
Solutions to Societal Problems at the UP OFP 1st Leadership Forum in BGC
ANG LIDER nga raw ay hindi ipinapanganak kundi nililikha kaya nga sa panahon natin ngayon na napakaraming problema ng bayan na dapat mabigyan ng katugunan, may mga taong mangunguna at maghahain ng mga makatotohanang solusyon sa tila imposibleng mga problema.
Sa panahon kung saan ang mga oportunidad sa trabaho ay nasa Metro Manila at ang mga trabahador ay naninirahan sa mga lalawigan sa labas ng kalunsuran at dahilan sa kamahalan ng pamasahe sa pampublikong sasakyan kung saan maghahatid sa kanila papasok at palabas ng Kamaynilaan ang iba ay napipilitan na lamang na maging iskwater para makatipid.
Ang soluson dito ay inilahad ni Tacloban City Mayor Alfred Romualdez kung saan sinabi niya ang naging modelo ng Malaysia at Thailand kung saan binuksan nila ang kanilang mga expressways upang makadaan ang mga maliliit na mga sasakyan upang mabawasan ang trapiko sa kalunsuran.

Sa layunin naman na kumita ang mga magsasaka at hindi mauwi lamang sa mga middlemen ang kanilang mga kita pagkatapos nilang umani ng bigas, isang pagbabago ang naisip na gawing programa ng lalawigan ng Ilocos Norte sa pangunguna ng kanilang Gobernador Matthew Joseph Marcos Manotoc kung saan isang uri ng contract growing program na may direkta ng babagsakan ng mga ani ng bigas ng isang bayan at isa pang bayan na may kasunduan gaya ng modelo nila sa pagitan ng Ilocos Norte at Lungsod ng Quezon. Sa ganitong paraan ay hindi na magugutom ang mga magsasaka dahil may tiyak ng merkado ang kanilang mga produkto.

Sa bahagi ng agham at teknolohiya partikular sa agham agrikultural ay nakasama si Dr. Ruben Villareal na dating Chancellor ng University of the Philippines Los Baῇos, Laguna (UPLB) at kasalukuyang Academician ng National Academy of Science and Technology Philippines (NAST) at kanyang naibahagi ang kanyang mga karanasan nuong panahon ng administrasyon ni Pangulong Marcos Sr. at ang kaugnayan niya sa Green Revolution at Gulayan sa Kalusugan pati sa Masagana 99. Instrumental rin si Dr. Villareal sa pagpapaunlad ng sektor agrikultura sa pamamagitan ng paghahalo ng agham sa pananakahan,

Sa mga break out sessions ng forum ay nakibahagi ang isang dating taga Presidential management staff ng dating Pangulong Marcos Sr. na si Mr. Guillermo Trinidad, o Mang Gemmo at kanyang naisalaysay ang kasinungalingan sa likod ng Jabidah Masaker at wika niya kung nagtagumpay umano ang operation jabidah ay tuluyan ng napa sa atin (sa Pilipinas) ang sabah. Pinag uusapan.

Patuloy sa usapin ng Sabah kung saan nagwagi nga ang Pilipinas sa Frech Arbitral Court at natalo ang Malaysia tungkol sa usapin ng Sabah, ang mga tagapagmana ng Sultanato ng Sulu kabilang ang kanilang ministro na si Minister Amroussi T. Rasul ay nagbahagi ng kanyang mga karanasan at kaalamang ukol sa kaugnayan ng kanilang pamilya sa isyu ng Sabah at may solusyon na rin silang inihahain upang matugunan ang suliraning ito lalo ngayong panahon ni President Marcos Jr., dahil aang ama nitong si President Marcos Sr. ay malaki ang naitulong sa pakikipaglaban para sa sabah. Samantalang kabilang rin sa mga dumalo ay sina Batangas Governor Hermilando Mandanas kung saan ang kanyang batas ay may layuning palakasin ang lokal na owtonomiya.

Ayon sa mga convenors na sina Manny Lopez at Richard Bong Aῇo kasama si Ms. Melanie Mercado at ang leadership forum ay hindi limitado sa unibersidad ng Pilipinas kundi iikot sila sa ibat ibang unibersidad para mag conduct ng kaparehong mga forum upang talakayin ang mga suliranin ng bayan at ang mga lider na maaring makatulong para matugunan ito.



Kabilang rin sa mga nakibahagi ay sina Joaquin C. Rodriguez,n a Cosul sa Bansang Republic of Serbia at si USec Elpidio Jordan Jr. ng Presidential Commission on the Urban Poor (PCUP)


Mula sa imbitasyon galing sa aming kasamahan sa pamamahayag na si Ms. Susan Amoroso ang mga detalye sa aktibidad ng 1st UP-OFP Leadership Forum sa UP- BGC/, kabilang pa rin sa mga naging tagapagsalita sa nasabing forum ay si dating Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen.Gregorio Catapang Jr.//Michael Balaguer, 09262261791, michaelbalaguer@yahoo.co.uk at konekted@diaryongtagalog.net