5 M Fingerlings Ikinalat sa Laguna De Bay; 578 Bantay Laot Mangingisda tumanggap ng cash incentive – BFAR 11 at Red tide positibo sa Irong- Irong Bay, Western Samar

 5 M FINGERLINGS KINALAT SA LAGUNA de BAY 

Kasabay ng pagdiriwang ng 119th founding anniversary ng Kagawaran ng Agrikultura at 156th kaarawan ng ating Pambansang Bayani Dr. Jose Rizal nitong nagdaang Hunyo 19. Ang paglulungsad sa unang rehabilitasyon ng limang taon Proyekto BASIL o Balik Sigla sa Ilog at Lawa.

Paunang 5 milyon fingerlings ang ikinalat ng Department of Agriculture Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) sa paligid ng Laguna de Bay.

Livelihood sa mga mangigisda na maahon sa kahirapan na maging produktibo at mapanatili nila ang komunidad ng pangingisda na may sapat na mapagkukunan ng makakain ang mga mahihirap na pamilya nananinirahan malapit sa ilog, lawa o sapa. Dahil utos ng pangulo ang available at affordable food ayon kay food master Kalihim Emmanuel “Manny” Piñol.

Pinangunahan ni Sec Piñol at Senadora Cynthia Villar ang paghuhulong ng  inisyal na  5 milyon fingerlings sa Laguna Lake gaya ng  ulang , bangus, at tilapia sa paglungsad ng Project BASIL na ginanap sa Bgy. Baybayin, Los Baños, Laguna. Naroon din at kinatawan ni Usec Ariel T. Cayanan si Undersecretary ng Fisheries Eduardo Gongona, Laguna Lake Development Authority General Manager dating Mayor ng Bayan ng Pateros Jaime Medina, Provincial Administrator Atty. Dulce H. Rabanal na  nagproxy kay Laguna Governor Ramil Hernandez, Los Baños Mayor Caesar P. Perez at  Dr. Arnel del Barrio, Executive Director ng Philippine Carabao Center na kung saan ang mga pasilidad ng PCC ay tutulong na maging training facility sa mga magsasaka at mangingisda.

Samantalang, ang DA-BFAR ay magpapakalat 210 milyon fingerlings ng katutubong isda tulad ng mga ; ayungin, biya,martiniko, kanduli, at  dalag.

Nagkakahalagang P 3.65 milyon na fingerlings ng araw na iyon na umabot sa P 56.3 milyon  na nabiyayahan ang 1,478 mangingisda sa CALABARZON. Nagpamigay din ng mga livelihood tulad ng gill nets, bankang de motor at  loan assistance

Kabilang sa Project BASIL na lalagyan ng fingerlings ang mga lawa; Taal Lake, Lanao Lake, Lake Sebu, Buluan Lake, Lake Mainit, at Naujan Lake.

Gayundin ang 8 ilog;  Cagayan River Basin, Abra River System, Agusan River Basin, Bicol River Basin, Pampanga River Basin, Mindanao River Basin, Agusan River Basin, at Agno River Basin. (Mj Olvina- Balaguer)


578 Bantay Laot Mangingisda tumanggap ng cash incentive – BFAR 11

Paglulungsad ng Programang Bantay Laot ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region 11 nitong nakaraan Hunyo 23, 2017. Nakatanggap ng cash incentive mula 1k to 2k ang rehistradong sea watchers mula sa 23 Bgy sa Lungsod ng Davao.

Ang Programang Bantay Laot ay inisiatibo ng Kagawaran ng Agrikultura–Kawanihan ng mga Pangisdaan at mga yamang tubig (BFAR) upang pigilan ang iligal na pangingisda at mapangalagaan ang nagbabadyang pagbabanta sa pandagat at mga species na nabubuhay sa tubig particular ang municipal waters ng maprotektohan ang mga mangingisda lalo na ang mga katutubo  o Indigenous People (IP) bilang sea guardians sa closed season na itinatakda ng Fishery Management Areas (FMAs).

