimang taon magbabayad na sila ng humigit kumulang 1,410 pesos kada taon o 118 kada buwan habang sa ika anim hanggang 30 taon ay humigit kumulang 2,770 kada taon o 230 kada buwan pahayag ng kalihim.

Ang kasunod ay ang paglalatag ng mga hangganan sa bawat lote ng mga benepisyaryo o ang paglalagay ng muhon sakaling ang lupa ay maisaayos na at mataniman ng produkto. Ipinaliwanag muli ng kalihim na sa kasalukuyan ay di pa ito maisasagawa dahil ang mga lote ay natatamnan pa ng tubo at di pa posibleng maglagay ng muhon, dagdag pa niyang maari namna umano itong maisakatuparan pagkaraan ng anihan o ilang linggo pagkatapos.

Tiniyak ng kalihim sa mga benepisyaryo ang suporta ng kagawaran sa kanilang paglipat bilang may aring magtatanim. Ipinagkaloob ng DAR ang mga iskedyul para sa susunod na pamamahagi ng CLOA, mula Oktubre 1 sa Motrico, Oktubre 2 sa Lourdes, Oktubre 8 sa Parang, Oktubre 9 sa Mabilog, Oktubre 10 sa Bantog, Oktubre 15 sa Cutcut, Oktubre 16 sa Asturias, Oktubre 17 sa Balete at Oktubre 18 sa Mapalacsiao. (M Jane Balaguer)

CARPER, kontra magsasaka-mga hasyenderong nangangamkam ng lupa, papanagutin-SAMBAT (unang bahagi)

MAYAMAN sa likas na kayamanan ang lalawigan ng Batangas ngunit ang mga Batanguenyo ay naghihirap bunsod ng samut saring pagsasamantalang likha ng mga malalaking debeloper at panginoong may lupa. Apat na mga malalaking hasyenda ang matatagpuan sa unang distrito ng lalawigan kabilang ang Hacienda Looc, Roxas, Puyat at Zobel.

Ang 8,650 ektaryang Hacienda Looc sa Nasugbu ay ibinenta umano ng buo ng Asset Privatization Trust sa Manila South Coast Development Corporation na pagmamay ari ni Henry Sy sa kabila ng mahigit 5,821.4 ektaryang saklaw ng PD 27 ng Pangulong Marcos at RA 6657 o Comprehensive Agrarian Reform Program at naipamahagi na sa 2,132 magsasaka.

Ito ay sa kabila rin ng paglipat ng APT sa DAR nuong June 28, 1990 at ang kontrol sa pagmamay ari ng Hacienda Looc ay sa CARP. Isang pagaaral tungkol sa kaangkupan ng lupa ang ginawa ng Joaquin Cunanan and Company, isang kumpanyang inatasan umano ng APT na kasalukuyang may ugnayan sa USAID para maglabas ng plano tungkol sa paggamit ng lupa sa Hacienda Looc. Nagsagawa ang APT ng public bidding nuong Disyembre 8, 1993 at dumagsa ang mga debeloper upang alukin ang mga magsasaka na ipagbili ang kanilang mga lupa

. Ngayon, naninindigan ang mga magsasaka sa Hacienda Looc sa kabila ng patuloy na militarisasyon sa lugar at naka ambang pagpapalayas sa kanila ng MSDC. Nagpasikot-sikot man ang dinaanan ng Hacienda Roxas sa sinasabi nilang “reporma sa lupa” at nililinlang umano ng ng pangkat ng umano ay Roy Mahinay-DAR-Roxas ang mga magsasaka, ipinalalabas nilang ang naturang mga lupang nakuha ay sakop ng CARP ngunit maging ang mga hawak na CLOA ng mga benepisyaryo ay di matukoy kung saang bahagi ng hacienda naroon.

Ang kapwa magsasaka ay nag aagawan sa lupa habang naililigtas naman ang panginoong maylupa na si Don Pedro Roxas na siyang pangunahing nangangamkam ng lupa sa mga magsasaka. napakaraming excemption ng CARP upang di tuluyang maipamahagi ang lupa sa mga benepisyaryo.

