PROGRAMANG PANGKABUHAYAN NANG MONARKIYA NG LUPAH SUG SINIMULAN
INILUNSAD ngayong araw January 13, 2019 ang programang pangkabuhayan ng Royal Imperial Lupah Sug Islamic United Kingdom of Sulu and North Borneo (RILSIUKSNB) o ang “Puerto Princesa City Eco Tourism Farmers and Fishermen Integrated Association, Inc. na ginanap dito sa City State Asturias Hotel Lungsod ng Puerto Princesa, Palawan,
Mambubukid, mamamalakaya, at mga nagmamahal sa kalikasan ang mga nakibahagi sa nasabing mahalagang paglulunsad na may layuning tuparin ang pitong bagay na nais maisakatuparan ng sinaunang kaharian.
Pangunahin ay ang pagbubuklod ng mga natatanging kaparaanan pang agricultural na makapaglilikha ng mga negosyo upang mai alis sa kahirapan ang mga mamamayan.
Pakikipagtulungan at paglikha ng mga koperatiba at iba pang inobasyong makatutulong sa tao sa pamamagitan ng kapwa pribado at gobyerno.
Mga pamamaraan upang makakuha ng pautang para sa capital upang makapag simula ng negosyo kasama na ang pagtanggap ng mga tulong kapwa sa goberno ng Pilipinas at sa ibayong dagat laan sa pagpapatuloy ng mga sisimulang programa.
Inaasahang matututo ang mga dumalo na nakibahagi na inaasahan naman na isagawa at ipamahagi ang kanilang natutunan para sa magkakasamang pag asenso ng bayan.
“The Primary focus of the kingdom are socio economic development programs geared towards the movement of the physical economy on the territories by way of massive job creation to give the people sufficient purchasing power and to alleviate them from poverty through the help of foreign investment.” Ayon kay Queen Maria Makiling Helen Fatima Nasaria Panolino Abdurajak Ju Xi Mulan of the Royal Imperial Lupah Sug Islamic United Kingdom of Sulu and North Borneo (RILSIUKSNB)
///Abdul Malik Bin Ismail///Ministry of Information and Communication, Royal Imperial Lupah Sug Islamic United Kingdom of Sulu and North Borneo (RILSIUKSNB)