paggawa

 

One-Stop Service Center pinakinabangan ng mga OFW sa Zambo; One-Stop Service Center sa OFW (OSSCO), bukas na sa 15 probinsya at OSHC nananatiling ISO certified, 100-K manggagawa naserbisyuhan sa 2016

 One-Stop Service Center pinakinabangan ng mga OFW sa Zambo 

Iniulat ng Department of Labor and Employment (DOLE) Regional Office sa Zamboanga City na mas maraming migranteng manggagawa ang nakinabang sa One-Stop Service Center for Overseas Filipino Workers (OSSCO) sa loob nglimang buwan mula nang ito ay mailunsad noong Agosto ng nakaraang taon.

Sinabi ni Kalihim Silvestre H. Bello III na ang pagtatatag ng mga service center ay bilang tugon sa direktiba ni Presidente Rodrigo R. Duterte na ilapit sa mga OFW ang mga serbisyo ng pamahalaan.Sa ulat kay Bello, sinabi ni Regional Director Sisinio B. Cano na may 9,590 migranteng manggagawa ang nakatanggap ng serbisyo mula sa OSSCO nitong unang mga araw ng Enero.

Batay sa ulat, ang service center ay tumugon sa 8,130 katanungan; nag-proseso ng 6,144 dokumento; nag-isyu ng 4,336 certificates; nagbigay ng 5,900 form; namahagi ng 4,414 information, education, and communication(IEC) material; at tumugon sa 1,309 feedback form.

Sinabi ni Cano na nagbigay din ang center ng tulong-legal sa 351 OFW na may problema sa kanilang employer at may suliranin sa kanilang mga dokumento na siyang dahilan kaya hindi sila makabalik ng Pilipinas.Ang unang OFW one-stop service center ay itinatag ng DOLE at Philippine Overseas Employment Administration noong 15 Agosto 2016 sa POEA Office sa Mandaluyong City.

Kasunod nito, nagtatag din ng mga regional service center sa Manna Mall, San Fernando City, La Union; City Tourism Office, Tuguegarao City, Cagayan; Baguio Convention Center, Baguio City; Clark Freeport Zone, Pampanga; OWWARegional Office 4A in Calamba City; Robinson’s Place, Puerto Princesa City, Pacific Mall, Legaspi City; SM City, Cebu City; Robinson’s Place, Iloilo City; Robinson’s Place, Bacolod City; DOLE Regional Office No. 8, TaclobanCity; Goodwill Center, Zamboanga City; OWWA Regional Office No. 10, Cagayan de Oro City; Butuan City Hall Complex, Butuan City and New City Hall, Koronadal City.

Hinihikayat ang mga Filipino na kasalukuyang nagtatrabaho o nagpaplanong magtrabaho sa ibang bansa na bisitahin ang service center upang matugunan ang kanilang mga suliranin sa empleo mula 8:00 N.U. hanggang 5:00 N.H., Lunes hanggang Biyernes.

Muling ipinahayag ni Bello na layunin ng pamahalaan na paikliin ang oras sa pag-proseso ng mga dokumento ng OFW, kung saan kanyang idinagdag na layunin din ng DOLE na bawasan ang gastusin ng mga OFW dahil ang lahat ng serbisyong mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan ay matatagpuan sa iisang lokasyon na lamang.

Ang mga katuwang na ahensiya ng pamahalaan sa OSSCO ay ang Department of Foreign Affairs (DFA), Philippine Overseas Employment Administration (POEA), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Professional RegulationCommission (PRC), Maritime lndustry Authority (MARINA), Home Development Mutual Fund (HDMF), Philippine Health lnsurance Corporation (PhilHealth), Social Security System (SSS), Philippine Statistics Authority (PSA), Bureauof Immigration (BI), National Bureau lnvestigation (NBI), Commission on Higher Education (CHED), Tourism lnfrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), Philippine National Police (PNP), at Bureau of lnternalRevenue (BIR). END/paulang/GMEArce*

One-Stop Service Center sa OFW (OSSCO), bukas na sa 15 probinsya * 

 Abot kamay na ng mga overseas Filipino workers ang serbisyo ng pamahalaan sa mga One-Stop Service Center for OFWs (OSSCO) matapos na buksan ito sa 15 probinsya sa labas ng Metro Manila.

Pormal ng binuksan ng Department of Labor and Employment (DOLE) Regional Offices, kasama ng Philippine Overseas Employment Administration, ang mga OFW one-stop centers sa mga sumusunod na lokasyon: Manna Mall, San FernandoCity, La Union; City Tourism Office, Tuguegarao City, Cagayan; Baguio Convention Center, Baguio City; Clark Freeport Zone, Pampanga; OWWA Regional Office 4A sa Calamba City;

Robinson’s Place, Puerto Princesa City; Pacific Mall, Legaspi City; SM City, Cebu City; Robinson’s Place, IloiloCity; Robinson’s Place, Bacolod City; DOLE Regional Office No. 8, Tacloban City; Goodwill Center, Zamboanga City; OWWA Regional Office No. 10, Cagayan de Oro City; Butuan City Hall Complex, Butuan City at sa bagong City Hall ng Koronadal City.

 Sa pamamagitan ng OSSCO, mas abot na ng mga Pilipinong manggagawa at mga nagpaplanong magtrabaho sa ibang bansa ang mga frontline services ng pamahalaan. Bukas ang mga center mula 8:00 A.M. hanggang 5:00 P.M., Luneshanggang Biyernes.Magugunitang unang binuksan ang OSSCO noong August 15, 2016 sa opisina ng POEA sa lungsod ng Mandaluyong.

Liban sa pagkakabawas sa oras ng pagproseso ng mga dokumento, ang mga one-stop-shop ay may layon ring maibsan ang gastusin ng mga OFW sa tulong ng mga serbisyo ng pamahalaan na maaari ng makuha sa iisang lokasyon lamang.Ang mga ahensya ng pamahalaan na maaaring tunguhin sa mga OSSCO ay ang Department of Foreign Affairs (DFA), Philippine Overseas Employment Administration (POEA), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA),Technical Education and Skills Development Authority (TESDA),

Professional Regulation Commission (PRC), Maritime lndustry Authority (MARINA), Home Development Mutual Fund (HDMF), Philippine Health lnsurance Corporation(PhilHealth), Social Security System (SSS), Philippine Statistics Authority (PSA), Bureau of Immigration (BI), National Bureau lnvestigation (NBI), Commission on Higher Education (CHED), Tourism lnfrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), Philippine National Police (PNP), at Bureau of lnternal Revenue (BIR). #paulang*

*OSHC nananatiling ISO certified, 100-K manggagawa naserbisyuhan sa 2016*  

Nananatiling matatag sa kanilang mandato ang Occupational Safety and Health Center (OSHC), na attached agency ng Department of Labor and Employment (DOLE), na protektahan ang mga manggagawa laban sa mga insidente ng paglabag sa kanilang pinapasukan at itaguyod ang kapakanan ng mgamanggagawa

.Ito ang tinuran ni Executive Director Maria Teresita Cucueco matapos mag-ulat kay DOLE Secretary Silvestre H. Bello III at sinabing napananatili ng OSHC ang ISO 9001:2008 certification.

“Matapos dumaan sa surveillance audit ang sistema ng ahensya para sa recertification ng TUV Rheinland, ang pioneering international certification body ng bansa, napanatili ng OSHC ang ISO 9001:2008 certification. Ito na ang huling surveillance audit at tutungo na tayo saISO 9001:2015 sa susunod na taon,” ayon kay Cucueco.

Nabatid na isinagawa ang ikalawang surveillance audit noong Disyembre 22 na may ‘no non-conformities’, kung saan napananatili ng OSHC ang ISO Certification nito sa limang pangunahing proseso: in-house Basic Occupational Safety and Health (BOSH) training, pagpapakalat ng impormasyon, occupational safety at health audit, conduct of workenvironment measurement, at biological monitoring for heavy metals. Kasama rin dito ang support processes tulad ng human resource, purchasing, billing, repair at maintenance ng mga IT equipment, seguridad, at general services.Kasunod ng pagsisikap ng OSHC na mapanatili ang ISO Certification nito, kinilala na ang departamento ng Government Quality Management Committee (GQMC), na pinamumunuan ni Department of Budget and Management (DBM)Secretary Benjamin E. Diokno, dahil sa pagtupad nito sa mandato ng ISO `Quality Management System Standards, partikular sa mga frontline services

.Sinabi naman ni Executive Director Cucueco na noong 2016, ang OSHC ay nakapagbigay ng occupational safety and health (OSH) services sa 106,620 Pilipinong manggagawa.Kabilang rito ang 36,527 na manggagawa mula 14,681 na kumpanya ang nakiisa sa mandatory at specialized occupational safety and health trainings sa buong bansa; 69,203 workers mula sa 193 kumpanya naman ang nakinabang saWork Environment Measurement (WEM);

827 manggagawa mula sa 15 kumpanya ang nakinabang sa blood testing for heavy metals, biologic monitoring at medical examinations; habang 40 consultants at 23 safety training organizations naman ang naging accredited. Bilang national authority for research and training on safety and health at work, ang OSHC ay nagsasagawa ng mga pag-aaral sa bansa, compensable diseases, OSH para sa mga bagitong manggagawa sa construction industry, OSHconditions ng mga self-employed workers sa Metro Manila, working conditions sa pelikula at TV industry, at mga pinsalang nakukuha sa trabaho at sakit sa mga Pinoy seafarers. *#paulang*

P1M tulong-pangkabuhayan ipinamahagi ng DOLE sa grupo ng magsasaka sa Ilocos Sur; Point system pasok sa manggagawang Pinoy sa Korea at Bello: Ihanda ang tulong para sa pamilya Pawa

-P1M tulong-pangkabuhayan ipinamahagi ng DOLE sa grupo ng magsasaka sa Ilocos Sur 

