agham

 

 

ASEAN DENGUE DAY GINANAP SA PILIPINAS

REPRESENTANTE sa sektor kalusugan, mga mananaliksik sa agham at
medisinabuhat sa ibat-ibang bahagi ng Asya ang nagkita sa Clark,
Pampanga kamakalawa sa layuning labanan kundi man tuluyang mapuksa ang
sakit na Dengue.

Sa temang “ASEAN Unity and Harmony: A Key to Combat Dengue”. Kabilang
sa mga dumalo ay sina Dr. Maria Rosario Capeding ng Research Institute
for Tropical Medicine at si Mr. Guillaume Leroy, ang Vice President at
Dengue Vaccine Head ng Sanofi Pasteur, ang kumpanyang gumagawa ng mga
bakuna upang mapuksa nang tuluyan ang dengue sa mundo.

Sinasabing highly indemic sa Pilipinas at Mexico ang dengue ayon sa
mga presentasyong ipinakita ng mga eksperto sa medisina na dumalo sa
Asian Dengue day, kasalukuyang nagkakaroon ng mga Efficacy trials sa
sampung bansa, lima sa Latin America at lima sa asya kabilang ang
Pilipinas, Thailand, Indonesia, Vietnam at Malaysia.

Tinatayang 100 milyong doses ng bakuna ang kailangan kada taon sa
nasabing mga bansang sakop ng efficacy trials at ang mga bakun ay
ligtas at walang side effect kung saan ayon sa mga eksperto ay kahit
sa buntis pwede ito. Ayon kay Guillaume Leroy, tunay na kailangan ang
technological advances sa medisina o sa bakuna upang tuluyang mapuksa
ang mga sakit na gaya ng dengue.

Matatandaang bukod sa Department of Health ay mayroon ring mga
kaparehong pagsisikap at pagsusuri ang Department of Science and
Technology (DOST) upang labanan ang Dengue, kabilang dito ang mga
produktong nasa mga botika na ngayon gaya ng O/L trap. Sinasabing ang
sakit na dengue ay walang sinasanto, mayaman o mahirap ay maaring
dapuan nito at patayin nito kaya patuloy ang pagtutulungan sa
pagsasaliksik ukol sa mga paraan upang ito ay mapigilang kumalat. (Jane
Balaguer)

 

IMG_5457

 

Obando DRRMO handa sa baha, Atomic science awareness isinagawa sa Bataan at  Project Visits ng DOST sa Batangas

ISA ang Bayan ng Obando sa mga binabantayang lugar sa Bulacan pag may mga kalamidad na may kinalaman sa tubig. Ito ay sa dahilang sila ay kabilang sa mga coastal towns ng lalawigan na malimit malubog sa baha.

Sa naging panayam ng Pinoy Parazzi kay Mayor Edwin Santos ukol sa kung ano ang kanilang mga plano sakaling magkaron ng pagbaha, storm surge at tsunami, sinabi nilang una ay kailangan turuan ang tao na lumutang para madaling iligtas.

Bukod sa mga imprastruktura na kokontra sa paghakbang ng tubig mula sa karagatan patungo sa kanilang mga kabahayan, kapansin pansin ang itinaas ng mga daan sa nasabing bayan. Wika ng alkalde ay malaki ang naitutulong sa kanila ng mga makabagong teknolohiya dahil namo monitor nila ang mga babala buhat sa PAGASA, Phivolcs na tumutulong sa kanila upang mabawasan ang mapipinsala ng baha.

Samantala hindi pa rin nawawala sa bilang ng mga bansang may pinakamataas na halaga ng kuryente ang Pilipinas. Sa kabila ng mga pagnanais at pagsisikap ng gobyerno na maging abot kaya para sa mga imbestor ang halaga ng kuryente ay di naman halos nagbabago ang halaga nito.

Isa ang Nuclear Option sa long term roadmap ng gobyerno kung paano maiibsan ang kakulangan ng bayan sa source ng elektrisidad at pag nabanggit ang Nuclear, unang pumapasok sa isipan ay ang di gumagana at bayad nang Bataan Nuclear Power Plant o BNPP.

Sa pagtutulungan ng National Power Corporation (NPC), ng Philippine Nuclear Research Institute ng Department of Science and Technology (PNRI-DOST) ay muli na namang nag imbita sa mga nais matuto ng mga beneficial use of Atomic Science sa pamamagitan ng isang plant visit na ginaganap ngayon sa BNPP compound, Bagac, Bataan.

Sa nasabing study tour ay muli na namang ipapaliwanag ng mga dalubhasa ang mga beneficial at tamang pagkilala sa makabuluhang gamit ng Agham ng atomo. Bukod sa solusyon sa enerhiya at murang panggatong wika nga dagdag sa ating national grid, ilan sa kilala at ginagamit nang aplikasyon ng atomic science ay ang sa medisina, agrikultura at tubig.

Sa bahagi ng National Power Corporation sinisikap ng pangulo nito na si Ms. Gladys Sta Rita na matupad ang kanilang mandato na mabigyan ng suplay ng kuyente ang maraming lugar na madilim sa bansa habang sa PNRI at DOST sa bahagi ni Dr. Alumanda Dela Rosa ay ang pagkatuto ng madla na ang agham ng atomo ay hindi synonymous sa bomba o mapaminsalang paraan.

Kaugnay T Region 4a sa kanilang mga nabigayang tulong na entrepreneur sa bahagi ng Batangas kamakailan kung saan dinalaw nila ang mga kumpanya at mga negosyanteng tinulungan nilang umangat sa pamamagitan ng pagbigay sa mga ito ng sapat na teknolohiya. Isang mandato ng DOST sa pamamagitan din ng kanilang mga regional offices na ibahagi ang teknolohiya para sa kaunlaran ng bansa, ang DOST Region 4a ay pinamumunuan ni Dr. Alex madrigal.(Jane Balaguer)

Electric Jeepney Next Evolution Ng Pampublikong Transportasyon Suportado ng Transport Group

SINUSUPORTAHAN naman ng mga transport groups gaya ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association o FEJODAP at ng kanilang Partylist na 1UTAK ang nais gawin ng pamahalaan na i-modernized ang “hari ng kalsada” o ang jeepney.

Sa naging panayam ng Pinoy Parazzi kamakailan sa transport group ng mga jeepney, wala naman raw problema kung iutos ng gobyerno sa kanila na baguhin ang kanilang ipinapasadang jeepney, ang kailangan ngayon ay mabigyan muna ng solusyon ang kanilang kasalukuyang suliranin gaya ng halaga ng pamasahe, hindi lang para sa kanila kundi pati na rin umano sa kapakanan ng mga mananakay.

Binabalak ng pamahalaan na gawing electric jeepney ang mga pumapasadang jeep ngayon upang anila ay masolusyunan ang lumalalang problema sa polusyon. Nabatid na ang mga surplus na makina na karamihan ay ginagamit na diesel engines ng mga jeepney ang siyang sinisisi ng ilan na malimit magbuga ng usok, solusyon pangkapaligiran na pinag aaralan din ng mga eksperto sa DOST.

Bukod sa malimit ring nagiging dahilan ng pagkasira ng makina dahil mga segundamano ang mga ito. Sa pagko convert ng mga ipinapasadang jeep patungo sa electric jeepney mababawasan ang polusyon at ingay sa daan na ngayon ay likha umano ng lumang teknolohiya.

Isa lang ang napapansin ng mga tsuper at operator na bagaman hindi tutol ay kailangang i- address anila ang maraming isyu sa jeepney conversion, sabi ay mataas ang halaga ng isang unit lamang nito na hindi kakayanin ng mga mahihirap lang din namang operators at ang training para sat super sa pagmamaneho at mabagal raw ang electric jeepney kaya dapat na i-address ang bilis ng takbo.

Bukod sa mga availability ng piyesa na tiyak mas mataas kaysa sa kasalukuyang mataas nang halaga ng gulong atbp kasama pa ang palagiang panghuhuli ng ilang tiwaling enforcer ng trapiko sa daan, ayon kay Zeny Maranan, Pangulo ng FEJODAP, totoong next evolution ng jeepney ang pagko convert from diesel to electric ngunit ngayon ay kailangan munang i-address ng gobyerno ang mga pangunahing problema nila, mga kaparehong dahilan na hindi alam ng mamamayan kaya malimit binabalak nilang magkilos protesta o tigil pasada. (Jane Balaguer)

Transportasyon Binigyan Pansin sa Nagdaang Roundtable Discussion 

Binigyan pansin sa nagdaang Roundtable Discussion ang usapin patungkol sa transportasyon, dito nagsalita ang ilan sa mga dalubhasa pagdating sa pag develop ng transportasyon sa Pilipinas, at upang makapag bigay ng maayos at mahusay na pamamalakad, Sina Engineer Feliciano Pangilinan Jr., Deputy Director ng Department of Transportation and Communication (DOTC), Dr. Hussein Lidasan, Associate Professor ng UP Diliman, School of Urban and Regional Planning, Dr. Jose Regin Regidor, Director ng National Center for Transportation Studies, UP Diliman at Dr. Francis Aldrine Uy, Dean School of Civil Engineering and Environmental and Sanitary Engineering, Mapua Institute of Technology ay iminungkahi na sana ay magkaroon ng sapat na lugar at pondo ang Pilipinas pagdating sa pagsasaayos ng transportasyon.

Sinabi ni Engr. Pangilinan, Jr. ng DOTC na kung titignan ang estado ng ating mga daungan sa Pilipinas ay wala pa sa International Standards ang mga ito, tulad nalang nito ang Airpot Runway, Trailway at Seaport na kung saan ay gusto pa niyang mapaganda at mapalawak. At tulad din ni Engr. Pangilinan, Jr., Sinabi din ni Dr. Lidasan ng UP Diliman na gusto niyang mapaganda ang bawat lugar sa Pilipinas at na sana ay mabawasan ang problema sa traffic, kaya nais niya sana na magkaroon ng pagbabago pagdating sa usaping ito, At bukod pa dito nais niya din na mapaunlad pa ang RORO System sa Pilipinas upang mas lalo pang maging maganda ang kita ng Pilipinas. Sa kabilang banda ibinahagi din ni Dr. Uy, ng MAPUA na gumagawa sila ng experiment na kung saan ay makakatulong sa bawat Pilipino na mapadali ang transportasyon, tulad nalang dito ang GPS na kung saan magagamit mo o ng bawat Indibidwal upang maging madali o mapadali ang pagtungo o makita ang lugar na pupuntahan mo saan man sa Pilipinas, at sa kanilang pagaaral tinatawag nila itong Intelligent Transport System (ITS). At bago naman magwakas ang nasabing pagpupulong ay isang malaking katanungan ang kanilang iniwan sa isa’t isa at ito ay ang tanong na; kailan ba masosolusyunan itong problema na ito? Bagamat nalalapit na naman ang eleksyon, sa susunod ba na administrasyon ay matutulungan tayo sa ating ginagawang proyekto?

Ang nasabing pagpupulong ay ginanap noong Ika-6 ng Marso sa Bayview, Hyatt Hotel and Casino Manila sa pangunguna ng National Academy of Science and Technology, Philippines at ng mga miyembro nito sa pangunguna ng Chair of Engineering Sciences and Technology Division na si Dr. Reynaldo B. Vea, President of MAPUA Institute of Technology at Dr. Aura C. Matias, University of the Philippines, Diliman – Department of Industrial Engineering and Operations Research. (Rodel Paches-Cadion)

—————————————————————————————————————————-

Inventors’ group pushes for “Inventor of the Year” Award

The Filipino Inventors Society (FIS) is now moving for the Senate to select an Inventor of the Year annually from among the Philippines’ crop of talented technology whizzes.

This was announced by FIS Vice-President for Luzon, Inventor Manuel R. Dono, during the group’s General Membership Meeting and Annual Assembly last February 28, 2014 at the Department of Science and Technology (DOST) Executive Lounge, DOST Compound, Taguig City.

