
Pinuri ni Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary John R. Castriciones ang mga opisyales at kawani ng DAR-Central Luzon dahil sa agarang pamamahagi nito ng 2,815 o 75 porsyento ng kabuuang 3,763 mga nakabinbing titulo ng lupa — Certificates of Land Ownership Award (CLOAs) – sa mga magsasakang-benepisyaryo.
Kontento si Bro. John, nakasanayang tawag kay Castriciones, sa nagawa ng nasabing regional office na pinamumunuan ni Director Maria Celestina M. Tam kung saan may natitira na lamang na 948 na mga titulo ng lupa na nananatiling nasa mga kamay ng mga opisyales upang maipamahagi sa mga agrarian reform beneficiaries mula sa pitong mga lalawigan ng rehiyon.
Ayon kay Tam, isang abogada, karamihan sa mga benepisyaryong nakapangalan sa mga titulo ay hindi na makita dahil lumipat na ng tirahan, samantalang ang iba naman ay sadyang hindi kilala sa lugar kung saan sila nakalistang nakatira o sadyang walang pagkakakilanlan.”
Ang DAR-Pampanga, na pinamumunuan ni officer-in-charge, Atty. Joseph D. Sagampud Jr., ang nakakuha ng pinakamataas na bilang dahil nagawa nitong ipamudmod ang lahat ng 1,180 mga titulo sa mga nararapat na benepisyaryo.
Pinuri rin ni Bro. John si DAR-Zambales officer, Engr. Emmanuel G. Aguinaldo nang maipamahagi rin niya ang lahat ng mga 140 titulo ng lupa sa mga dapat magmay-ari nito. Ipinakita ni Aguinaldo na karapat-dapat siya sa papuring iyon dahil nagawa rin niyang ipamahagi ang halos lahat ng 583 mga titulo ng lupa na nabinbin sa DAR-Bataan, maliban sa pitong natira.
“Lahat ng mga titulo ng lupa na nai-rehistro at naibigay na sa opisina ng DAR ay dapat ipamahagi agad upang mabigyang hustisya ang ating mga benepisyaryo na matagal nang hinhintay ang pinakamimihi nilang pangarap, ang mga titulo ng lupa,” ani Bro. John sa pulong na nilahukan ng mga opisyales ng DAR-Central Luzon.
Dagdag pa niya: “Kapag ang mga titulo ng lupa ay naibigay na sa DAR, nagpapahayag ito ng ‘presumption of regularity’ at, dahil dito, nararapat lang na ipamahagi agad ang mga ito.”
# # #

Mga ahensya ng pamahalaan sa Pangasinan nangakong bibigyan ng license to operate ang isang kooperatiba ng mga magsasaka
Nangako ang Department of Agrarian Reform (DAR), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Science and Technology (DOST), at local government unit (LGU) ng Natividad, Pangasinan ay nangakong tutulong upang mabigyan ng Food and Drugs Administration License to Operate (FDA-LTO) ang Calapugan Agrarian Reform Cooperative na nagpo-proseso ng cassava upang maseguro ang kanilang mas maayos na operasyon at mas matatag na merkado.
Ayon kay Pangasinan Provincial Agrarian Reform Program Officer II Maria Ana B. Francisco, sa isinagawang buy-in session na pinangunahan ng DAR kasama ang mga katuwang nitong ahensya, bibigyan ng pagsasanay ang mga opisyal at kasapi ng Calapugan Agrarian Reform Cooperative, bilang bahagi ng mga aktibidad sa ilalim ng proyekto ng DAR na Village Level Farm Focused Enterprise Development (VLFED).
Sinabi ni Francisco na ang proyektong VLFED ay nagsasagawa ng mga pagsasanay sa mga magsasaka para sa pagpapa-unlad ng kanilang mga produkto, pagpapahusay sa pamamahala ng mga pinuno at mga miyembro ng agrarian reform beneficiary cooperative (ARBO), at tinutulungan ang mga ARBO na makakuha ng FDA-LTO para sa kanilang negosyo.
