T2P SA KATUTUBONG ITIK, BABOY AT MANOK IPINAKILALA NG DOST-PCAARRD PARA SA KOMERSYALISASYON
Lungsod Quezon, Pilipinas- Ipinakilala para sa komersyalisasyon ng Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development ng Department ng Department of Science and Technology (PCAARRD- DOST) ang mga programa nila ukol sa paghahayupan partikular sa katutubong itik, manok at baboy kasabay ng isang pulong balitaan na ginanap nitong Ika 29 ng Hunyo 2017 sa lungsod na ito.
Isang mahalagang sangkap sa pag unlad ng kanayunan ang paghahayupan at sa panahon ngayon na nagiging maingat na ang tao sa komposisyon ng kanyang mga kinakain ay nagiging bantog ang mga katutubong alagaing hayop o mga pinalaki sa paraang natural o sa iba ay organiko.
Tatlong mga dalubhasa ang nagkaloob ng kani-kanilang presentasyon ukol sa mga katutubong Itik, Manok at Baboy pagkaraan ng pangunang pananalita ni Ms. Marita A. Carlos, director ng PCAARRD Applied Communication Division at Mensahe buhat kay Dr. Reynaldo V. Ebora, ang PCAARRD Acting Executive Director.
Sa temang “Innovating Native Animal Production and Management for Better Gains” bahagi ito nang programang T2P o “tecchnology to people” kung saan ipinakikitang naiba baba sa mga mamamayan ang mga programa ng gobyerno na may agham upang iangat ang kabuhayan ng mga karaniwang mamamayan.
Kabilang sa mga naglahad ng kanilang presentasyon ay ang tungkol sa Itik Pinas, dati na itong ipinakilala sa PCAARRD na sinaksihan pa ng dalawang dating Kalihim kabilang si dating kalihim Mario G. Montejo at ang kasalukuyang kalihim Sec. Fortunato T. dela Peña.
May titulong “Development Promotion and Utilization of the Itik Pinas in Building Rural Enterprises” na ipinaliwanag ni Mr. Marvel A. Hernandez, Project Staff ng National Swine and Paultry Research and Development Center ng Bureau of Animal Industry na naka base sa Tiaong, Quezon.
Sa kanyang pagpapaliwanang, sinabi niyang isang umuunlad na industriya ang pag iitikan at maari nating maipagmalaki na mas malaki ang kikitain ng mga mag iitik sa itik Pinas dahilan sa interbensyon dito ng agham.
Samantala, “Development and Promotion of Four Philippine Native Chicken Breeds for Livelihood Opportunities in Rural Communities” ang presentasyong inilahad ni Dr. Teresita A. Narvaez, Vice President for Resource Generation and Consortium Director sa Western Mindanao State University na nakabase sa Zamboanga City.
Matatandaang nagkaroon ng SIPAG FIESTA sa isang penal farm sa Zamboanga ukol dito at sila ang nanguna roon kung saan kanilang pinagkalooban ng mga manok ang mga preso na lalaya na ang magsisimulang mag alaga ng manok.
Isang alagaing hayop na kayang tatagan ang hamon ng pagbabago ng klima ay ang katutubong baboy na ayon sa PCAARRD ay hindi lang isa ang breed at kalat sa mga kapuluan ng bansa. Sa presentasyon ni Dr. Synan S. Baguio, ang PCAARRD Officer in Charge ng Livestock Research Division na may titulong “Enhancing the Potentials of the Philippine Native Pigs as Resource for Livestock Opportunities” nabanggit niyang pagkaraan ng isang malaking delubyo gaya ng bagyo ay makikita na unang mga nakaka ligtas ay ang mga asong kalye, mga katutubong manok at ng katutubong baboy sa kanayunan at kung mapaparami ang mga ito ay makakatulong ng malaki upang iangat ang kabuhayan ng mga biktima ng kalamidad.
Pagkaraan ng malayang talakayan at tanungan kasama ang mga miyembro ng pamamahayag na pinangunahan ng PCAARRD Livestock Research Division, Science Research Specialist 1 na si Mr. Alfredo Ryenel N. Parungao at pagbibigay ng mga plake ng pasasalamat sa mga naging tagapagsalita kasama ang guro ng palatuntunan na si Bunny A. Joven, isinara ng PCAARRD Deputy Executive Director for Research and Development Dr. Edwin C. Villar ang isa na namang bahagi ng programang naglalalayong ipakita at iparamdam ang mga ginagawa ng gobyerno upang iangat ang kabuhayan ng kanayunan bahagi ng “Science For The People” ni DOST Sec. Fortunato T. dela Peña.///Michael N. Balaguer
-30-
KATUTUBONG MANOK PWEDE RIN SA LUNGSOD
MAARING mag alaga ng katutubong mga manok o yaong tinatawag na free range chickens sa kalunsuran o bahagi ng urban agriculture dahil maliit lang na espasyo ang kailangan ng mga ito basta kailangan may mga halaman na maari nilang pag ikut-ikutan na mga humigit kumulang 200 square meters at may bahay silang masisilungan tuwing mainit o umuulan.