FIS, one of the oldest government recognized organizations in the country, is supported by DOST and housed within the building of the Technological Application and Promotion Institute, a DOST agency in charge of commercializing Filipino-made technologies.

The organization is now working for the selection of the first Inventor of the Year toward the end of the year, when the Senate will have its last session for 2014. “We would want to monitor the progress of the inventions of all inventors who would want to vie for the honorable slot given to any inventor for that matter,” Dono said.

He added that FIS in its next board meeting will come up with the timetable and criteria for the award, and discuss the cash prizes to be handed out.

 “If [somebody] qualifies, then we have to assess and re-assess if the qualifications are really right as far as the criteria are concerned,” he emphasized.“Of course we will be asking some government agencies, including DOST’s Science and Technology Information Institute, to help us in assessing and coming up with a good nominee for the position.”

At this stage, FIS has already identified the qualified inventors. “We have to tell them, ‘okay, you have to move faster, move decisively, to qualify,’”said Dono.

“We would want people to dream dreams and make good with their inventions. A lot of inventors have lost their enthusiasm, lost hope. It should not be like that. There is hope for as long as we live,” Dono concluded. (Angelica A. de Leon S&T Media Service, DOST-STII) 

————————————————————————————————————————————-

DOST’s DREAM Program Nominated in International Awards

Every Juan dreams of getting real-time weather data anytime, anywhere. The DOST therefore invested on a research project that will empower every citizen to make critical life-saving decisions using intelligent data from state-of-the art technology such as LiDAR (Light Detection and Ranging).  This is the Disaster Risk, Exposure and Assessment for Mitigation (DREAM) Program.

The DREAM introduced the use of LiDAR technology in generating high resolution 3D maps for hazard assessment and flood modelling. With the help of UK scientists, the DREAM team, led by Dr. Enrico C. Paringit of UP-National Engineering Center (UP-NEC), learned LiDAR technology, executed data acquisition, processing and validation in the last two years, and now transferring the results for use of LGUs and NGAs for infrastructure planning, resource assessment and post-disaster rehabilitation.  

LIDAR survey of 18 major river basins in the country has been accomplished in 2013, while completion of survey for the remaining 50% of the total area (100,000 sq.km.) is targetted to be completed in June. For 2014, DREAM will expand data acquisition from major river systems to the entire country and will involve 15 other universities and institutions. 

Today, high resolution 3D LiDAR flood hazard maps and flood inundation models for the  18 major river systems are available.  These maps are necessary for localized emergency response, identification of evacuation and access routes, road closures during disasters, siting of key resource facilities and comprehensive land use planning. Thus far, flood maps and early warning systems have been done for 48 provinces, 612 municipalities and about 40 million residents.  

The DREAM was also tapped to help the government in the post-disaster assessment of the Bohol Earthquake and super typhoon Yolanda in the Visayas Region last year. With updated and high-accuracy maps, the government can undertake quick response measures as well as post disaster assessment to help affected communities.  The DREAM is earning rave not only from LGUs but also media and the public who are now using the data from DREAM.

With such successful life-changing technology with immediate use and impact to every Filipino and anyone in the Philippines, the DREAM was nominated to the Geospatial World Excellence in Policy Implementation Award in Geneva, Switzerland.   

Geospatial World Awards has been conferring awards and recognition for exemplary innovations and practices in the geospatial industry. According to Dr. Hrishikesh Samant, Geospatial World Awards Coordinating Judge, the Geospatial World Excellence in Policy Award is given to policy makers and implementers whose work directly impacts in development of geospatial science technology and business. In the past four years, notable awardees of said award include the Standards Agentschap voor Geografische Informatie Vlaanderen (AGIV), Belgium for geospatial standards; Coordinating Agency for Federal Geographical Information, Switzerland for SDI; United States National Aeronautics and Space Administration (NASA) and NASA (Earth Science Division-Applied Sciences Program) for knowledge transfer; Indonesia Geospatial Information Agency (BIG) for Geospatial Information Act; and Kadaster, The Netherlands and Geonovum, The Netherlands for 3D Standards.  The Awards will be conferred during the Awards Evening of Geospatial World Forum 2014,on May 8, 2014 in Geneva during the Geospatial World Forum 2014.  ( Lyn Talingdan S&T Media Service, DOST PCIEERD)

——————————————————————————————————————————-

The government is mobilizing its resources starting next week to enhance capabilities of local communities across the country to deal with calamities the magnitude of typhoon Yolanda.

Science Secretary Mario Montejo told a press briefing that they will be bringing all their training resources to all the 17 regions this summer, from March 3, May 23, to work on the skills of local government official s in dealing with calamities — from risk monitoring, to planning and action.
“In this project of ours which we call ‘Iba Na Ang Panahon: Science for Safer Communities,’ we will teach them how to put science in disaster planning and preparation,” he said
 The activity is a joint disaster preparedness project of the Department of Science and Technology and the Department of Interior and Local Government, to be done in coordination with the Office of Civil Defense, in anticipation of potential hazards in the future.
Montejo said workshops have been lined up in every region, and all governors and mayors are enjoined to attend.
“We had been able to draw up scenario-based strategies and protocols in dealing calamities, from warning, response, to rehabilitation.  We are bringing them down to the provinces and municipalities, and there’s no other time to start than now. Summer is just around the corner, and we would rather make hay while the sun shines,” he explained.
Margareta Wahlstrom, the United Nations Secretary-General’s Special Representative for Disaster Risk Reduction, attended the press conference to express the UN’s support for the project.
The DOST will take charge of training participants on how to use their of disaster technologies, the DILG and the OCD will teach them on how to base their plans on scientific data provided.
 “Our objective is to increase the local risk knowledge of the local executives and the people in their communities, capacitate them to do an effective monitoring of a looming calamity, test their warning and communication protocols, and build their response capabilities,” he said.
The workshop should enhance the decision-making capabilities of local executives, and enable them to execute science-based and scenario-driven strategies whenever a calamity strikes, the science secretary said.
He said their training modules are based on the country’s experiences from Yolanda, and other calamities that occurred earlier.
The trainings will vary based on the hazard vulnerabilities of each locality.
“After these workshops, we expect local leaders and their communities to respond to our early warnings.   As we have been doing, we will continue providing early warnings, and we expect them to give early actions to attain zero, or only minimal damage and casualties whenever a calamity hits them,” Montejo said.

——————————————————————————————————————————-

 

16th PMO winners taga St. Jude  

Dalawang math wizards buhat sa St. Jude Catholic School (SJCS) ang nakakuha ng first at second na nanguna bilang mga nagwagi sa Philippine Mathematical Olympiad (PMO) ngayong taon.

Si Matthew Tan ang lumabas na national champion sa Awarding Ceremony ng 16th PMO na ginanap sa De la Salle University, Manila. Sinundan ito ng kanyang kapwa SJCS student na si Adrian Reginald Sy na nakakuha ng bronze medal ng nakaraang International Mathematical Olympiad (IMO). Sina Tan at Sy ay nag uwi ng P15,000 at P10,000, kabilang ang medals at trophies. Nagwagi rin ang kanilang coach na si, Manuel Tanpoco, ng P8,000 cash prize dahil sa nagwagi ang kanyang mga estudyante.

Ang nagwagi sa ikatlo ay si John Thomas Chuatak ng St. Stephen’s High School na nanalo ng P5,000 isang medal at trophy. Ang tatlong mga nanalo kabilang ang 17 pang PMO finalists, ay magkakaroon ng pagkakataong makipagtagisan sa 55thInternational Mathematical Olympiad (IMO) na gaganapin sa Cape Town, South Africa sa July 3-13, 2014.

Ang PMO, ang pinakamatandang kompetisyong pang mathematics sa bansa  na inorganisa ng Mathematical Society of the Philippines (MSP) sa pakikipagtulungan ng Department of Science and Technology – Science Education Institute (DOST-SEI).

Binati ni DOST Undersecretary Fortunato dela Peña ang mga nagwagi sa pag abot nila sa national stage. Malaki ang kanyang kumpyansa na magiging mas masigasig ang Philippine contingent sa IMO ngayong taon o mas higit pa nitong nakaraang koponan. 

“As finalists to this prestigious math competition, we believe that you are on the right track to become our much needed catalysts (in science and technology). Should you choose this path, we’re sure that you’ll be a big blessing not just to the science community but to the nation as a whole,” ayon kay USec..

“This is a crucial time for science professionals to take charge, and we hope that through a competition like this we are able to guide you into becoming part of that pool in the near future,” dagdag pa nito.

Lahat ng mga finalists ay magpapatuloy magsanay ngayong summer na pamumunuan ng mga coaches mula sa MSP. patuloy ang suporta na ipagkakaloob ng DOST-SEI sa PMO bilang bahagi ng atas nitong hubugin ang mga bagong henerasyon ng scientists at engineers na mangunguna sa bansa sa pagsulong tungo sa pag unlad ng agham at teknolohiya. (buhat sa detalyeng galing sa SEI-DOST at isinulat ni mike balaguer)

usec boy

Eco-Tourism at Environmental Protection ng DBF Isinusulong ni DOST USec. FDP

PINANGUNGUNAHAN ngayon ni DOST USec. Fortunato dela Pena, isang recipient ng prestihiyosong “Dangal ng Lipi Award” sa Bulacan ang Dangal ng Bulacan Foundation. Ang karamihang miyembro ay gaya niyang awardee na ginawaran ng Provincial Capitol dahil sa mga katangi tangi nilang ambag bilang Bulakenyo, pangunahin nilang programa ay ukol sa Ecological Tourism at Environmental Protection.

Isang mahalagang aspeto ng pag unlad ng bayan ang pagbuhay sa mga heritage sites ng bansa. Isang thrust ng Dangal ng Bulacan Foundation nina Dela Pena ang pangalagaan ang mga makasaysayang lugar sa Bulacan kaakibat nito ay ang pangangalaga sa kalikasan, bahagi ng programang 4E’s ng foundation (education, entrepreneurship, Eco-tourism at environment).

Nasa Bulacan ang mahalagang resource ng Metro Manila, ang Angat Reservoir na pinagkukunan ng tubig ng Kamaynilaan, nasa bayan ito ng Norzagaray na dati ay isang barangay lamang ng bayan ng Angat ayon kay Mayor Nanding de Leon kasama ang mga barangay ng Camachile at Pulong Sampalok, mga dinadayong barangay sa bayan ng Donya Remedios Trinidad dahil sa mineral resources nito.

diaryongtagalog with cong robes

Pinangangalagaan sa lalawigan ang kapakanan ng mamamayan at ang kalinisan ng kapaligiran kaya nga tutol si Cong. Arthur Robes ng San Jose Del Monte City, na itapon sa kanilang Engineered Sanitary landfill ang basura ng ibang bayan kasama ang 19 pa nilang mga barangay kapitan dahil threat ito sa public health ng lungsod.

Karangalan ring matatawag ang paglalagay ng seminteryo pang muslim sa lalalwigan, matatagpuan ito sa Norzagaray at pag aari ni Elvira Maryam Marahombsar na dumalo kamakailan ay ginanap na multi sectoral congress for peace, unity and economic development na pinangunahan ng Manila Muslim Consultative Council ni Chairman Jupakar Arabani.

Bukod sa DOST ay propesor din sa College of Engineering si USec. Dela Pena at kabilang sa layunin ng Dangal ng Bulacan Foundation ay ukol sa edukasyon kaya kabalikat ang Asian Institute of Taxation ay ginanap kamakalawa sa UP Diliman ang isang seminar on taxation na pinangunahan ni Dr. Estelita C. Aguirre. (jane olvina-balaguer)

KATANGI-TANGING PSTD BINIGYANG PARANGAL

BINIGYANG parangal bilang katangi-tanging Provincial Science and Technology Director ang isang propesor at guro ng agricultural engineering sa Region 4B at parangal rin para sa mga katangi-tanging nagawa sa larangan ng pagsasaliksik sa agham ng agrikultura nitong nakaraang taon ang ginawaran ng NAST at SEARCA sa DL Umali awards.

