“rice-ponsable ako” karugtong sa 2014 ng kasalukuyang National Year of the Rice

DSC00329

Quezon City, Pilipinas- “Rice-ponsable ako” ang pagpapatuloy ng adbokasiya ng pagkain ng bigas lalo na ng brown rice na isinusulong ng Philippine Rice Research Institute ng Department of Agriculture kung saan kamakailan nga ay ginanap sa lungsod na ito ang “Celebrice” na dinaluhan ng isang celebrity chef.

Ngayong taon ay ipinagdiriwang ang National Year of the Rice (NYR) at dahil nga magtatapos na ito sa huling araw ng Disyembre ngayong taon ay kinailangang ipagpatuloy ang adbokasiya ng responsableng pagkonsumo ng bigas. Batid natin na walang habas ang pagsasayang na ginagawa ng marami nating kababayan lalo ang mga kumakain sa mga restaurants at handaan, di alintana ang hirap at tagal na ginugugol ng magsasaka upang patubuin ang palay.

Bukod sa karaniwan white milled rice na nabibili sa pamilihan isinusulong naman bilang alternatibo ang brown rice na kinakain na sa maraming bahagi ng bansa, nagkaroon pa ng cooking demo ang isang culinary school sa pangunguna ng kanilang celebrity chef na si Tristan Encarnacion na nagluto ng putaheng mula sa brown rice.

Makikita sa video si Hazel Villena Antonio ang National Year of the Rice Advocacy campaign Director kausap ang www.diaryongtagalog.net tungkol sa NYR at sa “rice-ponsable ako “campaign. (michael balaguer)

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.