Baboy damo, katutubong baboy-PCAARRD; IP at mga katutubong baboy at manok ipinakilala ng PCAARRD at Corals, cacao, goma at buko highlight ng PCAARRD sa NSTW2017


BABOY DAMO, KATUTUBONG BABOY-PCAARRD

“yes isa siyang native pig, at maraming breed nyan sa Pilipinas dahil isa syang wild at endangered na kaya nasa realm na siya ng DENR” ito ang nilinaw ng Philippine Council for Agriculture Aquatic and Natural Resources Research and Development (PCAARRD) ng Department of Science and Technology (DOST) sa pamamagitan ni Dr. Synan Baguio sa nakaraang pulong balitaan sa lungsod Quezon.

Dahilan sa ang pinag uusapan ay tungkol sa pagpaparami at komersyalisasyon ng mga katutubong mga hayop sa bansa gaya ng Itik, Manok at baboy, at ang isinusulong ng PCAARRD ay ang pagpaparami at pag aalaga ng mga ito, inamin ng ahensya na bagaman isang katutubong baboy ang “baboy Damo” o wild boar, hindi ito maaring paramihin upang kainin ng tao o for human consumption dahil ito ay nauubos na, o endangered species.

Nabatid na marami pa sa mga kabundukan ang bukod sa nagpaparami at nag aalaga ng mga itim na baboy o yaong kilalang katutubong baboy na kilala ng lahat, may mga nakakalusot pa ring nangangaso ng mga baboy damo.

Gaya ng mga katutubong babo, ang katangian ng mga baboy damo ay halos walang taba at puro laman ang karne. Ayon sa PCAARRD, napakaraming breed ng baboy damo sa bansa dahil tayo anila ay kapuluan at bawat isla ay may kani kaniyang baboy na nag adap sa nasabing pook gayundin sa populasyon ng mga katutubong baboy.(MJ Olvina-Balaguer, 09053611058, maryjaneolvina@gmail.com )

-30-

IP AT MGA KATUTUBONG BABOY AT MANOK IPINAKILALA NG PCAARRD

“Wala nang balut sa pateros, umaangkat na lang sila dahil hindi na pagbaba balut ang naging priority ng kanilang industriya kaya nga bagaman duon sila nakilala ay marami nang lugar sa bansa ang nagba balut” ito ang bahagi nang sagot ng PCAARRD sa katanungan kung bakit sa dami ng mga lugar na binigyan ng mga alagaing IP o Itik Pinas ay walang ilinagay sa Pateros na tinaguriang “Balut Capital ng bansa”.

Ayon sa pangunahing ahensya ng kagawaran ng agham na dalubhasa sa usaping agrikultural at kapaligiran maraming lugar sa bansa ang akmang lagyan ng mag aalaga ng mga itik.

“sa Quezon, Nueva Ecija Atbp ang mga maraming nag aalaga ng Itik Pinas” bukod sa mga lugar na naunan nang nagkaroon ng mga nag aalaga ng Itik Pinas (o ang uri ng Itik na sariling atin, inaasahan ng mga dalubhasa ng kagawaran ng agham lalo ng PCAARRD na narami pa ang mga magkaka interes na mag alaga ng itok na ngayon ay isa nang maituturing na kumikitang kabuhayan di lamang sa kanayunan kundi pati sa Kalunsuran. (MJ Olvina-Balaguer, 09053611058, maryjaneolvina@gmail.com )

-30-

CORALS,CACAO,GOMA AT BUKO HIGHLIGHTED NG PCAARRD SA NSTW2017

Pagiibayo ng kalagayan ng mga bahura sa karagatan, pagtatanim at kung paano kikita sa cacao, pagtatanim ng rubber tree para makasabay sa tawag ng malaking industriya at ang kalagayan ng buko sa bansa ang mga highlights ng PCAARRD sa gaganaping 2017 National Science and technology Week.

Preserbasyon at pagsinop sa Benham Rise o Philippine Rise ngayon ang isa sa target ng sektor agrikultural at pang kapaligiran kabilang din sa mga showcase sa nakaraang NSTW2017 ng Philippine Council for Agriculture Aquatic and Natural Resources Research and Development (PCAARRD).

Ang talamak na coral bleaching na dulot ng pagsira ng mga mga bahura, mga pagsasaliksik para sa preserbasyon ng mga nasirang bahura sapagkat batid naman na ang mga corals ay “buhay” (assessment of Benham rise o Philippine Rise), nakikilala ngayon ang Benham rise dahil sa energy potential nito at sa malimit na pagpasok sa malapit nito ng mga dayuhang nagsasaliksik.

Kabilang sa mga tinutukan sa agrikultura ay ang gumagandang kalidad ng Brown Rice at ang pagpapatagal ng shelf life nito at kamakailan ay inilunsad ang superheated steam process sa Pulilan Bulacan at ang paghahanap at pagtukoy sa mga lugar na magandang taniman ng cacao at goma na isang bilyon dolyar na industriyang agrikultural.(MJ Olvina-Balaguer, +639053611058, maryjaneolvina@gmail.com 

———————————————————