PAGSASAMA-SAMA NG MGA ONLINE INFLUENCERS UPANG PALAKASIN ANG UGNAYANG CHINA-ASEAN

CONVERGENCE OF ONLINE INFLUENCERS TO STRENGTHEN TIES BETWEEN CHINA-ASEAN

GINANAP nitong Ika-13 ng Enero, 2022 ang unang ASEAN-China Influencers Conference at Fujian Brands Promotion Tour sa Maritime Silk Road kasama ng Fuzhou, timog silangan ng Fujian Province ng China, ito rin ang taon na ipinagdiriwang ng China at ASEAN ang ika 30 taong anibersaryo ng pakikipag usap na iniangat ang kanilang ugnayan sa isang komprehensibo at istratehikong pagtutulungan.

Uminog sa temang “Set Sail from Blessed Land when the Wind is Positive,” kabilang rin sa nasabing aktibidad ang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP), ang pinaka malaking free trade deal na magbibigay ng  bagong kaunlaran at oportunidad sa ugnayang China at ASEAN.

Sa nasabing aktibidad na inabot ng tatlong araw, nagsidalo ang mga diplomat buhat sa ASEAN sa China at kabilang rin ang mga representante ng mga organisasyon ng mga mamamahayag gaya ng (www.dzmjonline.net at www.diaryongtagalog.net ) pati ang mga online influencers buhat sa ASEAN at China.

Natutunan at naranasan nila ang umuusbong na industriyang digital ng Fuzhou pati ang kultura ng Fujian kapwa sa ginawang field visits at online activities at kanilang ibinahagi rin ang mga ito sa kani kanilang social media platforms.

Tinutukan ng aktibidad ang pagtutulungan sa kalakalan at ekonomiya pati na rin ang ugnayang kultral sa pagitan ng China at ASEAN sa pamamagitan ng mga usapan ukol sa digital economy, influencer economy at cross border e-commerce.

Nagsilbi rin itong matchmaker sa pagitan ng mga Chinese at ASEAN enterprises, ang Fujian Asia-Pacific Economic and Trade Cooperation Promotion Association ang unang provincial-level business association ng China na tumugon sa RCEP agreement

Na nagbigay daan sa serye ng mga kasunduan sa pagitan ng mga Chinese at ASEAN industries kasama ang $5.6 Billion na nakalaan at nilagdaan ng Eversun Holdings Group mula sa Fujian na mamumhunan sa isang ASEAN refinery.

Ang nasabing komprernsya ay dinaluhan ng mga online influencers kung saan ay nagpalawak ng kanilang pananaw sa paglikha ng mga istorya tungkol sa pagtutulungan ng China-ASEAN sa ilalim ng RCEP framework, sinasalamin rin nito ang malawak na pagtutulungan sa pagitan ng China at mga bansa sa ASEAN sa pamamagitan ng people-to-people exchanges at nakita ang malalim na regional economic integration sa pagitan ng dalawang panig.    

Nagbigay ng kanyang talumpati sa pamamagitan ng isang video link si China’s Assistant Foreign Minister Hua Chunying, sinabi niya na ang naging bunga ng pagtutulungan ng China-ASEAN sa loob ng nakaraang 30 taon ay dahilan sa makasaysayang pagpili ng mga lider na may malawak na kaisipan sa kabutihan ng pagyakap sa kung ano ang napapanahon at ang kakaibang pagtutulungan sa pagitan ng dalawang panig ay nagdulot ng kabutihan at sa kabila ng magkakalayo ang bawat isa ay magkakalapi ang kultura.

Dagdag pa niya, ang mga online influencers raw ay nagsasalaysay ng mga magagandang kwento at siyang sumusulat ng kasaysayan kada araw “Creative and empathetic, you are sharing the emotional highs and lows of ordinary people on social media and the Internet. Their experience of small serendipities and pursuit of big dreams strike a chord with every one of us and draw people closer across national borders,” ayon kay Assistant Foreign Minister Hua Chunying

Kapwa online at offline na mga talakayan ang naisagawa sa nasabing aktibidad na nakatutok sa kaugnayan ng influencer economy at cross border e-commerce at mas malalalim na mga exchanges sa pagitan ng mga Chinese at ASEAN online influencers na naglalarawan ng kanilang mga inaasahan sa hinaharap ng e-commerce.

Sa isang dialogue session naman ibinahagi ng mga chinese influencer ang kanilang mga kwento ukol sa kanilang pakikisalamuha sa mga netizen sa ASEAN na nagnanais na magkaroon ng ambag sa pagtutulungan ng China at ASEAN sa bahagi ng influencer economy at cross border e-commerce sa pamamagitan na rin ng kanilang mga impluwensya.

Ang ibang nakibahagi sa ASEAN ay mayroon ring kaparehong mga pagnanais gaya ng Cambodian gaming streamer Seaneang na nagsabing ang China at Cambodia ay may matagal na at makasaysayang pagkakaibigan at nais niyang magpatuloy ito sa kabila ng mga pagkakaibang kultural ng kanilang mga bansa.

Ang Indonesian influencer naman na si Harini Riswanda ay nagpakilala ng kanyang mga nais gawin upang sa mapanatili ang mahigpit na pagtitiyak at integridad sa pagsusulong ng cross border e-commerce.

Habang si Alexandra Bounxouei ng Laos ay naniniwala na ang musika at media ang magiging daan upang mapaglapit ang mga mamamayan sa kanilang bansa sa China sa kabila ng kanilang pagkakaiba ng kultura at wika gayun din pagkakaiba ng mga tradisyon.

Ang nasabing aktibidad ang unang malaking forum ng China na dinaluhan ng mga matataas na opisyan ng gobyerno, mga iskolar at online influencers. Ang nasabing aktibidad rin ay co-sponsored ng ASEAN-China Centre, Global Times Online, Department of Commerce ng Fujian Province, Foreign Affairs Office ng People’s Government of Fujian Province, at Fuzhou Municipal People’s Government. Ito rin ay suportado ng China Public Diplomacy Association and Mission ng People’s Republic of China sa ASEAN, at co-organized ng Fujian Asia-Pacific Economic and Trade Cooperation Promotion Association.

Sa kabila ng hindi masyadong mabilis ang koneksyon ng internet sa Pilipinas dahilan na rin ng kakulangan ng mabilis na imprastruktura maayos na nakibahagi kapwa ang www.diaryongtagalog.net at www.dzmjonline.net sa nakaraang first ASEAN-China Online Influencers Conference and Fujian Brands Promotion Tour along Maritime Silk Road at inaasahan ang marami pang katulad na aktibidad na makapagbibigay ng daan sa tunay na pagtutulungan at pagkakaunawaan ng mga bansa sa ASEAN kabilang ang Pilipinas at ng China.///Michael Balaguer, +639262261791, konekted@diaryongtagalog.net at michaelbalaguer@yahoo.co.uk

-30-