IKA-86 NA KAARAWAN NG INA NG EMBAHADOR PAGDIRIWANG NG BUHAY

86TH BIRTHDAY OF AN AMBASSADOR’S MOM A CELEBRATION OF LIFE

SINASABI kadalasan ng mga taong nagdiriwang ng kanilang kaarawan na ang kanilang pagdiriwang nito ay selebrasyon ng buhay, ibig sabihin nagdiriwang sila dahil sa panibagong buhay na ipinagkaloob sa kanila ng Dakilang Lumikha sa kabila ng mga hamon ng buhay sa kasalukuyan.

Hindi naman iba ito sa kamakailan ay nagdiwang ng kanyang kaarawan, ang ina ng isang embahador na ngayong taon ay tumuntong sa kanyang ika 86 na kaarawan nitong Ika- 7, ng agosto 2022 na ginanap sa LMX Convention Center, Butuan City,  Agusan Del Sur kung saan dinaluhan ng mga mahalagang bisita mula sa pamahalaan at diplomatiko.

Tnaguriang “Tiara Ball” ni Gng. Felomina Gounet’s sa kanyang ika-86th Birthday Celebration ito’y may temang “Celebrate Life at 86” tila isang pagpapasalamat kung saan ang kanyang mga imbitadong panauhin ay kinabibilangan nina: H. E. Peter Froese, Duke of Armenia, Ms. Janet Yap ng Manila Hotel, Dr. Elton Tan, Ms. Jessie Maloles ang Mrs. Asia International, Pakistan Ambassador H.E Ghazi Tamiz Uddin Khan at Mrs. Victoria Tartana-Khan, AFP-JAGO Spokesperson Atty. Candy Riva, Iligan First Lady Gina Cruz at Sol Obach.

 Naroon rin sina: Lanao Del Norte Governor Jun Banocag, Turbo Felix Turbolencio 1, Ginoong Mayoralty Atty. Gam Gallao at Dr. Grace Gallao, Maj. Dens Villanueva of the 4ID Bukidnon, Mr. Jojo Yee ng Chinese Chamber at Pres. Lordgette Neis of the Lions Club atbp mga VIP’s.

Ayon kay H.E Ambassador Gion Gounet sa kanyang maikling mensahe sa kaarawan ng kanyang ina wika niya ito raw ay isang “double life celebration” dahil halos mamatay na siya bunsod ng isang sakit sa baga at pneumonia, habang ang kanyang ina ay pupuntahan siya sa pagamutan ay naaksidente lulan ng sasakyan nito ngunit kapwa nilang nalagpasan ang naturang mga pagsubok.

Pinangunahan ang panalangin ng apat na mga mangagawa buhat sa Seventh day Adventist Church North Eastern Mindanao Mission na pinangunahan ng kanilang Executive Secretary na si Pastor Ralph Domingo.

Tunay nga na gumagawa ang ating Dakilang Lumikha sa mga panahon na hindi natin inaasahan at mula sa mga bumubuo ng publikasyong ito (DZMJ Online and Diaryong Tagalog), isang maligayang kaarawan ang aming ipinaa abot kay Gng. Felomina Gounet at nawa ay magdiwang ka pa po ng marami pang kaarawan mula sa mga detalyeng ipinagkaloob ni H.E. Ambassador Gion Guonet sa DZMJ Online///Michael Balaguer, 09262261791, michaelbalaguer@yahoo.co.uk at konekted@diaryongtagalog.net