Informal Settlers sa tabing-ilog ini relocate, freeze sa pagbigay ng permit sa poultry at hog raisers sa Pandi

diaryongtagalog with pandi two

Pandi, Bulacan- Upang mabawasan ang disgrasya sa mga tabing ilog kung magbabaha o magkakaroon ng kalamidad gaya ng bagyo, inilipat ng pamahalaang bayan ang kanilang mga informal settlers na naninirahan duon na ayon sa kanila ay mga rehistradong botante ng kanilang bayan.

Sa panayam ng www.diaryongtagalog.net kay Noel s. Esteban DMD, Executive Secretary for External ng Pandi katuwang nila sa nasabing pryekto ang National Housing Authority sa pangunguna ng kanilang kasamang si Anthony Pama, housing board chairman ng housing project ng mga informal settlers sa tabing ilog.

Kasalukuyang nasa 230 pamilya ang makikinabang sa bahay na may 22 metro kwadrado habang ang ibang kabahayan ay 30 metro kwadrado. Sa darating na pebrero ay magiging kabuuan ng 400 pamilya na ang benepisyaryo. Sa Bgy. Kakarong Matanda ang lugar ng relocation site at sa loob ng isang taon ay libre hulong at sa darating na 5 taon ay tig 200 kada buwan ang magiging hulog. At sa kabuuan hulog sa 30 taon.

Kaugnay nito ay Freeze din ng paglabas ng permit sa mga gusto magnegosyo ng poultry dahil sa kasalukuyan ay inaayos pa ang zoning sa bayan ng Pandi. Mahigpit din ang pag inpeksyon sa mga farm na isinasagawa ng Sanitary Inspectors ng bayan upang matiyak na ligtas ang bawat hayop na kinakatay o binabiyahe na ligtas sa anuman uri ng sakit.

Lahat ng farm owner ay kinausap din ni Mayor Enrico Roque at ang lahat ng barangay ay aktibo namamonitor ang pagbabantay ng matiyak na nasa ayos at magandang kondisyon ang baboy at manok upang maiwasan ang bocha. (mike balaguer)