Nagbigay kamakailan ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa munisipyo ng San Emilio, probinsiya ng Ilocos Sur ng kabuuang P1,032,500.00 tulong-pangkabuhayan para makaagapay sa kabuhayan ng benepisaryong-asosasyon ng mga magsasaka.Sinabi ni DOLE Regional Office No. 1 Director Henry John S. Jalbuena na ang tulong-pangkabuhayan ay binubuo ng makinarya sa pagsasaka na kanilang magagamit, partikular ang mga magsasaka na kasapi ng Tiagan Vegetable Growers Association.“Para sa manggagawa na ang ikinabubuhay ay pagsasaka, ang pagkakaroon ng makinarya at kagamitan sa pagsasaka ay malaking tulong para mas maging produktibo at magkaroon ng karagdagang kita,” ani Jalbuena.Ipinamahagi ang tulong-pangkabuhayan, kasama ang limang traktora at limang kuliglig, sa limang grupo ng magsasaka sa Ilocos Sur noong Enero 16, 2017 ng DOLE Regional Office No. 1, na pinangunahan ni Emmanuel Hagad ng Ilocos Sur Field Office. Ang tulong-pangkabuhayan ay sa ilalim ng Integrated Livelihood and Emergency Employment Program (DILEEP) ng DOLE.Nilalayon ng DILEEP na mabawasan ang kahirapan sa pamamagitan ng emergency employment at pagtataguyod ng negosyong pangkabuhayan sa komunidad.Tinanggap ni San Emilio Mayor Ferdinand Banua, kasama ng benepisaryong asosasyon, ang mga makinarya at kagamitan kasabay ng pangako na magbibigay din siya ng halagang P323,500.00 upang ipambili ng isandaang pirasong waterhose.Nagpasalamat si Juan Bacolod, presidente ng unyon, sa DOLE para sa tulong-pangkabuhayan na pakikinabangan ng mga magsasaka sa nasabing probinsiya. “Sa 49 taong inilaan ko sa bukid, ang pagsasaka ang naging kabuhayan ng aking pamilya. Lubos kaming nagpapasalamat sa DOLE para sa oportunidad na kanilang ibinigay upang mapaunlad ang aming ekonomiya,” ani Bacolod.“Ang pagkakaroon ng mga makinaryang pang sakahan sa munisipalidad ay mangangahulugan ng mas mabilis at maginhawang gawain sa pagsasaka mula sa pagtatanim hanggang sa pag-aani. Madaragdagan din ang aming kita mula sa pagpapa-upa ng mga makinarya,” dagdag niya. Samantala, sinabi ni Regional Director Jalbuena na patuloy nilang pinapaganda ang kanilang serbisyo dahil nilalayon nilang makilala ang DOLE Regional Office bilang “Model of Excellence in Public Service”.“Ang isang paraan upang isakatuparan ito ay ang mabilis na pagbibigay ng tulong-pangkabuhayan simula ngayong taon para mapalakas ang kanilang negosyo na makakatulong sa paglikha ng trabaho sa komunidad,” ani Jalbuena *END/TDL/DOLE-RO1/GMEArce*

——————————————————————————————————————Point system pasok sa manggagawang Pinoy sa Korea 

Hindi na hadlang ang kakulangan sa language proficiency para sa mga pursigidong Pilipinong manggagawa na interesadong magtrabaho sa Korea ayon sa Department of Labor and Employment. Sinabi ni Labor Secretary Silvestre H. Bello III na mayroon ng bagong recruitment point system para sa mga dayuhang manggagawa sa Korea na pinapayagan ang mga may experience at skilled jobseeker na may mababang language proficiency na pasukin ang mga trabahong akma sa kanilang kuwalipikasyon.Di tulad ng lumang sistema, ang bagong recruitment scheme ay hindi na gaanong strikto at limitado sa mga aplikanteng mataas ang kasanayan sa salitang Koreano dahil madali nang makapapasok ang mga Pinoy sa oras na pumasa lamang sa mga kinakailangang kuwalipikasyon at optional competency test.“Ang bagong sistema ay magpapalawak pa sa pag-recruit sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkakataon sa mga taong kahit may mababang kasanayan sa lengguwaheng Koreano ngunit nagtataglay naman ng naaayong karanasan sa trabaho at kaya itong patunayan sa kanyang papasukan,” wika pa ni Bello.Sinabi rin ng kalihim na ang Human Resources Development Services ng Korea ay naghabi ng bagong recruitment system para bigyang daan ang mga employer na tumanggap ng tamang manggagawa at mabigyan sila ng impormasyon sa iba’tibang kuwalipikasyon para sa papasukan ng mga aplikante kabilang na rito ang Employment Permit System – Test of Proficiency in Korea (EPS TOPIK) results, skills test, training course completions, national certificates,at iba pang karanasan sa trabaho.Ang point system ay bumabase sa mga sumusunod na batayan: Korean language test (TOPIK), mandatory skills test, work experience, physical condition, mga naaayong pagsasanay, at skills competency certification. Maaari nang magsimulang mag-apply ang mga aplikante sa bagong sistema sa pamamagitan ng online registration para sa paper-based TOPIK mula Enero 31 hanggang Pebrero 3, 2017.Ang mga aplikante para sa TOPIK ay kinakailangang nasa edad 18 hanggang 38 taong gulang, na may related work experience, walang anumang derogatory at deportation record, hindi pinagbabawalang umalis ng Pilipinas, at walang pisikal o mental na kakulangan na maaaring makaapekto sa kanilang trabaho.Maaaring bisitahin ng mga aplikante ang implementasyon ng bagong sistema sa website ng POEA sa www.poea.gov.ph Ang pagpapatupad ng point system para sa recruitment ng mga dayuhang manggagawa ay pinamamahalaan ng Ministry of Employment and Labor of the Republic of Korea at ng Human Resources Development Services of Korea sa pakikipagtulungan sa DOLE. #Abegail De Vega/ Paul Ang

——————————————————————————————————————Bello: Ihanda ang tulong para sa pamilya Pawa 

 Inatasan ni Labor Secretary Silvestre H. Bello III ang mga kinauukulang ahensiya na ihanda ang tulong para sa pamilya ni Jakatia Pawa, ang overseas Filipino worker na nabitay sa Kuwait.“Nakikiramay kami sa pagdadalamhati ng pamilya Jakatia, na naging mas masakit dahil sa biglaang pagpapatupad ng hatol kay Jakatia,” ani Bello na ngayon ay nasa Roma para sa ikatlong pag-uusap sa CPP-NPA-NDF.Inatasan ni Belllo ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na madaliin ang pagbibigay ng tulong-pangkagalingan, pati ang pagsasailalim sa psycho-social counselling ng pamilya Pawa.Tatanggap ang naulilang pamilya ni Pawa ng P120,000 tulong-pinansiyal, kasama ang P20,000 tulong sa pagpapalibing. Makakatanggap din ng college scholarship ang dalawang anak ni Jakatia.Pupunta sa Zamboanga del Norte si OWWA Administrator Hans Leo J. Cacdac upang bisitahin at makiramay sa pamilya ni Pawa at alamin kung ano pang karagdagang tulong ang maaaring maibigay. Sinabi ni Bello na ginawa ng pamahalaang Pilipinas ang lahat ng makakaya, sa pamamagitan ng konsulado at pagbibigay ng tulong legal upang mailigtas ang buhay ni Pawa.“Ibinigay ng pamahalaan ang nararapat na tulong at tiniyak na ang kanyang karapatang-legal ay napapangalagaan habang siya ay sumasailalim sa paglilitis,” ani Bello. Ayon kay Cacdac, nagtalaga ang pamahalaan ng dalawang law firm na kumatawan para kay Jakatia. Hiniling din ang tulong mula sa King of Spain, na kaibigan ng Emir of Kuwait, upang hikayatin ito na ibaba ang sentensiya.Kinuha din nila ang serbisyo ng isang abogado para makipag negosasyon sa pagbabayad ng blood money (diyah) sa pamilya ng biktima bilang kapalit ng Affidavit of Forgiveness (tanazul).Nagtrabaho si Jakatia bilang domestic helper sa Kuwait noong 2002. Idineploy siya ng kanyang local agent na Non-Stop Overseas Employment Corporation sa kanyang employer na si Fathiya Nasser Galoum Abdullah. Noong Abril 13, 2008, nasentensiyahan si Jakatia ng Court of the First Instance sa Kuwait ng kamatayan dahil umano sa pagpatay sa 22-taong anak ng kanyang amo habang siya ay natutulog noong Mayo 14, 2007. Noong Enero 19, 2010, pinagtibay ng Court of Cessation ng Kuwait ang hatol na kamatayan ng Court of First Instance. Gayunpaman, itinanggi ni Jakatia na ginawa niya ang nasabing krimen at nanindigan na siya ay inosente.Ibinaba ang dalawang hatol, sa kabila ng depensa ni Jakatia na wala ang kanyang fingerprint sa pinangyarihan ng krimen at ang bahid ng dugo na nakuha ay hindi pareho sa kanyang blood sample.Limang taon nang nagtatrabaho ang 32-taong household service worker sa kanyang employer bago naganap ang insidente. END/CTM/GMEArce

 ————————————————————————————————————————————————————————————————————————————————————————————————————————————————————————

 Biktima ng bagyong Nina, nakatanggap ng tulong-pangkabuhayan mula sa DOLE; DOLE kasado na sa UN Women Conference at Painting contest inilunsad ng DOLE laban sa child labor 

—————————————————————————————————————-Biktima ng bagyong Nina, nakatanggap ng tulong-pangkabuhayan mula sa DOLE 

Nag-abot ng tulong ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga lugar sa MIMAROPA Region na sinalanta ng bagyong Nina noong nakaraang Pasko.Namigay ng relief goods sa mga biktima si DOLE Undersecretary Joel B. Maglungsod, kasama sina Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Hans Leo J. Cacdac, MIMAROPA Regional Director Allan A. Ignacio at iba pang opisyal ng regional office. Partikular na binigyan ng tulong ang mga pamilya ng overseas Filipino workers (OFWs) sa Brgy. Nacoco, Calapan City, Oriental Mindoro.Iniabot ng DOLE ang mga programa at serbisyo para sa mga biktima, kasama ang Emergency Employment Program (EEP) na kilala bilang Tulong Pangkabuhayan sa Ating Disadvantaged/Displaced (TUPAD) Workers, kung saan 650 kinilalang apektadong indibidwal sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity ang nabigyan ng community service work na may bayad. Sa nasabing programa, sila ay sasailalim sa sampung araw na community service kasama rito ang paglilinis ng baradong kanal, paglilinis at pagtatanggal ng mga nakaharang sa kalsada, at iba pang naaayong gawain na may minimum na sahod na P285.00 kada araw. Tumulong din ang DOLE sa cleaning and relief operation sa iba’t ibangbarangay na nasalanta ng bagyo sa Oriental Mindoro.Nagpasalamat naman si Governor Alfondo V. Umali, Jr. ng Oriental Mindoro sa tulong na ibinigay ng DOLE noong panahon ng kalamidad. *END/ADV/GMEArce*

