etniko

 

MALOLOS MAYOR AT INA NAG HERMANO MAYOR SA PISTA

AKTIBO pa rin sa kanyang pananampalataya sa kabila ng abalang schedule ang Punong Lungsod ng Malolos na si Atty. Christian Natividad, patunay nito ay  ang kamakailan lamang na Hermanidad Dela Virgen Maria 2014, isang Marian activity na ginanap sa Malolos.

Katuwang ng punong lungsod ang kanyang ina, si Mrs. Matilde D. Natividad at Julita R. Versoza. Kinapapalooban ng mga exhibits ng Mahal na Birheng maria ang nasabing aktibidad buhat sa ibat ibang bahagi ng lungsod at ng lalawigan.

Matatandaang bukod sa hitik sa kasaysayan ang capitol town ng Bulacan ay hitik rin sa pagiging deboto ng mga katoliko ng mga mamamayan nito at kabila ng na ang kanilang mga lider pulitikal.

Nabatid na panata ng alkalde ang pagdalo sa mga kapistahang katulad ng nabanggit at iba pang idinaraos sa kaniyang lungsod sa pagkat sa mga ito siya kumukuha ng lakas at tamang pagdedesisyon bilang lider at nang maayos niyang mapaglingkuran ang kanyang mga kababayan.

Umabot sa isandaan ang nakibahaging poon nainilagay sa makasaysayang simbahan ng Barasoain at una ito sa kasaysayan na umabot sa ganoon karami ang na I exhibit na poon. (jane olvina-balaguer/ carl john isip)

Aktibidad ng Tzu Chi ukol sa Tacloban at mga pagtulong sa kapwa

GINANAP ang thanksgiving at year end blessing ng Tzu Chi sa ormoc at Tacloban nitong 17, 18 at 19 ng Enero t 40,000 katao ang inasahan nilang makakadalo, dumalo rito ang mga Punong Bayan ng Palo, Tacloban, Tanauan at Alangalang.

Bagaman di nakisama ang panahon at naging maulan nuong araw na iyon ay di pa rin alintana ng mga tao na dumalo, inasahan ng Tzu Chi na 40,000 ng magsisipagdalo at isang malaking milagro ayon sa kanila dahil nagkatutoo ito.

Wika ng Tzu Chi, maaring wala silang numang material na bagay na naibigay sa mga dumalo kundi ang kanilang pagkalinga sa oras ng pangangailangan ng mga ito kaya anila ay lubos ang pasasalamat. Bitbit pa ng mga mamamayan ang kani-kanilang mga Punong Bayan at Punong Lungsod para daluhan ang isa sa pinakamahalagang araw sa mga Buddhist.

Sa ginanap na Tea Gathering sa lungsod na ito ay naging bisita pa ng Tzu Chi sina Dr. James Dy ng Chinese General Hospital at Philippine Chinese Charitable Association, kabilang sa nakibahagi ang www.diaryongtagalog.net at ang mga representante ng Manila Muslim Consultative Council.

Sa kabila nang Buddhist ang relihiyong pina praktis ng mga taga Tzu Chi, turo ng kanilang lider na si Master Chen Yen na igalang at mahalin ang ibang pananampalataya, irespeto ang mga ibang relihiyon at igalang ang ibang kultura, kaya Muslim, Kristiyano man o iba pang relihiyon ay tinutulungan at kinakalinga ng Tzu Chi. (jane olvina-blaguer)

 

 

Ang Sto. Nino de Malolos at ang exhibit ng mga Nino sa Barasoain

Kamakailan ay ipinagdiwang ang kapistahan ng Sto. Nino. Sa lahat ng mga bayan at lungsod sa bansa na may pangalan at patron ng Sto. Nino ay ipinagdiwang ang kapistahang ito. Bantog sa kabisayaan ang kapistahan at isa itong ikinakalendaryong aktibidad sa Aklan, na may ati-atihan festival, sa Cebu na may Sinulog, at ang kilalang kapistahan ng Sto Nino ng Tondo, Maynila.

Sa lalawigan ng Bulacan, maraming barangay ang may pangalang Sto. Nino, kabilang rito ang Sto. Nino, Paombong, Sto. Nino, Plaridel at ang Sto Nino, Malolos kung saan naroon ang imahen ng Sto. Nino de Malolos. Ang mga Hermanos at Hermanas Mayores ngayong 2014 ay sina Hon. Gov. Faustino DG Dy III ng Isabela, Mary Ann Arcega Dy, Regan Z. Arcega at 2nd District Councilor ng Quezon City na si Wencerom Benedict C. Lagumbay.

Ang kasalukuyang pangulo ng Sto. Nino De Malolos Foundation ay si Jose Edwin V. Maclang na siyang nanguna sa pagbibigay ng parangal sa mga natatangi nilang miyembro na nakapag ambag sa debosyon nila sa Sto. Nino. Ang mga binigyang parangal ay ang 88 taong gulang na dating arsobispo ng Malolos na si HE Bishop Cirilo R. Almario Jr. DD; Vicente Jun Ladia; Mario Chito Somera; Butch SA Garcia at Erick d. Torralba at si Lito R. Mariano sa posthumous award na tinanggap ng kanyang kapatid na si Carmelita Reyes.

Kabilang rin sa mga nag prusisyon ay sina 6th District Quezon City Councilor Candy Medina habang nakibahagi naman sa Sto Nino Exhibit sa Barasoain sina PSSupt. Manuel Lukban, Phoenix Isip at carl Isip na sinaksihan naman ni Barasoain Bishop Msgr. Mario Arenas, ang Parish Priest ng St. James the Apostle Parish sa Plaridel na si Fr. Dennis Espejo at Plaridel Municipal Councilor Randy Marcelo at ang mga Korean Visitors.

Ang debosyon at pagmamahal sa patron ay naipakita ng mga deboto, panahon ng reunion ng mga magka kamag anak at ng mga bagong kaibigan, panahon ng panalangin, nagsimula na ang pag e exhibit ng mga Nino ay para sa mayayamang taga Malolos lamang ngunit ngayon kahit ang mga kabataang nasa haiskul at kolehiyo ay nakakapag exhibit na rin ng kani-kanilang mga Sto. Nino. (jane olvina-balaguer) 

 

 

 mga kuwentong pang tunay na pinoy