7th PCAARRD Anniversary tagumpay nang sektor agrikultura; PCAARRD kasama sa Boracay Rehab; Semicon, Mangga at Mina pinag usapan sa Agham Bayan; Benepisyaryo sa repormang agraryo sa Boracay Rehab, mga Ati-DAR at AGHAMBAYAN Inilunsad

 

7th PCAARRD Anniversary tagumpay nang sektor agrikultura; PCAARRD kasama sa Boracay Rehab;;
Jume 24, 2018-Philippine International Convention Center (PICC), dito ginanap ang Ika-7 taong pagdiriwang nang pagkakatatag ng Philippine Council for Agriculture Aquatic and Natural Resources Research and Development (PCAARRD) ng Department of Science and Technology (DOST) kung saan kanilang inilahad ang mga mahalagang nagawa ng isa sa mga funding agencies nang kagawaran ng agham para sa sektor ng agrikultura, pangisdaan at likas yaman.
Inilahad ni Acting Executive Director Dr. Reynaldo Ebora ang nagawa ng ahensya sa pagbibigay ng kanyang Annual Executive Directors Report pagkaraan ng pangunang pagbati ng Acting Deputy Executive Director at Director for research and Development na si Dr. Edwin Villar.
Laman ng keynote Speech ng DOST Sec Fortunato T dela Pena ay umikot sa tema ng kanilang anibersaryo na ” Excellence in Agriculture Aquatic and natural Resources Innovations” kabilang ang mga mahahahalagang nagawa ng funding agency upang lubos na maisulong ang mga makabuluhang programa at proyektong may malaking tulong sa sektor agrikultural katulad ng sa mga native chickens, itik pinas at iba pa kabilang ang interbensyon nila sa kasalukuyang Boracay Island Rehabilitation.
Ginawaran ng parangal ang ilang nagkalooob ng natatanging pag uulat sa larangan ng pamamahayag sa radyo at pahayagan sa Ulat SIPAG. Nagbigay ng pangwakas na pananalita si Dr. Melvin Carlos Officer In Charge at Deputy Executive Director for Administration, Resource Management at Support Services na siya ring representante ng DOSt sa Boracay Rehab project na isang inter agency initiative. Ang buong panayam sa kanila ni Dr. Reynaldo Ebora ay makikita sa www.diaryongtagalog.net/dzmj_online/ .///Michael Balaguer, 09333816694, michaelbalaguer@diaryongtagalog.net

Semicon, Mangga at Mina pinag usapan sa Agham Bayan

Kaharap ang mga representante ng industriya pinag usapan sa nakaraang Agham Bayan, Science Technology and Innovation festival ang tatlong napakahalagang usapin pangkabuhayan na maaring makatulong ang agham teknolohiya at inobasyon.
Ilan sa mga ito ay ang tungkol sa manufacturing partikular sa Electronics at Semiconductors nabatid na sa kabila ng may mga manufacturer sa bansa ng mga printed circuit boards ay hindi dito ginagawa ang ibang mga parte nito, sinabi ni Dan Lachica na maraming magagaling na Pinoy sa larangan ng Electronics at isa ito sa industriyang maaring mapalakas sa pamamagitan ng agham at teknolohiya.
Samantalang ang kakulangan sa maraming aspeto ng produksyon pang agrikultural ang pangunahing suliraning dapat solusyunan ng agham lalo na sa Mangga ayon kay Roberto Amores, aniya dapat na tingnan natin ang kalagayan ng agham at teknolohiya pang agrikultural sa mga kapit bansa sa ASEAN para na rin makasabay ang ating mga lokal na produkto kaugnay nito, pag buwag sa Comprehensive Agrarian Reform Program ang nakikitang solusyon ni Atty Mike Toledo para tuluyang umangat ang sektor ng agrikultura sa bansa dahil aniya kailangan ang mga malalaking lupa para sa maramihang pagtatanim habang aminado siyang may mga batas na dapat amyendahan para sas ektor ng pagmimina at kailangan ang interbensyon ng agahm at teknolohiya para sa pagmimina.
Paraan ng pagmina ng mga mineral na hindi makakasama sa kalikasan. Kabilang sa mga dumalo ay sina DOST USec. Rowena Cristina Guevarra, Dr. Jaime Montoya ng PCHRD, Department of Agriculture Secretary Manny Pinol, Department of Trade and Industry Secretary Ramon Lopez, DOST Secretary Fortunato T. dela Pena at UP President danilo Conception.///Michael Balaguer, 09333816694, michaelbalaguer@diaryongtagalog.net

Benepisyaryo sa repormang agraryo sa Boracay Rehab, mga Ati-DAR

mga katutubong ATI ang magiging benepisyaryo sa repormang pang agraryo at pamamahagi ng lupang sasakahin sa kasagsagan ng pagrehabilitate sa isla ng Boracay, ito ay ayon na rin sa pamunuan ng Department of Agrarian Reform (DAR ) sa ginanap na pulong balitaan sa kanilang tanggapan kamakailan.