Desperadong hakbangin umano ng pangkating Mahinay na kasuhan ang kapwa nila kasamahan, lider at miyembro ng DAMBA upang mailigtas ang kanilang mga pakulo habang nagugulo naman ang maliliit na magsasaka para pag agaw agawan ang umano ay pakinabang ng huwad na reporma sa lupa. May karugtong pa (abdul malik ismail)

Manila Hemp,    inobasyon ng Test kit

Ang Abaca o Manila hemp (Musa textilis Nee) isa sa pinaka major dollar earner ng Pilipinas sa kabuoan export sa lhat ng klase ng abaca na umaabot sa  US$104 milyon nakaraan taon sa bayan ng Baybay, Leyte. Ang  abaca bunchy top virus (ABTV)  makakapuksa sa buong plantasyon ng abaca na lubos na nakababahala sa Silangan Rehiyon ng Visayas  na pinakamalaking produser ng abaca sa bansa.

Ang pangunahing component ng diagnostic kit ay may antiserum na ginagamit na makadetek  ng virus.   Mas epektibo proseso kumpara sa paggamit ng microcentrifuge tubes.             Mas madaling Makita ang magsasaka at field workers. Edgardo E. Tulin, Ruben M. Gapasin, and Zenaida Ecleo sa isinagawang test kit.

Malaking pagkakaiba sa presyo ng lokal kit na 30.79 pesos at commercial kit na nagkakahalaga ng 699.00 pesos. Upang mapuksa ang pagkalat ng disease mahalagang sa una pa lamang ay matukoy na ng maagapan ang pagkalat ng disease sa halaman at magpapayabong sa produksyon ng abaca.(emjei olvina).

Ulang pwede na sa bakuran; Faylon bilang ACIAR-PAC member itinalaga ng Australian TM at 11M Farm Project para sa 250 magsasaka sa Agusan del Norte ipinagkaloob

ANG (Macro0bachium Rosenberg)  “ulang” o “uwang” ayon kay Benjamin G. Gerona, Jr. isang magsasaka siyentista ng Buac Gamay sa Sogod, Southern Leyte na maaring sa bakuran.  Kung dati ang “tilapia” sa sakahan , pwede na ang produksyon ng  ulang sa bakuran pandagdag kita. .

Sa pagsasaliksik nina Veronica L. Reoma, Nestor O. Morales, and Tamar Mejia, Jr Southern Leyte State University (SLSU) para pagtuunan ang demand ng ulang sa Mercado. Ang Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development (PCAARRD) pinondohan ng STBF proyekto

. Ang proseso at preparasyon ng 300-m2 at sa tamang pamamaraan ng tubig isa sa mahalagang factor sa pagkabuhay ng mga ulang. Kaugnay nito, Nireappoint ng Ang Australian Minister of Trade si Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development (PCAARRD) Executive Director Patricio S. Faylon bilang miyembro ng member of the Australian Centre for International Agricultural Research’s (ACIAR) Policy Advisory Council (PAC) Epektibo ang pagkakatalaga kay Faylon sa pag apat na termino bilang miyembro ng PAC hanggang 2014.

Sa opisyal na liham ng Australian Trade Minister Craig Emerson binigyang diin ang kahalagahan  ng Pilipinas sa pamamagitan ng, PCAARRD, na ka partner  ng ACIAR sa pagkamit ng tagumpay sa pagpapalinang pang agrikultura. Samantala, 11-million na farm-to-market road sa Barangay Baleguian at  Jabonga, Agusan del Norte. Ayon kay DAR Regional Director Faisar Mambangkat madali para sa mga magsasaka ang maiangkat ang mga produkto sa pagsasagawa ng   1.9-kilometer kalsada na magkokonekta sa  barangays of Baleguian and Bagang.

250 agrarian reform na nagtatanim ng bigas ang garantisadong mabibiyayahan ng mas mabilis at comportable na transportasyon  “Pinonduhan ng Agrarian Reform Infrastructure Support Project (ARISP),  ” Mambuay said. Positibo sa mga proyekto sa ikatataas ng ekonomiya dahil sa mas madaling paraan mula sa mga pamilihan ang magbibigay ng malaking oportunidad sa komunidad na magbukas ng mga negosyo ayon kay Jabonga Mayor Glicerio Monton.

“The realization of concreting this road is one of our most cherished dreams. This project speaks of the government’s effort in alleviating the poverty in the countryside. As for our part, we will ensure that this road will be maintained well to last for decades,” pahayag ni Monton. (m. jane balaguer)

Mga Magtatanim ng Kawayan Sinanay ng PCAARRD-DOST

SINANAY ng mga dalubhasa sa ilalim ng Philippine Council for Agriculture, Aquatic and natural Resources Research and Development ng Department of Science and Technology ang mga magtatanim ng kawayan kamakailan sa pamamagitan ng kanilang Science and Technology Based Farms Project nito.

