
WOMEN OF HONOR
ANG KABABAIHAN ng Philippine National Police, Bulacan Police Provincial Office at ng Police Regional Office 3 ay nagkaroon ng aktibidad laan sa pagdiriwang ng taunang Buwan ng kababaihan nitong Ika 29 ng Marso 2022 na ginanap sa Victory Church sa Bgy. Sumapang Matanda lungsod ng Malolos sa Bulacan.
Buhat sa tema ngayong taon na “GABI ng Parangal para sa Kababaihan, Agenda ng Kababaihan tungo sa Kaunlaran” suot ang kanilang mga kasuotang pormal, ipinamalas ng mga kababaihang pulis ang kanilang mga talent sa pag awit atbp kakaiba sa karaniwan nilang trabaho na tiyaking ligtas ang bayan sa krimen lalo sa lalawigan ng Bulacan.
Nagsimula ang naturang aktibidad sa pagpapakilala ng mga kababaihang pulis mula sa ibat ibang distrito kasunod ang panalangin at ang pagpapakilala ni PLTCOL Jacquiline P. Puapo, ang Deputy Provincial Director for Administration ang Panauhing Pandangal at Tagapagsalita.
Si Ms. Athenie R. Bautista, kapatid ni Governor Daniel R. Fernando at ang kasalukuyang Officer-In-Charge at Medical Head ng Damayang Filipino Movement Inc. ay bumasa ng kanyang mensahe bilang Panauhing Pandangal at Tagapagsalita sa nasabing aktibidad.
Sinundan ito ng paggawad ng mga parangal o awarding of Plaque and memento ng Bulacan PNP Provincial Director at ng command group, Special Awards mula sa Damayang Filipino Movement Inc ay kapwa ipinagkaloob rin gaya ng mga sumusunod:
1. Celebrity look-alike awards: Rian Joy Del Rosario from the Headquarters
2. Most Energetic Woman: P/ Maj. Jane Udal
3. Star of the night Award: Dorina Camado of Bocaue Police Station
4. Best Traditional Gown Award: Lt. Jacqueline Marqurz of Meycauyan Police Station
5. Early Bird Award: NUP Elizabeth Bernardino of Guiguinto Police Station and 6. Best Singer- P/Cpl. Leslei Angela S Mapoy.
ang Damayang Filipino Movement Inc ay sinimulan ni Governor Daniel R. Fernando bilang kanilang Chairperson at ngayon ay Chaired ng kanyang kapatid na si Athenie R Bautista. Pagkatapos ng contests at mga awarding ay nagtapos na ang aktibidad kaugnay ng celebration ng women’s month.
Is sa nagsilbing hurado sa singing contest ay ang Anchor ng dzmj online atna si Mary jane Olvina- Balaguer///Mj Olvina-Balaguer, 09053611058, konekted@dzmjonline.net and maryjaneolvina@gmail.com
-30-

GINANG INARESTO DAHIL SA MGA PAMPASABOG
“Bombing has no place in Sulu. We need to zero-in the leadership of Local Terrorist Group and its members as soon as possible to prevent any atrocities to happen. We cannot allow any bombing attack, because it will only hamper the furtherance of the relative peace Sulu has today.”- Joint Task Force – Sulu Commander BGen Ignatius N Patrimonio
Sulu, Pilipinas-INARESTO ng magkasamang elemento ng militar at pulisya ang isang ginang na nahulihan ng mga pampasabog sa bayan na ito nitong march 6 2022.
Ayon sa Joint Task Force Sulu kinilala ng nahuling suspek na si alyas Kirsita Ismael, 34 anyos, may asawa at residente ng Brgy. Tulay, Jolo, Sulu kung saan nasamnsam sa kanya ang mga pampasabog at kagamitan sa paglikha ng bomba kagaya ng:
one (1) cartridge 81mm, nine (9) inches detonation cord, one (1) blasting cap, 23 inches # 16 stranded wire attached to the blasting cap, one (1) 9 volt battery (Energizer) with snap connector, one (1) plastic container with arming switch, 15 inches #16 stranded wire loop type switch, one (1) electric tape, one (1) pc. Lighter, 15 meters nylon string and one (1) shoulder Black Bag na pinaglalagyan ng nasabing mga paraphernalia.
Nabatid buhat sa Kuta Heneral Teodulfo Bautista, na ang insidente ay bunsod ng patuloy nilang operasyon kontra sa mga posibleng magpasabog sa lugar kung saan magkakasabay na nag operate ang Joint Task Force Sulu at pulisya na nagresulta sa pagkakadakip ng possible umanong magp[asabog sa bahagi ng Brgy Tulay, Jolo.
Ang magkakasanib pwersang tropa sa ilalim ng 36th Infantry Battalion na pinangungunahan ni Ltc Domingo S Robles Jr, ibat-ibang intel units, army k9 teams at pulis mula sa 7th special action battalion ng Special Action Force at 9th Criminal Investigation Group Provincial Field Unit, Provincial Expolisive and Canine Unit at Jolo Municipal Police Station na siyang nagsagawa ng law Enforcement Support operation na magi implimenta ng search warrant para sa paglabas ga RA 9516 o illegal possession of explosive sa isang Nursita Mahali Malud o Kirsita Ismael ng Zone 3, Brgy Tulay, Jolo, Sulu.
Ayon sa ulat, ang naarestong tao ay nakaditini ngayon sa Jolo MPS habang ang mga ebidensya naman ay nakalagak sa pangangalaga ng CIDG PFU9 habang ang mga ebidensyang pampasabog ay nasa pangangalaga ng PECU Sulu para sa documentation at procedures. Ayon pa kay BGen Patrimonio “As the group of Mundi Sawadjaan dwindled, they are becoming desperate at the same time reckless. Now that all his companions were arrested one after another, his capability to conduct a possible attack has weakened. The continuous effort of our troops and other law enforcement agencies after the recovery of IED last week has indeed save innocent lives as we pre-empted possible bombing attack. I’m asking to our local community to be more vigilant and let’s sustain our cooperation for us to achieve to long aspiration for just and lasting peace here in Sulu” ///Abdul Malik Bin Ismail, 09262261791, abdulmalikbinismail6875@gmail.com at konekted@diaryongtagalog.net