DOLE kasado na sa UN Women Conference*

  Naghahanda na ang bansa na mag-ulat ng malaking ambag ng mga Pilipina sa ekonomiya at ang pagpapalakas ng kampanya ng pamahalaan para sa mga kababaihan sa harap ng United Nations sa gaganaping Commission on the Status of Women (CSW) sa New York sa darating na Marso 2017.Ang ika-61 sesyon ng United Nations ay tutuon sa temang “Women’s Economic Empowerment in the Changing World of Work” at inaasahang dadaluhan ng iba’t ibang government at non-government organizations na siyang magsasama-samaat magsasanib ng impormasyon upang maabot ang iisang adhikain na maiangat ang kapasidad ng mga kababaihan.Ayon kay Labor Secretary Silvestre H. Bello III, masugid na sumusuporta ang pamahalaan sa anumang aktibidad at kampanya na may layuning iangat ang kamalayan ng publiko sa mga karapatan ng mga kababaihan maging ang naiibang talento ng mga ito kasama na rin ang pagbibigay parangal sa kanilangmalaking ambag sa pagyabong ng ekonomiya.“Ginagawa natin ang ating makakaya upang maabot ang mas maraming Pilipina sa bansa at abroad. Mayroon tayong iba’t ibang programa at mga training na maaari nilang magamit upang linangin ang kanilang kakayahan na magreresultarin sa pag-unlad ng kanilang mga komunidad,” wika ni Bello.Binanggit rin ng kalihim ang iba’t ibang programa ng DOLE tulad ng mga livelihood assistance, skills development on entrepreneurship, livelyhood know-how at ang pagsabay at tamang paggamit sa teknolohiya.Kabilang naman sa mga isyu na pagtutuunan ng pansin ng UN Session ay ang pagpapalakas ng kampanya at ayuda para sa mga tinatawag na indigenous women tulad ng mga naninirahan sa probinsya at malalayong lugar maging ang mga miyembro ng mga tribo na madalas ay hindi rin naaabot ng edukasyon, maliit ang kapasidad sa pagkalap ng pagkain at nutrisyon, at kakulangan ng pagkakakitaan para sa kanilang pamilya.Pangungunahan naman ni DOLE Assistant Secretary Maria Gloria A. Tango ang working group upang magbigay ng kanilang komento at suhestyon para sa ministerial round table statement at side events. Kabilang sa grupo ang mgakinatawan mula sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA); Overseas Workers Welfare Administration (OWWA); National Reintegration Center for OFWs (NRCO); Institute for Labor Studies (ILS); International Labor Affairs Bureau (ILAB); at ang Bureau of Workers with Special Concerns (BWSC). Ang CSW ay principal global body na ang tanging layunin ay magkaroon ngpagkakapantay-pantay sa sekswalidad at pagpapalakas sa kakayahan ng mga kababaihan. Ito rin ang isa sa mga functional commission na nakatuon sa paghahayag at pagpapalaganap ng karapatan ng mga kababaihan, pagpapakita ng mga dokumentaryo sa realidad ng buhay ng isang babae sa buong mundo at ang pagbuo ng global standards sa pagkakapantay pantay sa sekswalidad.Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ng publiko ang official website ng komisyon sa http://www.unwomen.org. *#PaulAng* 

Painting contest inilunsad ng DOLE laban sa child labor*  

Isang Mural Painting Contest ang inilunsad ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Mambajao, Camiguin, upang linangin ang kamalayan ng publiko kaugnay ng child labor at upang mahikayat silang makiisa sa paglaban at pagpuksa sa iba pang masamang uri nito.Sumentro ang aktibidad sa pagpapakita ng iba’t ibang kalahok ng kanilang mga mural paintings na sumasalamin sa mga child labor-free na komunidad. Kasunod ito ng temang “Bountiful Lanzones Harvests from a Child Labor-FreeCamiguin.”“Alam natin na ang mga kabataan ang kadalasang dumaranas ng pang-aabuso. Ang iba pa sa kanila ay itinatago, o nakakubli at nagtatrabaho sa malalayong lugar na hindi makikita ng publiko at malayo rin sa kani-kanilang pamilya. Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, lahat ay magkakaroon na ng ideya at mapagtitibay ang kanilang paninindigan laban rito,” ayon kay DOLE-X OIC Assistant Regional Director Lucila S. Pulvera.Sinabi rin niya na ang patimpalak ay naglalayong mabigyang kaalaman ang bagong henerasyon sa kanilang tungkulin sa pagkakaroon ng adbokasiya sa pansariling karapatan sa pamamagitan ng pagpipinta at sining. Ninanais rin ni Pulvera na hikayatin ang publiko na ipakita ang kanilang suporta at pakikiisa sa mga inisyatibo ng pamahalaan upang labanan ang child labor.Naiuwi naman ng Sixto A. Abao National High School ang first place at nakatanggap sila ng P5,000 habang ang Mambajao National High School naman ay nagkamit ng P4,000 bilang second placer at sinundan ng Fatima College ofCamiguin sa ikatlong puwesto na may P3,000 cash prize.Noong 2012, ang Camiguin sa pamamagitan ng isang memorandum of agreement sa DOLE-X ay idineklara bilang “Child Labor-Free Province”, na siyang nag-iisang bayan sa Northern Mindanao na mayroong natatanging deklarasyon ng kanilang gobernador na si Jurdin Jesus M. Romualdo. END/Glenford C. Labial/DOLE-X/Abegail De Vega/Paul Ang* 

————————————————————————————————————————————————————————————————————————————————-

 Kooperasyon, hiling ni Bello sa kanyang mga opisyal; DOLE, DTI ilulunsad trabaho, negosyo caravan at Bello: Sa mga naghahanap ng trabaho, gamitin ang PhilJobNet

———————————————————– ———————————————————–Kooperasyon, hiling ni Bello sa kanyang mga opisyal 

Itinakda ni Labor Secretary Silvestre H. Bello III ang four-point priority agenda para palakasin ang paglikha ng trabaho at pagtibayin ang proteksiyong-pangkagalingan ng mga manggagawa.Sa kanyang direktiba sa mga opisyal, nanawagan si Bello ng kooperasyon at mahigpit na pagpapatupad ng batas-paggawa upang tiyakin ang seguridad sa trabaho.“Habang patuloy pa nating isinasaayos ang mga patakaran para wakasan ang iligal na kontraktuwalisasyon, atin namang sisiguruhin na mahigpit na naipatutupad ang batas sa seguridad sa trabaho, at gagawin ang lahat upangmahinto at mapigilan ang mga maling gawain upang makaiwas sa batas,” ani Bello.Kasama sa priority agenda ang istratehiya ng DOLE na makalikha ng 7.5 milyong trabaho sa 2020 sa ilalim ng Trabaho, Negosyo, and Kabuhayan: Blueprint for Decent Job Creation through Employment and Entrepreneurship.“Kaagapay niyo kami sa paglikha ng mas maraming trabaho na matatagpuan sa manufacturing, agri-fishery, construction, tourism, IT-BPM, transportation and logistics, at retail-trade and industry,” ani Bello. Kanya ring binanggit na kasama ang Department of Trade and Industry sa gawaing ito.Idinagdag niya na tutulong din ang DOLE sa pagkamit ng full employment sa pamamagitan ng pagpapanatili sa unemployment rate sa limang porsiyento.Noong nakaraang Disyembre, tinipon ng DOLE at DTI ang pribado at pampublikong sektor at ang mga miyembro ng academe sa pagbubuo ng national employment program, isang istratehiya na susuporta sa National Development and Security Strategy geared towards the Philippine Development Plan 2017-2022.Sinabi ni Bello na bagama’t ang pribadong sektor ang pangunahing nangangasiwa sa paglikha ng empleo, ang DOLE ay naatasan naman na pataasin ang kapasidad ng ekonomiya sa paglikha ng produkto at serbisyo sa pagtitiyak na may sapat at matatag na manggagawang may kasanayan at kakayahan.Isa rin sa binigyang prayoridad ang pagpapalakas sa proteksiyon at seguridad ng overseas Filipino workers sa pamamagitan ng paglaban sa illegal recruitment, epektibong proteksiyon sa bansang pinagtatrabahuhan, at pinalakas na programa sa reintegrasyon ng mga overseas worker.“Palalakasin namin ang aming kampanya laban sa illegal recruitment at trafficking in persons sa pagbibigay ng tulong-legal sa mga biktima ng illegal recruitment, gayundin ang pagpigil sa gawaing iligal ng mga recruiter at ahensiya, at pagbibigay ng karagdagang impormasyon sa mga OFW para makaiwas na mabiktima ng illegal recruitment,” ani Bello.Ang huling agenda ay ang pagtitiyak na ang mga programang pangkagalingan ng Department ay sapat at madaling makakarating sa mga benepisaryo nito. Sinabi ni Bello na ang higit na nangangailangan ang nararapat na mabenepisyuhan ng mga programang pangkagalingan ng DOLE.“Kailangan nating bigyang pansin ang mga lugar na ito sa pagtugon sa suliranin kung paano sila makakakuha ng sapat na benepisyo, pagkukuhanan ng pondo, at kung paano nila ito mapapanatili. Dapat aktibo tayo sa pagbubuo ng polisiya sa mga umuusbong na suliranin tulad ng unemployment insuranceat ang pagtatatag ng social protection floor,” aniya. *END/letmaring/GMEArce*

——————————————————— ——————————————————-DOLE, DTI ilulunsad trabaho, negosyo caravan*  

Ang Marikina ang unang lugar na pagdarausan ng Trabaho Negosyo Kabuhayan (TNK), isang trabaho at negosyo caravan, na magkasamang pangangasiwaan ng Department of Labor and Employment at ng Department of Trade and Industry, pahayag kahapon ng labor department.Itatampok ng caravan, na naglalayong magbigay ng karagdagang trabaho at negosyo sa kanayunan, ang job fair, career at employment coaching upang palakasin ang pagnenegosyo sa komunidad. Nakatakda ang dalawang araw nagawain sa Marso 3 at 4. Sinabi ni Labor Secretary Silvestre H. Bello III na nilalayon ng two-day caravan na itaas ang kaalaman ng publiko sa plano ng pamahalaan, ang TNKBlueprint for Decent Employment and Entrepreneurship 2017-2022, na naglalayong makalikha ng 7.5 milyong trabaho sa 2020.Sa ilalim ng plano, ang mga trabaho ay magmumula sa key employment generating sectors (KEGS), tulad ng manufacturing, food processing, construction, tourism, Information Technology-Business Process Management (IT-BPM), transportation and logistics, at retail trade.“Nilalayon naming makamit ang 2030 agenda para sa patuloy na pag-unlad, partikular ang pagbibigay ng disenteng trabaho at pag-unlad ng ekonomiya, magtayo ng matatag na imprastraktura, itaguyod ang panlahatan at pangmatagalang industriya at maunlad na pagbabago,” dagdag ni Bello.Kasama ang katuwang na mga ahensiya, magsasagawa din ang DOLE at DTI ng TNK caravan sa Mayo 1 sa paggunita sa Araw ng Paggawa at sa Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12. Inilunsad ng DOLE at DTI ang Trabaho, Negosyo, at Kabuhayan-Employment and Livelihood Summit noong nakaraang Disyembre kung saan nakalap ang iba’t ibang policy recommendations mula sa sectoral summit tulad ng Micro, Small and Medium Enterprises (MSME) Summit, Manufacturing Summit, PhilippineConstruction Congress, at Information Technology-Business Process Management (IT-BPM) Summit.Inilatag sa ginanap na two-day summit ang mga istratehiya para maitaas ang antas ng empleo, mas maayos na paraan upang malaman ang mga oportunidad sa trabaho, matugunan ang mga kinakailangang kasanayan, at ang pagsasama-sama ng pamahalaan, pribadong sektor at ng academe upang makabuo ng pambansang programa sa empleo na susuporta sa development plan ng bansa. END/Abegail De Vega/GMEArce* 