Dahil sa kanyang mga katangi-tanging kontribusyon sa kagawaran sa loob ng 22 taon, si Dr. Bilshan Servanez ang nabigyan ng parangal bilang most outstanding PSTD. Isang dating propesor at guro na nagtuturo ng statistics at agricultural engineering, wika niya ay kumuha siya ng kursong pagka inhinyero dahil nais niyang maging scientist.

Bukod kay Servanez na ginawaran mismo ni DOST Sec.punong tangpan ng DOST Mario G. Montejo sa Bicutan, Taguig, tatlo pang awardees ang kasama niya ay nabigyan ng plake at cash prize, ito ay sina: Engr. Mario dela Peña ng Region VII sa Siquijor ang nakakuha ng first place, habang  sina Felina C. Malabanan ng Region IV-A sa  Batangas at Angelita Parungao ng Region III sa Bulacan ang mga runner up.

Samantala, katangi-tanging mga pagsasaliksik sa agham pang agricultural ang binigyang parangal ng magkatuwang na Southeast Asian Center for Graduate Studies in Agriculture (SEARCA), national Academy of Science and Technology (NAST) at DOST.

Kabilang sa mga nanguna sa nasabing aktibidad na ginanap sa Makati ay sina Dr. Gil Saguiguit na Director ng SEARCA ngayon at DR. William Padolina na pangulo ng NAST nagbigay rin ng mensahe ang nagsilbing pangunahing tagapagsalita na si Sec. Arsenio Balisacan, Socio-Economic Planning Secretary at Director General ng National Economic Development Authority (NEDA).

Kabilang din sa mga nakibahagi ay ang delegates buhat sa Republic of Indonesia. Si Secreatry Balisacan ay isang miyembro ng National Academy of Science and Technology (NAST) at dati ring naging Director ng SEARCA. (Jane Balaguer)

TECH-DRIVEN PROJECTS PINAULAN NG DOST NITONG 2013

BAGAMAN inalat rin ang bansa bunsod ng mga natural na kalamidad nitong nakaraang taon, pinaulanan naman ng Department of Science and Technology ng mga Tech-driven projects ang pinoy na inaasahang
tuluyang magdadala ng progreso sa hinaharap.

Ang inagurasyon ng ADMATEL para sa industriya ng Electronics upang sa halip na ipa test ng mga local na manufacturer ang kanilang produkto sa ibayong dagat ay sa bansa na lang ite test ito at agad na
mapakinabangan ng industriya.

Ang paglulunsad ng mga itinuturing na smarter cities, mga hub para sa mga negosyong ICT BPO na numero uno na ang bansa kaakibat ang AGT o automated guideway transit para sa suliranin ng trapiko sa kamaynilaan.

Isa pang inulunsad ay ang IBM blue gene computer na may kakayahang mag perform ng billion calculations na lubhang makatutulong sa R&D, pamahalaan at sa eduskasyon at ang pag ratify ng Philippine Standard time Act o RA 10535 layunin ay talagang wakasan na ang taguri na ang
pinoy ay laging late.

Ngayong taon inaasahang mas marami pang mga projects ang DOST na layunin ay isulong ang kamalayan ng bansa sa Agham at teknolohiya upang gaya ng mga first world countries ay maging tunay na science driven ang Pinas. (Jane Balaguer)

 DSC00654

SABAYANG PAGTAAS NG WATAWAT GINANAP

Sabayang itinaas at iwinagayway ang bandila ng pilipinas sa ginanap na simultaneous flag raising na
pinangunahan ng itinuturing na opisyal na time keeper ng bansa at awtoridad sa pagtaya ng panahon, ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ng
Department of Science and Technology nitong January 6, 2014 batay sa itinatadhana ng batas ukol sa National Time Consciousness Week o Philippine Standard Time Act.

Isinabay ang sabayang pagtataas ng watawat sa unang araw ng lingo, ang lunes at ang mga tanggapan ng pamahalaan ay may kani-kanyang flag ceremonies. Ayon sa Philippine Standard Time Act o Republic Act 10535 na ang unang linggo ng taon ay maging National Time Consciousness Week at dapat na sundi ito ng lahat ng ahensya ng gobyerno, media organizations pribado o pampubliko.

Ang oras ng PAGASA ang opisyal na batayan ng lahat ng oras sa buong bansa. Kaya ito man ay sa gobyerno o pribadong sektor iisa lamang ang dapat na basehan ng oras na maaring maacess sa kanilang website na www.pagasa.dost.gov.ph at may mga alituntunin na dapat sundin upang
ma synchronize ang oras.

Kabilang sa mga tanggapan ng gobyernong nakibahagi sa sabayang pagtataas ng watawat ay ang National Telecommunications Commission (NTC), Department of Transportation and Communication (DOTC), Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of National Defense (DND),Department of Health (DOH), Department of Education (DEPED), Commission Higher
Education (CHED), Civil Service Commission (CSC), Department of Science and
Technology at PAGASA (PAGASA-DOST).

Sinimulan ang sabayang aktibidad dakong alas 8 ng umaga batay sa Philippine Standard Time o PhST na isiniset ng PAGASA bilang official time keeper, ilan sa mga aktibidad sa NTCW bukod sa simultaneous flag raising ay ang pagdi display ng mga digital o analog clocks sa mga tanggapan ng gobyerno at TV and radio networks at information dissemination.

Batay sa announcement ng Civil Service Commission, kailangang sumunod ang mga heads of constitutional bodies, departments, bureaus, national government agencies, local government units, government owned and controlled corporations na may original charters at mga state universities and colleges, layunin ay tunay na maging “Pinoy ako, on time ako” ang Pilipino at maging ugali na ang punctuality. (mike balaguer)

broadband one

SULIRANIN SA ICT INFRA TINALAKAY SA NAST RTD

Talakayan ng mga eksperto ukol sa Information and Communication Technology infrastructure ang pinag usapan sa nakaraang National Academy of Science and Technology Round Table Discussion.

Layunin ng nasabing talakayan ay ang pagsagot sa mga katanungang gaya ng kung ano ba ang ibig sabihin ng national infrastructure, ang kalagayan nito sa kasalukuyan, kung saan ito ginagamit ngayon at kung ano ang mga kaparaanang dapat gawin upang mapag ibayo pa ito.

Matatandaan na isang kautusang ipinalabas na itinatadhana ng United Nations na ang access sa internet ay isa nang pangunahing karapatang pantao “basic human right” kaya ang bawat pamahalaan sa bawat bansa sa mundo lalo ang nasa 3rd world ay ginagawa ang kanilang makakaya upang I-provide sa kanilang citizenry ang magkaroon ng sapat na access sa information superhighway.

Ang mga dating di nagagawa o di napaglalapit ay nagagawa sa pamamagitan ng internet na paglapitin kaya malaking impact sa mga bansa kung magkaroon sila ng sapat at maayos na broadband infrastructure, sa DOST ngayon ay binabalak nilang gamitin ang TV White spaces upang magsilbing alternatibo sa cell sites at fiber optic connections o cable, sa pamamagitan nito ay maa abot ng internet connection sa pamamagitan ng radio waves na ginagamit ng telebisyon ang mga lugar na di maka access ngayon sa world wide web. (mike balaguer)

broadband two

PINAS DIPA HANDA SA ASEAN ECONOMIC COMMUNITY

 HINDI pa handa ang Pilipinas na makiisa sa darating at inaabangang Association of South East Asian Nations Economic Community (ASEAN EC) sa 2015, batay sa  paglalahad ng mga dalubhasang naging tagapagsalita nitong nakaraang Stakeholders Summit ng Department of Science and Technology National Capital Region (DOST NCR).

Ayon na rin sa presentasyon ng mga dalubhasang naimbitahan ng kagawaran buhat sa Philippine Institute for Development Studies (PIDS) at ng National Economic and Development Authority (NEDA) walang pangmatagalang plano at sector na tututukan ang gobyerno na maaring maging safety net ng bayan lalo ng mga maliliit na negosyo pag sumapit na ang pag iisa ng mga ekonomiya sa rehiyon (ASEAN Integration).

Dagdag pa ng ilang mga Small and Medium Entrepreneur (SME) na nagtanong, baka anila ay magaya lang sa sinapit ng bayan nuong kasagsagan ng pagtatatag ng World Trade Organization (WTO) kung saan tahasang agrabyado ang negosyanteng pinoy at wika nila ay nahirapang makipagsabayan ang ating mga produkto sa ibayong dagat.

Aminado ang pamahalaan sa pamamagitan ng Department of Trade and Industry (DTI) na ang pagpasok sa ASEAN Economic Community ay di ang katapusan kundi isang tuluy-tuloy na proseso na di dapat ang layon ay makipagsabayan kundi ay makipagtulungan.

“We have the disadvantage, mainly because of our geography, yes we are apart from ASEAN in terms of land but in terms of the nautical highway or by sea we are very much integrated.” Pahayag ng pag asa sa darating na integration ayon kay Dr. Erlinda Medalla ng PIDS. (Mary Jane Olvina-Balaguer)

broadband three

mga websites ng gobyernong na hack hindi hawak ng DOST

HINDI hawak ng Department of Science and Technology-Information and
Communications Technology at Advance Science and Technology Institute
and mga websites na na-hack kamakalawa kaya hindi ito secured.

Ang pahayag na ito ay batay sa ipinalabas na pahayag ng kagawaran ng
agham dahil sa balitang may mga na hack na websites ng pamahalaan sa
kabila ng umano ay ang kagawaran na ang may tangan ng kasiguruhang
ligtas ang mga websites ng gobyerno.

Nuong july 12 2013 inatasan na ng gobyerno na mag migrate na sa web
hosting na hawak ng kagawaran ang lahat ng websites ng mga sangay ng
gobyerno at LGU ngunit iilan pa lamang ang nakapag comply.

Ang nasabing kautusan ay ang AO 39 kung saan inaatasan ang mga ahensya ng gobyerno na pumailalim sa Government Web Hosting Service. Ang mga site na na hack ng grupong Anonymous Philippines ay Insurance
Commission, Southern Philippines Development Authority, the Optical
Media Board and Local Government Units such as; the Municipality of
Bolinao, Pasig City, Pateros and the Municipality of Basnud, Oriental
Mindoro.

Ayon sa kanilang posts ay magkakaroon sila ng aktibidad bilang
pagtutol sa mga katiwalian sa pamahalaan at inuna muna nilang i hack
ang nasabing mga sites bilang panakot ngunit ayon sa Section 33 of RA
8792 or the E-Commerce Act may kaukulang parysa ang kanilang ginawang
krimen.(Mary Jane Olvina B.)

electronics one

18 Kalahok pasok sa Next Stage ng PCIEERD Electronics Design Competition

LABINGWALONG Kalahok pasok sa Next Stage ng PCIEERD Electronics Design Competition. “We believe that competition brings out the best among
the universities and researchers.”  Ayon kay Dr. Rowena Cristina L.
Guevara, Executive Director of the Philippine Council for Industry,
Energy and Emerging Technology Research and Development of the
Department of Science and Technology (DOST-PCIEERD).

Ang kompetisyon sa mag aaral at mananaliksik ay maaring manalo ng
P200,000.00, P100,000.00 and P 50,000.00 ang una, pangalawa at
pangatlo  gayundin ang faculty advisers ay magkakamit ng  25% sa
kabuuang halaga.

Mula sa 76 entries ay 18 qualified entries ang nakapasa sa
ebalwasyon at deliberasyon ng mga hurado na mula sa pamahalaan at
pribadong sektor. Ang bawat kalahok ay binubuo ng 3-5 estuyante at mga
coach na guro buhat sa Unibersidad at Kolehiyo sa Pilipinas :  Ateneo
De Manila University (ADMU) – 2 qualified entries,  University of the
Philippines – Los Baños (UPLB),Technological Institute of the
Philippines (TIP),De La Salle University (DLSU),Mindanao State
University – Iligan Institute of Technology (MSU-IIT) – 3 qualified
entries, Samar State University (SSU) – 2 qualified entries,Manuel S.
Enverga University Foundation (MSEUF),Marinduque State College
(MSC),University of the Philippines – Diliman (UPD) – 2 qualified
entries,Rizal Technological University (RTU),Batangas State University
(BSU),  Bulacan State University(BulSU) atWestmead International
School

Ang tagisan ay nagsimula nitong Hulyo 2013 na aabot hanggang Marso
2014.  Ang qualified entries nagsimula ng implementasyon ng kanilang
disenyo at  working prototypes mula Nobyembre 8, 2013 – Marso 8, 2014
at pinansyal na tulongP10,000.00 para materyales at supplies.

