

Enero 20, 2021-“One of our continuing major challenges is how to increase productivity and reduce the cost of production. And as soil is the foundation of agriculture, we must protect, preserve, and nurture it to sustainably produce adequate, affordable, and nutritious food for all Filipino families,” said Agriculture Secretary William Dar.
PAIIGTINGIN ng Department of Agriculture (DA) ang soil rejuvenation program sa buong bansa upang mapanatili ang mataas na produksyon ng bigas, mais, gulay, niyog, prutas at mga major crops. “We, therefore, instructed all our commodity banner program directors to make soil rejuvenation as the basic foundation of their productivity strategies,” said Secretary Dar, underscoring that “from healthy soils, come bountiful crops.”
Ang nasabing utos ay ibinigay ng kalihim sa nakaraang management committee meeting nitong January 13, 2021, dinaluhan physically at virtually ng mga top officials, central at regional field offices, bureaus, attached agencies at corporations. “Rejuvenating and enriching our soils with organic nutrients and compost, including animal manure, must be part of all our crop commodity banner programs, including the promotion of composting technologies,” dagdag ng kalihim.
“Hence, farmers should maintain a compost pit, and that their cooperatives or associations (FCAs) be provided with shedders and composting facilities under the DA’s farm mechanization program,” said Secretary Dar, a staunch and long-time advocate of soil rejuvenation technologies. “Recycling farm wastes and transforming them into compost and organic fertilizer is not only sustainable but also provides farmers additional income,” ayon kay Dar.
Iginiit ng kalihim na “while organic agriculture is important in reviving the health of the soil, there is still a need for a balanced fertilization strategy to achieve the maximum potential of our farms and attain food security, especially now that we are still striving under the pandemic,” ang pantay na paglalagay ng pataba sa lpa at tamang dami ng organiko at inorganikong pataba.
“Related to this, we urge farmers and organic agriculture practitioners to elevate their game in promoting not only a healthy ecosystem and producing safe and nutritious food, but also in making organic products affordable for everyone,” pahayag pa nito. “Hence, we welcome the recent signing by President Rodrigo Roa Duterte of Republic Act (RA) 11511 that amends the Organic Agriculture Act of 2010 or RA 10068,” ayon kay Dar.
“We also thank the law’s principal author and sponsor, Senator Cynthia Villar, who said that RA 11511 democratizes the certification of organic products, as it puts in place a more affordable and accessible ‘Participatory Guarantee System’ or PGS,” dagdag pa nito.
Ayon kay Senator Villar ang PGS ay mas murang alternatibo sa third-party certification na nagkakahalaga ng P100,000 hanggang P120,000 per crop. Sa ilalim ng PGS, certification ito’y may halaga lamang na P600 to P2,000.
“Thus, the PGS plays a vital role in rural development and farmer empowerment through their active engagement in the whole process of verification, decision-making, and marketing,” ayon kay Secretary Dar.
Si Senator Villar, ang chairperson ng Senate committee on agriculture and food, sabi niya na ang bagong batas ay magkakaloob ng benepisyo sa halos 165,000 organic agriculture practitioners, lalo ang small farmers.
Ang RA 11511 ay ang paglikha ng National Organic Agriculture Program-National Program Coordinating Office (NOAP-NPCO), sa ilalim ng DA. Ito ay magsisilbing taga pag plano, secretariat, at coordinating office ng National Organic Agriculture Board (NOAB).
Isinasa ayos rin at pinatatatag ng batas ang Bureau of Agriculture and Fisheries Standards (BAFS) ng DA upang magkaloob ng tulong teknikal sa NOAB and the NOAP-NPCO. Mula sa detalyeng buhat kay Rita dela Cruz, DA StratComms///Michael Balaguer, +639333816694 at +639262261791, konekted@diaryongtagalog.net


KAILANGANG PATATAGIN ANG SUPLAY NG PAGKAIN
Enero 20, 2021- “As we all know, agriculture remains the key factor in keeping the country’s inflation rate within the government’s target range. That’s why it is imperative that we ensure price stability of basic food products in the market in order to hit conducive long-term and sustainable growth of the overall economy amid this pandemic,” Pahayag ni Department of Agriculture Secretary William Dar.
Nakatakdang mag implimenta ng short at long term na istratehiya ang kagawaran ng agrikultura upang mapatatag ang suplay at halaga ng pangunahing pangangailangang buhat sa mga kabukiran sa Kalamaynilaan, Luzon at ma-temper and inflation.