——————————————————————————————————————–Bello: Sa mga naghahanap ng trabaho, gamitin ang PhilJobNet 

 Hinimok ni Kalihim Silvestre H. Bello III ng Paggawa at Empleo (DOLE) na gamitin ang PhilJobNet sa paghahanap ng trabaho at mag-rehistro para sa mas madaling pagtutugma ng trabaho at ng manggagawa (job matching).“Maraming bakanteng trabaho sa ating lokal na merkado, at sa PhilJobNet lamang may mahigit na 50,000 trabahong lokal ang maaaring aplayan ng mga naghahanap ng trabaho,” ani Bello.Ang PhilJobNet ay ang web-based job matching facility ng pamahalaan na nagtataglay din ng mga impormasyon ukol sa merkado sa paggawa. Sa ulat kay Bello, sinabi ni Director Dominique Tutay ng Bureau of Local Employment (BLE) na ang 10 pangunahing bakanteng posisyon sa PhilJobNet ay call center agent na may 822; staff nurse na may 402; kasambahay na may 198 bakante; private tutor, 180; quality analyst na may 180 bakante; production worker, 180; cashier, 140; salesperson, 135 bakante; drivers, 125 bakante; at accounting officer na may 100.Sinabi ni Tutay na libre ang paghahanap ng trabaho gamit ang Enhanced PhilJobNet System. “Makikita sa PhilJobNet ang napapanahon at tamang impormasyon sa mga bakantang trabaho at mga aplikanteng manggagawa. Wala ding gastos ang pagrerehistro ng mga aplikante at ng employer sa PhilJobNet,” ani Bello.Ang PhilJobNet ay nagtataglay ng flexible matching system kung saan itinutugma ang aplikante sa bakanteng trabaho ayon sa pangangailangan ng employer. Mayroon din itong interactive map para makita ng aplikante ang mga impormasyon ukol sa bakanteng trabaho, mga ipinatutupad na proyektong pangkabuhayan, o ang mga training programs na isinasagawa sa mga rehiyon at probinsiya. Makikita rin dito ang mga bakanteng trabaho sa ibang bansa, listahan ng top hiring companies; at ang PESO Performance Monitoring System(PPMS). Ang PhilJobNet ang nangungunang job search at job skills matching portal ng Pilipinas mula nang ito ay mailunsad noong 1998. END/CTM/GMEArce*

————————————————————— ——————————————————————————————————————————————————————————— 2,278 OFWs nakinabang sa One-Stop Service Center ng DOLE RO-9; Dating OFWs hinimok ng DOLE na maging Public School Teachers sa Pinas at Panunumpa ng mga bagong opisyal ng DOLE, pinangasiwaan ni Bello  

————————————————————————————————————————–2,278 OFWs nakinabang sa One-Stop Service Center ng DOLE RO-9 

Iniulat ng Department of Labor and Employment-Regional Office 9 (DOLE-RO9) sa Zamboanga City na may 2,278 Overseas Filipino Workers (OFWs) ang nag-rehistro at nakinabang mula sa One-Stop Service Center (OSSC) para sa mga migranteng manggagawa sa loob ng 10 araw mula Enero 3-13, 2017.Sinabi ni Labor Secretary Silvestre H. Bello III na ang pagtatatag ng service center ay tugon sa direktiba ni Presidente Rodrigo R. Duterte na gawing mabilis ang pagbibigay ng serbisyo sa OFW sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng lahat ng serbisyo ng pamahalaan sa iisang lugar.“Gusto naming ipadama sa mga OFW ang kanilang kahalagahan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mabilis na serbisyo. Ang service center ay hindi lamang upang gawing mabilis ang pag-proseso ng iba’t ibang permit at clearance,nilalayon din nito na mabawasan ang gastusin ng mga OFW dahil nasa iisang lugar na lamang ang lahat ng serbisyo ng pamahalaan,” paliwanag ni Bello.Batay sa ulat ni DOLE RO-9 Director Sisinio B. Cano, nag-rehistro ang OSSC sa Zamboanga City ng kabuuang 2,278 OFW mula Enero 3-13, 2017. Kabilang sa mga ahensiya na nagtala ng malaking bilang ng nag-rehistro ay ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) – 1,035; at Philippine Overseas Employment Administration (POEA) – 818; samantalang ang PhilHealthat Pag-IBIG ay nakapag-bigay serbisyo sa 378 at 35 OFW, ayon sa pagkakasunod-sunod.Nakasaad din sa ulat na tumugon ang service center sa 1,311 katanungan; tumanggap ng 1,847 bayad; nagproseso ng 1,119 dokumento, nag-isyu ng 1,207 ertificate, nagbigay ng 1,847 forms; at namahagi ng 299 IEC materials; at binigyan ng certification ang 1,816 OFW.Sinabi ni Cano na nagbigay din ng 105 tulong-legal sa OFW na may problema sa kanilang employer at may suliranin sa kanilang dokumento kaya hindi sila makabalik ng Pilipinas.Inilunsad ang OFW one-stop center ng Department of Labor and Employment (DOLE) kasama ang Philippine Overseas Employment Administration noong Agosto 15, 2016, sa Tanggapan ng POEA, Mandaluyong City at bukas ito mula8:00 A.M. hanggang 5:00 P.M., Lunes hanggang Biyernes.Matatagpuan ang mga service center sa mga sumusunod na lugar: Manna Mall, San Fernando City, La Union; City Tourism Office, Tuguegarao City, Cagayan; Baguio Convention Center, Baguio City; Clark Freeport Zone, Pampanga; OWWARegional Office 4A in Calamba City; Robinson’s Place, Puerto Princesa City, Pacific Mall, Legaspi City; SM City, Cebu City; Robinson’s Place, Iloilo City; Robinson’s Place, Bacolod City; DOLE Regional Office No. 8, TaclobanCity; Goodwill Center, Zamboanga City; OWWA Regional Office No. 10, Cagayan de Oro City; Butuan City Hall Complex, Butuan City at New City Hall, Koronadal City.Ang mga ahensiya ng pamahalaan na nagbibigay serbisyo sa OSSC ay ang Department of Foreign Affairs (DFA), Philippine Overseas Employment Administration (POEA), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Professional Regulation Commission (PRC), Maritime lndustry Authority (MARINA), Home Development Mutual Fund (HDMF), Philippine Health lnsurance Corporation (PhilHealth), Social Security System (SSS), Philippine Statistics Authority (PSA), Bureau of Immigration (BI), National Bureau of lnvestigation (NBI), Commission on Higher Education (CHED), Tourism lnfrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), Philippine National Police (PNP), at Bureau of lnternal Revenue (BIR). *END/PaulAng/GMEArce* 

—————————————————————————————————————-Dating OFWs hinimok ng DOLE na maging Public School Teachers sa Pinas*  

Hinikayat ng pamunuan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga dati at umuwing overseas Filipino workers (OFW) na mga licensed teachers na ipagpatuloy ang kanilang propesyon at maging public school teachers sa bansa.Sa ilalim ng programang “Sa Pinas, Ikaw ang Ma’am/Sir (SPIMS),” ang mga OFWs na nakapasa sa Licensure Examination for Teachers (LET) ay maaaring mag-apply para makapagturo at maging empleyado ng Department of Education (DepEd)Ang SPIMS ay ang reintegration program para sa mga OFWs na umuwi nitong nakaraang tatlong taon at nagkaroon ng karanasan sa pagtuturo sa nakalipas na limang taon. Habang ang mga nakapagturo nang lagpas sa limang taon o mgawala pang karanasan ay kailangang muling dumaan sa isang online refresher course.Ayon kay Labor Secretary Silvestre H. Bello III ang programa ay naglalayong bigyan ng disente at regular na trabaho ang mga dati at umuwing OFW at maging mga public school teachers.Sinabi rin ng kalihim na ang programa ay tutulong na makabawas sa kakulangan sa mga guro sa mga paaralan sa bansa lalo na ang mga nasa probinsya at malalayong lugar.“Ang programa ay nakapagbigay tulong na sa bagong grupo ng mga dating OFWs at ngayon ay mga guro na. Nagagalak kami na ang mga benepisyaryo ay narito na sa bansa at mas malapit na sa kanilang pamilya habang sila ay nakapagtuturo sa mga regular na posisyon ng pagiging guro sa kani-kanilangmga komunidad,” wika ni Bello.Batay naman sa ulat ni DOLE-7 Regional Director Exequiel Sarcauga na may kabuuang 19 OFWs sa Central Visayas ang natulungan na ng programa na may layong hikayatin ang mga OFW na manatili sa bansa at sumailalim na lamang sa mga pagsasanay. Ang mga benepisyaryo ng SPIMS ay dating namamasukan bilang mga guro at household service workers sa mga bansang Thailand, Hong Kong, China, Singapore, United Arab Emirates (UAE), at Turkey.Sinabi pa ni Sarcuaga na ang mga benepisyaryo ay may plantilla position na bilang Teacher 1 (Salary Grade 11) matapos na pumasa at makapagpasa ng mga kinakailangang dokumento. Lima sa mga dating OFWs ay galing sa Cebu at ngayon ay nagtuturo na sa mga pampublikong paaralan sa nasabing lungsod sa mga bayan ng Madridejos, Borbon, and Lilo-an habang ang 14 ay mga residente ng Bohol at ngayon ay pasok na sa mga public elementary at high school sa Dagohoy, Trinidad, Danao, Tubigon, Loay, Cortes, Lila, Carmen, President Carlos P. Garcia, Talibon, at sa Mabini.Samantala, ang DOLE, sa pamamagitan ng National Reintegration Center for OFWs (NRCO), ang siyang pangunahing nagpapatupad ng programang SPIMS kasamaang DepEd, Professional Regulation Commission (PRC), Commission on Higher Education (CHED), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), at ang Philippine Normal University (PNU). END/Paul Ang/Luchel Taniza*  