Matatandaan sa nakalipas na PCIEERD 3rd anniversary nitong Hunyo
ginawa ang anunsiyo. Dalawang kompetisyon para sa inobasyon na
naglalayon himukin ang abilidad ng mga kabataan partikular ang mga
engineering students and researchers.

Ang Electronics Design Competition, para makalikha ng praktikal na
aplikasyon ng mga electronics na produkto para gawin dito sa
bansa.Gayundin ang Nowcasting Competition, para sa mag aaral ng
Meteorology at  computer programming  na mapaiksi ang weather
forecasting. (Mary Jane O. Balaguer)

nasa video sa itaas ang naganap na no anti smoking campaign ng ilang doktor na nagsusulong ng kontra bisyo.

multi hazard risk maps one

 

Paglulunsad at paghahatag ng Multi Hazard and Risk Maps Isinagawa kasama ang ibat ibang ahensya ng gobyerno

RISK analysis: ready, safe and resilient greater metro manila, ito ang ginanap na paglulunsad at paghahatag ng multi hazard and risk maps kabalikat ang Australian Embassy at mga ahensya ng Department of Science and Technology na ginanap sa Crowne Plaza kahapon.

Nagbigay ng pangunang pananalita si Metro Manila Development Authority Chair Atty. Francis Tolentino habang ang pambungad na pananalita ay ibinahagi ni Retired General Eduardo del Rosario na ngayon ay Undersecretary ng Department of National Defense.

Si Australian Ambassador to the Philippines His Excellency Bill Tweddell ay nagbigay ng maiksing pananalita ukol sa Disaster Risk Management habang nagbigay ng maikling presentation si Dr. Renato Solidum, ang Director ng Philippine Institute of Vulcanology and Seismology ng Department of Science and Technology na may titulong Geologic Hazards and Risks.

Si Dr. Vicente Malano, Administator ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ng Department of Science and Technology ang nagkaloob ng presentasyong may kinalaman sa Hydrometeorological Hazards and Risk.

Isa namang video presentation tungkol sa mga hazard ang ipinapanood sa mga dumalo at pagkaraan ay ang ceremonial hand over ng multi hazard and risk maps sa mga dumalo na representante ng mga local government units na apektado ng mga risk at hazards na pinangunahan ni USec Del Rosario, Chairman Tolentino, Mayor Bautista at mga alkalde.

Si Quezon City Mayor Herbert Bautista naman ang nagbigay ng tugon sa panig ng LGU bilang pangulo ng liga ng mga lungsod sa bansa. (Mike Balaguer)

 PCMC Eviction hindi dapat! -mga pasyente; Pediatricians cried if NHA evicts PCMC, how about the kids? and PCMC has to stay in its place- solons

PINAA ALIS sa lupang kinatitirikan ng kanilang gusali ang Philippine Children’s Medical Center, kaakibat nito ang maaring sapitin ng higit 11,000 diagnosed na naa admit at 200,000 out-patient kung wala nang mapupuntahang ospital na espesyalista sa mga bata.

Mahaba ang kasaysayan ng Philippine Children’s Medical Center. Nuong panahon ni Pangulong Ferdinand Marcos, bahagi ito ng kanilang programang tinaguriang Lungsod ng kabataan, kung saan isang buong block ang dedicated sa concerns ng mga bata at kabataan nuong Martial Law.

Programa ng dating Unang Ginang Imelda Romualdez-Marcos na dati ring Ministro ng Human Settlements, ang PCMC ay ang health component ng lungsod ng kabataan, isang pagamutan na magpapaka dalubhasa sa mga karamdamang ng kabataang di kayang malunasan ng ibang mga pagamutan, ang Philippine Science High School ng Department of Science and Technology ang sa edukasyon.

May mga parke gaya ng wildlife atbp at ang hindi natapos na gusali sa dakong dulo ng agham road ang kabilang sa lungsod ng kabataan nuon. Ang nasasakupan ng lote ng PCMC ay aabot hanggang Pisay.

Ngunit nuong panahon ni Pangulong Fidel Ramos ay naitayo ang gusali ng tanggapan ng Ombudsman na inilipat buhat sa kanilang dating tanggapan sa Maynila. Bahagi ng lote ng PCMC ang kanilang tinayuan ngunit di ito gaanong pinansin ng pamunuan ng PCMC hanggang sumunod na naitayo ang gusali ng Court of tax Appeals nuong panahon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Sa dalawang naunang gusali ay di kumibo ang pamunuan ng pagamutang dapat na mag e extend ng kanilang premises sa kanilang lupa dahil dumarami na ang mga batang kapuspalad na nagpapagamot sa kanila at nagpapa confined, di nila ma- accommodate dahil kulang ang mga silid.

Sa dalawang infringement na ginawa sa kanilang lupa ay walang narinig ang publiko sa pamunuan ng PCMC pero umaalma na ang mga pasyente at kaanak nila, mga doctor at mga health professionals na nagtatrabaho sa nasabing pagamutan, inaalala nila ang kapakanan ng mga batang walang malay at walang kalaban laban na madi displace sakaling tuluyan silang I-evict ng National Housing Authority. (mike Balaguer)

OVERWHELMING emotions flow when we get to sign up for the signature campaign posted at the main entrance of the Philippine Children’s Medical Center yesterday.

Reports says that they are being evicted because they are unable to pay the National Housing Authority, for the dues regarding the lot they occupied for several years.

Most of the policy development managers in the country today are yielding with the disposition of deceiving the citizenry in the tagline” for the people” but devoid of its principles.

In the midst of the continuing success and excellence of PCMC, located at Agham Road Quezon Avenue, Quezon City with all the little voices unheard, along with caring experts in pediatrics, still similar issues haunts the country’s premier child health institution.

Predicament occurred when the National Housing Authority stepped-in and incurred in the vicinity years ago selling part of its 400 ha. Lot to other government agency and now selling it again for 86 million to Philippine Institutes for Developmental Studies under National Economic Development Authority.

Based on the www.diaryongtagalog.net interview with Jara Corazon O. Ehera, Deputy Director for Hospital Support Services of PCMC, the only way to solve the issues is that they categorically appeal for help to just award the land title to them so they would have the peace of mind to secure the lives of in-house patients around 11,000 yearly and 200,000 children on the out patient department.

“The biggest supplier of pediatrician in the country is PCMC and this coming Sunday the second phase of open heart surgery for children supported by University of California in Los Angeles (UCLA) is coming to the hospital” Ehera said.

PCMC asks on where the social justice is? In situations where health, one of the important sectors in the government, tracks a different direction, in fact when a personnel of PCMC office offered a proposal for health program in relocation sites to do preventive health care for children in exchange for the dues they owe to NHA, the proposal hanged and was neglected. Vice President Binay does not make any action instead he’s signature appeared on the deed of absolute sale handed by PIDS to PCMC, our sources says.

Proof of high standards, just last two week ago ISO 9001; 2008 certified in pediatric specialized healthcare services and pediatric dental diagnostics and laboratory services achieved by the hospital. The hospital appeal to whom it may concern, ‘how about the kids? (mary jane olvina-balaguer)

 LAWMAKERS in the House of Representatives openly supports for the stay of the Philippine Children’s Medical Center in its current location and condemned anyone geared for its eviction.

Interviews conducted by www.diaryongtagalog.net to Bulacan 1st District Congressional Representative Marivic Sy-Alvarado recently in the plenary of the lower house hours before PCMC budget hearing, says that the President (PNoy) wanted PCMC to stay and will not allow any eviction.

Personally she says that her indigent constituency also patronizes the hospital because it is the only one who can treat diseases and illness that are untreatable besides the fact that expert pediatricians are taking good care of patients.

Northern Samar 2nd District Representative Emil Ong, although isn’t a member of the House’ Health Committee firmly supports the PCMC for in his District in Northern Samar, children with illnesses that cannot be accommodated by their provincial hospital are being brought to PCMC and got a hundred percent chance of recovery.

PCMC Director Dr. Julius Lecciones Appeal to both lawmakers and the House Committee on Health for support not to himself but for the Children who are mostly indigent and has no way to defend themselves if the issue of eviction pushes through.

Meanwhile the location of the hospital is being eyed as prime location for the proposed Quezon City Business District, according to the recent interview. If evicted and transferred PCMC asked the QC Government, where will they be relocated? The QC Government replied at the back of the Central Bank Office. A high-rise building will be erected but not in the near future.

The Lungsod ng Kabataan where PCMC is located is a commendable project of the Marcos Administration aimed at giving children a well-rounded life, it will house a school (the Philippine Science High School of the DOST), a park (Nonoy Aquino Parks and wildlife) and the Philippine Children’s Medical Center (PCMC).

If the lungsod ng kabataan block is designed for the welfare of children how will the Office of the Ombudsman, Court of tax Appeals with the proposed Philippine Institute for development Studies fit the ladscape? A question specifically for Policy Development Managers to answer. (michael n balaguer)

Pagbabago sa bayan ni Juan, tamang oras sa bagong taon

Patapos na naman ang isang taon, magpapaalam na tayo sa 2011 at sasalubungin ang taong 2012. Sa huling linggo ng taon, mamimili na naman para sa mga bilog na prutas, paputok, polka-dots na damit at mga torotot. Yan ang kadalasan ginagawang paghahanda ng mga pinoy sa pagsalubong ng bagong taon.

Ngunit isang bagay lang ang hindi maperpekto ng mga Pilipino sa mga nagdaan na taon, ang paggunita ng bagong taon ng sabay-sabay sa bawat pulo nito. Sa bawat taon, hindi alam ng mga Pilipino kung ang susundan ba nila sa pagdiriwang ng bagong taon ay ibabase ba sa mga countdown sa telebisyon, o sa fireworks na gagamitin ng munisipyo sa kanya-kanyang lugar

Kaya naman isang simulain na magiging tulay sa malaking pagbabago ang inilunsad ng Department of    Science and Technology (DOST) ang “Juan Time – The New Filipino Time”, proyekto ng Science and Technology Information Institute STII.

Ang salitang Juan Time ay nilaro mula sa salitang “One Time” na ginawang “Juan” na nagsisimbolo ng mga Pilipino, kung kaya’t ang ibig sabihin nito ay “Isang oras ng mga Pilipino”. Layunin nito na pagsabayin ang oras sa 7,100 pulo ng Pilipinas, ibahin ang imahe ng mga pinoy, at itama ang terminolohiyang Filipino Time sa pamamagitan ng Philippine Standard Time (PST), sa pamamagitan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Service Administration (PAGASA), na siyang opisyal na tagapangalaga ng oras sa Pilipinas.

Ayon kay DOST Secretary Mario G. Montejo, “Juan Time reminds Filipinos that keeping to the PST avoids the difficulties of having confusing, unsynchronized time.”

Pangunahing layunin ng programang ito na ipaalala sa mga Pilipino na maging responsable pagdating sa usapin ng oras. Sa bayan ni Juan, nakasanayan na ang laging pagpapahuli sa mga ganitong pagkakataon, dahil laging sa sinasabing, “Filipino Time”. Hindi kasi pareho ang mga oras sa relo ni Juan, kung kaya’t sa oras pa lang  ng mga pinoy ang pag-uusapan, ay hindi na nagkakaisa, at sa kawalang kamalayan na pagkakaroon ng mañana habit o ningas kugon.

