PANGINGIBABAW NI BONGBONG SA MGA SURVEY, RESBAK NG TAUMBAYAN SA NAGING DAYAAN NOONG 2016 – TRANSPORT GROUP

Naniniwala ang lider ng isang transport group na suporter ni Partido Federal ng Pilipinas  (PFP) standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. na ang pangingibabaw nito sa mga survey ay resbak ng taumbayan sa ginawang pandaraya kay Marcos na tumakbong bise presidente noong 2016 elections.

“Karma itong nakikita nating resulta ng mga survey ngayon. Nakikita na natin ang mga senyales na ang eleksyon sa Mayo 2022 ay magiging araw ng pagtutuos para sa ilang mga kandidato. Kung talagang totoo ‘yung naging resulta nung 2016 vice-presidential race, nagrereflect na sana ‘yun sa mga survey ngayon. Nasaan na ang mahigit 14-milyon na botante ni Leni?” giit ni Roberto ‘Ka Obet’ Martin, National President ng Pangkalahatang Sanggunian Manila and Suburbs Drivers Association (Pasang Masda).

Sa pinakabagong Presidential Preference survey na isinagawa ng PUBLiCUS Asia Inc., nangibabaw si Marcos na nakakuha ng 49.3 porsyento ng boto. Si Leni Robredo ay nakakuha ng 21.3 porsyento, si Manila Mayor Isko Moreno ay may 8.8 porsyento, habang si Ping Lacson ay may 2.9 porsyento at si Manny Pacquiao naman ay may 2.8 porsyento. 

Nakita rin sa survey na angat si Marcos sa key voting areas gaya ng National Capital Region (NCR), kung saan nakakakuha siya ng 40 porsyento ng mga boto, 55.7 porsyento naman sa North at Central Luzon at 38.2 porsyento sa South Luzon. Sa Bisaya naman ay nakakuha siya ng 44.7 porysento at tumataginting naman na 62.5 porsyento sa Mindanao.

“Isa lang ang paliwanang dito – may mandato ng taumbayan si Bongbong. Buo pa rin ang suportang nakuha niya noong 2016 at lalo pa itong lumalaki habang papalapit ang eleksyon. Bongbong has the full support and confidence of a large majority of the electorate,” ani ni Martin.

Makikita rin ang pangingibabaw ni Marcos sa mga Kalye Survey na ginagawa ng mga YouTube vloggers sa iba’t ibang panig ng bansa.

Hindi man pormal at hindi sumusunod sa mga karaniwang metodolohiya na sinusunod ng mga polling firms, ang mga Kalye Survey ay sinasabing ‘real man,’ ‘real street’ survey na nagpapakita ng totoong pulso ng masang Pilipino.

Kasama ang Pasang Masda sa mga transport groups na nagpahayag kamakailan ng suporta sa kandidatura ni Marcos.

Ayon kay Martin, sang-ayon sila sa mga plano ni Marcos para sa transport sector at malaki ang tiwala nilang maisasakatuparan ang mga naturang plano kapag nanalo ito sa darating na halalan sa Mayo.

“Kaya sinang-ayunan namin ang kanyang magagandang layunin at kami ay umaasa na mapapatupad ang mga napagusapan kapag siya ang nanalo sa 2022. Kami ay natutuwa at nagpapasalamat sa magandang layunin ng ‘Best Bet ng Mamamayan’ hindi lang sa transportasyon kundi sa ating bansang Pilipinas,” giit nito.

-##-

Pagbubukas ng global economy dapat paghandaan ng Pilipinas – Bongbong

Masusing pagpaplano ang kailangan upang maging handa ang bansa ngayong nagsisimula nang bumangon ang global na ekonomiya mula sa krisis na dulot ng COVID-19, ayon kay Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Nakita ni Marcos, standard-bearer ng Partido Federal ng Pilipinas, ang pangangailangan matapos magdesisyon ang gobyerno ng Australia na alisin na ang ban sa canned pineapple products na galing sa Pilipinas.

Aniya isa itong magandang development hindi lang para sa sektor ng agrikultura kundi sa iba pang sektor ng Pilipinas dahil pinakita nito na maari na silang maghandang pumuwesto ngayong nagsisimula nang bumangon ang global na ekonomiya.

“Eto na nagsisimula ng magbukas ang global economy, mabuti in this particular case nasabayan natin dahil may produkto tayong mai-export sa kanila (Australia). Dapat ang positioning natin sa iba’t ibang sector ng global economy ay ganyan din. Kapag nakapagumpisa na sila, ready na dapat tayo na mag-trade, makipagnegosyso, makipagpartner, or magsupply sa kanila,” ayon kay Marcos.

