Ika-2 taon ng TOFARM 2013 Awarding, mga bayani sa sektor ng pagsasaka kinilala

DSC_0208

Makati City, Pilipinas- Ani ng Tagumpay ng mga magbubukid at 37 finalist ang bumida sa isinagawang awarding ng the outstanding farmers  (TOFARM) sa Shangri-La Hotel sa Makati City nitong Nobyembre 15, 2013 na inoorganisa ng  Junior Chamber International Philippines (JCIP) at ng Universal Harvester, Inc. (UHI).

Ang layunin ng TOFARM ay mabatid ang sektor ng agrikultura at ang kontribusyon nito sa bawat Filipino na magkaroon ng pagkain bawat hapag kainan. “Ang search at awards ay nilunsad upang hikayatin ang mga kabataan na maging entrepreneur sa larangan ng pagsasaka at paghahayupan” ayon kay Ryan C. Ravanzo, National President ng JCIP.

” Through the search and awards, TOFARM hopes to make agriculture attractive for the next generation and for the entire country as well. TOFARM will be a continuing program  that will help support and  inspire the agricultural sector” pahayag ni Dr. Milagros Ong-How,  TOFARM Partner and UHI Executive Vice President.

” We want to infuse Philippine agriculture with new life and show that it is a key sektor that will improve people’s lives and the Philippine economy as a whole. Through TOFARM, we want to excite women and the youth, both urban and rural about choosing farming as a lucrative and noble profession,” dagdag pa ni Dr. How.

Ang UHI ay progresibong kompanyang Pinoy na tinatag noong 2003,na  direktang gumagawa ng world-class quality na fertilizer na may lokal na sanghay at nag eexport din ng kanilang produktong abono.

Mayroon din bagong kategorya ang patimpalak ito ay ang special tribute sa indigenous people at women farmer. Ang gold winners sa indibiwal ay may gintong pinggan na plake( gold plate) at halagang Php 50,000.00 at Php 100,000.00 sa grupo.

Ang mga nagwagi sa  woman farmer : Teresita I. Allado ng Curimao, Ilocos Norte sa gold prize, Cresencia M. Tuiza ng Calamba City, Laguna at Remia N. Apostol ng Koronodal City, South Cotobato sa silver prize.

Sa Kategoriya naman ng farmer ay sina: Rodolfo S. Benavidez ng Vinzons, Camarines Norte ng gold prize at Rizalino Comia ng Calamba City, Laguna; Fredimor G. Publes Sr ng Kapatagan, Lanao Del Norte at Isidro C. Bacani ng San Gabriel, La Union sa silver prize.

Gayundin sa Fisherfolks naman ay sina Ma. Leni E. Pinsan ng Calamba City, Laguna ng gold prize, Danilo A. Santos ng San Mateo, Isabela; Gilbert N. Saberon ng Samal, Davao Del Norte at Rolando T. Casipit ng Luna, La Union ng silver prize.

Samantalang sa  Livestock sina: Francisco P. Vispo ng Calamba City, Laguna ng gold prize at Loreto C. Edra ng Solsona, Ilocos Norte ng silver prize.

Urban/ City Farmer category naman ay sina: Sally M. Dela Cruz ng Calamba City, Laguna ng gold prize at sina David B. Balilla ng Bgy. Holy Spirit, Quezon City at Agripino M. Cuer ng Mandaue City, Cebu ng silver prize.

Agri- Innovator naman sina: Rico A. Acuna ng Dolores, Quezon ng gold prize; Rodolfo C. Tuanqui ng Polanqui, Albay at Avelita M. Rosales ng Lipa City, Batangas ng silver prize.

Agri-Entrepreneur naman sina: Romeo S. Vasquez ng San Mateo, Isabela ng gold prize; Alberto C. Calsada ng Bacarra, Ilocos Norte at Rowena V. Zanoria ng Aldon, Cebu City ng silver prize.

Pamilyang magsasaka o family farmers naman ang Magsino Family ng Goa, Camarines Sur ng gold prize at Acosta Family ng Bacarra, Ilocos Norte ng silver prize.

Local Governme[nt Unit (LGU) naman ang San Jacinto, Pangasinan bilang gold prize at silver ang Mas-Polangui, Albay at Municipality of San Mateo, Isabela ng silver prize.

Agri-Cooperative naman ang Catmon Multi-Purpose Cooperative ng Sta Maria, Bulacan ng gold prize at Bacarra Zanjera/Irrigators Multi-Purpose Cooperative ng Bacarra, Ilocos Norte at NIA Region IV Employees Multi-Purpose Cooperative ng Pila, Laguna ng silver prize.

Agri-Initiatives naman natangap ng Hibiga River Irrigation System Irrigators Association Inc ng Polangui, A[lbay bilang gold prize at Calamba City Fisheries and Aquatic Resources Management Council ng Calamba City, Laguna at Carael Elementary ng Dagupan city, Pangasinan ng silver prize.

Hindi pahuhuli ang young farmer category mula 18-40 years old at nakakuha ng gold prize o ginto award si Ravenal R. Quizon ng San Ildefonso, Bulacan at sina Alexander A. Calucag ng Solsana, Ilocos Norte at Rodrigo C. Segundo ng Burgos, La union ng silver prize.

DSC_0128 (2)

Ayon sa panayam ng www.diaryongtagalog.net sa 35 anyos na Bulakenyo si Ravenal Quizon napili rin ng gintong kabataan young entrepreneur awards at nakakuha rin ng parangal na ginawad ng Department of Agriculture. Full support at nakiisa rin ang young Mayor ng San Ildefonso Bulacan na si Gerald Galvez ayon sa kanya ” Ang kanilang bayan na maituturing na basket capital ng probinsiya na hinihikayat nyla ang kanilang kababayan na kumuha ng kurso sa agriculture at gawin stepping stone sa pag unlad.”

Nandoon rin ang mga nag nominee kay Ravenal Quizon ang JCI Malolos kabilang sina  2013 President nitong si Miguel Alberto Tengco Bautista at Jason “Jay” E. Venturina ang incoming 2014 President.(mary jane olvina balaguer.)

tofarm catmon