Pandak na “Saba” bet kahit ng senadora; 23rd NIW FISPC Grand Inventrepreneur Fellowship at F.I.F ng DOST NCR nakapanayam sa radyo


Pandak na “Saba” bet kahit ng senadora

Bacoor, Cavite-“Dahil mababa ang puno ng dwarf na saba, magiging resilient it pagdating ng kalamidad at madali lang mai harvest ng mga magtatanim ng saging” ito ang sinabi via phone patch ng Director ng Applied communications Division ng Philippine Council for Agriculture Aquatic and natural Resources Research and Development (PCAARRD) ng Department of Science and Technology (DOST) na si Dr. Marita Carlos sa panayam ng Radio Anchor nang programang Yesterday, today and Tomorrow sa DZRJ 810 Khz AM nitong linggo ukol sa nakaraang Banana and Coffee FIESTA na ginanap sa lungsod na ito.

Hindi lang ang mga katulad ng Kagalang-galang na Senador Leila De Lima ang magkakagusto sa saging na saba kung malalaman lang nila ang economic at profitability value nito bukod pa sa pagiging isang masarap at masustansyang pagkain ayon sa pag aaral ng ating mga dalubhasa sa DOST.

Sa nakaraang Farmers and Industry Encounters through Science and Technology Agenda (FIESTA) kung saan pinangunahan ng kanilang consortium sa timog katagalugan, ang Southern Tagalog Agriculture Aquatic and Natural Resources Research and Development Consortium (STAARRDEC) ng PCAARRD-DOST.

Bukod sa bantog na kape buhat sa Cavite at Batangas na Liberica o Barako, kasama rin ang ukol sa exhibits ng mga produkto nang timog katagalugan at saging particular ang “saba”, pinagtuunan ito ng pansin sa nasabing aktibidad bilang isang mahalagang produkto sa lahat ng mga saging gaya ng Lakatan, Cavendish, latundan, senyorita at iba pa pati sa rehiyon ng MIMAROPA.

Ginanap sa bagong City hall Building ng lungsod na ito at ng kanilang Punong Lungsod, ang Aktres at maybahay ng dating Senador Ramon Bong Revilla jr., at dati ring konresista na si Mayor Lani Mercado-Revilla, Dr. Edwin Villar at Dr. Reynaldo Ebora ng PCAARRD-DOST, Director for Public Information and Community Relations ng STAARRDEC at FIESTA Coordinator na si Dr. Allan Robert Solis, Cavite State University President Dr. Hernando D. Robles at southern Luzon State University President dr. Milo Q. Placino.

Kasama rin sa nasabing aktibidad ang Regional Science Research and Development and Extension Highlights 2016 (RSRDEH), nabatid na nagconduct na ng FIESTA ang PCAARRD tungkol sa Dragon Fruit, Mani, Gatas ng Kalabaw, Saging at Kape at ang ginanap lamang sa Zamboanga ukol sa Native na Manok.///Michael Balaguer

———————————————————–

dsc09309

 

 

 

 

 

 

 

 

 

23rd NIW FISPC Grand Inventrepreneur Fellowship

Quezon City- Panauhing pandangal sa nakaraang 23rd National Inventors Week Inventrepreneur Fellowship Banquet Celebration na pinangunahan ng Filipino Inventors Society Producers Cooperative ang kalihim ng kagawaran ng agham at teknolohiya na ginanap sa lungsod na ito kamakailan.

Kasamang naging bisita ni DOST Sec. Prof. Fortunato T. dela Peña sina Cooperative Development Authority Secretary Orlando R. Ravanera at sa pangunguna ng kanilang President and CEO at General Manager INV. Popoy Pagayon kasama ang kanilang Chairman na si INV. Mike Hortaleza.

Nagbigay ng kaunting powerpoint presentation ang kalihim ng kagawaran ng agham na ukol sa mabuting mga gawi at paraan upang maging isang successful na innovator at entreprenyur. Si Sec. Dela Peña bukod sa naging Undersecretary ng kagawaran ay unang naging Director ito ng Technology Applications and promotions Institute (TAPI) na siyang humahawak ng mga pangangailangan ng mga imbentor sa bansa.

Bukod sa mga taga DOST ay naroon ring dumalo ang mga kasamahan sa pamamahayag ng ilang imbentor na sina Rolly “Lakay” Gonzalo at ang Science and Technology Information Institute (STII) at mga kasama nitong media and press practitioners.///Michael Balaguer

———————————————————–

img_20161127_165409

 

 

 

 

 

 

 

F.I.F ng DOST NCR nakapanayam sa radyo

Makati City-Nagkaroon panayam sa pagitan ng DOST NCR Food Safety Team at DZRJ 810 khz AM sa pangunguna ng Anchorperson nito na si Ms. MJ Balaguer ukol sa kaligtasan sa pagkain lalo ngayong panahon ng kapaskuhan na ginanap sa lungsod na ito sa studios ng DZRJ nitong sabado at linggo.

Unang nakapanayam ng Broadcaster ant Anchorperson ng programang Yesterday Today and Tomorrow si Engr. Rogelio Prospero, Head ng Food safety Team ng DOST NCR. Kanyang tinalakay ang mga itinayo nilang Food Innovation Centers o Food Innovation Facilities na matatagpuan sa University of the Philippines Diliman College of Home Economics.

Layunin nitong matulungan ang mga MSME’s na pag ibayuhin ang kalidad ng kanilang mga produkto upang maging competitive ito lalo ngayong ASEAN integration dahil makikipagtunggali sila sa mga produkto ng mga ASEAN countries in terms of food preservation, shelf life at packaging.

Bagamat di nakarating ang isa pang miyembro ng team ni Prospero na si Carlos dela Peña at ang Media Relations Officer ng DOST NCR na si Ms. Pinky Marcelo na nagpaliwanag ukol naman sa iba pang programa ng kanilang ahensya.

Ayon kay Engr. Prospero tatlo ang mga bagong makinang makikita sa mga F.I. F sa buong bansa, ito ay ang Spray Dryer, Water retort at Vacuum Fryer at sa pamamagitan ng paggamit nang nasabing mga bagong makina ay mapapagaan at mapapabilis ang pagtugon sa pangangailangang pam produksyon ng mga SME’s na bagaman may kaunting dagdag sa kanilang gastos ay makakatiyak naman sila ng Return of Investment.

Samantala naging bisita rin sa radyo ang Assistant Regional Director for Technical Concerns na si Dr. Arman Brionet at Jan Roland Molina na tinalakay ang iba pang mga serbisyo ng DOST NCR gaya ng mga consultancies ukol sa Energy Audit, Packaging atbpa. At sa December 15 2016 sa UP Diliman ay kanilang ilulunsad ang FIF ng DOST NCR.///Michael Balaguer