Sa pamamagitan din nang simpleng pagsunod sa PST, posible na unti-unti na nating maalis ang negatibong nakasanayan kaugalian ng mga Pilipino. Isa na dito ang paggawa ng kung anu-anong dahilan tuwing nahuhuli tayo sa eskwela, opisina o sa kahit anumang okasyon na ating dainadaluhan.

Ang pagbubukas ng taon  ng mayroong pare-parehong Timeline ay sumisimbolo sa buong bansa  sa pagpasok nito sa mas maunlad na buhay  patungo sa tuwid na landas bilang pangkabuo ang New Year’s resolution ng mga pilipno.

“Time is a resource that is very important but often overlooked. Other than its social and economic value, time is something that can unite us as Filipinos,” dagdag pa ni Sec. Montejo

Bukod dito, ang pagsunod sa PST ay makakatulong din sa bawat indibidwal na mas maibalanse nila ang kanilang mga oras sa pagtupad ng kani-kanilang mga responsibilidad. Halimbawa na lang sa oras ng pagpasok. Estudyante man o empleyado, matinding trapiko ang karaniwang pangunahing dahilan sa pagkahuli nila sa opisina o sa eskwelahan. Ang pagkakaroon ng ideya sa pinakaeksaktong oras ay makakatulong sa kanila na mas makapagplano nang maayos hinggil sa pagitan na panahon ng kanilang pag-alis sa kani-kanilang mga oras paupunta sa kani-kanilang mga destinasyon.

Samantala, sa larangan ng negosyo, mahalaga din ang ginagampanan nang pagsunod sa PST sa buong kapuluan. Ang pagkakaroon ng kaalaman sa pinakaeksaktong oras, kasama na ang pinakadetalyadong segundo, ay malaking tulong sa mga ahente ng stock market sa Pilipinas. Sa pamamagitan nito mas madali sila makakahigilap ng mga makakaagapay sa kanilang mga negosyo. Indikasyon ito na ang pagakakaroon ng sistematikong pamamahala sa oras ay pagkakaroon din nang sistematikong kaisipan.

Ang pagka-kahon ng mga Pilipino sa ideyang ‘Filipino time’ ay maaring maging balakid sa kagustuhan ng mga Pilipino na maging world class sa usaping pang ekonomiya dahil ito ay nagbibigay ng hindi magandang impresyon sa foreign investors. Pangunahing  dapat bigyang halaga ang mga  foreign Investor dahil sila ang magpapaunlad ng ating Industriya sa ating bansa.

Higit pa dito, Magsisilbing paalala ang PST sa ating mga Pilipino ang diwa ng  People Power, Ang  kahalagahan ng pagkakaisa hindi lamang  sa usaping pulitikal kundi maging sa aspeto ng  kooperasyon sa ngalan ng pakikipagkapwa. Maraming bagay ang maisasakatuparan kapag  lahat ay nagsama samang kumilos na mayroong iisang mithiin at maayos na kooperasyon. Ibayo nitong pauunlarin ang kultura ng Bayanihan sa isa’t  isa sa kadahilanang ito’y nagpapakita ng kahalagahan ng  epekto ng pagiging nasa oras para sa iyong kapwa.

Kung kaya’t hinihikayat ang lahat na lumahok sa Juan Time, sa pagsalubong ng bagong taon. Sa unang pagkakataon sana’y sabay-sabay ang lahat ng mga Pilipino, saan man sulok nang Pilipinas, sa countdown o pagdiriwang ng bagong taon.  Isa ito sa magandang new year’s resolution na masimulan natin, ang maging “on time” at hindi na masayang ang bawat minutong sanay nakalaan, sa mas kapaki-pakinabang na gawain. (Nina Ceajay N. Valerio, Allan Ace Aclan, at Allan Mauro Marfal S&T Media Service, STII)

Pagsasanay sa manggagawang Pilipino, pinag-iibayo ng DOST-MIRDC

Ang makabagong pamamaraan ng mga sopistikadong makinarya na gumagamit ng computer ay isang hamon sa mga manggagawang Filipino kaya’t ang Department of Science and Technology (DOST) at ang sangay na ahensiya nito na Metals Industry Research and Development Institute (MIRDC) ay nagsasagawa ng mga pagsasanay upang maiangat ang antas ng kanilang kaalaman.

Ang MIRDC ay may 20 trainees para sa CNC (Computer Numerical Controlled) Machine Tool Training Program na nagsimula noong Mayo 6 at magtatapos sa Hulyo 26, 2013. Ang mga nagsasanay ay kabilang na sa Batch 3 at may edad mula 19 hanggang 58 taong gulang. Ang layunin sa loob ng dalawang taon ay makapagsanay ng may 800 na trainees.

Ang programang ito ay tinawag na “Development and Implementation of Appropriate Training Curriculum Design for CNC Machine Tool Programming and Operation as Human Resource Intervention for the Sustainable Growth, Productivity and Competitiveness of the Metals and Energy Sector.” Ito ay inilunsad upang matugunan ang suliranin ng bansa sa tinatawag na “brain drain” o ang paglipat ng mga skilled workers sa ibang bansa kung saan sila ay nabibigyan ng mas mataas na sahod at mga benepisyo.

Sa ganitong sitwasyon, nagkukulang tuloy ang mga manggagawang may mataas na kasanayan sa pagpapaandar ng mga makinaryang gumagamit ng computer. Ang mga  naiiwan sa bansa ay kulang sa kasanayan at karunungan kaya’t bumababa ang produktibidad ng mga kumpanyang gumagamit ng mga naturang makinarya. Sa bandang huli ay naaapektuhan ang produksiyon pati na ang pambansang ekonomiya.

Ang programa na tatagal ng 52 na araw ay may tatlong bahagi. Ang una ay ang Basic and Common Competencies. Ang pangalawa ay ang Core Competency at ang panghuli ay ang Industry Immersion.

Ang pagsasanay ay ginaganap sa loob ng MIRDC o sa mga partner support organizations (PSOs) kung saan ang mga nagsasanay ay aktwal na nakagagamit ng mga makinaryang pinatatakbo ng computer.

Sa pagtatapos ng kursong ito ay magiging bihasa na ang manggagawang Filipino at sila ay maaari ng makipagsabayan sa mga katulad nila sa ibang bansa. Ang bawa’t isang trainee ay dadaan sa masusing pagsusulit kung saan ang kanilang kahusayan ay susukatin.

Lahat ng mga pagsasanay sa MIRDC ay sertipikadong ISO 9001:2000 at ISO/IEC 17025.

Para sa karagdagang impormasyon sa mga uri ng mga pagsasanay, tumawag sa telepono bilang 837-0764, 837-0431 to 38 lokal 465 at 467 o magpadala ng email sa mirdc_training1@ yahoo.com.(Rodolfo P. de Guzman, DOST-STII Media Service)

PhilHealth, di babayaran ang stem cell therapy

NILIWANAG ng PhilHealth na di nito babayaran ngayon ang stem cell therapy. Kung sa hinaharap ay maging karaniwang paraan ito ng paggamot, maari pa umano ngunit kailangang dumaan muna sa pag aaral upang maka avail ng benefit development package. Ayon sa batas, isinasaad na Republic Act (RA) 10606, the National Health Insurance Program ng 2013, as amended, the Corporation shall not cover expenses for health services considered … as cost-ineffective through health technology assessment… In keeping with its protection objectives and financial sustainability.” Ang Health technology assessment ay bahagi ng agham na nagsisiyasat sa kahalagahan ng teknolohiyang pangkalusugan gaya ng mga proseso, kaparaanan, produkto at kagamitan lalo ang kanilang kalidad, halaga at kaligtasan na may direktong implikasyon sa mga ginagawang patakaran, desisyon kung isasagawa nga ba o mag I invest sa nasabing mga teknolohiya o sa health benefit coverage. Ang mga bagong teknolohiya gaya ng stem cell therapy ay sasa ilalim muna sa assessment kung maari itong maging kabilang sa benefit package o ialis. Sa kasalukuyan, nagsusulong ang PhilHealth ng preventive care sa pamamagitan ng Primary Care Benefit (PCB1) at curative care benefits sa pamamagitan ng hospitalisation, in-patient or out-patient para sa day surgeries. Bukod sa mga nabanggit,  nagbabayad ang korporasyon para sa special benefits gaya ng Z benefit packages para sa catastrophic cases, MDG benefits gaya ng maternity care packages, newborn care package, animal bite package, HIV package, TB Dots package, malaria Package atbp. at”to provide maximum financial protection, the No Balance Billing (NBB) policy has been adopted for the sponsored (indigents) members and their qualified dependents. If they are admitted in a service accommodation of a government facility, under our case rate packages, they shall not be charged for hospital and professional fees anymore, hence no out of pocket payment,” ayon kay PCEO Alexander A. Padilla. (MJ Balaguer)

Ikatlong anibersaryo ng PCIEERD-DOST gaganapin

IPAGDIRIWANG ang ikatlong anibersaryo ng Philippine Council for Industry Energy and Emerging Technology Research and Development (PCIEERD) sangay ng Department of Science and Technology (DOST) kasabay ng mga bagong programa t proyektong tungkol sa enerhiya at industriya.

Pangungunahan ni Dr. Rowena Guevarra ng PCIEERD at Sec. Mario Montejo ang aktibidad sa punong tanggapan ng DOST sa Taguig. Ipakikita ang mga naging programang matagumpay ng ahensya sa loob ng taong ito at ang mga plano nila sa hinaharap.

Matatandaang dati ay dalawang council ang PCIEERD na pinag isa para sa mas epektibong pagharap sa umuunlad na industriya ng enerhiya at mga napapanahong teknolohiya. (MJ Balaguer)

 

English Language Training Software binuo para sa Voice BPO atbp ng DOST-PCIEERD

TWO years in the making ang programang Learning English Application for Pinoy (LEAP) na pangunahing programa ng Philippine Council for Industry Energy and Emerging technology Research and Development (PCIEERD) ng Department of Science and Technology (DOST) kabalikat ang University of the Philippines Diliman (UP) na may layong mahasa ang galing nating mga Pilipino sa pagsasalita ng tama sa wikang ingles.

Pinangunahan ni Dr. Rowena Cristina L. Guevara, executive Director ng PCIEERD ang paglulunsad kasabay ng kasagsagan ng National Science and Technology Week Science Expo 2013 sa SMX MOA ang nasabing aktibidad. Nabatid na sa 10 years ng Business Process Outsourcing sa bansa sa larangan ng voice o call centers, numero uno na ngayon ang Pilipinas dahil sa kakayahan nating makapagsalita ng wikang ingles na malinaw at madaling maunawaan.

Ayon sa pag aaral ng BPO industry, may kaunting suliranin ang bansa ngayon sa mga guro na nagtuturo ng wikang ingles kaya hindi tayo gaanong nag excel kumpara sa pinakamalapit na karibal nuon na India.

Sa 13 milyong pisong budget sa nakaraang dalwang taon, kanilang ipamamahagi ng libre sa mga maliliit na call centers, Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Ilan rin sa nagpakita ng interes sa programa ay si Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Rosalinda Dimapiles Baldoz na nagsabing maaring magamit ang programa sa kanilang OFW Reintegration Program na iminumungkahi ni Pnoy at si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Corazon Dinky Soliman kabalikat ng nasabing programa ng Aquino Administration.

Ang nasabing software ay localized para sa Filipino English Speakers ibig sabihin ay customized ito para sa Pinoy at di maaring piratahin ng mga Intsik, koreano o ng bumbay dahil lagi lamang silang babagsak sa scoring at di makapagle level up.

Ayon kay Professor Teresita Isidro, Department of English and Comparative Literature ng College of Arts and Letters ng University of the Philippines Diliman na sa pag aaral ng wikang ingles gaya ng LEAP, hindi naman raw maaring kalimutan ang taal na wika at layunin lamang nito ay maging bihasa ang Pinoy sa pagsasalita ng ibat ibang wika saan man siya makapagtrabaho o saan man maparoon.

