GUIGUINTO, BULACAN-NALAGLAG sa kamay ng pulisya at Anti Red Tape Authority (ARTA) ang dalawang fixer na bumubuktima sa mga nagnanais na kumuha ng student permit para makapag maneho ng sasakyan makaraan ang isang entrapment operation na isinagawa sa tanggapan ng Land Transportation Office (LTO) sa bayan na ito Ika 19 ng Hulyo, 2021.
Kinilala ng ARTA Director General, Secretary Jeremiah B. Belgica and suspek na sina alyas “Rey” at alyas “Anne”,at nadakip sa akto na ginagawa ang kanyang krimen ng pinagsanib na mga elemento ng PNP-CIDG at ARTA.
Nabatid na ang dalawang mga suspek na sina “Rey” at “Anne,” ay kinausap ang dalawang undercover ARTA-CIDG na nagpanggap na mga aplikante para sa nitong 14 July 2021.
Tiniyak umano ng mga fixers na agad mairi release ang mga student permit ng mga ahenteng nagpanggap kabilang ang medical exam at Theoretical Driving Certificate na kadalasang inaabot ng 3 araw para i-proseso.
Tinakalan pa ni alyas “Rey” ang ahente ng halagang P3,500 para sa kanilang iligal na serbisyo habang humingi naman itong si alyas “Anne” ng halagang P4,500 kahit ang nasabing permit ay nagkakahalaga lamang ng P317.63.
Ang mga ahente ay pumayag na magbayad sa nasabing mga suspek sa labas ng LTO Tabang at pagkaraang tanggapin ang marked money ay agad dinakip ang dalawa kung saan itong si alyas “Anne” may tangan pang isang taong gulang na anak nuong sila ay maaresto.
Nasa kustodiya ng CIDG ang mga suspek habang ang bata ay ibinigay sa ina ni alyas “Anne”. Kasama si Secretary Jeremiah Belgica, sa nasabing operasyon at ikinalungkot niya na naisama pa ang bata sa nasabing iligal na aktibidad.
“Nalulungkot ako kasi nakita ko ‘yung bata,” sabi ni Belgica sa mga mamamahayag. “Bakit mo isasama ‘yung anak mo sa ganong klaseng operation na alam mo namang bawal?” dagdag pa ng kalihim, “I’m disappointed kasi pati mga bata nagagamit sa ganitong klaseng mga operasyon,”
Pagkaraan ng entrapment operation, agad na pumasok ang hepe ng ARTA sa loob ng LTO Tabang at nagsagawa ng inspeksyon sa kanilang proseso. Tinanong ni Belgica ang head ng security ng LTO Tabang kung bakit hindi nila pinaa alis ang mga fixer sa paligid ng tanggapan ngunit sinabi nito sa kanya na nasa labas lamang ang mga ito at hindi pumapasok sa loob.
“Alam mo palang may fixer sa labas, ba’t di mo paalisin?” pahayag ng kalihim ng Anti-Red Tape . “You have to make sure na ‘yung perimeter mo ay malinis.” iginiit ni Belgica ang kanyang panawagan sa mga opisyales ng gobyerno na imbistigahan ang mga posibleng kasabwat ng mga nasabing fixer sa loob ng kanilang tanggapan, ipinaliwanag niya na ang isinagawa ng ARTA ay ang tinatawag na snake-grab approach sa paghuli ng mga fixer sa loob at labas ng mga tanggapan ng gobyerno.
“Hangga’t may mga fixer na ganyan, hindi ako maco-convince na walang red tape na nangyari,” ayon sa kalihim. habang ipinaliwanag naman ni Janelle Louise Estrella, LTO Tabang assistant chief, na isinusuplong umano nila ang mga fixer sa munisipyo ng guiguinto at naa aresto naman ang mga ito samantalang pagkaraan ng nasabing operasyon ng ARTA sa kanilang tanggapan kanila na umanong dodoblehin ang pagsisikap na tuluyang alisin ang mga red tape at fixer sa kanilang tanggapan.
Muli namang hinikayat ng hepe ng ARTA ang mga opisyales ng gobyerno na paigtingin ang laban kontra red tape sa pamamagitan ng mabilis na pagtugon sa ulat ng publiko. “Pinapaalalahanan natin sila na hindi porket wala sa opisina, so, wala sa loob ng compound mo, nandoon lang sa vicinity, sa perimeter, eh wala na kayong pakialam. Kung nandoon lang sa vicinity, sa perimeter mo, paalisin mo ‘yon,” ayon kay Belgica.
“It’s very easy to say, ‘Hindi, ito lang trabaho ko.’ Wala, walang ganon sa public service,” dagdag pa nito. “Huwag tayong maging kampante o relax sa trabaho natin dahil kawawa ang taong bayan. The Filipino people deserve more”
Nag isyu si Belgica ng show-cause order sa LTO Tabang Division Chief Rolando F. Casilag, pati na rin sa mga opisyales ng Barangay sa Tabang bunsod ng kanilang kawalan ng aksyon sa pagdami ng fixer sa nasabing tanggapan. iimbistigahan rin ng ARTA kung napasok na rin ng mga fixer ang mga Theoretical Driving schools.
