DAR ilulunsad ang ikatlong Buhay sa Gulay project sa Caloocan City

Maglulunsad ang Department of Agrarian Reform (DAR) ng ikatlong proyekto nito sa urban vegetable farming na tinatawag na “Buhay sa Gulay” project, sa February 11, 2021,  sa bakanteng lote sa Barangay 167, Sunriser Village, Caloocan City upang itaguyod ang kahalagahan ng pagsasaka sa kalunsuran at matulungan mabawasan ang kahirapan, puksain ang kagutuaman at mag-ambag sa seguridad sa pagkain sa mahihirap na lungsod sa Metro Manila.

Nagpahayag si DAR Secretary Brother John Castriciones na ito ang pangatlong paglulunsad ng urban vegetable farming sa Metro Manila.

Ang lungsod ng Caloocan ay sumunod sa tagumpay na nararanasan ngayon ng St. John Bosco Parish sa Tondo, Manila na naglunsad ng kanilang urban vegetable farming nuong Oktubre ng 2020 at ng Barangay Bagong Silangan in Quezon City na naglunsad din ng kanilang proyektong Buhay sa Gulay sa malawak na 7,000-ektaryang lote noong Enero 8, 2021.

Ayon kay Castriciones mayroong isang daan at lima (105) mga kalahok sa proyekto, na lahat ay residente ng Sunriser Village at Vista Verde Executive Village, na kinilala bilang mga direktang benepisyaryo ng proyektong “Buhay sa Gulay” sa Barangay 167, Caloocan City.

Ayon kay DAR Secretary Brother John Castriciones ang proyektong urban vegetable farming ay ay isang self-help start-up livelihood project kung saan ang mga kasangkot na mga ahensiya ng pamahalaan at organisasyon ay nagsasama-sama, nagbabahagi ng mga kinakailangan gamit at nag-aalok ng mga oportunidad upang mabigyang kakayahan ang mga residente sa kalunsuran na makapagtanim at makakain ng masusustansyang gulay at mabigyan sila ng mapagkukunan ng karagdagang mapagkakakitaan.  

“Ito ay magkatuwang na proyekto ng pambansang pamahalaan, lokal na pamahalaan at mga organisasyon sa komunidad na pinangungunahan ng DAR, Department of Agriculture, lokal na pamahalaan ng Caloocan, Agricultural Training Institute, mga residente ng Barangay 165, 166, 167pa and 168 at mga  agrarian reform beneficiaries ng Cavite at Rizal,” ani Castriciones.

Ang “Buhay sa Gulay” Project ay umaayon sa diskarte ng pagpapaunlad base sa konsepto ng “small brother -big brother”, kung saan, ang mga matatatag at progresibong mga ARBO ng DAR ay nagbibigay ng suporta at tulong sa mga maliliit na naninirahan, na karamihan sa kanila ay mga informal settlers, na tulad ng mga bagong ARBO ay patuloy na nakikibaka upang mapanatili ang kanilang mga miyembro at mga aktibidad ng kanilang organisasyon.

Kasama sa mga isasagawa sa okasyon ay ang paglalahad ng proyektong “Buhay sa Gulay”, ang paglagda ng Memorandum of Understanding at ang seremonyas ng pagtatanim ng mga gulay.

Kasama sa lalagda sa dokumente ay ang Department of Agrarian Reform na kakatawanin ni Calabarzon Regional Director Rene E. Colocar; Caloocan City Mayor Oscar “Oca” G. Malapitan; Congressman Dale “Along” R. Malapitan; Agricultural Training Institute Deputy Director Rosana P. Mula; mga kinatawan ng ARBOs ng Cavite and Rizal at mga punong barangay na sina Victorio C. Dantes, Magdalena R. Gregorio, Antonio “Tony” L. Reyes at Crisanta S. Del Rosario ng Barangay 165,166, 167 at 168, ayon sa pagkakasunod-sunod.

###

DAR mamamahagi ng titulo ng lupa sa 44 agri graduates mula sa lalawigan ng Cagayan at Palawan

Isang mahalagang pangyayari sa sektor ng agrikultura ang magaganap sa Biyernes, Pebrero 5, dahil sa kauna-unahang pagkakataon ang Department of Agrarian Reform (DAR) ay magkakaloob ng certificates of landownership award (CLOAs) sa 44 na nagtapos ng mga kurso na may kaugnayan sa agrikultura, mula sa lalawigan ng Cagayan at Palawan, upang himukin ang mga kabataan na magsaka at mapanatili ang seguridad ng pagkain sa bansa.  

