APAT na miyembro ng Bulacan Police Provincial Office sa San Ildefonso Police Station ay nabiktima ng pekeng kawani umano sa loob ng Civil Service Commission dahil nais lamang nilang ma-promote sa trabaho.
Ang insidente ay naganap bago pa ang nakaraang pandemya nang sina Police Officers SP02 Wilfredo DC Celedonio, SP01 Ferdinand C Alvarez, P02 Emmanuel B Carlos and P02 Jeoffrey Valencia ay kumuha ng Civil Service Examinations bilang requirement para sa kanilang promosyong bilang mga pulis.
Sa kabila ng nakapag sampa na sila ng karampatang kaso sa korte laban sa sinasabi nilang may gawa sala na si Felimon Garcia na siyang nagsilbing kanilang Proctor sa kanilang naging pagsusulit hanggang ngayon ay wala pang aksyon sa bahagi ng Civil Service Commission.
Nagkaloob na ng tulong ang publikasyong ito sa ating mga magiting na alagad ng batas at ating tinulungan silang humingi ng tulong hanggang sa Office of the President ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring aksyon, ang mga sulat ay makikita sa ibaba ng artikulong ito tunay na ang layunin lamang ng mga pulis na ito ay makabalik sa serbisyo kahil wika nila ay ma demote ng isang ranggo.
Ayon sa kanima batay na rin sa panayam ng pahayagang ito ay nagtungo na sila sa Philippine National Police General Headquarters sa Camp Crame at kanila ng inihingi ng tulong ang kanilang sitwasyon ngunit ang sagot na kanilang natanggap ay nasa CSC na umano ang pagpapasya ukol sa kaniulang kalagayan kung maibabalik mas sila sa serbisyo o hindi na.
Sa kasalukuyan ay nananatili pa ring matatag at nananalangin ang ating mga magiting na alagad ng batas na hindi naman mga scalawags, walang masamang record at of good moral character na mag milagro ang Poong Maykalpal at pagbigyan ng kinaukulan ang kanilang panawagan.
///Michael Balaguer, 09262261791, michaelbalaguer@yahoo.co.uk at konekted@diaryongtagalog.net