Isinagawa ang pagsasanay sa regions 1, 3 at 6 kung saan 342 magsasaka ang nakibnabang sa kanilang proyekto, Ilocos Norte, pampanga at Iloilo ang mga naging venue. Layunin nitong magkaroon ng masaganang ani ang nasabing damo kahit sa mga lugar na taal na pinagtatamnan nito.

Ang serye ng naturang mga pagsasanay ay buhat sa mga proyektong pinagtulungan ng Mariano Marcos State University, Pampanga Agricultural College at ng Department of Environment and Natural Resources sa kanilang Ecosystems Research and Development Service ng Region 6.

Ang kawayan ay nakukunan ng mga raw materials na ginagamit bilang muwebles, pagkain at iba pang mga kapaki pakinabang na gamit na inilalabas rin sa ibayong dagat. Kabalikat rin ng ahensya ang lokal na sangay ng Department of Trade and Industry. (Mary Jane Balaguer)

Industriya ng cacao sinuportahan ng PCAARRD-DOST

KABILANG ang industriya ng cacao sa Industry Strategic Science and Technology Plan ng Philippine Council for Agriculture Aquatic and Natural Resources Research and Development (PCAARRD-DOST) dahil anila ito ay isang mahalagang produktong pang agricultural. Layuning palakasin ang interbensyon ng agaham at teknolohiya sa nasabing produkto dahil kailangan na ng industriya nito.

Nabatid na umaani lamang ng 15, 000 mtriko toneladang cacao ang bansa kumpara sa Vietnam na may 50,000 at lumalabas na ang ani ng bansa ay maikukumpara lamang sa 500 kilogram ng tuyong cocoa beans kada ektarya. Ito ang suliraning kinakaharap ng  bansa na kung di masusulusyunan ng agham at teknolohiya ay mahuhuli tayo sa produksyon at tuluyang maiiwan kaya sa ginanap na workshop ukol sa sa interbensyon ng agham sa industriya ng cacao, tinuruan ang mga stakeholders ng mga dapat nilang gawin upang makasabay ang bansa sa demand ng pandaigdigang pamilihan.

Kabalikat sa nasabing workshop ay ang University of the Philippine Los Banos, Department of Agriculture at mga ahensyang nasailalim ng kagawaran ng pagsasaka at agahm. (Mary J Balaguer)

Organikong herbisidyong buhat sa apog na gawa ng SINOCHEM

NAKAREHISTRO na sa Fertilizer and Pesticide Authority ng Department of Agriculture ang isang herbisidyong buhat sa apog na likha ng kumpanyang Sonochem, isang purong organikong pamatay damo alinsunod sa itinatadhana ng batas tungkol sa organikong pagtatanim.

Ang nasabing pamatay damo ay ginawa galing sa apog (calcium carbonate) isang mineral na karaniwang ginagawang nga-nga ng matatanda atmateryal pang road work sa mga kalsada. Ang bias nito ay gaya lang rin ng karaniwang kemikal na herbisidyo liban sa ilan pang features gaya ng pagpatay ng mga damo sa paligid ng panananim habang di ginagalaw ang mismong halaman, di naa apektuhan ang tubo nito, di siya maa apektuhan ng sobrang init o lamig at higit sa lahat ay di agad nahuhugas kapag na lubog ang pananim o binaha.

Ang brand name nito na Purshade ay may layon na protektahan ang halaman ngunit patayin ang mga damo na pumepeste sa pananim. Dapat na may sapat lang na natatanggap na init at tubig ang halaman kaya kailangan ang herbisidyo. Ang nasabing produkto ay maaring makatulong sa magsasaka na tumaas ang kita at maging sagana ang ani gayundin ay makatipid sa gastos. (MJ Olvina-Balaguer)

NOBAC, Nanguna para sa maka kalikasang sagot para sa suliranin ng paghahayupan

SA KABILA ng malaki ang naitutulong nang industriya ng paghahayupan para masulusyunan ang suliranin sa pagkain ng bansa, pinupuna pa rin ito ng marami dahil sa mga polusyong dulot nito sa kalikasan. Ang mga mabahong amoy buhat sa mga babuyan at manukan pati ang mga solusyong kemikal na ginagamit upang tanggalin ang amoy ang siyang unang napupuna na di masasabing maka kalikasan, apektado rin nito di lang ang kalusugan ng mga hayop kundi pati ng mga taong kakain sa karne ng mga ito.