“Bukod sa pagkakaloob ng mga pagsasanay sa mga miyembro ng ARBO upang sila ay maging matagumpay na agri-entrepreneurs, ang DAR ay naglaan ng P300,000.00 para maisaayos ang processing facility ng kooperatiba,” ani Francisco.
Sinabi ni Francisco na ang mga miyembro ng kooperatiba ay nagtatanim ng lokal na kamoteng kahoy at ito ay pinoproseso para maging cassava chip at cassava cake.
Ayon pa kay Francisco, ang mga kasapi ng ARBO ay nauna nang sumailalim sa pagsasanay ng DTI ukol sa product development, packaging and labeling, at digital marketing. Samantala, inaasikaso naman ng DOST at lokal na pamahalaan ang inspeksyon sa lugar at ang pagbubuo ng blueprint sa magiging processing center ng kooperatiba.
Idinagdag ni Francisco na ngayong 2021, target nila na gawing cassava chips capital ng Silangang Pangasinan ang Calapugan, Natividad, ngayon na magkakaroon na ng headquarters ang Calapugan Agrarian Reform Cooperative sa lugar para sa produksyon ng cassava chips at cassava cake.
Ayon kay Francisco, nahirapan ang mga magsasaka na kumita noong kasagsagan ng enhanced community quarantine sa Pangasinan kaya naisipan nilang i-proseso ang kanilang mga pananim na cassava upang mas tumagal ito at ibenta sa mas mataas na halaga.
“Sa pagkakataong ito, isa sa mga nilapitan ng DAR upang matulungan ay ang Calapugan Agrarian Reform Cooperative. Naisipan namin na ang proyektong VLFED ay mapakikinabangan hindi lamang ng mahigit na 90 miyembro nito kundi maging ng mga magsasaka ng cassava sa bayan,” pagtatapos ni Francisco.
###
More than 11k farmers enrol in PHilMech’s Radyo Eskwela
A total of 11,682 farmer-beneficiaries from 892 farmers cooperatives and associations (FCAs) nationwide have enrolled to take part in the Radyo Eskwela radio program of the Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PHilMech) aimed at educating farmers-beneficiaries on rice mechanization and postharvest.
Radyo Eskwela supports the implementation of the Rice Competitiveness Enhancement Fund-Mechanization Program in the aspect of training and knowledge development in farm mechanization, among others.
“Radyo Eskwela also answers the need to sustain the training of the members of the FCAs that already received their farm machines at no cost under the RCEF-Mechanization Program. Eventually, those who finish the whole series can influence more farmers to be open and learn more about farm mechanization,” PHilMech Executive Director Baldwin G. Jallorina Jr. said.
“As the PhilMech accelerates the mechanization of rice farming in the Philippines, there is a need to further educate and train farmer of the crop using various avenues like radio and social media to compliment hands-on training,” he added.
The first batch of enrolees consists of 8,176 males and 3,506 females who are part of the FCAs who were awarded farm machines under the RCEF-Mechanization Program in 2019.
Radyo Eskwela airs every Wednesday and Saturday from 5:00 to 6:00 am in 27 AM stations and six FM stations of Radio Mindanao Network (RMN). It is also streamed in Radyo Eskwela PH’s Facebook Page and YouTube Channel. The series started airing in late March and will run until June. Each series lasts for 30 minutes and aired over Facebook live.
The enrollees should expect six modules with three to four lessons per module. The topics range from Rice Tarrification Law (RTL), RCEF-Mechanization Program, to farm mechanization principles and machinery.
The lessons are simultaneously aired in Tagalog, Hiligaynon, Cebuano, Waray, Chavacano, Bicolano, and Iloco with RMN anchors and PHilMech technical experts in the field.
According to Erna Vista from Batu-Farmer Irrigators Association of Siay, Zamboanga, even with poor radio signal in their area, they were able to catch up with the program’s lessons through Facebook Live.
“We were able to learn a lot especially about farm machines. My husband and son also listens to Radyo Eskwela,” she added in the vernacular.
Those who are not from the FCAs can also listen to Radyo Eskwela by accessing its online platform.
One of them is Teodoro dela Cruz who said in Tagalog, “Thank you, PHilMech and RCEF, hope your program, will be extended to the other farmers.” # # # (DA-PHilMech)