WRITESHOP TUNGKOL SA GOMA ISINAGAWA NG PCAARRD DOST
MARCH 28, 2018- Pinangunahan ng Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development of the Department of Science and Technology (DOST-PCAARRD) ang isang writeshop kamakailan ukol sa kanilang patuloy na programa ukol sa goma na ginanap sa kanilang punong tanggapan sa Los Banos, Laguna.
May titulong “Nationwide Clonal Adaptation Trial and Innovation of Propagation Techniques of Newly Introduced High-yielding and Promising Rubber Clones”, layon ng nasabing aktibidad na i-standardize ang mga methodologies ng mga project components ng programa, alamin ang mga appropriate statistical design at analysis na maaring isama sa proyekto, i-review ang mga unang resulta ng programa, makapagbigay ng mga nararapat na rekomendasyon at makapag layout ng plano para sa pagpapatuloy nito at paglikha ng ikalawang phase ng proposal
Sina Industry Strategic S&T Program (ISP) Manager for Rubber Dr. Marcelino U. Siladan at dating Commodity Specialist for Rubber Gretchen O. Nas ang nanguna sa aktibidad kasama sina Dr. Romulo L. Cena ng University of Southern Mindanao ang nanguna sa programa katulong ang mga dalubhasa buhat sa Isabela State University, Western Philippines University, Western Mindanao State University, Southern Luzon State University, Central Mindanao University, at Department of Agriculture-RFO 9 Research Division.
Pinakalayunin ng programa ay maka identify at makapag recommend ng mga high-yielding clones na akma sa ibat-ibang lugar at environmental conditions sa Pilipinas; makalikha ng precision grafting technology at propagation techniques para sa mga nasabing clones para sa mabilis na propagation sa pamamagitan ng malikhaing pamamaraan; innovate root trainer techniques upang makalikha ng de kalidad na planting material at iksian ang immaturity period; makalikha ng materyales para sa information, education, and communication (IEC) na maikakalat upang mai promote ang mga teknolohiya; at makapagsagawa ng mga cost at return analysis upang malaman ang financial viability ng teknolohiya.
Mga magsasaka, rubber stakeholders, nursery operators, mananaliksik, at mga mag aaral sa Regions 2, 4-A, 4-B, 9, 10, at 12 pang target beneficiaries ng programa. buhat sa impormasyon galing kay Gretchen O. Nas, Ma. Nova R. Nguyen, DOST-PCAARRD S&T Media Service (MJ Balaguer, 09053611058, maryjaneolvina@gmail.com)
TROPICAL FRUIT PROJECT NG ACIAR-PCAARRD LAYON AY ITAAS ANG ANI AT KALIDAD NG LANGKA
March 26, 2018- SA layunin na itaas ang ani at kalidad ng langka, ito ang sinisipat ng proyektong magde develop at mag i implimenta ng integrated disease management strategies kaakibat ng mga naa ayong kaparaanan sa produksyon ng langka.
Binigyang pondo ng Australian Centre for International Agricultural Research (ACIAR) at magkakasamang inimplimenta ng Visayas State University (VSU); Bureau of Plant Industry-Davao National Crop Research, Development and Production Support Center (BPI-DNCRDPSC); at Department of Agriculture Regional Field Office No. 8 (DA-RFO 8).
habang magkasamang nagmo monitor sa proyekto ang Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development ng Department of Science and Technology (DOST-PCAARRD) at ACIAR.
May pamagat na Tropical tree fruit research and development in the Philippines and Northern Australia to increase productivity, resilience, and profitability, kamakailan lang na evaluate ang proyekto ng Visayas State University (VSU).
Isa sa mga sangkap ng proyekto ay naglalayong pag ibayuhin ang kasalukuyan nang vacuum-fried jackfruit chips ng Leyte. Ang sangkap na ito ay bunga lamang ng natapos nang proyekto ng DOST-PCAARRD ukol sa pagpo proseso ng langka bilang high value food product na inimplimenta rin ng VSU.
Tinutuklas rin ng proyekto ang posibilidad nang pagpo proseso ng mga sariwang langka patungong Australia samantala ibinahagi naman ang maaring maging oportunidad nang industriya ng langka sa pilipinas ni Dr. Othello B. Capuno, Vice President for Research and Extension of VSU.