Sa isang memorandum order na inisyu nitong 14 January 2020, iginiit ni Agriculture Secretary William Dar ang kanyang direktiba sa lahat ng mga opisyales ng DA na kaniliang i-implimenta ang lahat ng mga kinakailangangang istratehiya upang mapatatag ang presyo at suplay ng gulay, prutas, isda at baboy.
Biglang nagtaas ang halaga ng pagkain ng maging paghamon ng pakikialam ng African Swine Fever (ASF) sa suplay nang karne ng baboy, habang sinabayan ito ng kabi-kabilang serye ng bagyo nan aka apektong malaki sa sa suplay at halaga ng gulay at iba pang pagkaing buhat sa mga kabukiran.
Kinakailangan ayon sa kalihim na paigtingin ang pag angkat ng karne ng baboy mula sa bisaya at Mindanao agad at mas marami nang sa gayon ay mapatatag ang presyo at suplay ng karne ng baboy dahil ang mga nasabing lugar ay mga ASF-free areas o “green zones” pati na rin sa ibang bahagi ng Luzon.
Nakikipag coordinate na rin ang DA agribusiness and marketing group o AMAS sa hog raisers’ federations upang magbenta sila ng mga produktong mula sa karne ng baboy sa mga Kadiwa Ani at Kita markets o via online.
Dagdag pa ng kalihim hinihikayat ng kagawaran ang pag aangkat ng karne ng baboy sa mga bansang itinuturing na mga ASF-free sa pamamagitan ng minimum access volume (MAV) scheme, na may 30 percent (%) tariff. ang MAV ay 54,000 metric tons (MT) at magsisimula ngayong darating na February 1, 2021. Ang mga pag aangkat na lampas 54,000 MT ay may kaukulang 40% tariff.
Kasalukuyang sumasailalim ngayon ang DA sa proseso upang itaas ang MAV sa 162,000 MT upang matiyak ang patuloy na suplay ng karne ng baboy at patatagin ang halaga sa pamilihan.
sa medium-term, ii-implimenta ng magkakatuwang na DA’s Bureau of Animal Industry (BAI) at regional field offices, veterinary groups, state universities and colleges lalo na ng CLSU at UPLB, at ng mga hog raisers and traders ang “Bantay ASF sa Barangay” o BABay ASF, layon na epektibong mapigilan ang mga swine viral disease.
“BABay ASF is currently being implemented that will be coupled with a massive repopulation program in ASF-free areas to secure the future supply of pork products, with an initial budget of P400 million,” ayon kay Secretary Dar.
Dagdag pa nito ay kanyang inatasan ang DA’s “Bantay Presyo” task force na mahigpit na sundin at bantayan ang mga suggested retail price (SRP), animo ay “economic intelligence” group ay kasalukuyang gumagawa ng kanilang imbestigasyon upang malaman kung sinu-sino ang mga nasa likod ng pagmamalabis or taking advantage sa kasalukuyang sitwasyon ng suplay.
May mga ulat ang DA na natatanggap kung saan ang ilang mga tradersay bumibili ng mga commodities sa mga provincial “bagsakan centers” aat nagpapatubo ng matataas upang ibenta naman sa mga pamilihan sa Kamaynilaan. “We will not hesitate to file cases against these unscrupulous individuals,” pahayag ni Secretary Dar.
Samantalang bilang bahagi ng agarang istratehiya upang mapagaan ang dulot ng pagtaas ng halaga ng prutas at gulay, pinaigting ng DA an gang produksyon nito sa pamamagitan ng urban agriculture, at “Gulayan sa Barangay at Paaralan” sa pakikipagtulungan sa mga LGUs at ng Department of Education. Ayon pa sa kalihim inaasahan niyang magiging matatag ang halaga ng mga prutas at gulay sa mga susunod na lingo kapag naka ani na.
sa medium-term, dagdag pa ng kalihim na magtatayo ang DA ng mga plantang nagpo proseso ng mga prutas at gulay kabilang ang mga pasilidad gaya ng imbakan o warehouses, and cold storages. Panghuli, ang DA-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ay palalawakin ang produksyon ng mga aquaculture species, gaya ng tilapia, bangus, at shrimp.
