Web-based RCM ng Philrice-DA at IRRI inilunsad para sa magsasakang pinoy

DSC00224

Dagupan City, Pangasinan-ISINAPUBLIKO ang nilikhang Rice Crop Manager (RCM) na dulot ng pagtutulungan ng International Rice Research Institute (IRRI) at Department of Agriculture- Philippine Rice Research Institute (DA-PhilRice), ang nasabing aktibidad ay ginawa sa lungsod na ito kamakailan alinsunod sa food staples sufficiency program ng gobyerno.

DSC00240  DSC00237

Sa pamamagitan ng pagtungo sa www.webapps.irri.org.ph/rcm maaring maka access ng libre di kaya ay mai download ang apps na “RCM PH”. Sa pamamagitan ng kompyuter o smart phones na may koneksyon sa internet inaasahang pakikinabangan ng mga magsasakang marunong magkompyuter ang programang ito at makatutulong na makadagdag ng 300 kilo ng unmilled na bigas sa bawat produksyon kada hektarya.

DSC00238  DSC00236

Kaugnay nito, dumaan sa 5 lalawigan ang field testing, sa Echague at Cauayan sa Isabela; Munoz at Talugtug sa Nueva Ecija; Catubig at Las Navas sa North Samar; Buenavista at Jabonga sa Agusan del Norte at Calapan at Naujan ng Oriental Mindoro.

Nabatid na mayroon 107 milyon cellphone sa Pilipinas, tala nitong Oktubre sa kasalukuyang populasyon na 95 milyon at paglabing dalawa sa bansa na may pinakamaraming cellphone. Kaya tiyak na sa 1% na populasyon ay magiging kapakipakinabang ang RCM sa pagsagot nito sa tanong sa tagalog o ingles.

Layunin maging competitive ang mga farmer na madagdagan ang kita sa tulong ng extension worker na mag aasiste sa paggamit ng RCM At ang plano sa 2014 na magbigay ng mga smartphone ng hands on ang pagtuturo sa mga magsasaka

DSC00239

“The use of the rice crop manager will hopefully bring an increase in yield or productivity, and also raise the income of farmers by about Php 4,000 per crop per hectare” ang tinuran ni Dr. Manny Regalado, acting deputy director for research ng DA-PhilRice. (Mary Jane Olvina-Balaguer)