“Ie export ng Del Monte ang langka buhat sa Leyte, ibig sabihin nito ay tataas ang produksyon at presyo ng langka at maaring mailagay ang bansa sa pandaigdigang pamilihan ayon kay Capuno. nagpahiwatig rin ito ng pag asa na ang mga suporta at pagtutulungan buhat sa mga kabalikat na ahensya at organisasyon at makakatulong upang mapag ibayo at mapanatili ang langka sa rehiyon at sa bansa.
Kinatawan ni Crops Research Division Director Dr. Jocelyn E. Eusebio ng DOST-PCAARRD, Jackfruit Commodity Specialist Ma. Nova R. Nguyen, kasama si technical evaluator at expert Dr. Candida B. Adalla sa Review kasama ang 24 pang mga participants mula sa VSU, ACIAR, at Department of Agriculture-Abuyog Station.
Ang proyekto ay bahagi ng “ACIAR-PCAARRD Horticulture Program para sa gulay at prutas Phase 2” na may layuning pag igihin ang kabuhayan at katiyakan sa pagkain nang mga maliliit na magsasaka sa mga piniling lugar sa Visayas at Mindanao buhat sa impormasyong galing kina Ma. Nova R. Nguyen ng DOST-PCAARRD S&T Media Service. (MJ Balaguer, 09053611058, maryjaneolvina@gmail.com)
————————————————————————————————————————————–
PDP LABAN Mass Oath Taking sa Malolos “Lipat-Bakod”
Napuno ng mga pulitikong nasyunal at lokal ang Malolos City Convention Convention Center dahil sa ginanap na Mass oath Taking ng Partido Demokratiko Pilipino LABAN o PDP Laban sa pangunguna ng Pangulo nitong si Seante President Koko Pemintel.
Dumalo halos lahat ng punong bayan at lungsod ng Bulacan bukod sa mga kilalang kaalyado ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay ang mga kilalang dating kaalyado ng dating administrasyon at kabilang sa ibang partido.
Bukod sa mga Chapters ng PDP LABAN sa mga bayan at lungsod ng Bulacan nakibahagi ang ilang miyembro ng gabinete gaya nina Presidential Spokesperson Harry Roque, Department of Energy Secretary Alfonso Cusi, Department of the Interior and Local Government Undersecretary for Barangay Affairs Martin Dino, dating Mayor ng Paombong na ngayon ay Undersecretary ng DOE na si Donato Marcos at Presidential Anti Corruption Czar Greco Belgica.
Sa kabila nang sa Malolos ginanap ang nasabing Mass Oath Taking na pinamumunuan ni Mayor Christian Natividad, naroon din sina Mayor Henry Villarica ng Meycauayan City, Mayor Patrick Meneses ng Bulakan, Bulacan, Mayor Arthur Robes ng San Jose Del Monte City, Marilao Mayor Tito Santiago dating San Ildefonso Mayor Sazo Galvez at dating Angat Mayor De Leon, Dating Governor Jonjon Mendoza at Josie Dela Cruz, Mayor Jesse De Jesus at James de Jesus ng Calumpit, Mayor Amboy Manlapaz ng Hagonoy, Mayor Ferdie Estrella ng Baliwag, mga Vice Mayors Bong Alvarez ng San Miguel.
Buo naman ang suporta ng mga kongresistang miyembro ng lapian kabilang sina Bulacan 4th District Representative Linabelle Ruth Villarica, San Jose Del Monte City Lone District Representative Rida Robes na nagsilbi bilang emcee, Congressman Pantaleon Alvarez, Congressman Alby Benitez, Congressman Dong Mangudadatu, congressman Reynaldo Umali.
Isinusulong ng partido ang laban kontra droga ng Pangulo pati ang kampanya kontra korapsyon at ang Pederalismo, ayon kay Senator Pemintel kung tatanungin ang mga bagong miyembro kung ano ang kanilang kaalaman ukol sa isinusulong na estilo ng Pederalismo ng PDP , ang isasagot anila ay “United States Model” o Federal Presidential. kung saan mananalitiling may presidente ngunit mayroon ding independent federal states. Mula sa mga litrato ni MJ Balaguer /// Michael Balaguer, 09333816694, michaelbalaguer@diaryongtagalog.net