PCAARRD Bamboo Gazebo, pinasinayaan; Industriya ng abaca sa bansa pinahuhusay ng R&D at Pagbaba ng Insidente ng Cadang-cadang iniulat ng PCA

 

Ang resulta ng surbey nuong 2012 ng sakit na Cadang-cadang na isinagawa ng PCA-Albay Research Center (PCA-ARC) ay nagpakita na ang insidente sa lahat ng probinsya ng Region V, lalawigan ng Samar at Biliran sa Region 8 at mga parte ng Quezon sa Region 4A ay bumaba ng kulang sa tatlong porsiyento (3%) ng mga punong namumunga o humigit kumulang pitong daang libo (700,000) na apektadong puno na humigit kumulang 30 milyong apektadong puno mula sa lumang datus. Ito ay di hamak na mas mababa sa lebel ng epidemiya.

 Ang salitang Cadang-cadang ay hango sa salitang Bicolanong “gadan-gadan” na ang ibig sabihin ay “patay” o “mamamatay na”. Ang sakit na ito ay sinasabing isang katutubong sakit ng niyog sa Pilipinas. Ang pagsiklab ng sakit na ito ay nagsimula noong 1930 sa San Miguel Island, Tobacco Albay at isang daang puno lang ang nabuhay mula sa 250,000 puno ng niyog na nanalinan.

Sa report na isinumite ng PCA-ARC, ang naiulat na insidente ng Cadang-cadang viroid (CCVd) sa mga nasabing rehiyon ay 1.48 porsiyento lamang ng mga punong nasa yugto ng pagdadala. Ilang kaso ng mataas na insidente tulad ng sa Guiuan at Mercedes sa Eastern Samar ay naiulat din. Gayunman, ang bagong pangkalahatang sitwasyon ay di hamak na mas mababa sa antas ng epidemya ng humigit kumulang singkuwenta porsiyente (50%) na impeksyon.

Mahigpit na ipinatutupad ang mga estratehiya upang pigilan ang Cadang-cadang at kasama sa mga ito ang pampublikong kamalayan ng mga tuntunin sa quarantine na nangangailangan ng pytosanitary certificate na may kaugnayan sa kalakalan at pagkilala at

pagpapatunay na ang pinagmulan ng mga gamit sa pagtanim ay walang sakit. Natuklasan na ang sakit ay maaaring kumalat sa pamamagitan ng paggalaw ng germplasm ng niyog mula sa apektadong lugar patungo sa walang sakit na lugar. Isa pang estratehiya na nakatulong sa pagbaba ng insidente ng Cadang-cadang ay ang pagputol ng mga apektadong puno at pagtatanim ng mga bagong puno.

Ayon kay PCA Administrator Euclides G. Forbes na ang maganda rito ay kahit na hindi pa napuputol ang mga apektadong puno ay maaari na itong palitan sa pamamagitan ng pagtatanim muli dahil walang insektong nagdadala ng sakit na matatagpuan rito. Ang sakit ay nasasalin sa pamamagitan ng nahawanang karit, bolo at kutsilyo. Dagdag pa niya na ang pagputol sa mga apektadong puno ng niyog ay hindi lang magtatanggal ng pinagmulan ng inoculum, ito rin ay makapagbibigay ng madaming kahoy mula sa puno ng niyog na maaaring gawing produktong may mataas na halaga. Napatunayan ng pananaliksik ng PCA-Zamboanga Research Center (PCA_ZRC) na ang mga katawan at kahoy ng apektadong puno ay maari pa ring gawing kasangkapan at iba pang produkto.

Ang mga puno na may sakit ay inuuri bilang Early, Medium o Late stage. Sa Early stage o maagang yugto, ang bagong yabong na niyog ay nagiging mas mabilog at may pantay-pantay na mga sugat. Sa Medium stage o katamtamang yugto, bababa at titigil ang pagyabong. Magiging marami rin ang mga mantsa sa dahon nito. Sa Late stage o panghuling yugto, ang mga maliliit na dahon ay  bababa ang bilang. Ang mga mantsa sa dahon ay magsasanib, ang laki ng korona ay liliit at sa kalaunan ay mamamatay ang puno. Ang pagpapatuloy ng mga sintomas ay hindi nagbabago subalit may pagkakaiba sa intensity. Ang maagang yugto ay tumatagal ng dalawa hangang limang taon sa karaniwan, sa katamtamang yugto ay mga dalawang taon at mga limang taon naman sa panghuling yugto. COCONUT MEDIA SERVICE

Isang sangay ng pamahalaan ang nanguna upang mapahusay ang industriya ng abaca sa pamamagitan ng siyensya at technolohiya.

Sa pamamagitan ng Industry Strategic S&T Plan (ISP) sa abaca, isinusulong ng ang paggamit ng mga pananim na ligtas sa sakit at peste, mas mahusay na mga makina para sa paghuhuyag, pagbibgay ng mga pagsasanay tungkol sa ‘abaca tissue culture,’ at pagtatatag ng mga narseri, at iba pang mga inisyatibo sa research and development.’

