pagsasaka

P411-Milyong proyekto ng DAR para iangat ang buhay ng magsasaka ng CARP

PAG ANGAT ng kabuhayan sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) rason sa pag apruba sa proyekto ng Department of Agrarian Reform (DAR) na kabilang sa Agrarian Reform Communities Project (ARCP) na 19 irrigation at farm-to-market road projects halagang P411.1-million para sa mga agrarian reform communities (ARCs).

Kahalagahang ekonomiko ng mga proyekto ang tutok ayon kay Agrarian Reform Assistant Secretary Dennis Barrantes, tagapangulo ng National Sub-Project Approval Committee (NSAC).  “The body realized that these projects are badly needed by the farmers in rural areas to improve the quality of their lives. For instance, the San Isidro ARC’s rice fields are heavily dependent on rain and the road leading to their farms is hardly passable by vehicles,” dagdag pa ni Barrantes.

Ayon kay Regional Director Eliasem Castillo malaking tulong ang mga proyektong ito sa mga  rehiyon na kinabibilangan ng 11 irrigation facilities at eight (8) farm-to-market roads, na nasa Regions 4-B, 5, 8 at 9 na popondohan ng Asian Development Bank (ADB).

Ang mga proyektong pang irigasyon ay matatagpuan sa Region-8 ay Bunacan Communal Irrigation Project sa San Isidro, Leyte, Cagnocot Communal Irrigation Project sa Villaba, Leyte; at ang Tabunok at Tagbawto Communal Irrigation Systems na nasa Hilongos, Leyte. Na may halagang P135.2-million. Habang 3 farm-to-market road sa 2 bayan ng Leyte at 1 sa Eastern Samar na may halagang P49.7-million, irrigation project at rehabilitation ng 1.74-kilometer Bawod-Paril farm-to-market road sa San Isidro.

Kaugnay nito ay may ginagawa pang construction ng 2.8-kilometer Capirawan-Gacao-Canhidoc-Arado road sa Palo, Leyte at Concreting ng 4.4-kilometer Cagaut-Cantomoja-Camanga-Carapdapan road sa Salcedo, Eastern Samar. (MJ Balaguer

Paglalakbay ng Bigas mula Bukid hanggang plato- national Year of the Rice 2013

PANGUNAHING produkto ng bansa ang bigas, bagaman tone tonelada ang inaangkat natin sa Vietnam ay nananatili pa ring malaki ang inani ng mga magsasaka taun taon.

Ito ang bahagi ng mga aktibidad ng Department of Agriculture at ng Philippine Rice Research Institute ngayong pandaigdigang taon ng bigas. Ipamamalas sa madla ang kahalagahan ng butil na pangunahing pagkain ng pinoy.

Bagaman sa pangkalahatan ay tila binabalewala ng marami ang kahalagahan ng bigas sa pamamagitan ng walang habas na pagsasayang at pagtitira sa plato ng mumo. Marami pa rin na pinahahalagahan ang halos tatlong buwang pag aantay ng magsasaka para anihin ang gintong butil.

Kabilang sa mga magsasalita ngayong Nov 25 na aktibidad nila sa Taguig ay sina Dr. Eufemio Rasco ng Philrice at USec. Emerson U. Palad ng DA. Matatandaang pangunahing adbokasiya ng nasabing sangay ng DA ang pagpapahalaga sa hirap ng pagpapatubo ng bigas.

Bunsod nito ay umabot pa sa puntong maglabas sila ng mga advertisement na may temang “palay, bigas, kanin, wag sayangin” kasama ang info-mercial sa video na binalak ilagay sa mga kainan at restoran. (MJ Balaguer)

————————————————————————————————————————–

Hydroponics sa palay, pwede! Ayon sa mga dalubhasa

SEMI AQUATIC plant raw ang palay at maari itong mapatubo sa mga extreme environments kaya ang konseptong patutubuin ito sa makabagong paraan ng hydroponics o farming technique na hindi gumagamit ng lupa ay isang malaking posibilidad.

Sa naging panayam ng diaryong tagalog kay Dir. Corinta Q. Guerta, Director for external Relations ng International Rice Research Institute (IRRI), bahagya silang gumagamit ng mga hydroponic techniques sa mga pagsasaliksik nila sa mga bagong varieties ng palay sa kanilang laboratoryo.

Kailangan pa rin umano ng palay ng lupa dahil ang mga sustansya na kailangan ng halaman ay hindi lahat makukuha sa tubig at kung dadagdagan ng mga nutrient solutions ang tubig na gagamitin, kailangang magpalit ng magpalit at magiging sobrang labor intensive ang pagpapatubo ng palay.

Maaring sa ibang bansa ay may mga pag aaral na at pasilidad upang maisakatuparan ang pagtatanim ng palay sa pamamagitan ng hydroponics ngunit sa bansa ngayon, kahit sa IRRI aminado silang wala pa tayong sapat na kakayahan at teknolohiya ngunit ito’y isang malaking posibilidad na magawa natin dahil ang mga magagaling na rice scientist sa mundo ay mga Pilipino ayon kay IRRI Deputy Director General Bruce Tolentino sa pagdiriwang ng nakaraang “Women In Rice Farming” na ginanap sa kamakailan.

Nabanggit ang tungkol sa posibilidad na ito nitong nakaraang National Science and Technology Week (NSTW) Expo Science 2013 sa presentasyon ng Philippine Council for Agriculture Aquatic and natural Resources Research and Development (PCAARRD), isang ahensyang nasa ilalim ng DOST kung saan isang siyentistang buhat sa America na tinulungan nila ang nag present ng modern farming techniques gaya ng aquaponics at hydroponics.

Ayon kay Dr. Sace, itinuturo niya sa Central Luzon State University (CLSU) ang hydroponics at aquaponics at layunin niyang di lamang sa gulat at prutas ito magamit kundi pati sa pagpapatubo ng palay.

Nitong kakaraang buwan ng Hulyo, kasabay ng pagdiriwang ng National Nutrition Month sa IRRI ay kanilang ginanap ang “Kanin Get It” program kung saan isinusulong nila ang wastong nutrisyon kabalikat ang National Nutrition Council at dito ay isinulong nila ang pagkain ng brown rice at ang mga benepisyo nito sa tamang nutrisyon. (michael . balaguer)

———————————————————————————————————————-

bahagi ng agrikultura na nagsasalaysay ukol sa pagtatanim

Leave a Reply

Your email address will not be published.