PCAARRD T2P para sa mga na-Yolanda; Pagpapakilala ng Worldfish at mga bagong programa ng SEI ayon kay DOST USec dela Pena


 

Quezon City, Pilipinas-Teknolohiya para sa tao o ang programang Technology to People (T2P) ng Philippine Council for Agriculture, Aquatic and natural Resources Research and Development (PCAARRD) ng Department of Science and Technology (DOST) ang kamakailan ay nagdaos ng kanilang pulong balitaan sa lungsod na ito upang ihayag ang mga bagong programang kabilang sa kanilang T2P ukol sa mga sinalanta ng Bagyong Yolanda sa Kabisayaan.

Kasma ang Philippine Coconut Authority (PCA), ahensyang nasa ilalim ng Department of Agriculture (DA), Philippine Rice Research Institute (PHILRICE) at ang Marine Science Institute ng University of the Philippines Diliman ang ilan sa mga personalidad na nakibahagi sa talakayan na may layuning ipamalas sa mga mamamahayag ang mga nais gawin ng mga dalubhasa upang matulungan na iangat ang kabuhayan ng mga binagyo.

Sa pagtalakay ng PCA kanilang ipinakita ang mga produkto at teknolohiyang kanilang inaral ukol sa niyog, mga aplikasyon at pagpaparami nito, mga ibat ibang species na nasa bansa at ang mga silbi sa ekonomiya ng buko at mga by-products nito na kilala na sa pamilihan.

Tree of life kung tagurian ang niyog at ang gene bank ng halos 200 o higit pang lahi ng niyog ay nasa Zamboanga makikita, isang hub na maituturing ng buko in all of its shapes and sizes ang maaring Makita sa nasabing lugar, may programa pa nga ang PCA na sa 5 ektaryang lupain ay maari silang makapagbigay ng mga dwarf variety ng niyog na maaring pakinabangan agad sa loob ng isang taon.

Bagaman sa teknolohiya ng bigas ay wala pang nakararating sa mga lalawigan ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ayon sa representante ng PHILRICE ay may mga teknolohiya naman silang akma sa kabuhayan ng nasabing rehiyon. Nabangit na sa kabila nang iilan lamang na lugar ang may banta sa seguridad sa nasabing mga lalawigan ay aminado silang hindi nakararating duon ang biyaya ng agham sa agrikultura lalo sa bigas.

Dahil isang maritime nation ang bansa ay kailangan nating ingatan ang ating katubigan, karagatan at coastal areas lalo sa tuwing sasapit ang mga natural na kalamidad. Ang natural na proteksyon ng mga tao laban sa delubyo ng dagat ay ang corals, mga bakawan at ang paglalagay ng breakwater sa mga coastal areas ayon sa Marine Science institute ng University of the Philippines Diliman, sinabi ni Dr. Fernando Siringan sa kanyang pagtalakay na sa kalunsuran ay lubhang napaka halaga ang tamang distansya sa karagatan, ang mga kabahayan na itatayo ay dapat na may kaukulang distansya lalo pati imprastruktura gaya ng kalsada lalo kung walang mga levy o breakwater sa mga ito.

Ang grabeng pagguho ng lupa na tumatakip sa mga coral reef na first line of defense ng mga islang gaya ng bansa sa mga malakas na hampas ng alon bunga ng tsunami o storm surges ay dapat magawan ng paraan. Nabanggit rin ang pagtatanim ng mga mangrove o bakawan bilang panangga sa hampas ng mga alon lalo kung may bagyo.

Ang PCAARRD ay ang council ng DOST na sumasakop sa agrikultura pati sa pangisdaan na pinangungnahan ni Dr. Patricio Faylon Bilang Executive Director at sa pananalasa ng bagyong Yolanda ngayong taon ay napakaraming mga stakeholders nila sa Kabisayaan ang naapektuhan kaya isinagawa nila ang nasabing pulong balitaan ay upang ipabatid ang kanilang mga program at proyekto upang matulungan ang mga ito na bumangon. (mike Balaguer)

 

 

Samantala,

Pasay City, Pilipinas-Isang research organization na dati ay nakabase sa bansa na ngayon ay nasa Malaysia na ang nag anyaya ng mga mamamahayag at ipinakilala ang sarili sa press na nagko cover ng agham at agrikultura particular sa pangisdaan.  Bilang isang maituturing na maritime nation at masasabi ring may pinakamahabang coastline sa mundo kakatwang karamihan pa rin sa mangingisda at ang mga taong nabubuhay sa biyaya ng karagatan ay lugmok sa kahirapan. Patuloy pa ring namamayagpag ang mga industrial scale fishing vessels na nag pumapasok sa ating territorial waters. Kabilang sa layunin ng worldfish sa kanilang mga pagsasaliksik at pag aaral ay ang makatulong na mabawasan ang mahihirap na mangingisda o magkaroon ng mga alternatibong kabuhayan ang mga mamamayan sa mundo na nabubuhay sa biyaya ng mga karagatan at ilog na iangat ang kanilang uri ng pamumuhay.

May mga programa silang nakikipagtulungan sa mga ahensya ng gobyerno gaya ng kagawan ng pagsasaka o Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) at ng Philippine Council for Agriculture Aquatic and natural Resources Research and Development ng Department of Science and Technology (PCAARRD-DOST) sa mga teknolohiya at upang matukoy ang mga target na stakeholders.

Makikita sa kanilang video presentations ang extent ng kanilang trabaho at mga pananaliksik ukol sa mga lamandagat at isda na pinakikinabangan ng mga bansa kung saan sila ay mayroong branch office. (mike balaguer)

Kaugnay nito,

Maynila, Pilipinas-Kasabay ng pagdiriwang ng 81st taon ng National Research Council of the Philippines o NRCP, isa sa dalawang consultative body ng Department of Science and Technology (DOST) ay nakapanayam ng www.diaryongtagalog.net si DOST USec. Fortunato dela Pena, na siyang tumatayong Director ngayon ng Science Education Institute (SEI).

Ayon sa kanya ay napakaraming programa ngayon ng SEI tungkol sa science education pang elementarya at mataas na paaralan, ang iba ay bahagi lamang ng mga pagpapatuloy sa mga nauna nang naimplimenta na mga programa ngunit ang karamihan ay bago at ngayon lamang sa kanyang pamumuno.

Dagdag pa ng kalihim ay may kaunting kakulangan sa mga guro na nagtuturo ng agham at matematika sa ating mga paaralan, ito ay maging sa pribado o publiko, kadalasan wika niya ay ang mga nagtuturo ng  agham at matematika ay yaong mga hindi naman kwalipikadong magturo kaya ang bunga ay di gaanong kagandahan.

Hinihikayat niya ang mga mag aaral na ang pag aralan ay ang mga science and engineering related courses upang mapunan ang kakulangan ng mga magtuturo ng agham at matematika sa bansa. Naniniwala siya na ang maayos at tamang pagtuturo ng nasabing mga asignatura at disiplina ang siyang mag aangat sa ating bansa kahanay o mas higit pa sa mga kalapit bansa natin na  umaarangkada sa mga pandaigdigang kometisyon sa nasabing mga subjects.

Kinumpirma ng Department of Education ang nasabing pahayag ng USec ng kagawaran ng agham dahil aminado silang kulang nga talaga ang kanilang mga tinatawag na trainers and communicators in science and mathematics at nuong isama nga ang science writing and popularization sa mga campus journalism competition ng ibat ibang paaralan lalo nilang naramdaman ang pangangailangan sa mga guro, trainer at communicators sa nasabing dalawang mahalagang disiplina. (mike Balaguer)