Agrikultural pa rin ang Pulilan-Mayor Esguerra; Malaking tulong sa Calumpit pagmatapos ang tulay- Mayor De Jesus; Organikong pagtatanim sa Plaridel-Kon. Ver Alejo at kalagayan ng Calumpit Bridge


Pulilan, Bulacan-HINDI totoong kinakain na ng industriyalisasyon ang bayan ng Pulilan at nawawala na ang mga taniman ng palay, ayon mismo ito sa Punong Bayan nang makapanayam ng www.diaryongtagalog.net ukol sa naturang isyu.

Batay sa kasagutan ni Mayor Vicente Esguerra, nananatili pa ring agricultural ang kanilang bayan at hindi na manual farming ang gamit nila bagkus ay mechanized na ang kanilang paraan, ang gamit ng kalabaw na simbulo ng kanilang bayan ay sa dairy production na at pinag graduate na nila sa pagbubungkal ng lupa.

Isang Magsasaka si Mayor Esguerra kaya nalalaman niya ang mga suliranin sa bukid. May sinusunod na zoning sa kanilang bayan at ang kumpulan ng mga factory ay matatagpuan lamang sa kahabaan ng Pulilan-Calumpit Road.

Pahayag ni Esguerra, investor friendly ang kanilang bayan kaya di na kataka taka na tuwing mababanggit sa maynila kung saan magandang mag invest sa Bulacan, ang Pulilan ang unang pumapasok sa isipan ng mga imbestor, dayuhan man o local. (jane olvina-balaguer)

diaryongtagalog at pulilan bulacan

 

Calumpit, Bulacan-Malaking tulong sa mga taga Calumpit kung matatapos agad ang konstruksyon ng ginagawa ngayong Calumpit Bridge ayon kay Calumpit Mayor Jessie De Jesus lalo sa mga namimili at nagtitinda sa kanilang pamilihang bayan.

ito rin ang kaparehong reaksyon ng mga nakapanayam ng www.diaryongtagalog.net nang magtungo kami sa bayan na ito upang kapanayamin di lang ang Punong bayan kundi pati ang gumagawa ng tulay.

nabatid na malaki na ang lugi ng kontraktor dahil sa dami ng suliraning kanilang kinakaharap sa paggawa ng nasabing istruktura, bunsod nito ay nasisisi pa sila ng mga tao. ito humigit kumulang ang nilalaman ng panayam ng www.diaryongtagalog.net kay Mayor Jessie De Jesus. (mike Balaguer)

diaryongtagalog with calumpit mayor jessie de jesus

 

Calumpit, Bulacan-Kaugnay ng suliranin ng bayan na ito at ng kalapit bayan ukol sa ginagawang tulay, minabuti ng www.diaryongtagalog.net na  kapanayamin sa video ang kasalukuyang Operations Engineer ng mga gumagawa sa tulay.

Ayon sa kanila, hangad rin nilang matapos na ang konstruksyon ngunit dahil sa mga natural na kaparaanan gaya ng pagkasila ng kanilang mga kagamitan sa tuwing bubutas sa mga poste, pansamantalang natitigil ang kanilang pagtatrabaho.

Makikita ang talaan kung kailan sinimulan at kung kailan tinatayang matatapos ang proyekto, makikita rin ang mga solidong bakal na nakuha nila sa mga hinukay nila para sa poste na ayon sa kanilang pagtaya at panahon pa ng ikalawang digmaang pandaigdig.

ayon sa Wing-An Construction and Development Corp,  malaki na ang kanilang lugi sa mga nasisirang piyesa ng kanilang mga makinarya. (mike balaguer)

diaryongtagalog with wing-an construction and development corp one

diaryongtagalog with wing-an construction and development corp two

 

Plaridel, Bulacan-SAMANTALA, halos magkatulad lamang ang pagsisilbi bilang kagawad ng barangay o kapitan at maging konsehal ng bayan, ang pagkakaiba lang marahil ay ang dami ng kanilang siserbisyuhan.

ito ang nilalaman ng panayam ng www.diaryongtagalog.net kay Plaridel Municipal Coucilor Ver Alejo nang siya ay makapanayam ng pahayagan sa kanyang tahanan sa Bgy. Sto Nino kung saan dati rin siyang nagsilbi bilang Kapitan.

ayon sa kanya, ang pagkakaiba lang ay ang dami ng kanilang mga taong si serbisyuhan, iilan lang ang mga mamamayang nangangailangn ng tulong sa barangay subalit ang bayan ay binubuo ng maraming barangay.

Abala si Konsehal Ver sa kanyang Gulayan dahil siya ang pinuno ng kumite ukol sa kalusugan at agrikultura sa bayan ng Plaridel. (jane olvina-balaguer)

diaryongtagalog with plaridel konsehal ver alejo

diaryongtagalog with plaridel konsehal ver alejo and wife