————————————————————————————————————————-Panunumpa ng mga bagong opisyal ng DOLE,

pinangasiwaan ni Bello *  Pinangasiwaan ni Labor and Employment Secretary Silvestre H. Bello III ang panunumpa sa katungkulan ng 35 bagong opisyal ng kagawaran ng paggawa at ng mga ahensiya nito.Nanumpa sa harap ni Bello ang bagong hirang na si Undersecretary Claro A. Arellano at muling nahirang na si Assistant Secretary Joji V. Aragon.Kabilang sa mga bagong hirang na opisyal ay sina Atty. Benjo Santos M. Benavidez ng Bureau of Labor Relations, Warren M. Miclat ng Financial and Management Service, Violeta N. Muñoz ng Human Resource Development Service,Ahmma Charisma L. Satumba ng Bureau of Workers with Special Concerns, Dominique R. Tutay ng Bureau of Local Employment, at Cristina O. Quismundo ng Administrative Service bilang mga director. Kasama nila ang mga opisyal mula sa iba’t ibang regional office na sina Atty. Alvin Mina Villamor at Nenita O. Garcia bilang mga Director IV; at sina Naomi Lyn C. Abellana, Elpidio B. Atal, Jr., Yahya A. Centi, RovelindaA. Dela Rosa, Joel M. Gonzales, Albert E. Gutib, Atty. Sarah Buena S. Mirasol, Atty. Evelyn R. Ramos, at Salome O. Siaton bilang mga Director III.Ang mga nanumpang opisyal mula sa mga ahensiya ng DOLE ay sina Atty. Jonathan T. Villasoto, Deputy Executive Director III ng Employees Compensation Commission; at Mary Grace L. Riguer, Deputy Executive Director III ng Institute of Labor Studies.Kasama rin ang mga opisyal mula sa National Conciliation and Mediation Board (NCMB) na sina Shirley M. Pascual, Executive Director IV, Maria Teresita L. Cancio, at Edmundo T. Mirasol, Deputy Executive Director IV. Para sa National Maritime Polytechnic (NMP), ang mga opisyal na nanumpa sakatungkulan ay sina Romulo V. Bernardes, Executive Director III, at Mayla N. Macadawan, Deputy Executive Director III.Para sa National Wages and Productivity Commission (NWPC), nanumpa bilang mga Deputy Executive Director IV sina Jeanette T. Damo at Patricia P. Hornilla. Samantala, nanumpa bilang Deputy Executive Director V ng Overseas Workers Welfare Administration sina Josefino I. Torres at Brigido De Jesus Dulay. Ang iba pang nanumpa sa katungkulan ay ang mga opisyal mula sa Occupational Safety and Health Center (OSHC) na sina Noel C. Binag, Executive DirectorIII, at Jose Maria S. Batino, Deputy Executive Director III. Kasama din sa listahan sina Arleen S. Basas, Marieta L. Dela Cruz, Rosemarie G. Duquez, Renato C. Limjuco, at Atty. Sherilyn G. Malonzo bilang Director II ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA). *END/Tim Laderas/GMEArce* ————————————————————————————————————————————————————————————————————————————————– OWWA at Landbank nagtulungan para sa mas maayos na serbisyo sa mga OFW; Libreng screening ng ‘Sunday Beauty Queen’ handog ng DOLE-OWWA sa OFWs at Ban sa pag-empleo ng kabataan, pinalawak ng DOLE

—————————————————— ———————————————————–OWWA at Landbank nagtulungan para sa mas maayos na serbisyo sa mga OFW 

Nagtulungan ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at ang Land Bank of the Philippines (LBP) upang mabigyan ng maayos na serbisyo ang mga OverseasFilipino Worker (OFW) para sa kanilang online payment transaction gamit ang ePayment Portal (ePP).Lumagda kamakailan sina OWWA Administrator Hans Leo J. Cacdac at LBP President and CEO Alex V. Buenaventura ng Memorandum of Agreement kung saan nakasaad na maaaring gamitin ng mga Balik-Manggagawa OFW ang ePP ng Landbank, isang internet-based payment system, para sa mas maginhawa at nakakasigurong pagbabayad ng kanilang kontribusyon.Sa pamamagitan ng ePP, maaaring magsagawa ng transaksiyon o magbayad ng kanilang OWWA membership contribution ang mga Balik-Manggagawa OFW gamit ang internet sa pamamagitan ng iba’t ibang pamamaraan ng pagbabayad na iniaalok ng Landbank at tignan ang kanilang online financial fund paramakaiwas sa anumang pandaraya.Ang Landbank ePP ay ang unang e-payment portal na inilaan ng OWWA sa kanilang mga kliyente bilang bahagi ng kanilang layunin na mabigyan ng mabilis at maayos na pagbabayad ng kanilang OWWA membership gamit ang makabagong pasilidad at serbisyo.Sinaksihan nina Labor Secretary Silvestre H. Bello III at LBP Senior Vice President Liduvino S. Geron ang ginanap na paglalagda sa DOLE Building, Intramuros, Maynila.“Nilalayon ng aming pakikipag-tulungan sa LBP na mabigyan ang mga miyembo ng OWWA ng mas mabilis at medaling paraan ng pagre-renew ng kanilang membership upang tiyakin na sila ay may proteksiyon habang nagtatrabaho sa ibang bansa. Kami, sa OWWA, ay naniniwala na dapat nating gamitin angteknolohiya sa ating ikabubuti, kaya kami ay lubos na nagsusumikap na gamitin ang teknolohiya sa ating mga programa para mabigyan ng maayos na serbisyo ang ating mga OFW,” ani OWWA Administrator Cacdac. END/Abegail De Vega/GMEArce*

———————————————————– ———————————————————–Libreng screening ng ‘Sunday Beauty Queen’ handog ng DOLE-OWWA sa OFWs*

 Isang libreng screening ng pelikulang ‘Sunday Beauty Queen’ ang handog ng Department of Labor and Employment (DOLE) at ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa pamilya at mahal sa buhay ng mga Overseas FilipinoWorkers (OFWs) sa SM Mall of Asia, Pasay, noong Sabado.Ayon kay OWWA Administrator Hans Leo J. Cacdac, ang libreng movie screening ay napapanahong mapanood ng pamilya at kaanak ng mga OFWs dahil sa aral na dala nito sa mga manonood.“Magandang karanasan na magkasama-sama tayong lahat dito upang panoorin ang napakaganda at napakahalagang pelikula na ito,” wika ni Cacdac. Ang ‘Sunday Beauty Queen’ ay isang documentary film ni Baby Ruth Villarama na tumatalakay sa totoong buhay ng grupo ng mga Pilipinong Domestic Helperssa Hong Kong na nahahanap ang kanilang kasiyahan sa mga beauty pageants.Ang pelikula rin, na apat na taong ginawa, ay nagpapakita kung paano ginagamit ng mga Pinoy na Domestic Helpers ang kanilang bakanteng araw o pahinga–o Linggo, kung saan nagpapalit anyo sila sa katauhan ng mga Beauty Queen, upang makapagbigay aliw sa kapwa Pilipino at makalikom ng pondo para sa mga nangangailangang OFWs.Liban pa sa pagiging kauna-unahang dokumentaryo na mapabilang sa Metro Manila Film Festival (MMFF) noong 2016, nakuha rin ng pelikula ang Best Picture Award, kaya naman ito rin ang unang documentary film na nakatanggap ng nasabing parangal sa kasaysayan ng Film Festival. Pinangunahan nina DOLE Undersecretary Ciriaco A. Lagunzad III, OWWA Deputy Administrator Josefino I. Torres, National Reintegration Center for OFWs (NRCO) Director Chona M. Mantilla, at International Labor Affairs Bureau (ILAB) Director Jesus A. Cruz, Jr., ang nasabing screening ng pelikula.Samantala, nagmula naman sa National Capital Region (NCR), Tarlac, Pampanga at Nueva Ecija; Blas F. Ople Policy Center, at trainees mula sa Language and Culture Seminar ang mga pamilya ng OFW ang nahandugan ng libreng panonood ng pelikula. #Tim Laderas/ Paul Ang* 

———————————————————————————————————————Ban sa pag-empleo ng kabataan, pinalawak ng DOLE * 

Mas pinalawak ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga bawal na gawain sa pag-eempleo ng kabataan sa agrikultura at pangangalaga ng mga hayop upang mailayo sila sa mapanganib na kondisyon sa paggawa. pinalabas ni Labor Secretary Silvestre H. Bello III ang Department OrderNo. 149-A na nagtatakda sa mapanganib at delikadong gawain sa pagsasaka para sa mga batang manggagawa. Kasama dito ang mga gawain sa paghahalaman tulad ng grafting, budding and marcotting, at paggagapas ng damo.Pinagtitibay ng bagong kautusan ang kasalukuyang ban sa pag-eempleo ng kabataan sa mga gawaing agrikultura tulad ng paglilinis ng lupain, pag-aararo, irigasyon, pagtatayo ng pilapil at pagpuputol. Idineklara ding mapanganib ang paghawak, pag-spray at paglalagay ng nakakapinsalang fertilizers, pesticides, herbicides at iba pang toxic chemicals; at pagkakarga at pagbubuhat ng mabibigat na bagay.Hindi rin pinapayagan ang mga kabataan sa mga gawain sa pag-aani tulad ng pagpuputol, pagpapatuyo, paghatak, pagtataas, pagsusunog ng tanim, at pagkakarga ng mga produkto.Hindi rin maaaring magtrabaho ang mga kabataan sa pagtatabas, paghuhukay, pagsasako ng produkto, pag-uuling, paghila ng mga produkto, pagkarga at pagbaba ng mga produkto, paghuhurno ng niyog, pagseselyo at pagkakariton ng mga produkto mula sa bodega patungong palengke at lahat ng iba pang gawain tulad ng pagkakaingin, paglilinis, at pag-recycle ng mga tirang produkto sa bukid bilang paghahanda sa pagkain ng mga hayop o iba pang proseso.Sa pag-aalaga ng hayop, kasama sa mga idineklarang mapanganib na gawain ang pangongolekta, pagkakarga at paghahakot ng pagkain ng hayop, pangangalaga ng mga malalaki at/o delikadong hayop, pangongolekta at pagtatapon ng mga patay na hayop, dumi ng hayop at iba pang waste material, pagbibigay ng vaccine at vitamin, at paghawak ng mga kemikal na gamit sa paglilinis ng mga kulungan ng hayop.Hindi rin pinapayagan ang iba pang gawain na kinakailanga ng pag-kolekta, pagra-rantso, pagkuha ng gatas, at iba pang gawain tulad ng pagpapakete at pagproseso sa paggawa ng gatas at iba pang produkto, at pagdala mula sa bodega patungong palengke, at pagtatrabaho sa katayan ng hayop.“Napipilitang pumasok sa delikadong trabaho ang mga kabatan upang makatulong sa maliit na kinikita ng pamilya. Dahil dito mahigpit na babantayan at susuriin ang kaligtasan at kalusugan sa paggawa ng mga kabataan,” ani Bello.Ang kapakanan ng kabataan ang dapat isaalang-alang upang tiyakin na ang kanilang pagtatrabaho ay hindi magdudulot ng panganib sa kanilang buhay, kaligtasan, at kalusugan at hind magiging hadlang upang magkaroon ng normalna pamumuhay. END/Abegail De Vega/GMEArce* 

———————————————————————————————————————————————————————————————————————————————–Benepisaryo ng SPES, isa na ngayong certified public accountant; Bello: Manggagawa, makikinabang sa pagtaas ng SSS pensiyon at P.8M tulong sa pamilya ng mga nawawalang seaman 

————————————————————————————————————————-Benepisaryo ng SPES, isa na ngayong certified public accountant 

