
RICHCORP’s BIG BOSS HAS BIGGER HEART FOR FARMER WELFARE
RICHCORP’s ANTI MOSQUITO PLANT AND MORE WILL SAVE LIVES
RICHCORP SUPPORTS WOMEN EMPOWERMENT AND THE INDIGENOUS PEOPLES RIGHTS
RICHCORP ADHERE’S TO PLATO’S QUOTE ON FOOD AND MEDICINE
RICHCORP TECHNOLOGY RETAINS THE FRESHNESS OF THE LAGUNDI LEAF
RICHCORP AFFIRMS A FUTURE IN HERBAL FARM ENTERPRISE
TANAUAN, BATANGAS-MAS maigi pang manirahan sa kanayunan lalo sa panahon ngayon na ang mga malalaking lungsod ay masyado ng marumi ang hangin at ang mga pagkain ay hindi na ganoon kaligtas.
nitong mga nakaraang araw ay naibitahan ang pahayagang ito na bumisita sa isang farm sa bayan na ito kung saan ang mga nagmamay ari ay mga taong may pakialam sa kalagayan ng mga magsasaka at nagsusulong ng pag aalaga ng kalikasan at ang pinaka magandang adbokasiya nila ay ang pagtatanim ng mga halamang gamot.
Ang mag asawang sina Ginoong Patrick Roquel at ang kanyang asawang si Dr. Elinor Roquel ay mga entreprenyur na hindi lamang nagnenegosyo kundi mga negosyanteng nagnanais din na gumanda ang buhay ng mga tao sa kanilang paligid na kabalikat nila sa kanilang negosyo.
Sa tanggapan ni RICHCORP sa Las Pinas unang nagtungo ang mga mamamahayag kabilang ang DZMJ Online at ang pahayagng ito upang ipaliwanag muna ni Ginoong Roquel ang tungkol sa kanilang kumpanya at pagkaraan nito ay ang pagtungo na sa bayan na ito upang personal na maranasan ng mga mamamahayag na hindi rin gaanong may kaalaman sa agrikultura ang kahalagahan ng kanilang mga ginagawang pagtatanim ng mga halamang gamot at mga karaniwang prutas at gulay na nakagagaling rin.
Tumatanda na ang ating mga magsasaka at ang sektor ding ito ay isa sa pinakamahirap na sektor sa lipunan, sa paraan ng mga Roquel na tulungan ang mga magsasaka maging matatag sa pinansyal tiyak na may mga mae engganyo na muli na mag aral ng agrikultura sa kolehiyo upang makadagdag sa mga propesyunal na mag magsasaka na makatutulong palakasin ang ating sektor agrkultural,///Michael Balaguer, 09262261791, konekted@diaryongtagalog.net at michaelbalaguer@yahoo.co.uk
-30-
Higit 18,000 Katao, Nakilahok sa Malawakang Donasyon ng Dugo sa South Korea
Pambansang Kakulangan sa Dugo, Nalutas
Ang kakulangan sa dugo dahil sa COVID-19 ay laganap sa buong mundo. Noong Enero, idineklara ng American Red Cross ang “pambansang krisis sa dugo” na nagdulot ng malaking panganib sa pangangalaga ng mga pasyente. Noong Marso, nagdeklara ng blood “emergency” ang isang non-profit na organisasyon na Memorial Blood Centers na nakabase sa US dahil sa kakulangan ng stock ng Type O na dugo nang may 1-2 na araw lamang na suplay at umapela sa publiko na mag-donate ng dugo. Ang isang donasyon ay makapagliligtas ng hanggang tatlong buhay.
Ayon sa Red Cross, ang dugo ay ginagamit para sa iba’t ibang layunin, kabilang ang mga malubhang pinsalang dulot ng mga aksidente, mga operasyon, anemya, panganganak, at paggamot sa kanser. Ngunit dahil ang dugo ay hindi maaaring gawing artipisyal, sinasabi ng mga eksperto na ang tanging solusyon sa suplay ng dugo ay sa pamamagitan ng pag-donate ng dugo.