Hinihikayat ng DA-BFAR ang pinagsamang pangingisda sa pagitan ng commercial at municipal fishers upang mapataas ang bilang ng mga nahuhuling isda at lumaki ang suplay ng mga ito sa pamilihan lalo ang mga pangunahing species gaya ng galunggong . buhat sa mga detalye ng DA StratComms.///Michael Balaguer, +639262261791 at +639333816694, konekted@diaryongtagalog.net



LIGTAS SA BIRD FLU ANG PILIPINAS
Enero 20, 2021- “I congratulate the DA-BAI and the local governments of Pampanga and Rizal, whose swift action resulted in limiting the further spread of the AI A(H5N6) strain to other areas,” pahayag ni Department of Agriculture Secretary William Dar.
“We had not detected any case of AI A(H5N6) among the poultry and other bird population in the last 90 days after the completion of cleaning and disinfection in the affected farms, surveillance and monitoring, and completion of the 35-day restocking period with sentinel animals in Pampanga and Rizal,”pahayag naman ni DA-BAI Ronnie Domingo.
“We appreciate the rapid response and collaboration of the local government units of Pampanga and Rizal and DA Regional Field Offices III and IV-A,” pahayag ng DA-BAI.
Ligtas na ngayon ang Pilipinas sa “bird flu” virus o Avian Influenza (A1) A(H5N6) inanunsyo ng World Organization for Animal Health sa pamamagitan ng Department of Agriculture –Bureau of Animal Industry na simula nitong Enero 8, 2021 ay deklarado nang ligtas ang bansa sa natitirang strain ng Avian Influenza (AI) na A(H5N6).
Matagumpay na natugunan ng bansa ang mga nakaraang outbreak ng AI A(H5N6) sa mga manukan ng Pampanga at barangay sa Rizal nang hindi aabot ng isang taon bago pa muli magpakita ang nasabing virus sa bansa.
Isa umano itong magandang panimula ayon sa kalihim ng Department of Agriclture na si Sec, William Dar dahil sa nangungunang pinagkkunan ng protina ng mga pinoy ang karne ng manok kagaya rin ng baka at baboy.
Sa naging pag uulat ng DA-BAI sa OIE sinabing nag mga naapektuhang mga manukan ay hindi na nagpamalas ng mga palatandaan ng AI virus sa ginawa nilang pagmomonitor at surveillance.
Ang pagsulpot muli ng A(H5N6) ay nakumpirma ng DA-BAI Animal Disease Diagnosis and Reference Laboratory nitong July 10, 2020, pagkatapos na humingi ng tulong ang nagmamay ari ng manukan o commercial layer farm sa Pampanga provincial veterinary office kung saan anila ay bumagsak ang produksyon ng itlog ng mga manok, cyanosis (dark bluish or purplish coloration of the skin and mucous membranes in chickens), at pagkamatay.
Isa na namang kaso ang nakita sa Rizal lat ng nagmamay ari ng isang manukan nitong August 26, 2020 sa kanilang municipal veterinary office sa Taytay. Ang nasabing mankan o backyard farm ay tinatayang may 500 lo ng free-range chicken at 300 head ng Muscovy ducks. ang clinical signs — gaya ng wry neck o torticollis, cyanosis ng extremities — at pagkamatay ay muling nakita simula August 10, 2020.
Bnga ng mabilis na pagtugon ng mga nagmamay ari ng mga manukan, kanilang sanitary control at containment operations upang maiwasan ang tulyang pagkalat ng virus ay agarang naisagawa.
Pinasasalamatan naman ng DA-BAI ang mga nagmamay ari ng mga manukan sa kanilang maagap na pag lat na nagdulot ng tuluyang hindi na pagkalat ng nasabing sakit, ang mga poultry stakeholders, at mga kaagapay sa Department of Health ay lubhang pinasasalamatan rin sa tulong nila upang maiwasan at makontrol ang AI.
Matatandaang natugnan rin ng bansa ang kaso ng outbreak nuong 2017 at 2018. Samatalang pinaa alalahanan naman ng DA-BAI, ang mga poultry farmers at industry stakeholders na maging mapagmatyag at iulat ang mga kahinahinalang pagkamatay sa kanilang mga mankan sa kani-kanilang mga farm veterinarians o pinakamalapit na government veterinary o agriculture office. Hinihikayat rin ng ahensya ang publiko na laging alamin ang mga pinagkukunan ng impormasyon sa DA-BAI para sa tamang gabay sa pamamagitan ng mga numerong 09951329339 o 09208543119. Mula sa mga detalyeng buhat sa DA StratComms///Michael Balaguer, +639262261791, +639333816694, konekted@diaryongtagalog.net