Sa nakaraang mga taon, isang kumpanyang Pilipino ang nakapagbigay ng solusyong maka kalikasan upang labanan ang masangsang na amoy buhat sa operasyon ng mga babuyan at manukan sa paraang natural. Ang NOBAC ay isang organic based deodoriser at dissinfectant, napagtanto ng mga mambabababoy at mangmamanok na ang malinis na lugar ay magdudulot ng kakaunting may sakit na hayop at mga namamatay.

Dahil nga organiko, ito rin ay nagsisilbing sanitiser 95% na nakapagpapalayas ng mga langaw na nakasisira sa operasyon ng mga babuyan at manukan. Madali lang din itong gamitin, ihahalo lamang sa tubig at ii spray sa lugar, ang aplikasyon ay isa hanggang tatlong beses sa isang linggo. Ang isang litrong tubig lamang ay sapat upang I-treat ang 4,000 ulo ng manok at 400 baboy.

May matapang an kalidad ng pag disinfect at pagtanggal ng baho. May ibang benepisyo rin ito liban sa pagpapanatili sa kalinisan ng kapaligiran. Pinabababa nito ang libel ng ammonia na nagpapasigla sa maganang pagkain ng alagang hayop at pinabababa ang pangambang magkaroon ang mga ito ng mga sakit sa paghinga.

Ang mga dumi ng hayop ay maaring gawing pataba dahil ang acid nito ay na neutralise at ang pathogen ay naa alis. Sa pangkalahatan ay maraming benepisyo ang maaring maidulot ng NOBAC para sa sektor ng paghahayupan, sa kalusugan ng mga alagang hayop at kalaunan ay sa pagtaas ng kita, pati ang kontibusyon nito sa kalagayan ng kapaligiran, ayon kay Atty. John Paulo Roberto Calleja, Pangulo ng Planters Products Inc.

Ang NOBAC ay isa sa mga produktong likha at ibinibenta ng Pensol, isa ring subsidiary ng PPI. Kung ginagamit ang NOBAC sa paghahayupan o sa sektor na kauri nito, isa pang produkto ay ang PUFF, inaalis nito ang amoy sa bahay o tanggapan likha ng ating mga domestikadong alalga gaya ng aso at pusa.

Mga ihi, dumi kahit nasa harapan pa o di pa nililinis I-spray lamang nito ay maalis na ang amoy. Sa pulong balitaan na ginanap kamakailan kung saan ipinakilala ang nasabing mga produkto, kanilang ipinaliwanag na ang tanging inaalis lamang ng nasabing mga panlinis ay ang amoy na dulot ng bakterya kung kaya di ito maaring gamitin sa industriya, dahil di nito kayang alisin ang kemikal na amoy likha ng mga sinusunog na piyesa o bakal ngunit patuloy na pinag aaralan ng PPI ang posibilidad na makalikha ng pantanggal ng amoy na magagamit sa industriya ayon sa kanilang mga dalubhasa at representanteng nakibahagi sa nasabing paglulunsad at pulong balitaan.(mike n balaguer)

mga testimonya ng matalinong Juan ipinamalas ng PCAARRD-DOST

KAAKIBAT nang nakaraang pagdiriwang ng linggo ng agham na ginanap at natapos kamakailan, ginanap naman pagkatapos ang programa ng mga testimonyang ipinahayag ng mga magsasaka at mangingisda ukol sa ikinaganda ng kanilang kabuhayan sa tulong ng PCAARRD-DOST.

Tinaguriang “matalinong Juan, aasenso sa pagsasaka at pangisdaan” ang mga nagsipag participate ang Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development (PCAARRD) ng DOST at ang nasabing aktibidad ay para sa mga magsasaka at mangingisda. Buhat sa ibat-ibang bahagi ng bansa ang nakisalamuha sa mga dalubhasa na naging kabalikat nila sa maunlad na agrikultura at pangisdaan.

