SENSUS sa populasyon isasagawa ngayong taon; Pagtambak ng mga dumi buhat sa ibayong dagat maaring talakayin sa FORUM 2015 at PCIEERD highlight ang road train

 

Mahalaga ang sensus ng poulasyon sapagkat sa pamamagitan nito ay nalalaman ng gobyerno kung sinu-sino at hanggang saan aabot ang kanilang mga ipagkakaloob na serbisyo.

Ginagamit rin ang sensus sa mga pagpa plano at paglikha ng mga patakaran at programa, kailangang mapabilang para makasama at maging bahagi ngunit kailangan ding matiyak na ang mga humaharap sa mga respondents ay ligtas at may katiyakang di sila mapapahamak.

Ito humigit kumulang ang sinagot ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang bagong Pangalan ng National Census and Statistics Office (NSO) kung saan ay pinag isang ahensya na nangangalaga sa statistical data ng bansa kabilang ang National Statistical Coordination Board, Bureau of Agricultural Statistics, National Census and Statistics Office.

Nabatid na ang mga kinuha nilang mga enumerators ay maituturing na mga casual employees lamang at ang trabaho ay para lamang ngayong taon kung saan gaganapin ang pagtatala, pangamba ng ilang magulang na nagnanais magka trabaho ang kani kanilang mga anak at nais maipasok bilang enumerators ay ang seguridad ng mga ito sa pagharap sa samut saring uri ng tao.

Bagaman sinagot na ni Ms. Josie B. Perez, Deputy National Statistician, Censuses at Technical Coordination Office ng Philipine Statistics Authority, makaka asa ang taumbayan na ang mga datos na makukuha sa sensus ngayong 2015 ay magiging kapakipakinabang para sa lahat at sa ikasusulong ng bansa.///Michael Balaguer

forum 2015 photo story

Samantalang, ang malawakang isyu pang kapaligiran at kalusugan gaya ng sinasabing pagtatambak ng mga basura at dumi ng mga bansa sa ibayong dagat gaya ng Canada ang sinasabing masusing tatalakayin sa nalalapit na Forum 2015 na pangungunahan ng pangkalusugang kamay ng kagawaran ng agham at teknolohiya.

Sa panayam ng www.diaryongtagalog.net kay Dr.Renzo Guinto, Campaigner ng Healthy Energy Initiative ng grupong Healthcare without Harm sa Asia, sinabi niyang ang pangunahing tututukan ay ang mga usapin ukol sa enerhiya na may kaugnayan sa kalusugan ng tao ngunit dahil ang pagtatambak ng mga basura ng dayuhan at pati ng kanilang mga dumi sa ating bansa ay isang masasabing malaking pangamba sa seguridad at kalusugan, hindi malayong talakayin ng masusi ang mga isyu ukol rito nang mga bibisitang dalubhasa.

Isa pang pangunahing tema ng nasabing pandaigdigang forum ay ang tungkol sa nutrisyon. Ayon naman sa Executive Director ng Philippine Council for Health Research and Development (PCHRD), ang healthcare arm ng Department of Science and Technology napakaraming topics ang maaring pag usapan sa Forum 2015 dahil hindi lang pang Pilipinas ang mga isyung nakalinya kundi kabilang ang mga suliraning pandaigdig.

Halimbawa ay ang mga non-burn technologies para sa solid waste disposal, information technology in health at iba pang kapakipakinabang na mga usaping pang kalusugan na may layuning magsama sama ang mga utak ng mga dalubhasang naimbita upang solusyunan ang mga suliraning pang kalusugan ng mundomaging pagtupad sa millennium development goals atbp.///Michael Balaguer

pcieerd mirdc

Kaugnay nito, malaking suliranin nga ngayon ang transportasyon o particular ay ang mass transportation dahil sa dumarami ang tao ngunit di naman lumalawak ang mga kalsada at di makakayang i-accommodate ng mga pribadong sasakyan ang pangangailangan sa mobilidad.

Highlight nitong nakaraang National Science and Technology Week 2015 ng Philippine Council for Industry Energy and Emerging Technology Research and Development (PCIERD) sa pakikipagtulungan ng Metals Industry Research and Development Center (MIRDC) ang Hybrid Electri Road Train, isang mass transport system nah along bus at tren na maaring maka resolba ng bahagya sa suliranin sa mobilidad nang pagyayaot paro’t-parito ng bayan sa kani-kanilang mga pinupuntahan sa singit-singit ng kalunsuran.

Ang Hybrid Electric Road train ay apat na malalaking bus na pinagkabit kabit at dadaan sa isang particular na bahagi ng kalsada. Sinasabing ang Clark Development Authority ay kumuha na ang ilan nito upang bumiyahe sa Clark Special Economic Zone sa Angeles Pampanga upang maibsan ang trapiko sa bahaging iyon samantala, kung sa EDSA raw ito ilalagay sabi ng ilang nakasama naming sumakay mukhang hindi raw ito pwede dahil wala nang espasyo gawa ng napakarami nang binago sa disenyo ng Epifanio Delos Santos Avenue mula Monumento sa Caloocan hanggang Baclaran sa Paranaque simula nuong tinagurian pa itong Highway 54.

Sa kaugnay na balita naman sa Metals Industry Research and Development Center (MIRDC) sa pangunguna ni ASec. Bob Dizon ay ilulunsad nila ngayong Agosto 20, 2015 sa Munoz, Nueva Ecija ang isang makinang kanilang tinawag na Brown Rice Extruder, gagamitin ang makinang ito upang lalong mapaganda ang kalidad ng brown rice na ibababa sa pamilihan. Kabalikat sa proyektong ito ng kagawaran ng agham at teknolohiya ay ang kagawaran ng agrikultura.///Michael Balaguer