Unang humarap sa pulong balitaan sina DAR Undersecretary David D. ERRO kasama si DAR Assistant Secretary Elmer N. Distor bukod sa napag usapan na ang mga benepisyaryo ay ang mga katutubong ATI ng Boracay 80 ang magiging magsasakang benepisyaryo buhat sa kanilang hanay, masusi muna itong sisiyasatin at bibigyan sila ng lupa sa 25 ektaryang inilaan sa nasabing isla.

sa phase 1 ang ipamamahagi ay walang istruktura habang sa phase 2 ay yaong may mga nakatayong establisimento at ang ikatlong phase ay 6 na 33 ektarya na may mga istruktura ang ipamamahagi. Mungkahi ng DAR ay lagyan ng hangganan buhat sa kalupaan hanggang sa bayabayin dagat, isang kilometro at ang iba ay magiging lupang sakahan.

Maari rin taniman ng niyog ang lugar, sinasabing wala sa budgetary requirement sa 2018 budget ng DAR ang Boracay ngunit maari namang kunin umano ito sa internal budget nila, nabatid ring tatambakan ng 1 foot hanggang 3 feet ang top soil upang maging akma sa pagtatanim.

Sa panayam naman sa bagong talagang Kalihim ng DAR Atty. John Castriciones, nabanggit nitong sinusuportahan niya ang single farmer credit farm beneficiaries at kanila itong ikino coordinate sa Landbank, ibig sabihin, di na kailangang may grupo pa ang mga magsasaka upang maka hiram ng puhunan, pinasimple rin ang mga requirements nito.

Pinag usapan rin ang distribusyon ng CLOA, kasama rin na napag usapan sa interbyu sa kalihim ang tungkol sa pabahay sa mga magsasaka na sasailalim sa tinatawag na unified approach sa kanilang convergence program, kasama rito ang pagtanggal sa papel ng mga middle man na mas yumayaman pa kaysa sa mga magsasaka, isa pang napag usapan ay ang pag hikayat sa mga mag aaral at anak ng mga magsasaka na isa isip na may buhay sa agrikultura.

Bilin umano ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagpapalakas ng mga support services sa mga magsasakang benepisyaryo at layunin na nawa dumating ang araw na bawat magsasakay ay may isang traktora na kanilang magagamit sa kanilang mga bukirin.

Samantalang nais namang buhayin at ipagpatuloy ni Castriciones ang programang Tulay ng Pangulo, 100 Kilometrong tulay na mag uugnay sa bukid hanggang pamilihan sa mga lugar na walang access. ito ay buhat sa General Appropriations Act (GAA) Department of Public Works and Highways (DPWH) ang magtatayo nito na may kaukulang bahagi ang mga Local Government Unit (LGU) at ito ay isang Foreign Assisted program, grant buhat sa bansang France na may layuning iugnay ang mga farm to market roads.///Michael Balaguer, 09333816694, michaelbalaguer@diaryongtagalog.net


Kaakibat nang pagtatanghal sa mga proyekto at mga nagawa nang ating mga dalubhasa sa bahagi ng Science Technology at Innovation, inilunsad nitong Ika 30 ng Mayo 2018 ang “AGHAMBAYA: A DOST-UP Sciene, Technology and Innovation Festival” layunin nitong ipakilala ang mga nagawa ng agham, teknolohiya at innobasyon na bahagi na ng karaniwang buhay ng mamamayan at di lamang napapansin.  

Laglalayon din itong ibaba sa masa ang pagkaunawa sa mga kabutihang dulot ng agham teknolohiya at inobasyon na sa kasalukuyan ay hindi pa rin ganoon kakilala.
Nais nitong ipakita ang mga kontribusyon ng sektor sa pag unlad ng bansa lalo sa bahagi ng agrikultura at produksyon ng pagkain, medisina, pangangalaga sa kapaligiran at disaster management at teknolohiya sa space at engineering gaya ng mga ginagawang imprastrukura ngayon.
Ang AGHAMBAYAN ay buhat sa pagtutulungan ng Unibersidad ng Pilipinas at ng Department of Science and Technology. bagaman hindi nakarating si DOST Secretary Fortunato T. dela Pena na isa sa mga matatatatag na haligi ng agham na produkto rin ng Unibersidad ng Pilipinas.
Bagaman ginagawa ng kagawaran ng agham ang lahat ipang maibaba sa masa ang mga kabutihang dulot nito at kung ano ang mga nagagawa ng mga pag aaral ukol dito tila hindi pa rin ganoon ka popular o kilala o kaya ay may positibong pagkakakilala sa disiplina ng agham at teknolohiya sa bansa, sa mga malalayong lugar sa bansa o maging sa kalakhang maynila na lang, tila pag nababanggit ang agham teknolohiya o inobasyon sinasabi ng masa na ito ay isang mahirap na disiplina, ibig ipahiwatig na kulang pa ang mga programang ginagawa ng kagawaran partikular ang pagpapakilala nila sa masa ng agham teknolohiya at inobasyon.
Isang dahilan na nakikita ng maraming maliliit na mamamahaya ay ang pagkiling ng sektor sa mga malalaking media entities na halos wala namang nagagaw para sa promosyon ng disiplina bagkus ay kumukulekta lang ng mga malalaking advertisemnts at kapirasong bahagi lang ang inilalaan para isulong ang promosyon ng sektor.
Sa paglulunsad ng AGHAMBAYAN na isang pagtutulungan ng DOST at UP upang ipalikaka at ipaalam sa masa ang maraming kabutihan ng agham, teknolohiya at inobasyon sana maging katulad tayo ng bansang Hapon, na pagmababanggit ng karaniwang tao ang agham, hindi na sasabihing ito ay isang “napakahirap na disiplina”.///buhat sa larawan at panulat ni Michael Balaguer, 09333816694, michaelbalaguer@yahoo.co.uk