Binubuo ng 200 hours ang LEAP software kung saan kinapapalooban ng 100 hours ng speech at 100 hours ng grammar. Kabilang sa mga nasa likod ng nasabing proyekto ay sina Joseph Manalo kanilang Graphics Designer, Edrick Solis kanilang Programmer, Samantha Sadural kanilang Speech Consultant, Ivy Mallari-San Juan, Gay Figuaroa at Sincere Blanco mga Computer Scientist at Mario Careon sa Logistics.

Ayon kay Dr. Guevara, panagarap niyang maituro ang LEAP sa mga Pinoy upang maging bihasa ang mga ito sa pagsasalita ng wikang ingles at nanag maging competitive tayo sa buong daigdig, dagdag pa niyang ang lingua franca sa mundo lalo sa internet ay ingles at kailangang maging bihasa ang mga Pinoy upang makasabay. (michael n. balaguer)

30 nanay, nanguna sa milk letting program ng PCMC

LABANAN ang breast milk shortage, layunin ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC) kaya nga kahit umuulan ay hindi naging hadlang sa pagbibigay ng tulong para sa mga batang may kanser ang paghandog ng gatas ng 30 nanay.

Ang gatas ng ina ay mainam na proteksiyon sa mga batang may sakit at
nilalabanan nito ang impeksyon sa bituka. Gayundin ang batang dumede
ng gatas ng ina sa loob ng 6 na buwan ay makakaiwas magkaroon ng
diabetes, eczema, obesity at iba’t ibang sakit kapag tanda.

Natural na bitamina at mineral ang nakukuha ng mga batang sumuso sa
kanilang mga ina kumpara sa mga gumamit ng infant formula. Nasa batas
ang breastfeeding at kailangan itong ipatupad ng ating kagawaran ng
kalusugan. Sa kasalukuyan nga ay tatlumpung nanay na may adbokasiyang
magpasuso at nakibahagi sa pagamutan.

Gaya ng gene bank sa agrikultura kung saan inilalagak ang mga genetic

imprints at attributes ng mga seeds para sa future consumption. Sa
PCMC ngayon ay mayroon namang “Milk Bank” ito ang pinaglalagakan ng
mga gatas ng ina na nai-donate ng mga nanay na concern sa mga batang
di maka suso sa kanilang mga ina dahil sa mga degenerative diseases
gaya ng cancer.

Patuloy ang PCMC sa pagtulong nila sa mga batang may mabigat na

karamdaman sa pangunguna ni Dr. Julius Lecciones na kanilang Executive
Director at ni Ms. Malou Tolentino na kanilang medical social worker
.(Mary Jane Olvina-Balaguer)

PCMC hinangaan ang mga inang nag donate ng kanilang gatas para sa mga sanggol na may sakit

BREASTFEEDING month nitong nakaraang Agosto kaya bilang pagdiriwang ng nasabing okasyon, nakipag tulungan ang Philippine Children’s Medical Center (PCMC) sa “Step Juan” upang tulungan ang mga ina at sanggol na di maka suso dahilan sa kakulangan ng gatas.

Ayon sa grupong Breastfeeding Coalition of Northern Sacramento, tama na ang 3 ounces ng gatas ng ina upang pakainin ang isang premature na sanggol ng siyam na beses. Ang gatas ng tao (ina) ay nararapat sa mga premature at may sakit na sanggol, pino protektahan sila laban sa mga impeksyon sa bituka.

Isa rin itong malusog at praktikal na paraan upang pakainin ang sanggol. Ang mga sanggol na pinasuso ng kanilang ina o uminom ng gats ng ina ay may mababang pagkakataon na magkaroon ng mga sakit sa paglaki nila gaya ng diabetes, eczema, obesity atbp.

Inirerekomenda ng World Health Organization ng United Nations (WHO-UN) ang pagpapasuso ng nanay sa unang anim na buwan ng sanggol pagkatapos ay kailangan ang sapat at tamang nutrisyon at karampatang pagkain at hanggang dalawang taong gulang pasususuhin ang bata kahit kumakain na ng solid na pagkain.

Samantala nai feature na nagbigay ng kanyang gatas si Bb. Tanya Velasco ng GURU Firm at kanyang ibinahagi ang kanyang mga pananaw ukol sa mga benepisyo ng pagpapasuso sa anak kabilang ang ilan pang mga taga suporta ng adbokasiya.

Kasunod nito ang sama-samang paglagak ng gatas ng iba pang ina sa mga lalagyan upang kanilang I-donate, 30 na mga nanay ang dumalo at nagbigay ng kanilang gatas. Ginanap ito nitong Ika-22 ng Agosto, 2013 alas siyete ng umaga sa PCMC.

Samantala, ang Step-Juan ay isang walking expedition na sinimulan at pinangunahan ni Tomas Leonor upang makakalap ng pondo para sa mga batang may cancer na nasa PCMC. Naglakad siya ng anim na milyong hakbang na tinatayang 2,603.84 kilometro na kabuuan ng kanyang “Step-Juan”. Ang kanyang proyekto ay sinimulan nuong June 2009 ngunit ngayon ay panandaliang itinigil dahil nanganak ang kanyang asawa sa kanilang panganay.

Ang nagsimula ng milk banking sa Pilipinas, si Dr. Gloria Baens Ramirez

Ang gatas ng ina ay isang ideal na nutrisyon sa mga sanggol, kung walang sariling ina ang maaring makapagbigay ng gatas sa sanggol, ang mga nai bangkong gatas at kapwa maaring makapagligtas din ng buhay. Ang human milk bangking ay isang serbisyong pang nutrisyon na nakakapagbigay ng lunas sa populasyon ng mga sanggol na may malalang sakit.

Sa bahagi ng pampublikong sector kalusugan, ang gatas ng ina ang nagpo protekta sa kalusugan ng malaking bahagi ng populasyon sa pamamagitan ng interbensyon sa pagpapababa ng mga taong namamatay at ang isang solusyon ay isang malinis na pagkukunan ng gatas.

Ang kasaysayan ng milk banking sa tao ay sinimulan nuong 1911, unang isinailalim ni Talbot ang pagpa pasteurized ng gatas ng ina sa Boston, Massachusetts. Dahil ang mga kababaihan nuon na mahihirap ay kinailangang magtrabaho sa halip na magpasuso ng sariling anak ay dumami ang gumamit ng gatas ng baka bilang kapalit ng breastfeeding. Nuong 1929 ang breastmilk banking ay sinimulan sa Chicago, Illinois.

Samantalang nuong 1943 kinilala ng American Academy of Pediatrics ang human milk banking, nang 1970’s kasabay ng mga matiniding pagbabago sa neonatal intensive care patuloy na nag survive ang human milk banking kaya lang dahil sa pag a aalala ukol sa HIV nuon ay nagsara ang maraming milk bank.

Binuo ang Human Milk Banking Association of America upang tugunana ang nauna nang mga pag aalala ukol sa kaligtasan ng milk banking at nag set sila ng mga guidelines kaya nuong 2002 nag published ng guidelines ang Norwegian National Board of Health ukol sa mga donors at mga donor banks kaya nagsimula na namang dumami ang human milk banks sa mundo.

Sa bansa, ang Philippine Children’s Medical Center, Dr. Jose Fabella Memorial Hospital at ang Philippine General Hospital lamang ang may gumaganang Human Milk Bank. Ang unang milk bank ay tinaguriang “alay gatas community program” nuong 1996 ng Philippine Children’s Medical Center,

1997 sa pakikipagtulungan ng Advanced Science and Technology Institute ng Department of Science and Technology at ni Dr. Gloria Baens Ramirez ay unang nilikha ang table top pasteurizer upang matiyak ang pagiging ligtas ng gatas ng ina sa bansa.

Taong 1999 naman ay nagsimulang magdonate ang mga nanganganak na ina sa Fabella Hospital kung saan ang kanilang mga gatas ay inilalagak sa mga refrigerators gamit ang Pretoria pasteurization process habang nitong 2008 ay pinasinayaan ang sariling milk bank ng Fabella Hospital sa pakikipagtulungan ng Mont Blanc Foundation.

Kabilang sa mga pinakabagong milk bank sa bansa ngayon ay ang nasa Philippine General Hospital bahagi ng donasyon ng gobyerno ng Italya nuong 2009 at isang independent milk bank sa Makati City na pinasinayaan nitong March 5 2013. Tunay nga na mahalaga ang gatas ng ina di lang sa sanggol na malusog ngunit lalo sa mga sanggol na may matinding karamdaman. (michael balaguer)

————————————————————————————————————————–

Industriya at Teknolohiya pagtutulungan ng DOST at Bulacan

MAGKAKASAMA na magtutulungan sa sinasabing 7 strategic initiative ang LGU ng Bulacan at ang Department of Science and Technology (DOST) sa ibat ibang teknolohiya kabilang ang pag aalahas, pagpo proseso ng pagkain, packaging, BPO at agrikultura.

“Tataas ang halaga at lalaki ang kita ng magsasaka. Hangad din natin mapalawak ang turismo, gawing tourism at water sport ang Angat after-bay regulator dam” Ayon kay Wilhelmino M. Sy-Alvarado-gobernador ng Bulacan.

Maganda sa turismo ang  Dona Remedios Trinidad, gagawa tayo ng Eco-tourism hub para sa mahilig sa adventure. Dito rin itatayo ang satellite government center upang mapalapit ang serbisyo ng pamahalaang panlalawigan sa ating  mga mamayan.

Ang paglago ng industriya ay nakasalalay sa teknolohiya, kaya katuwang ang Department of Science and Technology (DOST) sa pagsasaliksik ng mas mabisang pamamaraan ng propduction at manufacturing. Isang technohub sa Malolos ang magsisilbing sentro sa pagpapalago ng ating teknolohiya, kabilang na ang paggamit ng Information & Communication Technology (ICTO) lalo kabilang ang lalawigan sa tinatawag na Top 10 Next Wave Cities. (michael balaguer)

 Instrumento ng punctuality para sa pinoy isinabatas, public consultation isinagawa ng PAGASA

“PILIPINO time is on time”. Ito ang ibig ipabatid ng pamunuan ng Department of Science and Technology (DOST) sa kanilang programang “Juan Time” na pinangunahan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na siya ring opisyal na time keeper ng bansa at ang nagsasabi ng tunay na Philippine Standard Time.

Sa layuning ipairal ang kultura ng punctuality sa mga pinoy lalo sa mga tanggapan ng pamahalaan, broadcast media gaya ng telebisyon at radyo at tuluyan nang mabura ang taguring atrasado lagi ang “Pilipino Time”.

Tinalakay sa isang pampublikong konsultasyon at pagdinig ang mga implementing rules and regulations (IRR) na nais na maisakatuparan kaakibat ng Philippine Standard time Act o Republic Act 10535 kamakailan.

Binusisi ng mga stakeholders kabilang ang mga nasa broadcast media, ahensya ng pamahalaan, mga taga DOST atbp ang mga nilalaman ng batas upang mai akma ito sa kanilang pangangailangan.

Nabatid na ito pa lang ang unang pampublikong pagdinig sa Luzon at may ino organisa pa silang pagdinig sa Kabisayaan at Mindanao hinggil sa naturang batas bukod pa rito ay ang patuloy na information dissemination at education para maunawaan ng madla.

Alinsunod sa Seksyon 10 ng RA 10535 o ang batas na magpapatupad ng Philippine Standard Time sa buong bansa at magpo pondo para sa instilayon, operasyon at maintenance ng mga synchronized time devices na ilalagay sa mga piling lugar at pagdeklara ng National Time Consciousness Week sa unang linggo kada taon na pangangasiwaan ng PAGASA.

Makikipagtulungan rin ang National Telecommunications Commission (NTC), Department of Transportation and Communications (DOTC), Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of National Defense (DND), Department of Health (DOH), Department of Education (DEPED), Commission on Higher Education (CHED) at Civil Service Commission (CSC) upang maisakatuparan ito.

Mula sa dating PST na acronym ng Philippine Standard Time, ginawa nilang PhST dahil ang PST ayon sa unang mga pagdinig nila ay acronym pala ng Pacific Standard Time.

