PAGPAPALAKAS ng Programang Pang Repormasyon tungo sa Tagumpay at Panibagong Buhay, ang Paglaya ng mga PDL (Person Deprive of Liberty) na Nakapagtapos ng kanilang Hatol (Culminating Activity) na ginanap nitong nakaraang Nobyembre 24, 2022 dakong alas 9:00 ng umaga sa Facade ng Admin Building, NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa City.
Batay sa palatuntunan ay sa unang bahagi, parangal sa pagdating ng Panauhing Pandangal, pagkaraan ng pag awit ng pambansang awit ng Pilipinas sa pagtugtog ng BUCOR band kasunod ay panalangin na pangungunahan ni CT/SINSP Dominic R. Librea at sinundan ng panimulang pananalita ng Acting Director General ng Bureau of Corrections na si General Gregorio Pio Catapang Jr. AFP (Ret.) CESE at kasunod nito ang pampasiglang pananalita ni Atty. Persida Rueda-Acosta DSD ang Hepe ng Public Attorney’s Office samantalang ang pagpapakilala ng panauhing pandangal ay gagawin ni Acting Director General ng Bureau of Corrections na si General Gregorio Pio Catapang Jr. AFP (Ret.) CESE habagng magbibigay ng kanyang mensahe bilang panauhing pandangal si Department of Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.
BUCOR SET 200+ PDL FREE
makikita sa larawan ang mga pinalayang bilanggo na may bilang na 234 lahat na makikita sa ibaba:
Samantala kasabay ng nasabing aktibidad ay ang Secretary’s Cup na isang invitational Shootfest sa pangunguna nina Acting Director General ng Bureau of Corrections na si General Gregorio Pio Catapang Jr. AFP (Ret.) CESE at Department of Justice Secretary Jesus Crispin Remulla. kabilang rin sa nakibahagi ay si CCINSP Ricardo Sespene Jr.
SECRETARY’S SHOOTFEST AT BUCOR
///Michael Balaguer, 09262261791, konekted@diaryongtagalog.net at michaelbalaguer@yahoo.co.uk