Sa likod ng bawat tagumpay, may nakatagong kuwento na magpapatunay na ang tagumpay ay hindi basta lamang dumarating sa buhay. Ito ay produkto ng pagsusumikap, pagpupunyagi, pag-aaral, sakripisyo at higit sa lahatpagmamahal sa iyong ginagawa at ang kagustuhang matuto.Para kay Roque Emmanuel “Emman” Ladao – Catibog, kahit na mahirap ang buhay, maraming dahilan upang magtagumpay.Taong 2011, sa edad na 16, ng siya ay maging benepisaryo ng Special Program for the Employment of Students (SPES), at sa halip na tumambay na lamang tuwing bakasyon, ginamit niya ang pagkakataong ito upang kumita bilang paghahanda sa susunod na pasukan.Nag-umpisa siya sa local government unit (LGU) ng Mamburao sa Occidental Mindoro bilang office clerk at naitalaga sa iba’t ibang departamento ng LGU sa San Jose ng parehong lalawigan noong 2012 hanggang 2015. Nagtrabaho din siya bilang student aide sa Divine Word College of San Jose noong 2016.Sa sunod-sunod na anim na taon, binigyan siya ng SPES ng oportunidad na umunlad at maging responsable. Ito rin ang nagturo sa kanya ng tamang ugali at inihanda din siya sa katotohanan sa mundo ng paggawa.Isang dean’s lister, nagtapos si Emman ng Bachelor of Science in Accountancy. Pinatunayan niya na bagama’t mahirap na kurso ang BSA, umani siya ng tagumpay sa pamamagitan ng pagpupunyagi at pagsasakripisyo.Ang kanyang pagsusumikap ay nagbunga ng makasama siya sa talaan ng mga Certified Public Accountants nang ipahayag ng Professionals Regulations Commission (PRC) ang resulta ng CPA Board Exam noong Oktubre 2016. END/Abegail De Vega /GMEArce*

——————————————————————————————————————Bello: Manggagawa, makikinabang sa pagtaas ng SSS pensiyon

  Nagpahayag ng suporta si Kalihim Silvestre H. Bello III ng Paggawa at Empleo (DOLE) ng aprobahan ni Presidente Rodrigo R. Duterte ang pagtataas ng pensiyon ng Social Security System (SSS). Kanyang sinabi na ang karagdagang halaga ay nararapat na insentibo sa paglilingkod na ibinigay ngdalawang milyong pensiyonado.Sinabi ni Bello na ang karagdagang kontribusyon ng manggagawa sa SSS, ay dapat ituring na ipon, sa halip na gastos. Ipatutupad ngayong Mayo ng taong ito ang 1.5 porsiyentong pagtaas sa kontribusyon o 12.5 porsiyento mula sa kasalukuyang 11 porsiyento. Ito ay mangangahulugan na karagdagang kontribusyon sa pagitan ng P15 hanggang P740, at pantay na paghahatian ng employer at empleyado. “Kailangan nating isipin na makakatanggap ng benepisyong pangkagalingan at pribilehiyong makautang ang miyembro ng SSS na aktibong nagbabayad, ” ani BelloAng SSS ay magtatakda ng nararapat na hakbangin upang tiyakin na masusustena ang pondo, kasama na ang aksyong-legal sa mga hindi nagbabayad ng kontribusyon, at ehekutibong pangangasiwa sa pagpapalakas ng koleksiyon.Sinabi ni Bello na patuloy na ipatutupad ng DOLE ang mahigpit na implementasyon ng Labor Laws Compliance System (LLCS), tulad ng pagbabantay sa mga establisyamento sa pagsunod ng mga itinakdang benepisyong pangkagalingan, partikular na ang pagbabayad at pagre-remit ng SSS,PhilHealth at Pag-ibig. “Ito ay isang paraan upang tiyakin na napapangalagaan at napoprotektahan ang karapatan ng ating manggagawa. Ito rin ay legal at moral na responsibilidad ng mga employer sa kanilang mga empleyado,” aniya. Maliban sa pagsusuri ng pagsunod ng mga establisyamento sa General Labor Standards (GLS), tinitingnan din ng mga DOLE regional office kungIpinatutupad ng mga employer ang Occupational Safety and Health Standards (OSHS) at iba pang naaayong batas-paggawa at panukala. Sakop nito ang tamang pasahod, oras ng paggawa at iba pang mga benepisyo gayundin ang mgapamantayan sa kondisyon sa paggawa, kinakailangang personal protective equipment (PPE) at programang pangkalusugan, at iba pang naaayong batas ukol sa ligtas at malusog na manggagawa. Tinitingnan din ng LLCS ang pagtupad sa mga karapatan ng manggagawa at pangunahing pamantayan para sa disenteng trabaho tulad ng pagbibigay ng minimum na sahod, overtime pay, holiday pay, night shift differential pay,service incentive leave pay, 13th month pay at iba pang benepisyo na iniaatas ng batas.Sa kabilang banda, ang OSHS naman ang tumitingin sa mga establisyamento kung ito ay naka-rehistro sa DOLE. Ito rin ang tumitiyak sa kaligtasan at kalusugan ng manggagawa, tulad ng paggamit ng personal protective equipment, pagtatatag ng safety and health committee, at pagsusumite ng administrative report. END/GSR/GMEArce* 

———————————————————————————————————————–P.8M tulong sa pamilya ng mga nawawalang seaman*

  Pinangunahan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang iba pang ahensiya sa pagbibigay ng P100,000 tulong sa bawat pamilya ng walong seaman na nawawala, sakay ng tugboat mula Korea pabalik ng Pilipinas, Enero ngnakaraang taon.Sinabi ni Kalihim Silvestre H. Bello III ng Paggawa at Empleo (DOLE) na pinararangalan ng pamahalaan ang mga pagsasakripisyo ng mga seaman kasabay ng pakikiramay sa mga naulilang pamilya.“Ang mga Filipinong seafarers ang mga bagong bayani ng ating henerasyon at nararapat lamang na pasalamatan natin sila sa kanilang paghihirap at pagsasakripisyo upang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang pamilya.   Ipinaaabot namin ang aming pakikiramay sa pamilya ng mga bitkima at kami ay nananalangin para sa ikabubuti ng kanilang mga kaanak,” ani Bello. Iginawad ni Bello, kasama sina Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Hans Cacdac; Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Jess Yabes; DOLE Undersecretary Dominador Say; at Angkla Partylist Representative, Cong Jesus Manalo, ang tulong-pinansiyal sabenepisyaryo ng mga nawawalang seamen.Iginawad ng DOLE at OWWA ang halagang P100,000.00 sa pamilya ng mga seamen na sina Alfredo Getigan, Cesar Guadalupe, Canoyos Tandog and Patricio Naciongayo. Nagbigay din ng parehong halaga ang DFA sa mga kamag-anak ninaJerry Cabag, Aaron Solangon, Donimmer Tandog at Roque De Guzman.Magbibigay din ang OWWA ng psycho-social support sa miyembro ng pamilyang ng mga nawawalang Filipino seaman sa pamamagitan ng individual, group o family counseling; at educational assistance sa kapatid ng mga biktima.Nagsasagawa ang mga Filipino seaman ng conduction operations sakay ng tugboat M/T Rokku Maru, pagmamay-ari at pinangangasiwaan ng Tugsystems Marine Corporation, ng sila ay umalis sa Port of Busan, Korea at naiulat na nawawala simula noong 24 Enero 2016 papuntang Iligan City.Ito ay nakakabit sa M/V Kwang Yan gamit ang towing line ngunit ito ay natanggal habang bumabaybay sa Kagoshima, Japan. Wala pang nababalitaan tungkol sa kanilang kalagayan matapos na maiulat ang aksidente makaraan ang isang buwan mula ng dumating ang M/V Kwang Yan sa Port of Iligan.Nagsagawa ng search and rescue operation ang iba’t ibang ahenisya ng pamahalaan tulad ng Bureau of Immigration, POEA, Philippine Coast Guard, Japan Coast Guard, Japan Maritime Rescue and Coordination Center, at ang International Maritime Bureau sa pakikipagtulungan ng Philippine Consulate General sa Korea, ngunit walang natagpuang anumang bahagi ng tugboat at wala ding natagpuang seaman.Noong nakaraang 16 Hunyo, nagsagawa ng hiwalay na imbestigasyon ang Maritime Industry Authority (MARINA),at isinumite ang kanilang final analysis report na nagsasaad ng dalawang (2) maaaring dahilan sa pagkawala ng bangka at ng mga seaman tulad ng (a) lumubog o tumaob; (b) pag-agaw onapirata ang M/T Rokku Maru.Samantala, pinaalalahanan ng DOLE at OWWA ang lahat ng Filipino seaman na magkaroon ng kinakailangang dokumento at insurance bago sila magtrabaho sa ibang bansa upang makatiyak ang kanilang karapatan at benepisyo sakalingmagkaroon ng aksidente habang sila ay nagtatrabaho. Pinaalalahanan din ang mga agency at kompanya sa mga kakaharapin nilang kaso kung sila ay magpapatuloy sa kanilang negosyo ng walang kaukulang permit at clearance.END/paulang/GMEArce*

—————————————————————————————–====———————–ILO naglunsad ng bagong proyekto ukol sa Fair Recruitment

Bilang isa sa mga pilot countries, ang Pilipinas ay inaasahang makapag a ambag sa global knowledge system sa kung ano ang mga gumagana o hindi sa bahagi ng fair recruitment practices.

Gagamitin naman ang nasabing mga natutunan sa mga regulasyon at suliranin sa pagpapatupad, pag iibayo ng sumbungan at kaparaanan sa pagtugon, mga pag uusap at sa huli ay maimplimenta ang pagpapatupad ng fair recruitment practice batay sa pandaigdigang pamantayan sa paggawa at instrumento para sa karapatang pantao.

Nakikipagtulungan ang pamahalaan, mga samahan ng mga manggagawa at kawani, mga mamamahayag at pangunahing kaagapay sa civil society upang ang FAIR project ay maisakatuparan ang mga sumusunod na estratehiya:

Pagpapalakas sa pandaigdigang kaalaman sa pambansa at pandaigdigang paraan sa proseso ng pagtanggap sa trabaho, muling pagpapatupad sa mga batas, patakaran at mekanismo sa pagpapatupad ng batas upang palawakin ang fair recruitment practice.

Pagsusulong sa patas na paraan ng pagnenegosyo. At Pagpapalakas at Pagtulong sa mga manggagawa.

Batay naman sa pahayag ni Department of Labor and Employment Secretary Silvestre H. Bello III ‘ Bilang ahensyang naatasang magtanggol sa mga manggagawang Pilipino sa ibayong dagat bukas ang DOLE sa mga inisyatibong pang Fair recruitment ng ILO.”

“Sa nakaraang mga taon nakikipagtulungan na an g DOLE sa ILO upang magsulong ng disente at produktibong trabaho para sa Pilipino.” Dagdag pa ng Kalihim ng Paggawa.