Kabilang sa mga opisyales ng PAGASA na nakibahagi sa nasabing pagdinig at konsultasyon ay sina Dr. Flaviana D. Hilario, Acting Deputy Director for R&D na humalili kay PAGASA OIC Administrator Dr. Vicente B. Malano; DOST ASec. Atty. Oswaldo C. Santos, Chairperson para sa IA-TWC IRR on RA 10535, sina Joel C. Rivera, Legal Officer ng PAGASA at Garry Aligmayo ng DOST LLO at Ms. Venus R. Valdemoro, OIC Public Information Unit ng PAGASA.

Mahalaga ang oras at ang tama’t eksaktong pagtingin nito sa mga tanggapan ng pamahalaan at ng sambayanan ay siyang magdu dulot ng mabuti bagay sa ekonomiya maging sa pakikipag transaksyon pang diplomatiko na siyang magsu sulong sa tunay na pag asenso ng bansa. (michael n balaguer)

 

————————————————————————————————————————–

 

Typhoon at Flood Awareness Week 2013 ng PAGASA: Layuning Maiwasan ang Sakuna

DEKLARADO ng Pangulo ng bansa na tuwing sasapit ang ikatlong linggo ng Hunyo kada taon ay ipagdiriwang ang typhoon and Flood Awareness Week alinsunod sa Presidential Proclamation 1535.

Inatasan ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA-DOST) upang pangunahan sapagkat ang nasabing ahensya ang pambansang tagapagtaya ng panahon.

Ngayong 2013, ang kanilang tema ay uminog sa: Kaligtasan sa Bagyo at Baha, isulong sa alin mang sulok ng bansa kung saan ginanap sa kanilang punong taggapan sa lungsod Quezon ngayon.

Nabanggit na upang tunay na maiwasan ang pinsalang dulot ng bagyo at baha, nararapat na magdagdag ng mga makabagong kagamitan ang ahensya.

Karagdagang rain gauges, telemeters, mga CCTV camera, bouy at mga weather balloon na ilalagay sa strategic locations sa bansa upang makakuha ng real time data.

Kaligtasan unang una ng mga tao ang pangunahing prayoridad tuwing may bagyo at baha upang maiwasan ang mga buhay na masasawi sakaling maging malaking kalamidad ito.

“di naman makaka apekto sa trabaho ng PAGASA ang pag alis ng aming Administrator Dr. Nathaniel Servando kasi marami naman na bagong meteorologist ang PAGASA ngayon” ayon kay Dr. Vicente B. Malano, acting Administrator ng PAGASA. (michael n balaguer)

Gender and Politics pinag usapan sa nakaraang NAST-RTD

PINAGUSAPAN sa nakaraang round table discussion na pinangunahan ng National Academy of Science and Technology ang mga pagkukulang ng ating bansa ukol sa suliranin na umiinog sa kasarian at pulitika.

Sa ginanap rin na pagtalakay ay nais nilang makabuo ng resolusyon sa pamamagitan ng mga paghingi ng mungkahi sa mga nagsidalong naki bahagi sa nasabing talakayan.

Nakibahagi sa nasabing ptalakayan si Dr. Michael Tan, College Dean ng Dela Salle University ng College of Social Sciences and Philosophy at isang Academician ng NAST. Nagsalita si Prof. Josefa S. Francisco, Chairperson ng International Studies ng Miriam College at General Coordinator kung saan tinalakay niya ang mga Development Alternatives for Women in the New Era, iginiit rito na pagdating ng halalan ay kailangang di lang lalaki ang maaring iluklok sa kapangyarihan dahil may kakayahan rin ang mga kababaihan.

Nagbahagi rin ang dating pangalawang punong lungsod ng Quezon City na si Alice Herrera, kayang tinuran ang mga babaeng pulitiko gaya ni Senador Miriam Defensor-Santiago samantalang kanyang ibinahagi na May 2010 both National and Local Election Survey ng Statistics of Commission of Women (COW) 18.4% ang bilang ng mga kababaihan ang nahalal sa pulitika, mataas ito kung ikukumpara noong nagdaang 2007 election na may 17% lamang ang bilang ng kababaihan ang nabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng puwesto sa gobyerno (Both National and Local).

Mas marami rin anila na bumobotong babae kaysa sa lalaki, huling nagsalita si UP Diliman Professor ng College of Social Sciences and Philosophy na Si Ms. Laraine Sarmiento na nagsilbing huling tagapagsalita na nagbahagi ng bilang ng mga kababaihang nahalal ng nakaraang 2013 eleksyon.

Aniya ang mga kababaihan ay may karapatan din na magdesisyon para sa ikagaganda ng isang lungsod o bansa ngunit paano ba maririnig ang boses ng mga kababaihan kung hindi pakikinggan. Sa pagtatapos, isang pasasalamat ang ibinigay ni Dr. Michael Tan sa mga naging tagapagsalita at kung saan siya din ang naging synthesizer sa nasabing pagpupulong. (rodel cadion)

 

 

 

SA ISINAGAWANG pagpupulong patungkol sa Gender and Politics ng National Academy of Science and Technology, Philippines noong ika 3 ng September 2013 na ginanap sa Hyatt Hotel, Manila, Iba’t ibang mungkahi ang naibigay ng mga dumalo dito tulad nalang ng mga naging tagapagsalita sa nasabing pagpupulong.

Ngunit bago sinimulan ang nasabing pagpupulong ibinahagi muna ni Dr. Michael Tan, Isang College Dean, De La Salle University, College of Social Sciences and Philosophy at Academician, National Academy of Science and Technology, Philippines ang Layunin ng nasabing pagpupulong na kung saan nais na maiparating hindi lamang sa Government kundi maging sa Non-Government Organisation at Private Sector ang mga nagagawang resolusyon at pagpupulong na ginagawa ng National Academy of Science and Technology, Philippines upang malaman ng bawat isa kung ano ba ang kulang sa ating bansa at kung ano ba ang kasalukuyan nagiging problema natin.

Si Prof. Josefa S. Francisco isang Department Chairperson, International Studies, Miriam College at General Coordinator, Development Alternatives with Women for the New Era, ang naging unang tagapag salita na kung saan ibinahagi niya ang ilan sa mga makatotohanang nangyayari sa Pulitika pagdating ng eleksyon at ang sinasabing “Quota System”.

Sinabi niya na sa gobyerno hindi lang naman dapat ang mga kalalakihan ang dapat bigyan nang pagkakataon na maka-umupo sa pwesto dahil tulad din ng mga kababaihan may lakas at sapat na kaalaman din naman sila pagdating sa pamumuno sa isang lungsod o bansa.

Sa kabilang banda, ibinahagi naman ni Ms. Alice Herrera, Vice Mayor of Quezon City, naging pangalawang tagapagsalita sa nasabing pagpupulong ang patungkol sa mga kababaihan pagdating sa pulitika, lubos niyang ikinagalak ang kontribusyon ng ilang kababaihan sa ating bansa at naging halimbawa nalang niya dito si Senator Miriam Defensor-Santiago.

Naibahagi din niya na noong May 2010 both National and Local Election Survey ng Statistics of Commission of Women (COW) 18.4% ang bilang ng mga kababaihan ang nahalal sa pulitika, mataas ito kung ikukumpara noong nagdaang 2007 election na may 17% lamang ang bilang ng kababaihan ang nabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng puwesto sa gobyerno (Both National and Local).

Dagdag pa niya na pagdating sa botohan mas maraming kababaihan ang bumoboto kung ikukumpara sa mga lalaki. Si Ms. Laraine Sarmiento naman ang huling naging tagapagsalita, Isang Professor, UP Diliman, College of Social Sciences and Philosophy, kung saan ibinahagi naman niya ang bilang ng mga kababaihan at kalalakihan sa kanyang presentasyon sa nasabing pagpupulong na kung saan ay mga nahalal noong mga nakaraang eleksyon hanggang sa nagdaang 2013 eleksyon.

Aniya ang mga kababaihan ay may karapatan din na magdesisyon para sa ikagaganda ng isang lungsod o bansa ngunit paano ba maririnig ang boses ng mga kababaihan kung hindi pakikinggan.

Sa pagtatapos, isang pasasalamat ang ibinigay ni Dr. Michael Tan sa mga naging tagapagsalita at kung saan siya din ang naging synthesizer sa nasabing pagpupulong. (rodel cadion-NAST)

 

NAST, DOST at UNESCO tinalakay ang Engineering Technology Programs

IBA’T IBANG spekulasyon ng Engineering School na umatend sa talakayan ginanap na may pamagat “ 2nd Consultative Meeting on Engineering Education Technology and  Engineering Technician Degree Programs” ng pinagtulungan ng National Academy of Science and Technology, Department of Science and Technology at United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization.

Para matugunan ang industriya magkakasama ang Engineer, Technician at Technology ang layunin ng meeting na I-standard ang program ng titulo ng hindi magkaroon ng kalituhan kahit pumunta pa sa abroad  ang isang nakatapos kahit wala pa ang K to 12.

Ang ladderized program din ay desisyon ng paaralan subalit hindi lahat ng paaralan ay nag offer nito.

Ang general education ay inaasahan makasama sa K 12. Inaantay pa rin ang desisyon ng  Commission on Higher Education (CHED) kung ilan taon ang Engineering Technology. Ang full implementation ng K 12 ay magiging 4th year na lamang ng engineering course. (mary jane olvina-balaguer)

 

 

ENGINEERING Education Technology at Engineering Technician degree Programs ang pangunahing tema ng 2nd Consultative Meeting at Round table Discussion ng national Academy of Science and Technology.

Kabilang sa mga nagsidalo at nagsilbing tagapagsalita ang tatlo sa mga dalubhasang may kaukulang kaalaman sa  nasabing disiplina na pinangunahan ni Acd. Alvin B. Culaba ng Engineering Science and Technology Division.

Sa tatlong mga dalubhasang nagsilbing tagapagsalita, una si Acd. Reynaldo B. Vea, tagapangulo ng Engineering Sciences and Technology Division ng NAST, siya ring tagapangulo ng UNESCO Science and Technology Committee at kasalukuyang Pangulo ng Mapua Institute of Technology sa kanyang presentasyon na may titulong “Meshing of the Engineering Technology and BS Engineering Academic Programs”.

Kasunod na nagsalita at nagbigay ng paper presentation na may titulong “Curiculum Maps for the Engineering Technology Programs” si Engr. Lyndon R. Bague, miyembro ng CHED technical panel on Engineering and Technology at siya ring Dean ng College of Engineering ng Technological University of the Philippines.

Huling nagbigay ng kanyang presentasyon na may titulong “ASEAN Qualifications Reference Framework, Competency Standards Agreement of the ASEAN Construction Federation and updates on the Philippines Qualifications Framework” si Ms. Irene M. Isaac, Executive Director General ng TESDA.

Nagbigay ng synthesis si Dr. Melito A. Baccay, Professor sa College of Engineering ng Technological University of the Philippines. Sa nasabing pagpupulong at RTD maraming tanong ang nabuo kaysa sagot lalo na yaong tungkol sa mga kursong gaya ng engineering na tila sa panahon ngayon sa bansa ay kumo konti na ang pangangailangan.

Sa industriya ay napakaraming kailangang technicians at technologist at di na alintana ng mga kumpanyang gumagawa ng electronics o mechanical parts, sasakyan atbp. Kung engineers ang mga ito as long as alam nila ang trabaho.

Sa RTD at pagpupulong tinalakay nila ang pagsasaayos ng kurikulum ng Engineering at standardization ng mga asignatura na kung minsan at kadalasan ay nagkakapareho na nagreresulta ng pagkakasawa ng ilang mag aaral na magkainteres pa sa engineering. (michael n balaguer)

RTD ng NAST-DOST handog sa mga kababaihan sa pulitika

MALAKING papel ang ginagampanan ng mga kababaihan sa ating buhay. Ang ating mga Ina, ate, misis ang dati ay nasa bahay lamang at nag aaruga sa mga kalalakihang mahal nila sa buhay ngunit ngayon ay sumasabay na rin sa kalalakihan sa mga napili nitong propesyon.