Sa South Korea, nagkaroon ng malawakang blood donation drive kung saan mahigit 18,000 katao ang nakilahok mula noong ika-18 ng Abril hanggang ika-1 ng Mayo. Ito ay naitala bilang pinakamalaking group blood donation sa bansa. Ang mga donors ay mga boluntaryo mula sa Heavenly Culture, World Peace, Restoration of Light (HWPL) at mga miyembro ng Shincheonji Church of Jesus, na parehong pinangungunahan ni Chairman Lee Man-hee.
Ayon kay Namsun Cho, pinuno ng Korean Red Cross Blood Services, “Nang umabot na sa sukdulan ang epekto ng Omicron, ang Shincheonji Church of Jesus ay nagsagawa ng malawakang donasyon ng dugo. Para itong ulan sa panahon ng tagtuyot. Ikinagulat namin ng husto ang bilang ng mga handang magbigay ng kanilang dugo na na sumobra sa 6,000 sa loob lamang ng tatlong araw, at marami pang tao ang lumahok. Naappreciate namin ang kanilang dedikasyon para makapagsagip ng buhay”.
Ayon sa Blood Management Center ng Korean Red Cross, ang mga donasyon ng dugo ay katumbas ng 3.5 araw na suplay ng dugo (ang 1 araw na suplay ng dugo ay katumbas ng 5,029 na donasyon ng dugo). Dahil sa boluntaryong pag-donate ng dugo, nalutas ang kakulangan ng suplay ng dugo sa bansa na nagpapatuloy mula pa noong simula ng taong ito dahil sa Omicron variant.
“Talagang mahusay ang ginawa nila sa life-sharing movement. Ang bilang na ito ay katumbas ng isang hukbo na nag-donate ng dugo sa loob ng isang taon. Ang bilang ng mga donor ng dugo ay halos apat na beses kaysa sa bilang sa karaniwang araw, na isang malaking tulong sa pagharap sa kasalukuyang krisis sa suplay ng dugo,” sabi ng isang opisyal mula sa Blood Services.
“Pinasasalamatan din namin ang mga miyembro ng Shincheonji Church of Jesus na lumahok sa nationwide plasma donation para sa pagbuo ng gamot para sa COVID-19 noong 2020,” dagdag niya.
Sa South Korea, ang mga nagbibigay ng kanilang dugo ay nakakatanggap ng blood donation certificates na maaaring gamitin bilang pambayad sa transfusion fee kung sila ay magpapasalin ng dugo. Ang lahat ng nag-donate mula sa Shincheonji Church of Jesus at HWPL ay nag-donate din ng kanilang mga sertipiko natanggap upang maibsan ang gastusin ng mga pasyenteng nangangailangan salinan ng dugo.
Ang Shincheonji Church of Jesus, na naka-base sa Gwacheon, South Korea, ay tumutulong sa mga komunidad sa pamamagitan ng mga bolunterismong aktibidad tulad ng pagbibigay ng dugo at plasma, sa kabila ng pagsubok na pinagdaanan nito noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
Ang HWPL, na naka-base sa Seoul, South Korea, ay isang NGO sa ilalim ng UN Economic at Social Council and Department of Global Communications, na nagsasagawa ng mga pangmatagalang proyektong pangkapayapaan sa pamamagitan ng edukasyon, relief operations, at youth empowerment batay sa pakikipagkaisa sa mga sambayanan at mga internasyonal na organisasyon mula sa 193 na bansa.
-30-
Kauna-unahang Pilipinong Pinarangalan ng Mahatma MK Gandhi Prize for Non-Violent Peace, Isang CHED Commissioner
Si Commissioner Ronald L. Adamat ng Commission of Higher Education (CHED) ang kauna-unahang Pinoy na pinarangalan ng Mahatma MK Gandhi Prize for Non-Violent Peace Award noong ika-27 ng Marso, 2022 sa ginanap na World Peace Seminar at Award Ceremony na pinangunahan ng Mahatma MK Gandhi Foundation for Non-Violent Peace at inorganisa ng internasyonal na grupong pangkapayapaan, Heavenly Culture, World Peace, Restoration of Light (HWPL).