Layunin ng Kawanihan na masugpo ang ilegal  at unreported and unregulated fishing (IUUF) sa pamamagitan ng pagbabago at pamamahala ng baybayin pinagkukunan ng yamang tubig.

Alinsunod sa seksyon 24 at 158 at Republic Act 10654 o ang  amended Philippine Fisheries Code,  “An Act to Prevent, Deter and Eliminate Illegal, Unreported and Unregulated (IUU) Fishing”.  Ang proyektong sumusuporta sa  LGUs, FARMCs at municipal fisherfolk sa  training ng Bantay-Dagat Task Force.

Ang Davao rin ang pilot area ng programa sa pangangasiwa ni BFAR National Director Eduardo B Gongona.

Pinagkalooban ang mga mangingisda bantay laot ng pabuya mula sa mga sumusunod na Bgy; Barangay 21C, 23C, 31D, 76A, Bago Aplaya, Bunawan, Centro, Daliao, Dumoy, Duterte, Hizon, Ilang, Lapu-lapu, Lasang, Leon Garcia, Lizada, Matina Aplaya, Pampanga, Panacan, Sasa, Sirawan, Talomo, and Tibungco.  Ayon kay Fatma Idris, Regional Director ng BFAR 11.

Kabilang sa FMAs ang East Sulu Sea, Basilan Strait, Sibuguey Bay, Palawan, Visayan Sea, Cagayan River at sanga ng ilog sa Cagayan Valley ang susunod na magpapatupad ng Proyektong  Bantay Laot.

Matatandaan na nung nakalipas na taon Agosto 17 ay nangako si Sec. Emmanuel “Manny” F. Piñol ng cash incentive sa ginawang turnover ng 300 fiberglass boats  na nabiyayahan ang 600 registered mangingisda ng Philippine Fisheries and Development Authority (PFDA) XI sa Toril, Davao City.( MJ Olvina- Balaguer)


Red tide positibo sa Irong- Irong Bay, Western Samar

Base sa shellfish bulletin no. 19 series of 2017, Hunyo 22 ang pagsusuri ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ( BFAR) at LGU  na nilabas ni Usec Eduardo B.Gongona ng Fisheries, Direktor ng BFAR na positibo sa red tide ang Irong – Irong Bay, Western Samar na ang alamang at lahat ng shellfish ay hindi ligtas kainin. Subalit ang mga isda, pusit, hipon, alimasag na sariwa ay kailangan hugasan mabuti bago lutuin.

Samantalang ligtas sa toxic na red tide ang mga coastal waters  ng Cavite, Las  Piñas,  Parañaque, Navotas, Bulacan at Bataan ( Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Orani, Abucay at Samal) sa paligid ng Manila Bay.

Gayundin ang coastal waters ng Pangasinan ( Bolinao, Anda, Alaminos, Sual, Wawa, Bani), Zambales (Masinloc Bay), Masbate ( Milagros at Mandaon), Sorsogon ( Juag Lagoon, Matnog at Sorsogon Bay), Puerto Princesa City ( Honda, Puerto Princesa Bays), Inner Malampaya Sound, Taytay, Palawan.

Coastal Waters ng Gigantes Islands ( Carles, Ilo ilo), Pilar, Panay, President Roxas, Roxas City ( Capiz) at Saplan Bay ( Ivisan at Saplan sa Capiz. Mambuquiao at Camansi sa Batan, Aklan, Altavas, Batan at New Washington sa Batan Bay, Aklan, Matarinao Bay sa Eastern Sanar. Cambatutay, Maqueda, Villareal Bays at Daram Island sa Western Samar, San Pedro, Carigara at Cancabato Bays sa Tacloban City. Calubian at Leyte sa Leyte.

At sa Mindanao ang Coastal waters ng Biliran Province, Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur, Tantanang Bay sa Zamboanga Sibugay, Murcielagos Bay sa Zamboanga del Norte at Misamis Oriental, Taguines Lagoon sa Benoni, Mahinog, Camiguin Island, Balite Bay sa Mati, Davao Oriental, Hinatuan, Bislig at Lianga Bays sa Surigao del Sur. (Mj Olvina- Balaguer)