Agham ng game fowl breeding pinagtagumpayan ng isang ARB sa SJDMC Bulacan

DSC01020

 

 

San Jose Del Monte City, Bulacan-Kagaya ng karaniwang paghahayupan, hindi nalalayo sa pag aalaga ng ordinaryong manok ang pag aalaga ng “tinali” o ng “game-fowl” sa mga kaibigan nating “sabungero”. Isang maituturing na napakalaking industriya, sakaling magtagumpay ang mga kumokontra sa gawaing ito (sabong), pihadong maraming malulungkot, magugutom, mawawalan ng hanap-buhay, mawawalan ng kikitain, mawawalan ng libangan at mawawala ang isang kulturang lalong nagbigay kulay sa ating pagka-Pilipino.

Sa paghahanap ng www.diaryongtagalog.net ng mga kuwentong may kinalaman sa agham, agrikultura at kapaligiran nakita namin ang isang simpleng mamamayan, isang agrarian reform beneficiary (ARB) ng Department of Agrarian reform na nainiwalang “tunay” ang repormang agraryo, dangan lang ay hindi siya pinalad na mapa unlad ang isang ektarya niyang taniman nuon ng “gulay’, high value crop, na nauwi sa pagtatanim ng mangga na humantong sa pagbi breed ng mga manok na panabong.

DSC01019

 

 

Matatagpuan sa Bgy. Kaybanban Purok 1 si Celestino “amang” Solomon, (makikitang nag e explain sa mga video) game-foul breeder mula pa ng 2010 ngunit ayon sa kanya, ay bata pa lamang siya ay mahilig na siya sa manok na panabong. dalawa lamang ang kanyang mga bini- breed na manok, ang mga ito ay ang Kelso at Sweater, may katangian malakas sumipa at lumipad, tamang kumbinasyon sa pakikipagbakbakan.

Maraming nabubuhay sa pag aalaga ng manok panabong, ang mga mantatari na ang pinaka maliit na kita ay 500 pesos kada manok, ang doktor ng manok na 300 pesos ang pinakamababang kita kung maraming magpalagay ng tari at masugatan at magpagamot tiyak ang kita nila. Ilan pa sa mga nabubuhay sa sabong ay ang mga feed manufacturers, laboratoryong gumagawa ng mga vitamins, ang mga nagma manufacture ng mga tali, tari at gloves ng manok.

isang malaking industriya na maituturing na “one of the most valuable export ng Pilipinas” Ngayong maraming walang trabaho sa bansa, maiging mag alaga na lamang sila ng manok panabong. sa aalagaang 30 ulo kada 2,500 ang benta kada isa, sa loob ng 7 buwan ay maaring kumita ng 75,000. Ayon kay mang amang, sa kanyang farm ibinibenta niya ang trio mix breed ng 30,000 (dalawang babae at isang lalaking manok) Ang pure breed na Kelso ay ibinibenta niya ng 30,000 pataas at ang Sweater ay 45-50,000 pataas ang halaga.

Sa nais bumili ng manok ay maaring makontak si Mang Amang Solomon kabalikat ang kanyang maybahay na si Marissa Solomon, (Principal ng Graceville Elementary School) sa mga numerong 09227789552 at 09053416517. Tunay na isang napaka gaang negosyo at kumikitang kabuhayan ang pag aalaga ng manok na panabong, sa dalawang beses na pagpapakain sa manok (umaga at hapon ay tiyak ang kikitain ng breeder. (mike balaguer)