PHILRICE NYR thanksgiving kasama ang mga mamamahayag

DSC00464DSC00463DSC00462

 

Maynila, Pilipinas- Tuluyan nang nagwakas ang National Year of the Rice nitong 2013 at sa kanilang pasasalamat sa mga nagsing taga suporta lalo sa mga mamamahayag ay nagbigay sila ng plake kung saan nakalagay ang apat na tig-isandaang piso na di pa naka cut at may naka ukit na logo ng NYR 2013.

Pinangunahan ni Philippine Rice Research Institute (PHILRICE) Executive Director Dr. Eufemio T. Rasco Jr. ang palatuntunan kasama si Department of Agriculture Undersecretary Bernadeth Romulo-Puyat. Kasama  ng pagbibigay ng mga parangal sa mga tumulong sa kanilang maidaos ang isang taon ng pagbibigay ng halaga sa palay,bigas at kanin na di dapat sayangin, kinilala rin nila ang mga nagawa ng sector agham upang maging matagumpay ang kinahinatnan ng pambansang taon ng bigas.

Sa pagpapatuloy ng adbokasiya ng kagawaran ng pagsasaka tungkol sa bigas ay ipagpapatuloy pa rin ang promosyon nito sa pamamagitan ng “Celebrice” o ang kampanya sa “Riceponsable” pagkunsumo ng bigas. Kabilang sa mga binigyan ng parangal ng PHILRICE ay ang Food and Nutrition Research Institute (FNRI) ng Department of Science and Technology (DOST) at ang parangal ay tinanggap ng kanilang Director na si Dr. Mario Capanzana. (Mike Balaguer)