BAGONG MUKHA MULA DAVAO NAIS ANG TUNAY NA PAGBABAGO

        

NEW FACE FROM DAVAO ASPIRING FOR REAL CHANGE IN THE SENATE

TATLONG mga kandidato ng Philippine Green Republican party ang nakapanayam ng pahayagang ito kabilang ang Senatorial Aspirant na si Darwin Logronio ng Davao City.

Ayon sa kanya sakaling maihalal siya bilang senador ay riribisahin niya ang mga batas na ini akda na may kinalaman sa pangangalaga sa mga mahihirap at mga lehislasyon na sinasabing maka mahirap at kanyang sisiguruin kung ang nasabing mga batas nga ay naimplimenta ng maayos.

Sakaling may makitang mga kakulangan sa nasabing mga batas ay daragdagan niya ito at ang pangunahing sektor na tututukan niya ay ang pagsasaka dahil ang mga magsasaka ayon sa kanya ay ang siyang bumubuhay sa bayan.

Bilang lider-kabataan may organisasyon silang church-based at ito ang kanyang karanasan na makiharap sa maraming tao at mag imlpimenta ng mga programa at proyekto. Expose din siya sa mga asosasyon ng mga magsasaka dahil ang kanyang ama ay isang lider ng mga ito kaya aniya ay alam niya ang mga suliranin sa ibaba at ang mga nakikita niyang solusyon ay maari niyang isabatas.

Panawagan niya ay pagkakaisa at palakasin ang sektor ng agrikultura upang maiangat ang kabuhayan ng mga magsasaka at ng hindi na sila maituring na isang kahig isang tuka.///Michael Balaguer, 09333816694, michaelbalaguer@yahoo.co.uk at konekted@diaryongtagalog.net

-30-