Abaca, laman ng huling pulong balitaan ng PCAARRD ngayong 2013

DSC00352

 

nasa larawan si Dr. Joy E. Eusebio- Director ng Crop Research Division ng PCAARRD

Quezon City, Pilipinas- Ibat-ibang produkto buhat sa abaca o manila hemp ang pinag usapan sa ginanap na technology to people conference na pinangunahan ng Philippine Council for Agriculture Aquatic and natural Resources Research and Development (PCAARRD) ng Department of Science and Technology (DOST).

Tatlong paper presentation ang ipinakita ng mga resource speakers na tungkol sa abaca, kabilang sina Dr. Antonio G. Lulusin, Project Leader sa Institute of Plant Breeding UPLB ukol sa Production of High Yielding and Virus Resistant Abaca Hybrids Crop Science Cluster.

 

 

Dr. Erlinda L. Mari, Scientist 1 buhat sa Forest Product Research and Development Institute (FPRDI) na may titulong R&D on abaca pulp for basic needs and high end applications at Ms. Maritess de leon, Senior Science research Specialsit ng Philippine Textile Research Institute na may titulong properties, performance and processability of abaca fibers.

 

 

Kilala bilang natural at strongest fiber ang abaca bagaman ginagamit na ang fibers nito bilang dashboard composite sa daimler-chrystler, dito sa bansa ay di pa rin ginagamit ng mga lokal na manufacturer ang nasabing fiber sa kanilang mga sasakyan. Sa dami ng aplikasyon ng abaca bilang tela, security paper, papel, dashboard composite at ibp. Kung di aalagaan maigi ng mga magtatanim na pinoy ang ating mga abaca at pababayaan na lamang ito, maaring maagaw ng ibang bansa ang ating pangunguna sa isang produkto, o halamang taal na sa atin. (mike Balaguer)

DSC00355DSC00353DSC00356

 

DSC00341

Leave a Reply

Your email address will not be published.