
ININDORSO ng Kilusang Bagong Lipunan (KBL), partidong binuo ng kanyang ama ang anak ng Pangulong Ferdinand Edralin Marcos si Senator Ferdinand Bongbong Romualdez Marcos Jr. bilang standard bearer sa pagka Pangulo ng Republika ng Pilipinas ngayong darating na 2022 national elections nitong Sept 24, 2021.
Ginanap ang KBL National convention sa Thunderbird Resort sa Binangonan, Rizal kung saan dinaluhan ito ng mga delegado buhat sa ibat ibang bahagi ng bansa, mga miyembro ng KBL at mga organisasyon at partylist members na mga kaalyado nila at sumusuporta sa mga Marcoses.
Inindorso rin ng KBL ang kandidatura para Senador ni Atty. Lorenzo “Larry” Gadon na nagpasalamat sa mga miyembro at mga delegado sa pagkaka endorse sa kanya kasama ni BBM. Makikita sa video ng DZMJ Online ang buong talumpati ng pasasalamat ni Atty. Gadon.
Samantala, kung ang KBL ay nag endorse kay Atty. Gadon na kandidato bilang Senador, ang Partylist na Katipunan ng Pamilyang Pilipino ni Atty. Al Vitangcol naman ay nagsusulong sa kandidatura ni Gadon Bilang Bise Presidente ni BBM.
Nagbigay rin ng kanyang mensahe ang National Party President ng KBL na si Mr. Efren Rafanan at Ilocos Sur Provincial Board Member gayun din ang mga kaalyado ng partido sa Mindanao sa pangunguna nina Dr. Saripada Amir Hussin at Mr. Bernard Beltran Cruzata II, Presidente ng KBL NCR.
Nakibahagi rin at umawit ang singer na si Dulce. Kaugnay nito ay binasa ang KBL Resolution No. 1 Series of 2021 na nilagdaan ni KBL Sec. Gen Pia Gandol at ang pag e endorse sa kandidatura ni BBM bilang pangulo at kay Atty. Larry Gadon bilang Senador.
Kabilang rin sa mga dumalo ay sina Chris Garrido, KBL VP for Luzon, Mr. Joel Sison, Executive Director ng KBL at isa sa naging sponsor ng nasabing convention ay ang Infinix Orison International Operation Manager Romy Benavides at Sec. Gen ng Labor Party of the Philippines Atty Mark Tolentino.
Kasama ang DZMJ Online, sina Cynthia Gabinay at Rowena Banihit ng Maharlika News.///Michael Balaguer, +639262261791, konekted@diaryongtagalog.net at michaelbalaguer@yahoo.co.uk
KBL Endorsed BBM as President
-30-