“ang Fair Recruitment project ay isang matatag na hakbang sa pandaigdigang pagtutulungan patungo sa pagsulong ng patas, legal, at makataong mga prinsipyo’t kaparaanan sa pagkuha ng mga mangagawa, pakikipagtunggali sa mga pang aabuso sa paggawa at tanikala ng pagkakautang, patuloy na pakikipag usap upang tugunan ang mga balakid sa pagbabawas ng halaga ng recruitment na isang mahalagang bahagi sa paghawak ng nandarayuhang paggawa” humigit kumulang ang bahagi ng sinabi nang kalihim.

Isang tripartite na pagpupulong ng mga dalubhasa na naglalayong makalikha ng mga panuntunang teknikal sa Fair Recruitment ang nakatakdang maganap sa Setyembre 2016 sa pangunguna ng ILO governing board at uupuan sa Pilipinas.

Sa nasabing tatlong araw na pagpupulong isasapinal ang mga panuntunan ukol sa fair recruitment kaugnay rin ang mga cross-border at pambansang recruitment. Ipaa alam nito ang pangkalahatang pagtalakay sa labor migration na kasama sa agenda ng napipintong International Labour Conference sa June 2017 at pagtalakay ukol sa mga pangunahin prinsipyo ng recruitment at karapatan sa trabaho./// abdul malik bin ismail

ILO naglunsad ng bagong proyekto ukol sa Fair Recruitment

Pasig City, Metro Mnaila- ISANG bagong inisyatibo ng International labour Organization (ILO) na naglalayong proteksyunan ang mga manggagawa na nagtatrabaho sa ibayong dagat mula sa hindi patas at mapanlinlang na paraan ng pagtanggap sa trabaho.

Inilunsad ng ILO ang bagong proyekto upang isulong ang patas na paraan sa pandaigdigang kaparaanan ng pagtanggap sa trabaho. Ang Integrated Programme on Fair Recruitment (FAIR) ay inilunsad nitong August 3 2016 sa Maynila kabalikat ang Swiss Agency for Development and Cooperation (SDC).

Ang proyektong magtatagal ng tatlong taon ay naglalayong pababain ang mga kaso ng mapanlinlang at sapilitang pamamaraan sa proseso ng pagtanggap ng mga trabahador, upang sumubok na rin ng mga bagong pamamamaraan upang maiayos at makalikha ng fair recruitment option para sa mga migrant workers.

Ayon kay Tomoko Nishimoto, ILO Assistant Director General and Regional Director for Asia and the Pacific “The Philippines has made significant progress in developing legislation and policies that address challenges in the recruitment process, including the hiring of migrant domestic workers. It also has another sector, the seafarers, which provides a good model of practice to all, in that no recruitment fees are charged agaist the workers.”

Dagdag pa niya “ I hope the FAIR project is able to further develop and showcase innovative practices on fair recruitment, particularly those that benefit low wage worker”. Continues at the PAGAWA PAGE.///Abdul Malik Bin Ismail

download1

 

 

DOLE Pinangunahan ang 3rd National Career Advocacy Congress; PESO Managers at DOLE Regional Directors Ipinamalas sa natapos na orientation tungkol sa SPES Integrated Manual of Operations nang BLE ng DOLE at National Career Advocacy Congress matagumpay na natapos.

NANANALIG sa isang makabuluhang pagpapalitan ng ideya at tamang mga kaparaanan sa pagitan ng mga career guidance counselors at advocates, ang dalawang araw na pagtitipon ay araw rin upang magkatulongan ang mga career guidance counselors at advocates para sa kapakanan ng mga kabataan ayon kay Kalihim Baldoz sa isang panayam.

Ia assess rin ng nasabing congress  ang mga accomplishment ng mga Career Guidance Advocacy Program Working Group kung naa ayon sa mga aktibidad na kaakibat ng Career Guidance Advocacy Plan pati ang pagda draft ng susunod na  medium term agenda ng CGAP ng taong 2017-2022.

Sa 3rd NCAC ay nagkaroon ng mga feature lectures, panel presentations ukol sa career guides at mga open forum, may 14 resource speakers na nagsalita na dalubhasa sa ibat ibang disiplina sa mga napapanahong merkado sa paggawa, mga napapanahong trbaho at mga trabahong may kaugnayan sa career guidance counseling at mga tagumpay sa trabaho.

Bukod sa DOLE na siyang pangunahing punong abala sa pag o organisa ng nasabing event sa pangunguna ni DOLE USEC NIcon Fameronag, bahagi rin ng nasabing aktibidad ang Kagawaran ng Edukasyon, Technical Education and Skills Development Authority, Commission on Higher Education at Department of Science and Technology.///Michael N. Balaguer//buhat sa Headline post

 

Other specializations that recent graduates may want to look into if they want readily available opportunities are Finance – General/Cost Accounting, Human Resources, Banking/Financial Services, Hotel Management/Tourism Services, and Marketing/Business Development.

On the other hand, fresh graduates looking for the most financially lucrative employment opportunities may find them in the field of IT. Five of the top ten specializations providing the highest starting salaries to recent graduates are related to IT. Topping this year’s list is IT/Computer – Hardware (fourth in 2014), which gives an average monthly salary of nearly Php24,000 for fresh graduates. Fresh graduates specializing in IT/Computer – Network/System/Database Administration, Technical/Helpdesk Support, IT/Computer – Hardware, and Corporate Finance are also above the Php21,000 monthly salary mark.

Only five out of last year’s top ten highest paying specializations made a return in this year’s report. Hotel/Management/Tourism, Customer Service, Banking and Financial Services, Public Relations/Communications, and Actuarial Science/Statistics had to give way to, among others, Technical/IT Sales and Electronics and Communications Engineering this year. 2014’s eighth highest paying specialization, Law/Legal Services, moved up to sixth, while Telesales/Telemarketing (sixth in 2014) and Nursing/Medical Support (third last year) moved down to seventh and eighth, respectively.

  

Regional Congress For Foster Care and Adaption Pinangunahan ng DSWD-NCR;

 Child caring agencies, marami sa Kamaynilaan dahil sa nasabing suliranin ng mga bata 34,134 disabled children in Metro Manila. Tinalakay naman ni Director Ma. Alicia S. Bonoan ng DSWD NCR ang tungkol sa Government Response tungkol sa pagpapalakas ng alternatibong programa at serbisyo pag aalaga ng magulang kasunod ay ang testimonya ni Mr. Mark Diamante isang foster child (NORFIL) isang AVP presentation ukol sa testimonya ng isang inampon.

Nagtanghal ang Nayon ng Kabataan rondalla Group buhat sa DSWD NCR, muling pagse share ng adaption Journey buhat kay Ms. Frankie D. Carrion, adoptee, foster at adoptive parent. Sharing on foster care journey nina Mr. And Mrs. Jimmy and LJ Alapag mga foster parent.

Nagkaroon rin ng Ceremonial Awarding of Check for Foster can Subsidiary mga response, Ms. Myrna Conception ng DSWD NCR foster family, Ms. Flordeliza Doelor, NORFIL Fd. at Ed Rosario Dela Rosa (KBFFd ukol sa mga child placing agency, isinunod nito ang Commitment Setting  “the starfish Story” ni MA. Hazel T. Militante, Chief Protective Services Unit at ang pagtatapos ay binanggit ni Atty Homobono Adaza III foster/ adaptation support group mumnber at nagsilbing guro ng palatuntunan si Ma. Crystal Joy P. Aspiras, group aspires Sa nakaraan survey ng NSO,  134,000 na mga bata ang nakakaranas ay child laborer na nagiging factory workers, vendor at iba pang trabaho.

Nitong Setyembre kasalukuyang taon 2014, 69 bata ang nakaranas ng pagmamahal at kalinga ng pamilya sa pamamagitan ng foster care gayundin 47 lisensadong pamilya ang may karapatan na foster children sa Metro Manila at 171 pang mga bata ang nangangailangan ng pamilya.Mayroon din 65 mag asawa ang nag aantay sa kanilang aampunin na bata.

“legal na pag- aampon sa lahat ng pagkakataon” pinakita ang matagumpay na inampon na si Mark Diamante, foster child ng Norfil na nakapagtapos ng HRM at ngayon ay may pamilya na rin.

Sa batas din Republic Act 9523 na batas na nagsesertipika ang Department of Social Welfare and Development  (DSWD)  na deklarasyon na ang bata ay legal na sasalang sa adoption proceeding o sa child legally available for adoption proceeding o CDCLAA. At may batas din na RA 10165 (Foster Care Act of 2012) na batas na upang patibayin at palaganapin ang foster care at magkaroon ng pondp na dapat ay dadaan din sa matching. Ang pag aampon ay may layuning para magkaroon ng permanenteng tahanan ang mga bata.///MJ balaguer

sa Region 8: VA kaso nasolusyunan sa pamamagitan ng preventive mediation; mga manggagawa nakakuha ng P12 M + na benepisyo

ISANG labindalawang taong voluntary arbitration na kaso ang sa wakes ay natapos pagkaraang magkasundo ang Eastern Samar Electric Cooperative (ESAMELCO) at ang ahente nitong nakikipag usap sa ESAMELCO Labor Union (ESECELU) sa isang compromise agreement, na naging dahilan upang mapatigil ang motion for writ of execution na inihain sa office of the voluntary arbitrator ayon sa pahayag ni NCMB Executive Director Reynaldo Ubaldo.

Sinabi niya na ang preventive mediation case ay nag ugat buhat sa desisyon ng Court of Appeals na kinakatigan ang desisyon ng accredited voluntary arbitrator na si (AVA) Atty. Norman Tansingco na ibigay ang higit sa 19 million pesos na inirerepresenta ang across-the-board wage increases sa mga miyembro ng ESECELU.

“ESECELU filed for a motion for writ of execution before Atty. Tansingco, the voluntary arbitrator handling the case.  However, Atty. Tansingco is no longer in the NCMB’s roster of AVAs ever since he entered the government service a few years back,” ayon kay Ubaldo na kino-quote ang sinabi ni NCMB-RB8 Director Juanito Geonzon.

“Because the voluntary arbitrator can no longer execute the decision, Director Geonzon thought of requesting a sheriff from the NLRC to enforce it.  But he believed that this would be fraught with so many challenges and may further delay the settlement of the case,” dagdag pa niya.

“Nevertheless, Director Geonzon acted on the conviction that there could be a more immediate solution to the problem,” pahayag pang muli ni Ubaldo.

Ayon sa kanya inutusan ni Geonzon ang RCMB-8 conciliator-mediator na si Tomas Biboso upang hikayatin ang abugado ng complainant’s upang I-file ang preventive mediation case sa RCMB 8 at nagkasundo ang mga ito.

“In the interest of preserving labor-management relations and to prevent further delay, the parties were persuaded to a compromise during the first hearing. On the second conference, the parties executed an agreement,” pahayag ni Ubaldo.

Nakarating sa nasabing desisyon ang management sa pamamagitan ng isang proposal para sa compromise per Board Resolution No. 78, Series of 2013 na inaalok ang halagang higit sa 12 million pesos bilang pakikipagkasundo sa kabuuang hinaing ng union kung saan tinanggap naman nito,

Sa ulat ni Geonzon kay Ubaldo sinabing nasa 10% ng 12 million ay mababayaran sa loob ng anim na buwan simula September 2013. ang matitirang 90% ay mababayaran sa loob ng anim na taon bilang monthly installments.

