NARARAPAT NA ITUWID AT I-TAMA
“Kung mabubuksan ang Bataan Nuclear Power Plant, tiyak lahat kami, uuwi para tumulong sa pag operate nyan.” bahagi ng panayam sa mga miyembro ng Singapore Chapter ng Philippine Society of Mechanical Engineers sa Singapore nang mapag usapan ang tungkol sa suliranin ng bansa sa mataas na halaga ng kuryente.
Lahat ng mga progresibong bansa sa mundo ay may teknolohiyang nukleyar at marami naming bahagi ang agham ng atomo na nakakatulong sa tao bukod sa enerhiya, naryan ang medisina, agrikultura at industriya at ang mga Nuclear Scientist na pina aral ng Rehimeng Marcos ay pinakikinabangan ng ibang bansa dahil hindi natin pinaa andar ang ating sariling planta.
“Alam ninyo, ang mga Engineers natin at mga mangagawa ang halos bumuo ng Middle East, tapos Nuclear plant lang hindi natin kayang i-operate? Hindi naman ako naniniwala dyan. Bigyan lang nila ako ng 15 minutes para makausap ang Pangulo nang maintindihan nya ang mga mabuting idudulot nito sa kanyang Build build build.” Ayon kay Philippine Nuclear research institute Director Dr. Carlo A. Arcilla sa unang araw ng PNRI Nuclear Awareness Seminar para sa mga mamamahayag.
Nais ng Department of Science and Technology-Philippine Nuclear Research Institute na ituwid ang mga maling pananaw na ipinakalat ng mga kritiko ng teknolohiya upang Makita ng malinaw ang bentahe nito sa pag usad ng ekonomiya ng bansa.
“The BNPP is not a Science and Technology issue, bilang engineer ako mismo infavor na buksan yan dahil malaki ang maitutulong nyan para madagdagan ang suplay ng murang kuryente kaya lang it’s a political issue” bahagi ng nakaraang panayam kay DOST Sec. Fortunato T. de la Pena.
Kung magpapa uto ang kasalukuyang lipunan sa iniwang bendeta ng dating Pangulong Corazon Aquino na “All things from the Marcoses are bad”
ay hindi lang BNPP kundi pati mga istrukturang hanggang sa ngayon ay nakakatulong ng malaki sa mga maliliit nating kababayan gaya ng National Kidney and Transplant Institute, Philippine General Hospital, Philippine Heart Center, Philippine Children’s Medical Center atbp. Ibig sabihin ay wala na talagang karapatan ang Pilipino na umasenso.///Michael Balaguer, 09333816694, michaelbalaguer@diaryongtagalog.net