“Kailangan pagplanuhan paano sasabayan yung pagbukas ng mga ibang bansa. Kapag nagre-recover na ang ekonomiya ng ibang bansa kailangan nakahanda tayo para sabayan natin yung kanilang pagbukas at kanilang pag-ahon. Kailangan makapagplano kung saan pupwesto sa recovery ng global economy,” dagdag pa niya.

Pahayag pa ni Marcos, ang ganitong istratehiya ay kasama sa kanyang “Tawid COVID, Beyond COVID” program na naglalayong makagawa ng mga hakbang kung paano makakatulong sa taumbayan at sa ekonomiya ng bansa habang nasa kalagitnaan ng pandemiya at patungo sa panahon na nasa likod na lang ng bansa ang COVID-19.

Kasama sa programa ang pagbuo ng mga istratehiya ang pagbibigay solusyon sa mga problema ng iba’t-ibang sektor gaya ng agrikultura, enerhiya, telecommunication, imprastraktura, edukasyon, kalusugan, at iba pa.

“Una nating kailangan magawa ay tawirin itong COVID, dapat makalabas tayo at masabing nasa likod na natin ito. Hindi masabi na mawawala yan pero dapat ma-manage na natin. Kung makita natin sa ibang bansa umabot na sila sa ganyan,” pahayag ng Presidential aspirant.

“Lahat yan ay kailangan gawin para makasabay tayo sa development ng global economy,” dagdag pa ni Marcos.

-30-

PARTIDO NI BBM NAGLUNSAD NG ‘BEST BET’ STRATEGY PARA SA OFWs

Nitong Martes, naglunsad ng isang pangmatagalang plano ang partido ni Presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. upang mapagbuti ang kalagayan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at mga migranteng Pinoy sa iba’t-ibang bahagi ng mundo.

Iprinisenta ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) International Affairs Committee na pinamumunuan nila Chairperson Ms. Saidah Tabao Pukunum sa pamamagitan ni President Jeremy Henry Amar at Secretary-General Atty. Henry Capela ang Strategic Plan Vision 2028 for OFW kay PFP Secretary-General Tom Lantion at PFP General Counsel Atty. George Briones sa isang pagpupulong sa kanilang tanggapan sa Maynila.

Binuo ang komite upang isulong at kilalanin ang kontribusyon ng mga OFWs bilang mahalagang sektor sa lipunan at ipatupad ang mga programa ayon sa vision ng standard-bearer ng partido na si dating senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos’, Jr.

Nabatid ng komite na karamihan sa mga OFWs ay kadalasang nagtatrabaho sa mga lugar na hindi katanggap-tanggap ang kundisyon, dumaranas ng pagkabalisa dahil sa matagal na pagkawalay sa kanilang pamilya at napipilitang isakripisyo ang oras na dapat ay para sa kanilang pamilya upang kumita.

Plano ng komite na ipatupad ang isang policy framework na may tatlong bahagi at inaasahang bubuo at magdedevop ng mga programang magagamit sa loob ng anim na taon.

Nakapaloob sa framework na ito ang pagtalaga ng isang task force na magsasagawa ng mga pag-aaral upang makabuo ng mga policy recommendation sa gobyerno. Ito rin ay inaasahang susuri sa mga kasalakuyang polisiya upang mapahusay ang serbisyo sa mga OFWs.

Ilan sa mga core programs nito ay ang: skills retraining katuwang ang TESDA, comprehensive benefits and retirement plan para sa mga OFWs, pagtatayo ng isang OFW hospital, health insurance, scholarship grants para sa mga OFWs, legal, mental at psychological support services, pagbuo ng mga OFW cooperatives,  pagtatayo ng OFW Bank at pagpapalakas sa mga community-based fellowship programs.

Pinuri ni PFP General Counsel Atty. George Briones ang binuong komprehensibong policy framework ng komite at sinabing naaayon ito sa mapagkaisang pamumuno na isinusulong ni Marcos.

Pinaalala rin niya sa mga miyembro ng komite na ang PFP ay maipagmamalaking partido ng pangkaraniwang tao. Dagdag pa niya ang PFP ang magdadala kay Marcos sa tagumpay sa paparating na halalan sa 2022.

“The PFP is a party of the common man. A party of the poor. A party of the grassroots. This is the party that will carry Senator Ferdinand Marcos Jr. to victory, “ sinabi ni Briones.

-##-