PALAY, BIGAS, KANIN Isulong Natin Wag Sayangin
SCIENCE CITY OF MUNOZ, NUEVA ECIJA-November 13, 2018 Palay, ang ginintuang butil na pangunahing pinanggagalingan ng mga masarap na putahe na hinahain ng Pilipino sa kanyang hapag kainan. Panghimagas, pansit at tinapay, mga produktong mula sa Palay na nagiging Bigas at kanin na isasaing o kaya ay gagawing samut saring produktong pagkain.
Halos ilang libo ang varieties ng Palay, ayon sa otoridad ukol dito sa Pilipinas, ang Philippine Rice Research Institute, habang katuwang ang otoridad naman nito sa pandaigdigan o ang International Rice Research Institute.
Kapwa mga dalubhasa na nag aaral at nagsasaliksik upuang tugunan ang mga suliranin ng palay na humaharang upang ito ay hindi dumami at magpakain ng maraming tao.
Pest Resistant, drought and submerged tolerant at saline tolerant ay kabilang sa mga nilikha at inaral ng mga dalubhasa buhat sa ibat ibang bahagi ng mundo upang matiyak na may isasaing pang bigas ang mundo at makakain nitong Kanin.
Aminado ang gobyerno na hindi maaring magkaroon ng total rice self-sufficiency ang bansa dahil na rin sa maraming factors kabilang ang kawalan natin ng lugar na matatamnan. Hiwa hiwalay pa ang ating bansa na hinahati ng mga pulo ng dagat at sa malawak na kapatagan naman ay ang suliranin sa kawalan ng maayos na irigasyon.
Hindi rin dapat isisi sa gobyerno at sa akademya o sa mga dalubhasa ang natural na kalagayang ito dahil sa kabila ng nasabing mga natural na balakid ay umiigi pa ang sitwasyon ng ating mga taniman ng palay sa buong bansa at kung hanggang saan ang kanilang produkyon.
Itinanong koi to kay Dr. Karen Eloisa T. Barroga, Deputy Executive Director ng Philippine Rice Research Institute (Ang video nito ay nasa www.dzmjonline.net) sa pulong balitaan kasama ang Executive Director Ng Philippine Council for Agriculture Aquatic and Natural Resources Research and Development ng Department of Science and Technology na si Dr. Reynaldo Ebora (ang video ay nasa www.dzmjonline.net)at si Dr. Fe L. Porciuncula, Consortium Director ng Central Luzon Agriculture Aquatic and Natural Resources Research and Development Consortium at Vice President ng Central Luzon State University.
Sa tuwina ay may mga aktibidad ang kagawaran ng agham katuwang ang kagawaran ng agrikultura gaya nitong sa PCAARRD Farms and Industry Encounters through the Science and Technology Agenda o FIESTA sa bigas, laon ay isulong at paigtingin ang kaalaman ngmadla upang hindi nila sayangin ang bawat butil ng bigas.///Michael Balaguer, 09333816694, michaelbalaguer@diaryongtagalog.net