Inaanyayahan ang lahat na magpรกsa ng panukalang aklat para sa Aklat ng Bayan ng Komisyon sa Wikang Filipino. Tatanggap ang patnugutan ng Aklat ng Bayan ng teknikal na mga akda, saliksik pangwika, malikhaing akdang pampanitikan na nakasulat sa Filipino at sa mga katutubong wika sa Pilipinas gaya ng Sebwano, Chavacano, Hiligaynon, Ilocano, Waray, Bikol, Kapampangan, Tausug, Mรซranaw, Kinaray-a, Surigaonon, at iba pa. Bukรกs ang panawagan para sa lahat ng manunulat, editor, mananaliksik, at tagasalin sa Filipino at mga katutubong wika. Hinihikayat rin ang mga baguhang manunulat na magsumite.
Layon ng proyekto na palakasin pang higit ang paggamit ng wikang Filipino at mga katutubong wika ng Pilipinas. Gayundin, target nitรณng matipon ang mahahalagang akdang pumapaksa sa wika at kultura ng bansa na magagamit sa pag-aaral, pagtuturo, at pananaliksik ng mga estudyante, guro, at iskolar.
Mga Panuntunan:
1. Maaaring magsumite ng aklat alinman sa sumusunod na paksa:
โข Diksiyonaryo
โข Koleksiyon ng mga saliksik sa araling kultural
โข Koleksiyon ng mga saliksik sa araling pagsasalin
โข Mga saliksik sa sosyolingguwistika, ponetika, ponolohiya, morpolohiya,
pragmatika, sintaks, at semantika ng wikang Filipino at/o mga katutubong wika
ng Pilipinas
โข Koleksiyon ng kritikal na pagsusuri ng mga akdang pampanitikan
โข Koleksiyon ng mga maikling kuwento
โข Koleksiyon ng mga sanaysay
โข Koleksiyon ng mga dulang may isang yugto
โข Salin sa Filipino ng klasikong akdang rehiyonal (ililimbag na bilingguwal)
โข Salin sa katutubong wika ng klasikong akdang nakasulat sa Filipino o Ingles o iba
pang mga wika sa mundo (ililimbag nang bilingguwal)
โข Teknikal na mga akdang nasusulat sa Filipino (batas, medisina, agrikultura,
populasyon, edukasyon, disaster, financial literacy, urban planning, engineering,
negosyo, etc.)
2. Orihinal at hindi pa nailathala o naipรกsa sa ibang publikasyon ang akda.
3. May kasรกmang sinagutang pormularyo ang isusumiteng mga akda. Maaakses ang
pormularyo sa link na ito:
https://drive.google.com/…/1_S0…/view…
4. Naka-encode sa word file ang isusumiteng mga akda, may 1.5 espasyo, font style na
Arial, at font size na 11.
5. Maglakip ng bionote ng (mga) may-akda. Isaad ang iyong kasalukuyang posisyon, institusyon, espesyalisasyon, mga nailimbag na akda at saliksik.
6. Isumite ang mga akda kasรกma ang pormularyo sa kwf-publikasyon@kwf.gov.ph.
7. Para sa mga saliksik, sanaysay, pagsusuring pampanitikan, at teknikal na akda, dapat
taglay nitรณ ang kompletong mga bahagi ng isusumiteng akda lakip ang sumusunod:
โข Introduksiyon
โข Talaan ng Nilalaman
โข Bibliyograpiya
โข Mga talรข
โข Glosaryo
โข Bionote ng awtor, mga kontribyutor, editor, at katuwang na mga editor
โข Katibayan ng pahintulot mulรข sa lehitimong may-ari ng ginamit na mga guhit o
larawan na may lakip na deskripsiyon
9. Para sa mga malikhaing akda, kompletong akda kalakip ang:
โข Introduksiyon
โข Talaan ng nilalaman
โข Talรข ng editor o tagasalin
โข Bionote ng awtor, editor, katuwang na mga editor, kontribyutor, at tagasalin
10. Kinakailangang nakaalinsunod sa mga tuntรบnin ng KWF Manwal sa Masinop na
Pagsulat ang isusumiteng panukalang aklat at sa estilo ng Chicago Manual of Style
(CMOS) para sa mga talรข, talababรข, at bibliyograpiya.
11. Sa pagsusumite gรกmit ang email, gamรญtin ang format na: APELYIDO-GENRE-KWF-
PUB2023
Halimbawa: REYES-SALIKSIK-KWF-PUB2023
12. Sa 31 Disyembre 2023 ang hulรญng araw ng pagsusumite. Para sa mga karagdagang
impormasyon, tanong, at/o paglilinaw, maaaring tumawag sa (02) 899-606-70 at
hanapin si G. Evie Duclay o kayรข ay mag-email sa kwf-publikasyon@kwf.gov.ph.
13. Tanging ang mga nakapasรก lรกmang sa ribyu ang makatatanggap ng pabatid
makalipas ang tatlumpung (30) araw matapos ang dedlayn. Ang karapatang-sipi ng
lahat ng mga isinumiteng panukalang aklat ay mananatili sa mga may-akda.