MOU sa pagitan ng DTI, iTAP, SIAA at LOD EVENTS para sa darating na INDUSTRIAL DIGITAL TRANSFORMATION CONGRESS at AI ASIA EXPO 2023

Ngayong panahon ng 4th Industrial Revolution kung saan ilan sa manipestasyon nito ay ang “internet of things” at ang Artificial Intelligence” lubhang kailangan ng mamamayan na matutunan ito at makisabay bagaman bitbit nito ang mga hamon, ay marami rin namang oportunidad na kaakibat sa pagunawa at kalaunan pagyakap sa napapanahong teknolohiya.

Kaya nga nitong nakaraang August 15 2023 sa punong tanggapan ng Department of trade and Industry (DTI) sa Makati ay nagkaroon ng Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng Department of Trade and Industry (DTI) ng Pilipinas, Singapore Industrial Automation Association (SIAA), Information Technology Association of the Philippines (iTAP) ant ang Singapore-based LOD Events.

Ang kanilang pagtutulungan ay tungkol sa dalawang aktibidad na magkasamang gaganapin ngayong darating na Nobyembre 7-9 2023 sa Marriott Grand Ballroom (MGBX) at ito ang Industrial Digital Transformation Congress at AI ASIA EXPO 2023.

Layunin ng dalawang aktibidad na madagdagan ang kaalaman ng mga mamamayan sa mga hamon at oportunidad na dulot ng Arificial Intelligence (AI) at ang katotohanan na gamit-na-gamit na natin ito ngayon sa kasalukuyan sa kabila ng may mga agam-agam pa ang iba ukol sa seguridad, privacy atbp.

Isa sa mga hamon na dala ng AI ay ang marahang magkawala ng mga tao sa Business Process Outsourcing (BPO) ngunit ayon samga eksperto hindi pa rin kaya ng AI ang mga katanungang tanging tao lamang ang makakatugon. Ang Industrial Automation sa mga pabrika kung saan mababawasan ang mga trabahador dahil industrial machineries ang gagawa ng kanilang mga trabaho, pabor sa mga negosyante at maliliit na entreprenyur ngunit hindi sa mga mangagawa.

Kaya kasama ang Department of Trade and industry sa nakipag MOU dahil sila ang may solusyon sa nasabing mga suliraning pang negosyo at paggawa habang ang sa bahagi naman ng Singapore Industrial Automation Association ipamamalas nila kung paano ang kanilang maliit na bansa ay naka survive dahil sa automation sapagkat may kakulangan sila sa mga tao.

Samantalanga ng iTAP o ang Information Technology Association of the Philippines naman ay magbabahagi ng kanilang mga kaalaman bukod sa “AI” kundi pati na rin sa “internet of things” kung saan hindi na bago sa ating bansa at sa atin bilang Pilipino, ang mga nilalaman ng ating mga gadgets ang online trading at iba pang gumagamit ng internet.

Habang ang magiging punong abala sa aktibidad na darating ay ang LOD Events na nakabase sa Singapore, ayon sa kanila ang layunin ng kanilang pag organisa ng mga katulad na aktibidad ay upang maging tulay sa mga pamahalaan at pribadong sektor pati na rin sa iba pang stakeholders gaya ng industriya, pangkalusugan, akademya at negosyo upang lubusang maunawaan ang mga oportunidad sa napapanahong teknolohiya ng AI at internet of things bahagi ng 4th Industrial Revolution (FIRe). ///Michael Balaguer, 09262261791, michaelbalaguer@yahoo.co.uk at konekted@diaryongtagalog.net