

Norzagaray, Bulacan –SA kabila ng nananalasang pandemya nang COVID-19 na nararanasan sa buong bansa partikular sa lalawigan ito, patuloy pa rin ang pag seserbisyo ng kagawaran ng agham at ni Kalihim Fortunato T. de la Pena lalo sa kapakanan ng mga katutubong Dumagat sa kabundukan ng bayan na ito sa Bgy. San Mateo.
Pinangunahan nitong February 15, 2021 ng Department of Science and Technology –Provincial Science and Technology Center Bulacan (DOST PSTC Bulacan) at mga kawani sa pangunguna ni Provincial S&T Director Ms Angelita Parungao ang nasabing aktibidad sa pakikipagtulungan ng mga Brgy San Mateo Mother-Leaders.
Nilakad at inakyat ng mga ito ang kabundukan at ang kahabaan ng mga ilog ng Norzagaray sa kabila ng IPO Dam upang marating ang pamayanan ng mga katutubong Dumagat na nasa Sitio Sapang Munti.
Bilang paunang tulong teknikal sa pamayanan ng mga Dumagat sa ilalim ng Expanded Community Empowerment thru Science and Technology (eCEST) program, nagsagawa ang DOST Bulacan staff ng water sampling buhat sa ibat ibang natural na pinagkukunan ng inuming tubig sa lugar..
Ang nasabing mga water samples ay susuriin for potability sa DOST Regional Standards and Testing Laboratory sa City of San Fernando, Pampanga at batay sa magiging resulta nang nasabing potability test ay ang ipagkakaloob na tulong teknikal patungkol sa water purification para sa nasabing pamayanan ng mga katutubong Dumagat.
Tunay na “Salamat sa Agham” sapagkat sa kabila ng taas ng antas ng makabagong teknolohiya sa mga kalunsuran ay hindi isinasaisantabi ang kapakanan ng mga katutubong tunay na taal na Bulakenyo.
“This was a prelimenary activity for our Expanded Community Empowerment thru Science and Technology Program ( eCEST ) for the Indigenous Community in Bulacan. There are 5 entry points:
1. Basic Education
2. Livelihood ( Vegetable gardening and handicraft)
3. Health and Nutrition (Feeding program for 120 days 0-5 years old)
4. Water sanitation
5. Disaster Risk Reduction program
Launching of the feeding program will be on Feb. 24..” ayon kay Provincial S&T Director Ms Angelita Parungao .
Kaugnay nito, nitong nakaraang Pebrero 11, 2021 ay pormal na ipinakilala ang bagong miyembro ng Sangguniang Panlalawigan na si Bokal Liberato P. Sembrano na magiging kinatawan ng mga Katutubong Dumagat sa lalawigan.///Michael Balaguer, +639333816693, diaryongtagalog@gmail.com
