PANG MATAGALANG KAPAYAPAAN KAILANGAN NG SANGKATAUHAN

IPINAGDIRIWANG ngayon Ika-18 ng Setyembre 2021 ang Ika -7 Anibersaryo ng World Peace Summit na ginanap nuong  Ika-18 ng Setyembre 2014 Sa Seoul South Korea na pinangunahan ng HWPL.

Pitong taon na ang lumipas nang magkita kita ang mga lider ng ibat-ibang bansa sa layuning tuluyan ng wakasan ang mga digmaan at magtatag ng pang matagalang kapayapaan bilang pamana sa mga susunod na salinlahi.

Mula nuon, taun-taon nang ginaganap ang World Peace Summit na pinangungunahan ng HWPL, layon nitong talakayin ang mga paraan upang matamo ang kapayapaan sa pamamagitan ng mga bagong ideya at mga magkakatulad na hangarin ng bawat lipunan sa daigdig, inilalahad nila ng mga plano at inisyatibo upang maisakatuparan ang layuning pang matagalang kapayapaan.

Tema ngayong taon ay “ADVANCING THE DPCW’S PEACE AGENDA IN A NEW NORMAL: CONCERTED ACTION FOR SUSTAINABLE PEACE” kung saan paraan rin upang ilahad ang mga resulta ng kanilang mga naging programa, mga plano sa hinaharap at mga pagtutulungan sa pagsulong ng DECLARATION OF PEACE AND CESSATION OF WAR (DPCW), dokumentong mula sa HWPL na naglalayong matugunan ang mag isyu na nagbabanta sa kapayapaan ng sangkatauhan.

Dahil sa COVID-19 pandemic na patuloy pa ring nananalasa sa daigdig ngayon ay virtual ang pagdiriwang gamit ang Zoom. Sa paglalahad ng mga natapos na programa t mga proyektong pang kapayapaan inaabangan ang mensahe ng Chairman ng HWPL na si Chairman Man Hee Lee.

Isa sa maliit na bahagi ng kanyang mensahe ay napapanahon lalo at nag aamba ang mga digmaan sa ibat-ibang dako ng daigdig na tila ba hindi alintana ang kahihinatnan ng mga mauulila at magiging impact sa kabuhayan ng maraming tao.

Wika niya “isang bomba atomika lamang ang pasabugin ay maaring maubos ang sangkatauhan” dagdag pa “ang tao ay nilikha ng Dakilang Lumikha hindi para magpatayan”. Ibinabahagi niya ang kahalagahan ng pag uusap at pagtatalakayan upang matugunan ang mga suliranin at hindi pagkakaunawaan sa lipunan at ito aniya ay tumatawid sa hangganan ng relihiyon, idolohiya at pulitika.

Nitong mga nakaraang taon, samut-saring banta ng karahasan, digmaan at kawalan ng hustisya ang laganap lalo at higit sa bahagi ng populasyon ng mga Muslim.

Naryan ang kalunos lunos na kalagayan ng mga Palestino sa Palestina na inukupa ng mga Zionistang Israeli mula pa nuong 1947, ang mga katutubong Rohingya ng Myanmar na pinalayas at patuloy na inaapi ng Budhista nilang pamahalaan na ngayon ay pinalitan ng isang Junta;

Ang walang katapusang kalbaryo ng mga Uighur sa China na itinuturing ng kanluran na makabagong concentration camps umano, ang patuloy na tensyon sa Kashmir na inukopa ng India at ang kamakailan lamang ay pag alis ng mga Amerikano sa Afghanistan kung saan bumalik sa poder ang mga Taliban.

Ang nasabing mga suliranin ay mabigat at dekada ng paulit-ulit ngunit wala pa ring katugunan, may mga nakakapansin at may mga ipinagwa walambahala na lang.

May mga lider gaya ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hayagang sinabi na sakaling naisin ng mga Rohingya Muslim na manghingi ng Asylum sa bansa ay tatanggapin niya ang mga ito, ngayon nga ay may mga Afhan refugees na nasa bansa tinatakasan ang mga Taliban.

Matatandaan rin na nuong nabiktima ng holocaust ni Hitler ang mga Hudyo, tanging Palestina lang at Pilipinas ang tumanggap sa kanila bahagi ng makataong polisiya ng pamahalaan ng Pilipinas nuon.

Sa mga suliraning nabanggit sa kamusliman, pakikipag usap at diplomatikong paraan ang laging dapat na solusyon at hindi digmaan sapagkat wika muli ni HWPL Chairman Man Hee Lee “wala namang nananalo sa digmaan”.

Ayon sa isang Imam, may tatlong sangkap para matamo ang tumay at pangmatagalang kapayapaan; ito ay Paggalang, Pagtitimpi at Katarungan, hindi maaring maghiwa hiwalay ang tatlo sapagkat sila ay magkaka ugnay sa ganoong paraan matatamo ang pangmatagalang kapayapaan na kailangan ng sangkatauhan..///Michael Balaguer, +639262261791, konekted@diaryongtagalog.net and michaelbalaguer@yahoo.co.uk

-30-