“It is more prudent to implement the VA decision through amicable settlement.  Not only did it preserve working relations, it also spared the consuming public from the consequence of service disruptions,” ayon kay Atty. Jose Manuel Amancio, ESAMELCO’s general manager.

“We appreciate the efforts of NCMB for facilitating this compromise,” dagdag pa niya.

ESAMELCO ay isang non-stock, non-profit utility company na nagbebenta ng kuryente sa Eastern Samar. (buhat sa impormasyon galing kay Pamela R. Babalcon sa pagkaliwat sa pilipino ni mike balaguer)

———————————————————————————————————–

RCMB-NCR nalutas ang 16 SENA CASES

NALUTAS ng Regional Conciliation and Mediation Branch – National Capital Region ang 16 na requests for assistance (RFAs) ng July 2013 ayon kay NCMB Executive Director Reynaldo R. Ubaldo kung saan inihayag niya ang naiulat ni RCMB-NCR Officer-in-Charge Amorsolo V. Aglibut.

“Three of those 16 cases were settled in just one meeting,” pahayag pa nito.

Sinabi ni Ubaldo na ang RFAs kabilang ang Breadtalk, Marlyn Lyoyd, at Villa Larosa Corporation ay nalutas sa pamamagitan ng pangunang conciliation conference, kung saan nabigyang benepisyob ang eight employees.

Ipinahayag ni Ubaldo nitong July 4, 2013 na humiling sina Mary Joy Mendoza at Ginalon Basiño para makialam ang branch laban sa bakeshop franchise Breadtalk laban sa di pagbabayad ng back wages, 13th month pay at non-remittance ng SSS, Philhealth, mga kontribusyon sa Pag-ibig at overtime.  Sila ay tinulungan ni Conciliator-Mediator Estelita S. Bautista.

Sa pangunang pagdinig nitong July 10, 2013, natanggap ng mga complainants ang kabuuang halagang P23,863.30 bilang full satisfaction ng kanilang claims.

Ang pintor ng bahay na si Joseph Intal ng Marlyn Lloyd ay hiniling rin ang interbensyon ang branch para sa alegasyong non-payment ng salary. Nakatanggap siya ng P1,000.00 bilang satisfaction ng kanilang claims. Tinulungan si Intal ni OIC Aglibut.

Si Rhey Soriao at apat pang kawani ng Villa La Rosa ang nag hain ng request for assistance para sa hinihinalang illegal dismissal, violation ng labor standard laws at non-remittance ng SSS, Philhealth at Pag-ibig contributions.

Sa pangunang conference nitong July 10, 2013, sumang ayon si Soriao na iulat muli sa kumpanya nang July 11, 2013. ang apat niyang mga kasama ay nag desisyon na ihain ang kaso sa NLRC.

samantala, apat na SENA cases ang inihain laban sa Crown Crest Links Inc., Philstar Daily, Inc., Getz Good Tree International Corp., at Tigerland Security and Investigation Agency na naghahanap ng sagot pinansyal ngunit nalutas sa dalawang conciliation meetings.

“The four employees involved in the RFAs received a total of P26,500.00 as financial assistance,” ayon kay Ubaldo.

Kaugnay nito, July 9, 2013, Junffer Buanjug at limang iba pang kawani ng Romago, Inc. ang nakatanggap ng P30,440.94 bilang kabuuang kabayaran sa kanilang claims at inisyuhan ng kani-kanilang individual tax certificates pagkaraan ng tatlong conciliation conference simula ngihain ang RFA nitong nakaraang June 17, 2013.

ang RFA na inihain ni Dianalyn J. Pinazo ay kailangan na lamang ng tatlong three conciliation meetings upang maabot ang amicable settlement. nuong July 10, 2013, Pinazo na nag complaint rin ng June 19, 2013 para sa non-payment ng 15 days salary, overtime pay at service incentive leave ay nakatanggap ng P4,000.00 bilang huling assistance mula sa employer na Collezione C2 Retail Stores. Siya naman ay natulungan ni Conciliator-Mediator Jay Jasper B. Javines.

Conciliator-mediator Estelita S. Bautista ay kailangan na lamang ng tatlong conciliation meetings upang matugunan ang complaint na inihain ni Jose B. Gesmundo, isang tsuper at katulong ng Blue Dragon Logistics. Si Gesmundo, na nagreklamo ng illegal deduction ay nakatanggap ng P9,000.00 bilang financial assistance at refund.

“With its speed, effectiveness, and efficiency, nothing beats SENA in settling labor issues,” pahayag pa ni Ubaldo kahit inirekomenda sa RCMB-NCR ang agarang pagtugon.

“Not only were were our conciliator-mediators in the NCR able to settle cases in three, two, and one conciliation meeting, RCMB-NCR OIC Aglibut reported that they have also settled a case on the spot,” pahayag muli ni Ubaldo.

Ang tinutukoy na kaso ni Ubaldo ay ang nalutas ni Con-Med Edgar G. Aquino may kaugnayan sa Complink Marketing Inc.

Nitong nakaraang July 12, 2013, Sharon L. Salcedo, nagtatrabaho bilang kahera sa Complink Marketing ay nagsadya sa tanggapan ng RCMB-NCR upang humingi ng tulong dahil sa pagtanggi ng kanyang dating amo na I-refund ang kanyang cash bond.

“On the same date, parties mutually agreed to the amount of P11,800.00 as settlement to Salcedo’s claims,” ayon kay Ubaldo.

ang RCMB-NCR ay nag ulat rin ng pagkakalutas nitong July 2013 ng RFAs na may kaugnayan sa W.M.D Enterprises; Aleson Shipping Lines, Inc.; We Enterprises Contractor, Inc.; at Breadtalk pagkaraan ng serye ng conciliation conferences.  (Batay sa impormasyong galing kay Gillian Pearl L. Guerrero sa pagkaliwat sa Pilipino ni mj balaguer)

———————————————————————————————————–

RCMB-NCR nilinaw ang WORK SCHEME SQUABBLE sa SAN MIGUEL YAMAMURA PACKAGING CORP.

 IPINAHAYAG ni National Conciliation and Mediation Board Executive Director Reynaldo R. Ubaldo na ang settlement ng mga labor dispute na may kaugnayan sa San Miguel Yamamura Packaging Corp., isang glass manufacturing subsidiary ng business giant na San Miguel Corporation laban sa gross violation ng collective bargaining agreement, lalo sa work hour schedule.

“San Miguel Packaging Specialists, Inc. Employees Union-Manila Glass Plant alleged management of altering the work schedule without consultation,” pahayag ni NCMB Executive Director Reynaldo Ubaldo batay sa ulat mula sa RCMB-NCR Conciliator-Mediator Edgar G. Aquino.

nitong July 8, 2013, ang union ay nag file ng preventive mediation case na inaakusahan ang San Miguel Yamamura Packaging Corporation ng unfair labor practice.

Ayon sa union, binago ng management ang oras ng trabaho mula 8-hour work shift papunta sa 12-hour work shift. Ayon sa una sa bahagi nila, ang konsultasyon ay maayos na naisagawa.

“Management asserted that they adopted the new scheme to increase productivity and help workers cut down transportation expenses,” payon kay Ubaldo. “The 12-hour shift adopts the 4 work day, 2 day off scheme,” dagdag pa niya. Pagkaraan ng dalawang conciliation conferences nuong July 26, 2013, sumang ayon ang union sa isang amicable settlement sa management.

Sa ilalim ng kasunduan, ang apektadong mga kawani ay mababayaran ng overtime pay para sa mga trabahong lagpas sa dating eight hour work shift.

Kung kailangan sa trabahong may ika limang araw, ang mga manggagawa ay makakatanggap ng bayad na katumbas sa Saturday premium pay ayon sa CBA, habang ang Sunday premium pay ay mag a apply sa mga kaso ng mga kawaning magtatrabaho sa ika anim na araw.

“Parties also agreed to jointly evaluate the new work scheme and make recommendation regarding its adaptation,” ayon kay Ubaldo. Binati ni Ubaldo ang Con-Med Aquino para sa agarang kalutasan ng kaso. “We are extremely pleased that parties amicably resolved work scheme issues in just three conciliation conferences,” ayon pa sa kanya.

“Once again the NCMB has prevented an issue from turning into a work stoppage through the earnest efforts of our conciliator-mediator,” dagdag pa niya.

San Miguel Yamamura Packaging Corp.-Manila Glass Plant, na matatagpuan sa 45 Muelle de la Industria, Binondo, Manila, ay nagkakaloob ng total packaging solutions sa pamamagitan ng wide range of products mula sa glass, plastic, metal, flexibles, PET, molds and paper. Ang kumpanya ay may 150 kawani.

San Miguel Packaging Specialists, Inc. Employees Union-Manila Glass Plant ay may sertipikadong bargaining agent ng 104 union members ng kumpanya. (Batay sa impormasyong mula kay Gillian Pearl L. Guerrero sa pagkaliwat sa Pilipino m nodalo balaguer)

———————————————————————————————————–

sa Israel, POLO nanawagan sa mga OFWs na manatiling mahinahon at mapag matyag

MAPAGMATYAG at mahinahon ang payo ni Philippine Labor Attache to Israel Jaime P. Jimenez nang sabihin niya sa Filipino community ukol sa mga balita at planong pag atake ng mga kaalyado ng Syria na kanyang inulat kay Labor and Employment Secretary Rosalinda Dimapilis-Baldoz.

Ang Syria, kung saan ay nahahati ang hilagang bahagi ng Israel at Lebanon, ay nasa civil war, at ang pamahalaan ay pinababalik ang ating mga kababayang manggagawa na karamihan ay domestic helpers, upang matiyak ang kanilang kaligtasan.

“I have been informed by Labor Attache Jimenez that the Philippine Embassy in Tel Aviv has re-activated the Philippine contingency plan for any emergency that could affect our OFWs. The POLO has reminded our OFWs in Israel to remain calm and vigilant,” pahayag ni Baldoz.

Ayon kay Jimenez nagpulong ang POLO kasama ang mga accredited Israeli foreign placement agencies at representatives of the Federation of Filipino Communities sa Israel upang talakayain ang mga updates at concerns sa kasalukuyang sitwasyong pulitikal sa Syria. Ayon sa kanya, ang Philippine Embassy ay nag assigned ng kanilang mga personnel, kabilang ang POLO staff, upang I-monitor at makatugon sa mga emergency situation.

“The welfare and interest, as well as the safety of our OFWs in Israel, and in any country of destination for that matter, are foremost and takes the highest consideration in times of conflict, calamity, or turmoil. But I also call on our OFWs to cooperate with the government, refrain from unnecessary activities that may pose risks, and be on guard,” ayon kay Baldoz. (jane olvina)

———————————————————————————————————————————–

kinapapalooban ng mga kwentong obrero