Ito ang bahagi nang naitanong ng www.diaryongtagalog.net kay Dr. Teresita A. Narvaez, Vice President for Resource Generation and Consortium Director buhat sa Western Mindanao State University mula sa Zamboanga City. Isinusulong nila ang pagpaparami ng mga free range at native chicken o yaong mga katutubong uri ng manok para alagaan at paramihin.
Ang kanilang proyekto ay nakabase sa Mindanao at kamakailan ay nagtungo ang PCAARRD sa Zamboanga Penal farm kung saan naroon ang kanilang proyekto.
Mataas ang pangangailangan ngayon sa katutubong manok at napag alamang may apat na uri ito sa bansa kabilang ay ang Camarines buhat sa Bicol, Darag, Boholano, Zampen. Kanilang isinusulong na maari itong maging kumikitang kabuhayan para sa mga mamamayan sa kanayunan at pati nga sa mga lalaya na preso ngunit dahil nga malaki ang pangangailangan ngayon sa Kalunsuran sa karne ng katutubong manok at pati mga malalaking farm ay may mga ipinakikilala na sa pamilihan na “umano” ay free range o organiko, dahil na rin marahil sa maingat na ang mga naninirahan sa Kalunsuran sa kanilang kalusugan at sinasabing mga mga benepisyong medikal at mainam sa kalusugan ang pagkain ng katutubong uri ng manok, hindi na naiwasang itanong kung maari itong alagaan sa kalunsuran bahagi ng tinatawag nilang “urban Farming” at ayon nga sa mga dalubhasa ng PCAARRD, ang sangay ng kagawaran ng agham na siyang nakaka alam ng mga pagsasaliksik at pag aaral ukol sa agrikultura, sinabi nilang maari nga itong alagaan sa kalunsuran lalo sa mga may malalaking bakuran na humigit kumulang 200 square meters.///Michael N. Balaguer
-30-
KATUTUBONG BABOY MAARING LANGKAPAN NG OMEGA 3
ISA sa mga hindi nagugustuhan ng mga taong health concious sa pagkain ng baboy maging ito man ay karaniwan o native (free range) ay ang cholesterol o taba.
Kamakailan ay ipinakilala ng Philippine Council for Agriculture Aquatic and Natural Resources Research and Development (PCAARRD)ang kanilang Technology To People program na may temang “ Innovating Native Animal Production and Management for better gains” at sa nasabing aktibidad nga ay kabilang sa mga pinagtuunan ng pansin ay ang tungkol sa katutubong baboy.
Kabilang sa mga paborito ng Filipino na produktong buhat dito ay Lechon at Etag ngunit gaya ng karaniwang baboy ay may takot pa rin ang ibang “health concious” sa cholesterol na dulot nang pagkain ng baboy anumang uri ito kaya buhat sa isang katanungang ibinato ng mga mamamahayag na dumalo sa nasabing okasyon tinanong nila kung paano masarap na makakakain ng baboy, native na baboy na hindi alintana ang cholesterol kaya nabanggit ng PCAARRD ang tungkol sa pag aaral nila ukol sa pag I introduce ng Omega 3 fatty acid sa mga native na baboy.
Ang omega 3 fatty acids ay karaniwang nasa mga isda gaya ng tuna ngunit ayon sa ahensya ay may mga pag aaral sa ibayong dagat lalo sa bansang Amerika na ini introduce ang omega 3 sa mga tiyan ng baboy, sinasabing maari nilang matapos ang pagsasaliksik ukol dito ngayon taon sa layuning lubos na mapakinabangan ang mga free range na baboy at magamit bilang kabuhayan sa kanayunan gaya ng karaniwanng babo.
Nabatid na mas matatag sa pagbabago ng klima ang mga katutubong baboy at sa maraming pagkakataon ay nasilayan na ang kanilang katatagan sa kabila ng mga bagyo at iba pang kalamidad.
Si Dr. Synan S. Baguio, OIC ng Livestock Research Division at kanyang mga kasama ang nangunguna sa nasabing pananaliksik.///Michael N. Balaguer