Kaya isang Round Table Discussion o RTD ang pinangunahan ng National Academy of Science and Technology o NAST ng Department of Science and Technology o DOST bilang pagkilala sa mga kababaihang nasa pulitika pati ang mga dakila nitong kontribusyon lalo sa sector ng agham.

Sa pangunguna ng NAST Executive Director Ms. Luningning Samarita-Domingo, mga National Scientists na sina Dr. Mercedes Conception at Dr. Gelia Castillo, tinalakay nila ang umaangat na kalagayan ng kababaihan ngayon na nasa pulitika.

Ang mga balakid at mga nagagawa nila sa policy development at management, pagbigay ng solusyon sa mga luma nang suliranin. Pinag usapan rin ang mahalagang papel ng kababaihan bilanglider ng bansa at kung hanggang saang mataas na posisyon sila maaring ilagay.

Matatandaang dalawa nang babae ang naging Pangulo ng ating Republika, sina Pangulong Corazon Aquino at Gloria Macapagal-Arroyo, sa Hudikatura naman ay si Chief Justice Maria Lourdes Cereno, at isa sa pinakamagaling na senador ng bayan si Senator Miriam Defensor-Santiago at napakaraming babaeng miyembro ng mababang kapulungan ng kongreso. (Mary Jane Olvina-Balaguer)

Mga Websites ng Gobyerno Tiniyak na Secured ayon sa DOST

TINIYAK ni Department of Science and Technology Secretary Mario G. Montejo na ligtas laban sa mga hackers ang mga websites ng pamahalaan ngayong ang humahawak na ay ang kagawaran ng agham.

Ito ang kasagutan ng kalihim sa mga katanungan ng pahayagang ito kaugnay ng kabi kabilang hacking ng mga nagsasabing Chinese hackers sa ibat ibang websites ng pamahalaan kamakailan.

Ayon kay Montejo, ang humahawak ngayon ng mga sites ng pamahalaan ay ang Advanced Science and Technology Institute (ASTI) at nasa kanila ang kabilang sa mga magagaling na programmers ng bansa na tumutulong upang tiyakin ang seguridad ng mga mahalagang websites ng gobyerno na paboritong puntiryahin ng sinasabing mga hackers na intsik.

Ang pagtiyak ng kalihim ay naganap nitong nakaraang linggo kasabay ng pagdiriwang ng NSTW o ng Expo Science 2013 sa harap ng mga opisyales ng kagawaran.(michael n balaguer)

 

 

Former Sportscaster Nanumpa kay Pnoy bilang assistant secretary ng DOST

NANUMPA kahapon kay Pangulong Benigno S. Aquino III ang mga bagong opisyales ng pamahalaan kabilang ang isang dating miyembro ng media na isang sportscaster at nai appoint bilang assistant secretary.

Pormal na naitalaga ang dating PBA sportscaster na si Raymund Liboro bilang Assistant Secretary ng Department of Science and Technology (DOST). Matatandaang si Liboro ang kasalukuyang Director ng Science and Technology Information Institute (STII) na siyang namamahala sa pagpapakilala ng mga programa ng kagawaran.

Bilang dating taga media at ngayon ay nasa kagawaran ng agham malaki ang bentahe ni Liboro dahil sa kanyang mga kakilala sa pamamahayag at peryodismo ay mas madali niyang naibabahagi ang mga programang nagagawa ng DOST sa madla.

Kabilang sa mga programa ng kagawaran na kasamang naibahagi ni Liboro ay ang Project Noah, AGTS, DREAM, Admatel at ang nakaraang Expo Science 2013 o ang matagumpay na taunang National Science and Technology Week. (Mary Jane Olvina- Balaguer)

 https://www.youtube.com/watch?v=qzeW0WP4ZO4

PASIGLAHIN ANG AGHAM SA REGION 4 ISINUSULONG NG LBSCFI

ISINUSULONG ng mga miyembro ng Los Banos Science Community Foundation Inc., ang pagpapasigla ng agham at teknolohiya sa southern tagalog sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga pribado at pampublikong institusyong pag edukasyon, pagsasaliksik at pamahalaang lokal.

Kaabilang sa mga miyembro ng nasabing komunidad ay ang Department of Science and Technology Region 4 (DOST R4), University of the Philippine Los Banos (UPLB), Philippine Council for Agriculture, Aquatic and natural Resources Research and Development (PCAARRD), International Rice Research Institute (IRRI), Forest Products Research and Development Institute (FPRDI) atbp. kapwa magkakasama upang isulong ang masiglang pag aaral at pagiibayo sa antas ng agham sa nasabing komunidad.

Sa nakaraang Syensaya 2013, counterpart ng National Science and Technology Week ay nagsagawa rin sila ng mga expo at exhibits ng mga researches ng mga mag aaral sa ilang paaralan at pamantasang sakop ngkomunidad.

Kabilang sa mga nagbigay ng inspirational na salita sa karamihan ng mga mag aaral ay si UPLB Chancellor Dr. Rex Victor O Cruz; DOST USec. for Regional Operations Dr. Carol Yorobe at Dr. Alexander Madrigal ng FPRDI at Dr. Patricio Faylon ng PCAARRD. (Mary Jane Olvina-Balaguer)

 

 

TAPI at DOST NCR magkasama ngayong 2013 RICE sa TIP QC

MAGKATUWANG na pinagtulungan ng Technology Application and Promotion Institute (TAPI) at ng Department of Science and Technology National Capital Region (DOST NCR) ang katatapos lang na Regional Invention Contest and Exhibits (RICE) na ginanap sa Technological Institute of the Philippines sa lungsod Quezon (TIP QC) nitong July 31-August 2, 2013.

Kabilang sa mga nagkaloob ng mga parangal sa mga nagsipagwagi ay sina DOST NCR Director Dr. Tess Fortuna at TAPI Director Engr. Edgar Garcia. Kapanapanabik ang mga kaganapan sa tatlong sunud sunod na araw ng pagtatagisan ng mga magagaling at mahuhusay na likha mula sa mga mag aaral ng haiskul, kolehiyo at ng mga propesyunal na imbentor.

Nasa paligid rin ng nasabing paaralan na bantog sa mga produktong naging dalubhasa sa likhang teknolohiya ang mga booth kung saan kinapapalooban ito ng mga nilikha ng mga nakibahagi. isang kapanapanabik na tagpo ay nuong manalo ang mga kabataang labis ang nadamang ligaya dahil sa kanilang likha.

Ayon kay Engr. Edgar Garcia ng TAPI sa panayam ng pahayagang ito, ang mga likhang maaring makapasok sa pamilihan sakaling mai komersyal ay ang mga imbensyon o utility model na may kaugnayan sa sektor ng pagkain dahil ang mga gadget ay kung hindi nila kayang pantayan ang kanilang mga ginawang batayan, dapat na higitan pa nila ito na ayon pa kay G. Garcia ay mahirap gawin.

Nakatakda namang idaos ang isa pang RICE sa Tagaytay bahagi ng timog katagalugan sa pangunguna ni DOST R4 Director Dr. Alexander Madrigal kung saan kabilang rin ang TAPI at DOST NCR sa mga naimbitahan. Isang tunay na saligan ng pagsulong ng bansa ang kanyang mamamayan at ang mga imbentor ay ilan sa mga ito na tumutulong upang iangat ang kalidad ng pamumuhay ng bayan.

Wika nga ng isang dalubhasang nagbigay ng komento sa isang napapanahong isyu tungkol sa pag asenso, dalawa aniya ang sangkap ng maunlad na bayan, una ay ang entreprenyur na sumusugal upang lumikha ng ekonomiya habang ang ikalawa ay ang imbentor na lumilikha ng teknolohiya. (michael n balaguer)

 

Makabagong Kabataan Sa Panibagong Pagasa

ISANG seminar ang isinagawa ng National Academy of Science and Technology, Philippines para sa mga High School Students na kung saan ay dinaluhan ng Iba’t ibang eskwelahan sa kamaynilaan.

Layunin ng nasabing seminar na maipamulat sa mga estudyante ang kahalagahan ng Siyensya at Teknolohiya, dito nagsalita ang ilan sa mga dalubhasa sa Siyensya at Teknolohiya tulad nila Dr. Kathleen B. Aviso Professor ng De La Salle University College of Chemical Engineering at 2013 awardee ng Outstanding Young Scientist, Dr. Michael Angelo B. Promentilla Professor ng De La Salle University College of Chemical Engineering at 2013 awardee ng Outstanding Young Scientist;

Dr. Thomas Edison E. De La Cruz Professor ng University of Santo Tomas College of Biological Sciences at 2012 awardee ng Outstanding Young Scientist, Ms. Susana F. Esquivel isang Science Research Specialist II ng Science Education Institute – Department of Science and Technology;

Kanilang ibinahagi ang kanilang mga naging karanasan pag dating sa pagaaral ng Siyensa at Teknolohiya, dito kanilang kinuha ang simpatya ng bawat estudyante para malaman kung ano ba talaga ang gusto nila pag dating sa kolehiyo at kanila din ipinaintindi kung ano ba ang kanilang magiging kinabukasan kung ang kukuhain nila na kurso sa kolehiyo ay mula sa Siyensa at Teknolohiya.

Sa pangwakas na pananalita ni Ms. Luningning E. Samarita-Domingo, Director IV ng National Academy of Science and Technology, Philippines kaniyang ibinigay mensahe na tiyakin dapat nasa puso ang pagkuha ng kurso sa kolehiyo ng hindi magsisi sa huli dahil ang kursong kukunin ay nasa kagustuhan ng bawat estudyante.(Rodel P. Cadion)

 

NOVARTIS biocamp 2013, harmonization ng mga pagsasaliksik

PINANGUNAHAN ng NOVARTIS Healthcare Philippines, Philippine Council for Health Research and Development- Department of Science and Technology (PCHRD-DOST), Department of Health (DOH), Intellectual Property Office- Department of Trade and Industry (IP Phil-DTI) and Hybridigm ang taunang biotechnology leadership camp.

Sina Mr. Thomas Weigold, President at Managing Director ng Novartis Healthcare Philippines; Dr. Jaime C. Montoya, MD, MSc, CESO 111 bilang representative ni DOST Sec. Mario G. Montejo, Dr. Madeline Valera, USec. Ng Department of Health bilang Representative ni Department of Health (DOH) Secretary Dr. Enrique Ona at Atty. Ricardo Blancaflor na Director General ng Intellectual Property Office Philippines ng Department of Trade and Industry (IP Phil-DTI).

Sa taong 2015 ay magkakaroon nang integration ng economies ang Association of South East Asian Nations (ASEAN) kaya tila nagsisimula na sa health sector ngayon sa bansa na umaayon sa magiging kalagayan sa hinaharap.

Naging tema na” ASEAN Harmonization in research” nakikipagtulungan na rin sa mga kapitbansa sa Asya ang Pilipinas sa mga pagsasaliksik sa sector kalusugan.

Magiging ASEAN community na magtutulungan ang mga miyembrong bansa ayon kay Dr. Jaime Montoya ng PCHRD. Ang Association of South East Asean Nations o ASEAN ay kinabibilangan ng mga bansang Pilipinas, Indonesia, Malaysia, Brunei Darusalam, Timor Leste, Singapore, Thailand, Vietnam, Cambodia at Lao Peoples Democratic Republic.

Sa pakiwari naman ni Atty. Ricardo Blancaflor, hindi madaling mai integrate ang sector ng kalusugan ng Pilipinas sa Asean dahil walang common na health practice ang ating mga ninuno kaya kailangan nating mag establish ng isang health registry kung ano talaga ang sariling atin, sa pagkakataong iyon ay maari nating masabing mayroon tayong sariling gamot.

Samantalang ayon kay Dr. Montoya, mayroon nang registry sa traditional medicine at sinimulan na ito ng PCHRD tatlong taon na ang nakararaan at inaasahan nilang bago matapos ang administrasyong Aquino. (michael balaguer)

 

mga balitang pang siyensya at teknolohiya