Dumalo ang mga peace advocates, pinuno ng mga institusyong pang-edukasyon, mga pinuno ng relihiyon, at mga propesor ng internasyonal na batas mula sa apat na kontinente upang pagtibayin ang pagkakaisa sa pagkilos para kapayapaan.
Mula nang ito ay nabuo noong 1989, iginagawad ng foundation ang Mahatma MK Gandhi Prize for Non-Violent Peace bawat taon para sa mga aktibistang pangkapayapaan na siyang may malaking kontribusyon sa pandaigdigang kapayapaan at sangkatauhan. Kasama sa mga tumanggap ng nasabing parangal ay ang dating pangulo ng U.S.A., si Jimmy Carter at ang dating pangulo ng South Africa na si Nelson Mandela.
Sa lahat ng mga pambungad na talumpati mula sa General Secretary ng Foundation, Dr. Jyoti Mohapata, at ang Chairman ng HWPL, Si G. Lee Man-hee; at ng pagbating talumpati mula sa kandidato sa pagkapangulo ng Pilipinas, Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kasalukuyang Mayor ng siyudad ng Davao, Sara Duterte, Chairperson ng Commission on Higher Education (CHED), Commissioner Dr. J. Prospero “Popoy” E. De Vera III, at pinuno ng Maobadi Party Nepal, Bb. Kopila Kunwar, ay binigyang-diin ang pangangailangan sa pagsagawa ng mga aksyong komunal upang pahalagahan ang kapayapaan.
Kasama ni Commissioner Adamat, si Venerable Ashin Htavara, ang General Secretary ng All Burmese Monks Representative Committee mula sa Norway ay ginawaran din ngayong taon.
Kinilala si Dr. Ronald L. Adamat para sa kanyang mga kontribusyon sa pagsusulong ng edukasyong pangkapayapaan sa Pilipinas. Noong 2018, lumagda siya ng MOA kasama ang HWPL at noong 2019, inaprubahan niya ang isang CHED Memorandum Order na nag-oobliga sa lahat ng pampublikong unibersidad at kolehiyo, gayundin ang mga pribadong institusyon na ituro ang mga edukasyong pangkapayapaan sa kani-kanilang kurikulum. Sa kabilang banda, si Ven. Si Htavara ay nagtayo ng dalawang aklatang pangkapayapaan sa Myanmar, lumahok sa World Alliance of Religions’ Peace (WARP) Office sa Norway, at pinangunahan ang isang kampanya sa pagsuporta sa isang internasyonal na batas upang wakasan ang mga digmaan at itaguyod ang kapayapaan.
Sa kaniyang talumpati ng pagtanggap, sinabi ni Commissioner Adamat na tinitipon niya ang suporta mula sa mga Pilipinong nagtataguyod ng kapayapaan upang makumbinsi ang pamahalaan na kilalanin bilang “National Peace Day” ang ika-24 ng Enero. Ibinahagi niya rin ang kanyang plano na magtatag ng peace monuments sa loob ng mga pamantasan at mga kolehiyo sa buong bansa. Hinikayat niya rin ang mga tao at ang mga pamahalaan sa buong mundo na magtulungan upang makamit ang pandaigdigang kapayapaan sa pamamagitan ng edukasyon.
“Ang Mahatma MK Gandhi Prize for Non-Violent Peace Award ay isang paalala na lagi kong responsibilidad na isulong ang non-violent peace sa pamamagitan ng edukasyon… Hindi ko inakala maging sa aking panaginip na balang araw, ang isang parangal na nakapangalan sa taong labis kong hinahangaan ay ipagkakaloob sa akin,” saad ni Commissioner Adamat.
Sinabi ni Chairman Lee sa kanyang talumpati ng pagbati, “Ang kapayapaan ay isang karapatan na dapat ay tinatamasa ng lahat ng nabubuhay sa pandaigdigang komunidad.” Binigyang-diin din niya ang pagwawakas ng walang kabuluhang mga labanan kung saan ang mahahalagang buhay ay nawawala kahit sa kasalukuyang panahon sa iba’t ibang panig ng mundo. Si Chairman Lee ay nakatanggap din ng parehong parangal noong 2016.