Ayon kay DAR Secretary Brother John Castriciones, ito ang unang pagkakataon na mamimigay ang ahensiya ng libreng lupa sa mga nagtapos ng agrikultura upang mabigyan sila ng pagkakataon na magamit ang kanilang propesyon sa kanilang sariling lupain at mahimok ang mga kabataan na magsaka, sapagkat ang mga magsasaka ay patanda na ng patanda, at sa may 11 milyong Pilipinong magsasaka, ang karaniwang edad ng mga ito ay nasa 57.

Ipinahayag din ni Brother John na ayon sa pag-aaral, ang bansa ay maaaring magkaroon ng kakulangan sa mga magsasaka kung hindi ito mabibigyan ng lunas dahil taun-taon bumababa sa 1.5 porsiyento ang kanilang bilang, dahilan upang humina ang sektor ng agrikultura.

“Naniniwala ako na sa insentibo at hakbang na ito ay mapagyayaman ng ating mga graduates ang kanilang lupain dahil ito ay magsisilbing “farm laboratories” nila kung saan magagamit nila ang mga teorya at at magagandang kasanayan na kanilang natutunan sa mga paaralan ay mapakikinabangan naman ng milyong Pilipino dahil sa kaseguruhan ng ating mapagkukuhaan ng pagkain,” ani Brother John.

Ayon pa sa agrarian reform chief, ang mga ipamamahaging lupain ay mga nakatiwangwang na government-owned lands (GOLs), na isinailalim sa Executive Order (EO) No. 75, Serye ng 2019.

Ang EO No. 75, Serye ng 2019, ay nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Pebrero 1, 2019, upang mapabilis ang proseso ng pagsasailalim ng mga GOLs na sakop sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).

“Ang DAR ay may pag-aaral na may humigit-kumulang sa 230,000 ektaryang lupain ang GOLs sa bansa. Bahagi ng mga lupain na matatagpuan sa Cagayan State Univerity (CSU) sa Lallo, Cagayan at Busuanga Pasture Reserve (BPR) in Busuanga, Palawan ay ipamamahagi sa mga nagtapos,” Brother John said.

Ang mga tatanggap ng lupain mula sa CSU ay sina Gilmar Jay Acebedo, lvin Agcaoili, Juanito Agluba Jr., Noel Compra, Julius John Dela Cruz, Welfredo Gacusan Jr.,  Victorino Lagudoy, Murphy Maingag, Manuel Kriston,Adones Ohayas, Fernando Rabut, McReymart Rabut, Sherwin Ramos, Jarren Ador Raquepo, Hener Ribis, Leonardo Sumauang, Ryan Paul Uson, Angelito Vagay Jerome Usabal, Angelica Adatan, Marife Allag, Analyn Bugnalon, Rica Enorme, Vanessa Gacusan, Jemimah Guzman, Melissa Joy Israel, Karen Grace Justo, Pauline Ordillo, Roshel Torrena, and Vanessa Usabal.

Samantalang ang mga tatanggap ng lupain ng BPR  ay sina  Gensefil Manginsay, Rommel Cagmat, Abigail Lagrada, Sunshine Araza, Florelyn Gutib, Bethel Joy Libarra, Arman Bacnan, Marydel Llanillo, Shahanie Diacasin, Dexter Edonga, Grecia Nimorca, Ronalyn Olanas, Necille Onayan, and Necca Juanerio Cabajar.

###

DAR namahagi ng Php4.9M halaga ng mga truck, makinarya at marketing support facilities sa mga magsasaka ng Antique

San Jose, Antique- Namahagi ang Department of Agrarian Reform (DAR) sa tatlong (3) agrarian reform beneficiaries organizations (ARBOS) sa San Jose, Antique ng mga trak na panghakot, makinarya at marketing support facilities na nagkakahalaga ng P4.9 Milyon upang maitaas at maiangat ang kabuhayan ng mga  agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa naturang lugar..

Ayon kay Regional Director Atty. Sheila B. Enciso, ang tatlong mga ARBOs ay ang: Barbaza Farmers and Irrigators Association (BFIA) sa Barbaza;, Sta. Ana- San Joaquin Agrarian Reform Cooperative (SASJ-ARC) sa Pandan; at Tigmamale Agrarian Reform Cooperative (TARC) sa Valderrama.