Tinitingnan ng ARTA ang posibilidad na magkaroon ng mga ARTAmbayans or outposts malapit sa mga tanggapan ng pamahalaan hindi lang upang magsilbing babala sa mga fixer kundi upang tumanggap rin ng mga reklamo ng mamamayan.
Matatandaang ilan na ring mga kaso ng fixers sa kaparehong tanggapan ang nasakote ng ARTA ng mga nakaraang buwan. Ang ARTA ay sa ilalim ng tanggapan ng Pangulo at may mandato na alisin ang “red tape” sa burukrasya upang maging mahusay ang serbisyo at pagpapatakbo ng mga ahnesya at kagawaran ng pamahalaan at tunay na makapaglingkod sa sambayanan.///Michael Balaguer, 09333816694, konekted@diaryongtagalog.net, and michaelbalaguer@yahoo.co.uk
-30-
DOTr affirms readiness to join ARTA’s anti-fixer campaign
14 July 2021 – The Department of Transportation (DOTr) affirmed its readiness to join in the Anti-Red Tape Authority’s (ARTA) anti-fixer campaign.
Atty. Reinier Paul R. Yebra, DOTr Undersecretary for Legal Affairs, assured that all branches of the Land Transportation Office (LTO) and Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) will also participate in the said campaign.
“The Department welcomes ARTA’s assistance and will comply with your request for an intensified Anti-Fixer Campaign,” he said in a letter addressed to ARTA Secretary Jeremiah Belgica dated 12 July 2021.
“The Department of Transportation fully supports measures to improve the government agencies’ level of service delivery and accountability, and ultimately the prevention of graft and corruption,” he added.
The letter came days after Belgica wrote to the DOTr, encouraging them to coordinate with the Authority’s campaign against fixers.
This after the Authority nabbed a total of nine fixers outside different LTO branches from May to June 2021.
The ARTA chief said they can help in catching fixers within and around the premises of DOTr and its attached agencies, and in filing cases against violators of Republic Act No. 11032 or the Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018.
Belgica also asked the DOTr to issue an advisory on the extent of services of Private Emission Testing Centers (PETC). In his letter dated 1 July 2021, he said some enterprising individuals took advantage of PETCs and used them as an avenue to offer insurance and medical services, among others.
Yebra said the DOTr issued the said advisory the day after ARTA sent them its letter.
END
ARTA calls on gov’t agencies to follow Zero Backlog Program
14 July 2021 – The Anti-Red Tape Authority (ARTA) reiterated its call for government agencies to observe the Zero Backlog Program when it comes to the documents they are processing.
Secretary Jeremiah Belgica, ARTA Director General, said this after Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin, Jr. admitted that the Department of Foreign Affairs (DFA) has a 3 million-backlog in its passport issuance and renewal applications.
“Sa mga government agencies, let us be fast and efficient and not allow backlogs to build up. Kawawa ang mga tao. Let us strive to give them the government service that they deserve,” he said.
“I understand that there is a pandemic and it is difficult to continue work as usual, but we should not use this as a reason to shortchange the people,” he added.
The Zero Backlog Program is mandated by law under Section 1, Rule VI of the Implementing Rules and Regulations of Republic Act No. 11032 or the Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018.
Belgica also assured Locsin of the Authority’s help in easing the DFA’s backlog and streamlining its services.
In a tweet on 12 July 2021, Locsin said he is eyeing to erase the agency’s backlog “in a few months.”
The ARTA chief commended the DFA Secretary for ordering the opening of additional temporary off-site passport services (TOPS) offices to expedite the processing of passport applications for issuance and renewal.
On 5 July 2021, the DFA opened five TOPS sites in five malls in Metro Manila that was seen to add an additional 177,000 passport application slots until September.
During his inspection at the DFA Office of Consular Affairs (OCA) on 28 June 2021, ARTA was informed that the issues in the DFA’s appointment system stemmed from its lack of manpower, especially amid the COVID-19 pandemic.
Earlier, the DFA OCA set up a “Courtesy Lane” that senior citizens, persons with disabilities (PWDs), pregnant women, minors aged seven years old and below, solo parents, overseas Filipino workers (OFWs), and exceptional and emergency cases can access in a bid to decrease the number of people falling in line.
Those who wish to apply for the Courtesy Lane must first go through the Passport Appointment System at passport.gov.ph. Other requirements can be found at https://consular.dfa.gov.ph/services/passport/passport-cl.
On 9 July 2021, Senator Koko Pimentel also invited ARTA to investigate the provisions of the law on the necessary documents for passport applications.
END