DA-BFAR kasama si Sen. Cynthia Villar; PHILHEALTH 20th Anniv may programa for Mental Illness at Iranian Band NAVAYE KOHAN lands in Manila

DSC04703

 

252 Local government Units ang nagsilbing benepisyaryo ng mga nilikhang Fish Landing Centers sa buong bansa sa pangunguna ng Department Of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources kaakibat nang nasabing paglulunsad ng pambansang programa ng DA-BFAR Community Fish Landing Center.

Muli na namang ginanap ang isang aktibidad tungkol sa pangisdaan sa pangunguna ng DA-BFAR sa bayan ng Tanza sa Cavite.

DSC04709Pinangunahan ito ni Department of Agriculture Secretary Proceso Alcala, Undersecretary Asis Perez na director ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, National Anti Poverty Commission Commissioner Secretary Joel Rocamora, Department of labor and Employment Secretary Rosalinda Baldoz, Senate Agriculture and Food Committee Chairperson Senator Cynthia Villar at 2nd District Northern Samar Representative Emil Ong.

Ang programa ay tinaguriang Targeted Action to Reduce Poverty and Generate Economic Transformation in the Fisheries Sector o TARGET kung saan sa paglulunsad nito ay 252 Fish Landing Center ang inilunsad at 100 punong bayan ang pinarangalan kabalikat ang pribadong sector sa pagrerehistro ng mga bangka sa pamamagitan ng APP na “BOATR”.

DSC04742Kasama sa mga binigyang parangal ay ang Punong Bayan ng Maluso sa Basilan na si Mayor Indanan Daud kasama ang kanilang Provincial Fisheries Officer na si Alanoa Alihuddin nang lalawigan ng Basilan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM). Nabatid na pinakamaraming rehistradong mga fisher folk ay sa bahagi ng ARMM at 1.5 milyong rehistradong mangingisda ay nasa mga bayan nito ayon sa datos buhat sa BOATR. Samantala, sa naging panayam ng www.diaryongtagalog.net kay Congressman Emil Ong ng Northern Samar nabanggit niyang wala pang mga fiber glass motor boats sa kanilang bayan ng Laoang na isang coastal town rin at maraming rehistradong mangingisda samantalang kasama niya ang isa sa mga Punong Bayan na binigyang parangal buhat sa kanilang lalawigan ng Northern Samar na si Mayor Don Abalon. Ayon sa punong bayan ay malaki ang maitutulong ng fish landing center lalo sa gaya nilang coastal town upang iangat ang kabuhayan ng mga mangingisda.///mike balaguer

-30-

2009-01-07 00.09.54Bukod sa kalusugan pangangatawan at kapwa kailangan rin ang malusog na kaisipan kaya naitanong ng www.diaryongtagalog.net mismo kay PHILHEALTH President and Chief Executive Officer Atty. Alexander Padilla kung sa dami ng mga programa at proyekto ng Philippine Health Insurance Corporation ay may inilaan ba sila sa mga may karamdaman pang kaisipan o Mental Illness.

Naitanong ng pahayagan ito sa kasagsagan ng pagdiriwang ng ika-20 anibersaryo ng ahensya na ginanap sa Shangrila Hotel sa Mandaluyong kung saan nagkaroon ng maikling pulong balitaan upang makapagtanong ang mga mamamahayag patungkol sa mga aktibidad ng ahensya at sa napipintong PHILHEALTH RUN 2015.

Ayon kay atty. Padilla, wala silang malawakang programa ukol sa Mental Health o package ukol rito ngunit mkagaya ng ibang karamdamang maipapasok sa pagamutan, pag acute na ay may kaukulan namang programang naia ayon sa kaparehong karamdaman. Wika pa niya na dapat magkaroon pa raw kasi ng masinsing pagsisiyasat o pagsasaliksik ukol sa tunay na depinisyon ng sakit sa utak sa bansa, dahil ang mga sintomas ng karaniwang sakit sa utak ng mga Amerikano ay kakaiba sa mga ipinakikita ng mga Pilipino. Ibinigay nyang halimbawa ay ang mga bagay na nakapagdudulot ng depresyon sa ibang lahi gaya ng trahedya, kalamidad atbp na sa ating mga Pinoy ay nakukuha pa nating mapagtawanan.

Ipinakita rin ang 20th anniversary commemorative medial kung saan nakalimbag ang logo ng PHILHEALTH sa isang ipinasadyang coin na gawa ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Ang barya ay gawa mula sa 89 % copper, 5% aluminum, 5% zinc at 1% tin, 34 millimeters ang diameter, 2.4 ang kapal at 1.5 gramo ang bigat.

Bukod sa baryang handog ng Bangko Sentral ng Pilipinas ay di rin naman nagpahuli ang Philippine Postal Corporation sa pagbati nito sa PHILHEALTH sa kanyang ika 20th anibersaryo, ito ay sa pamamagitan ng isang commemorative stamp. Gaya ng nasa medal, ang selyo ay nagtataglay ng logo at tatak ng ahensya.

Sa pakikipagtulungan ng Philippine Charity Sweepstakes office sa pangunguna nina Atty. Mabel Manba at Chairman Ferdinand Rojas nakibahagi rin ang pamunuan ng Senado sa pangunguna ni Senate President Franklin Drilon sa nasabing aktibidad kasama ang representante ni Acting DOH Secretary Janet garin at ang mga taga UNICEF.

Sa mga unang bahagi ng sandaling pulong balitaan ay nagtanong ukol sa oral health ang DZRJ 810 khz AM at kung kasama ito sa mga programa ng PHILHEALTH at ayon kay Dr. Israel Paragas na siyang sumagot sa katanungan ay kabilang ito sa TSEKAP program.///mike balaguer

-30-

navaye1Little is known about the Iranian people as being appreciative of the arts, particularly music. This is the reason behind their exposure with the National Commission on Culture and the Arts (NCCA) and their participation in its various artistic and cultural activities.

Last February 15, 2015, the Iranian Musical Band called “NAVAYE KOHAN” to perform traditional Iranian Music to the its Filipino Audience.

The band already went to places around the world showcasing Iranian music and culture. Iran has a rich tapestry of culture and tradition spans from several millennia. In an interview with Dr. Kiyomars Amiri, the Cultural Councilor at the Cultural Section of the Islamic Republic of Iran in an interview over at DZRJ 810 Khz AM, Iran has rich cultural ties with the Philippines, evident of the largely growing Iranian-Filipino inter marriages, the exchange of culture goes deeply rooted as two races from west Asia and east Asia became family so as the cultural and traditional exchanges reciprocates.

The Iranians take pride in their traditional carpet weaving, paintings and sculptures and music particularly strings and percussions. The Embassy of the Islamic Republic or Iran under the leadership of His Excellence Ali Ashgar Mohammadi, the Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary supports all cultural and diplomatic exchanges in an effort to strengthen the ties between the Philippines and Iran.

This 20th of February at the University of the Philippines in Diliman, the Islamic Republic of Iran will be celebrating its 50th anniversary of the Iranian and Filipino diplomatic relations through seminars and summit geared toward understanding of both cultures///michael balaguer

-30-