Bilang Paggunita sa Kasunduang Pangkapayapaan

sa Mindanao

PANDAIGDIGANG IPINAGDIWANG ANG ARAW NG KAPAYAPAAN

In memoriam to the peace accord

GINANAP nitong Ika-24 ng Enero ang “Araw ng Kapayapaan”, Ginugunita nito ang nakaraang Kasunduang Pangkapayapaan sa pagitan ng mga Muslim at Katoliko sa Mindanao, 8 taon na ang nakararaan.

Humigit kumulang  22,000 ang nakibahagi buhat mula 55 bansa nitong Pandaigdigang Peace Conference sa kabila ng isinagawa ang pagdiriwang ng Araw ng kapayapaan ng bertwal.

Matatandaang noong 2014 namagitan sa nagaganap na kaguluhan sa Mindanao ang pandaigdigang Non-government Organization na Heavenly Culture World Peace Restoration of Light (HWPL), nagmungkahi ang nasabing organisasyon na lumikha ng isang kasunduang pangkapayapaan sa pagitan ng mga kinatawan ng magkabilang panig. Nagsilbing saksi sa nasabing kasunduang nilagdaan si HWPL Chair Lee Man-Hee kasama sina Esmael G. Mangudadatu, dating Gobernador ng Maguindanao at Fernado Bishop Capala, Archbishop Emeritus ng Archdiocese of Davao sila ang mga kinatawan sa pamunuang lokal.

Mula nuon, ang lalawigan ng Maguindanao at ang pamunuan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ay idiniklara ang Ika 24 ng Enero bilang “HWPL Peace Day” at kada taon ito ay ginugunita sa layuning pagtibayin ang pandaigdigang kasunduan sa tuwirang pagtutulungan para sa katatagan ng kapayapaan sa Mindanao.

Uminog sa temang “Batas ng Kapayapaan sa Langit at Lupa” ito ay naglalayon na isulong ang pagkakasundo ng mga pananampalataya at dagdagan angs uporta ng masa sa pagtatatag ng mga pandaigdigang batas tungkol sa kapayapaan.

Nagkaloob ng kani-kanilang mga mensahe bertwal ang mga lider kabilang sina: Khil Raj Regmi, dating Punong Ministro ng Nepal; Vicente Sotto III, Senate President ng Pilipinas; kapwa mga Senador ng pIlipinas na sina: Senador Panfilo Lacson, Cynthia Villar, Ronald dela Rosa, Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo at Television News Anchor Mariz Umali.

Kapwa nagkaloob ng kani-kanilang mga commitment messages ang ibat-ibang tagapagsalita ukol sa kanilang mga plano at kung paano nila maipapakalat ang adbokasiya ng kapayapaan sa kani-kanilang mga sektor na kinabibilangan (Batas, Edukasyon, Kabataan, kababaihan, Negosyo, pamamahayag at Pribadong sektor)

Pahayag ni Prabhu Mahendra Das, ang Temple President ng Sri Radha madhawa Mandir, ang kanyang desisyon na makibahagi sa World Alliance of Religions Peace (WARP) Office na pinangungunahan ng HWPL bilang isang pandaigdigang samahan ng mga pinuno ng mga pananampalataya ay para makapag usap, magbahagi at makipagtalastasan upang matuto at lumago ng magkakasama sa matiwasay at mapayapang paraan bilang kontribusyon sa kapayapaan sa bahagi ng relihiyon.

Sinabi niyang siya ay naniniwala na ang lahat ng relihiyon ay dapat magkaroon ng partnership at memorandum of understanding.

Samantala ayon naman kay Retired Justice Raoul Victorino, Chair ng Philippine National Prayer Breakfast (PNPB) at Dean ng College of Law ng Philippine Christian University (PCU) na isang inspirasyon ang HWPL sa kanya sa bahagi ng paglikha ng DPCW, ang mga dalubhasa sa batas sa daigdig ay nagtipon upang gumawa nito.

“Pagsisikapan kong makuha ang suporta ng Pangulo (ng Pilipinas) para sa isang National Solidarity bilang pagsuporta sa DPCW isasama ko na rin ito sa mga itinuturo sa College of Law sa pamamagitan ng pakikipag tulungan sa Philippine Association of law Schools” ayon kay Justice Victorino.

Samantala sa sektor ng Edukasyon bilang kinatawan, ibinahagi ni Commission on Higher Education (CHED) Commissioner Ronald Adamat, ang kanilang direksyon sa CHED ay manawagan kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte ayon sa kanya “ Nag isyu ng endorsement ang CHED commission en banc kay Pangulong Duterte na ideklara ang Enero 24 bilang National Peace day kung saan magkakaroon ng sabaya-sabay na pagdiriwang pangkapayapaan kapwa ang mga ahensya ng gobyerno, pribadong sektor at susundin ito ng sektor ng edukasyon.

Naglalayong pagkaisahin ang mga tao upang lumikha ng mapayapang daigdig na maipamamana sa susunod na salinlahi, wawakasa ang mga digmaan at bawat isa ay magiging tagapaghatid ng kapayapaan na maaring maalala magpakailanpaman, ayon sa panghuling pananalita ng HWPL Chair Lee man-Hee.

Ang kapayapaan ay binabanggit ng bawat pananampalataya ng tao ngunit nakalulungkot isipin na upang anila ay magkaroon ng kapayapaan ay kailangan munang paghandaan ang digmaan.

 Ang taunang pagdiriwang ng araw ng kapayapaan sa bahagi ng pamamahayag ay napakadaling isagawa at ipakalat dahil kung magawa ng pamamahayag sa daigdig na lumikha at sumira, maari nilang likhain ang isang mapayapang mundo at sirain ang makinarya ng digmaan.///Michael Balaguer, +639262261791, konekted@diaryongtagalog.net at michaelbalaguer@yahoo.co.uk

-30-