Ayon kay Dr. Patricio Faylon, Executive Director ng PCAARRD, isang malaking bahagi ng pag asenso ng bayan ang pag angat ng sektor agrikultural at lalo ngayong may malaking tulong ang kagawaran ng agham ay inaasahang lalong sisigla ang sektor at makatutulong sa mas maraming bilang nito lalo sa mga kanayunan. (Mary Jane Olvina-Balaguer)

“1 Bilyong” pondo sa insurance, inilaan sa 1532 magsasaka sa Quirino ng DAR

NAGLAAN ng 1 bilyon pondo ang Department of Agrarian Reform (DAR) para sa Certificate of Insurance Coverage (CICs) sa 1532 Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) sa lalawigan ng Quirino. Katuwang ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC), isang ahensiya sa ilalim ng Department of Agriculture ang DAR para sa libreng insurance ng mga benepisyaryo, mga dependent nila at mga pananim.

Ang proyekto ng Kagawaran ng Repormang Agraryo ay binubuo ng 272 magsasaka mula sa bayan ng Aglipay, 69 sa Saguday, 716 sa Diffun at 475 sa Madela ang nabiyayahan ng nasabing insurance coverage. Lumalabas na humigit kumulang na may milyung halagang insurance coverage ang kada agrarian reform beneficiary sa bawat agrarian reform community na maaring magamit upang maiangat ang kanilang kabuhayan. (Mary Jane Olvina-Balaguer)

Nu Moms (moringa) Malunggay di lang para sa nagpa pasusong nanay isa ring wonder gulay

MAITUTURING din na punong kahoy ng buhay di lamang ang punongkahoy ng Niyog (cocos nucifera L.)  kundi pati ang Malungay (Moringa Oleifera) na sikat sa mga nanay na nagpapasuso ng anak. Marami ng pag aaral ang Department of Science and Technology (DOST) particular ang Food and Nutrition Research Institute (FNRI) sa mga kahalagahang nutrisyunal ng nasabing madahong gulay.

Sa mga bitamina at mineral na taglay ng Malunggay naging kilala ito di lang isang masarap na sangkap sa mga lutuing pinoy kundi pati sa kanyang medicinal purposes. Pag sinamahan ng folic acid ang powdered malungay, maaring mas maging beneficial ito sa mga inang nagpapasuso ng sanggol, magpapatibay sa mag ina laban sa sakit at panghihina.

Sa ganitong dahilan inilunsad ng kumpanyang Corbridge ang food supplement na Nu Moms, pinagsama ang bisa ng Malunggay at folic acid para sa kalusugan ng ina at sanggol. Isang madahong gulay ang malungay na madaling patubuin kahit sa anong uri ng lupa ngunit nakakalungkot dahil sa laki ng demand nito bilang pharmaceutical component ay iilan lang ang nagtatanim nito ng malakihan ayon sa datos buhat sa Department of Agriculture. (michael balaguer).

Syensaya 2013, pagdiriwang ng NSTW sa LBSC kasama ang PCAARRD

KABILANG ang Philippine Council for Agriculture, Aquatic and natural Resources Research and Development (PCAARRD), isang sangay ng Department of Science and Technology (DOST) sa mga nakibahagi ng taunang pagdiriwang ng National Science and Technology Week.

Ang isang linggong magsisimula nang Ika-31 ng Hulyo ay inaasahang maglalaman ng ibat ibang programang magtatanghal sa mga resulta nang pinaghandaang mga aktibidad ng mga institusyong kabilang sa Los Banos Science Community.

Kabilang sa mga ito ay ang University of the Philippines Los Banos (UPLB), International Rice Research Institute (IRRI), mga sangay ng Department of Science and Technology (DOST) na may mga punong tanggapan sa loob ng UPLB campus, South East Asian Center for Graduate Studies and Research In Agriculture (SEARCA) at ilan pang pribadong institusyong pang edukasyon at pagsasaliksik.

Bukod sa nasabing mga aktibidad ng mga NGO’s, at pamahalaan ay itatanghal rin ang mga aktibidad ng mga mag aaral ng UPLB na may kinalaman sa agham at sa tema ngayon ng NSTW. kabilang sa inaasahang magiging bisita ay si DOST Sec. Mario G. Montejo at si PCAARRD Executive Director Dr. Patricio S. Faylon, mga science writers at broadcasters buhat sa Metro Manila sa pangunguna ni Mr. Ruel Pagcaliwagan ng Applied Communication Division ng PCAARRD-DOST. (michael n balaguer)

mga balitang pambukid at pangisdaan