Sinabi ni Enciso na ang marketing support facilities ay ipinapatupad sa ilalim ng Linking Small Holder Farmers to Market (LinkSFarM), ARBold Move at Agrarian Reform Community Connectivity and Economic Support Services (ARCCESS).

Ang proyekto ay inaasahang pakikinabangan ng may 697 ARBs na mga miyembro ng tatlong ARBOs, sa pamamagitan ng pagkakaloob ng pagsasanay, pagpapabuti ng kanilang mga produkto upang mas mabenta ito at sa kalaunan ay maitaas ang antas ng kabuhayan at kita ng bawat indibidwal at samahan ng mga magsasaka. 

Ani Enciso, nakatanggap na mula sa ahensya ang mga kasapi ng tatlong ARBOs ng iba`t ibang mga pagsasanay tungkol sa kaalamang pang pinansyal, produksyon ng bigas na nakatuon sa ligtas at mabuting paggamit ng mga pataba at pestisidyo, pagproseso ng bigas at produksyon ng gulay gamit ang organikong pamamaraan.

“Ang mga ARBOs na ito ay tumanggap din ng kagamitan sa bukid, mga proyektong imprastraktura, irigasyon at mga pasilidad sa pag-aani na ipinatupad sa ilalim ng Climate Resilient Farm Productivity Support Project (CRFPSP) at Agrarian Reform Infrastructure Support Project Phase 3 (ARISP III),” dagdag niya.

Binigyang diin ni Enciso ang kahalagahan ng pakikipag-ugnayan ng DAR at ng mga ARBOs at sinabing ang ahensya ay laging tapat sa kanilang layunin na maiangat ang antas ng pamumuhay ng mga ARBs.

“Bilang kapalit dapat matututo ang bawat samahan na makatayo sa kanilang sariling mga paa sa pamamagitan ng pagpapayaman ng lupang kanilang natanggap, magsaka ng mga de-kalidad na produkto at gamitin ang mga pasilidad na naipagkaloob sa kanila upang madagdagan ang kanilang kita. 

Sinabi ni Provincial Agrarian Reform Program Officer II Florentino D. Siladan: “Sa pamamagitan ng proyektong ito, inaasahan namin na makatutulong kami sa mga ARBs upang mabuo ang kanilang mga kakayahan at magising ang kanilang diwa ng pagiging bihasa sa pagnenegosyo sa pagsasaka,” sabi ni Siladan.

“Sa panahon ng pandemya, ang mga ARBO ay nahirapan para ibenta ng kanilang mga produkto. Kung kaya, inaasahan namin na ang mga marketing support facility na aming naipagkaloob ay makapagpapabago sa kanila upang sila ay maging masigla at mabilang sa sektor na may mataas ang paglago ang pamumuhay sa loob ng agrarian reform communities,” dagdag niya.

Nilagdaan din ang Memorandum of Agreement sa nasabing okasyon na niahukan ng mga opisyal at kinatawan mula sa BFIA, SASJ ARC at TARC.

Ipinahayag ng mga tumanggap na ARBs ang kanilang pasasalamat sa DAR at sinabing naniniwala sila na mapapataas ng marketing assistance ng DAR ang antas ng kanilang pamumuhay.

“Ito ay isa lamang pangarap ng aming samahan at ngayong ito ay natupad na, hindi ko mapigilan ang aking kaligayahan. Malayo ang aming pamayanan mula sa pamilihang bayan at ang serbisyo sa transportasyon ay napaka limitado, ngunit dahil sa mga trak na ipinagkaloob ng DAR, maaari na naming madala ang aming mga produkto ng sariwa mula sa aming sakahan patungo sa pamilihan,” ani Rowena Biongan, tagapangulo ng TARC.

Ang kinatawan ng Barbaza Farmers and Irrigators Association (BFIA) na si Michelle Alagao ay nagpahayag din ng kanyang pasasalamat at sinabi na ang delivery truck ay magiging malaking tulong sa negosyong pangangalakal ng palay ng organisasyon upang madagdagan ang kanilang kita at makapagbigay ng trabaho.

Pinasalamatan  ni SASJ ARC General Manager Jose Jony Gregorio ang  DAR dahil sa walang katapusang suportang ibinibigay sa kanilang kooperatiba at nangako na aalagaan ang ipinagkaloob sa kanilang suportang pasilidad.

# # #