PCAARRD awarding kasama ang NEDA Chief

pcaarrd awarding three

 

 

 

Ginanap nitong Ika-8 ng Nobyembre ang Exhibits at Awarding Ceremonies ukol sa Industriya ng sakahan at pangisdaan na pinangunahan ng Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development (PCAARRD) ng Department of Science and Technology (DOST) kung saan ang naging pangunahing tagapagsalita ay si Socio Economic Planning  Secretart at National Economic and Development Authority Director General Dr. Arsenio M. Balisacan. Sa nasabing okasyon ay ipinakita ang mga exhibits ng PCAARRD kabilang ang ibat ibang teknolohiya na ginagamit sa pananakahan at pangisdaan, kaakibat ng nasabing aktibidad ay ang Executive Director’s Report kung saan nai detalye ni PCAARRD Executive Director Dr. Patricio S. Faylon ang kanyang mga nagawa bilang pinuno ng PCAARRD sa nagdaang taon at ang mga nakatakda pang gawin. Ginanap rin ang Ceremonial Awarding ng ISO 9001:2008 Certification para sa PCAARRD. Bahagi ng talumpati ni Balisacan ay tungkol sa pagtupad ng bansa sa Millennium Development Goal na ayon sa kanya ay di pa maaring ma attain ng bansa kahit itinuturing na sektor na prayoridad ng gobyerno ang pananakahan at pangisdaan pati paghahayupan. Nais tiyakin ng pamahalaan na lahat ay magkakaroon ng access sa pagkain lalo ang mga nasa labas ng Kamaynilaan ayon ito sa Philippine Development Plan of 2011-2016. (mary jane olvina-balaguer)

 

 

pcaarrd awarding one