Ang ISP ay isang inisyatibo ng Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development (PCAARRD) ng Department of Science and Technology (DOST), na may pangunahing tanggapan sa Los Baños, Laguna.

Ang abaca ay itinuturing na isa sa pangunahing produktong pangluwas. Malaki ang naiaambag nito sa paglikha ng hanapbuhay at pagkita ng dolyar ng bansa.

Iniulat ng Fiber Development Authority (FIDA) ng Department of Agriculture na mula noong 2001 hanggang 2010, kumita ang bansa ng US$82.1million bawat taon mula sa industriya ng abaca. Ito ay mula sa pagluluwas sa ibang bansa ng ‘raw fiber’ at mga iba’t-ibang produkto mula rito.

Samantala, kahit na matagal nang naitatag ang industriya ng abaca sa bansa, mababa pa rin ang produksyon at kalidad nito. Naka-aapekto ito sa reputasyon ng PIlipinas bilang pinakamalaking ‘supplier’ ng abaca sa buong mundo. Higit sa lahat, apektado rin nito ang kabuhayan ng nasa 1.5 milyong Pilipino na umaasa sa industriya ng abaca bilang hanapbuhay.

Iniugnay ng mga eksperto ang mababang produksyon at kalidad ng industriya ng abaca sa kakulangan ng ‘supply’ ng barayti na may mataas na ani, sakit at peste, at sa hindi mahusay na pamamaraan ng pagkuha ng ‘fiber.’ Dito papasok ang mga gawaing napapaloob sa ISP ng abaca na magpapahusay sa indutriya nito.

Dahil sa malaking kontribusyon ng abaca sa ekonomiya ng bansa, masigasig ang pamahalaan na bigyan ng solusyon ang mga suliranin ng industriya. Sa kasalukuyan, pinagsisikapan ng pamahalaan na madagdagan ang inaaning fiber hanggang sa taong 2020.

Sa pamamagitan ng isinagawang mga “target” sa ISP, inaasahan ng bansa na mapatataas nito ang ani ng abaca fiber sa kasalukuyang 0.49 metriko tonelada hanggang 0.6 metriko tonelada bawat ektraya at ‘fiber recovery mula 1.0 hanggang 1.5 metriko tonelada bawat ektraya.

Ang inisyatibo sa pagsasaliksik at pagpapaunlad sa industriya ng abaca ay isa lamang sa mga katulad na pagsisikap sa ibang industriya sa ilalim ng  mga ISP.

Binibigyang pansin ng mga ISP ang suliranin o kakulangan sa isang industriya kung saan makatutulong ang siyensiya at teknolohiya.

Ayon sa PCAARRD, binibigyan ng simulain at direksiyon ng mga ISP ang siyensiya at teknolohiya sa sektor ng agrikultura, pangingisda, paggugubatan, at likas na yaman.

Katuwang ng PCAARRD at tagpagpatupad ng proyekto sa abaca ISP ang Philippine Textile Research Institute, Department of Trade and Industry, Fiber Industry Development Authority, University of the Philippines Los Baños, Bicol University, Catanduanes State College, Visayas State University, University of Southeastern Philippines, Western Mindanao State University, University of Southern Mindanao.

Katuwang din sa mga gawaing nakapaloob sa ISP ang mga lokal na pamahalaan ng Albay, Sorsogon, Catanduanes, Leyte, Northen Samar, Western Samar, Zamboanga, Surigao del Sur, Agusan del Norte, Davao Oriental, Davao del Sur, Davao del Norte, North Cotobato, South Cotobato, at Sulu.(Ricardo R. Argana, S&T Media Service)

 

Upang isulong ang paggamit ng kawayan para sa konstruksyon at ang iba pang gamit nito, isang bamboo gazebo ang itinayo sa may tanggapan ng Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development (PCAARRD), isa sa mga ahensiya ng Department of Science and Technology (DOST) na matatagpuan sa Los Baños, Laguna.

Ang bamboo gazebo project ay isang inisyatibo sa pagsusulong ng siyensiya at teknolohiya. Itinayo ito sa pagtutulungan ng PCAARRD at ng Forest Products Research Institute (FPRDI), isa ring ahensiya ng DOST.

Dinisenyo at pinangunahan ni Engr. Albert O. Pareja ng FPRDI ang konstruksyon ng gazebo, samantalang pinondohan naman ito ng PCAARRD sa pamamagitan ng Forestry and Environment Research Division (FERD) ng nasabing ahensiya.

Iba’t-ibang produkto na yari sa kawayan ang makikita sa gazebo gaya ng muwebles, at ‘panel boards,’ Ipinakikita ng mga produktong ito ang husay ng kawayan bilang alternatibong materyales para sa kahoy ganon din ang kahalagahan nito bilang isang ‘minor forest product.’  (Ricardo R. Argana, S&T Media Service)