ISANG BUONG KOTSE HINDI MAARING I 3D PRINT

IKA-26 NG MARSO, 2021- Hindi maaring mai 3D print ang buong kotse, sa halip ay ang ilang mga bahagi lamang nito ang pwede na siyang ginagawa na sa ibang bansa.

Ito ang sagot ni Senior SRS, MSD Engr. Marianito T. Margarito sa open forum ng nakaraang AMCen-MATDEV (Additive Manufacturing Center Materials Development) Stakeholders forum na pinangunahan ng Department of Science and Technology-Industrial Technology Development Institute (DOST-ITDI) kahapon Ika- 25 ng Marso, 2021,

Isa sa mga palatandaan ng isang makabago at progresibong bansa ay ang pagkakaroon ng industriya ng sasakyan. Ayon sa BYD, isang kumpanyan sa China na gumagawa ng sasakyan, sinyales umano ng isang mature na teknolohiya ang industriya ng sasakyan dahil hindi lamang mekanikal ang sangkot sa paggawa nito, naryan rin ang electronics, electrical, pneumatics, hydraulics, garments, wood at kahit precious metals.

Marami ng mga parts ng sasakyan ang ginagawa sa bansa ngayon dahil inilipat na ng mga manufacturers ang kanilang planta sa bansa, sa ibayong dagat naman marami na rin ang bahagi ng sasakyan na naiti 3D print dahil sa mas murang halaga nito. Sa kasalukuyang takbo ng inobasyon sa agham at teknolohiya hindi malayong mangyari na sa hinaharap gaya ng Malaysia na may Proton.

Kabilang sa mga dumalo ay sina ITDI Director Dr. Annabelle V. Briones na nagkaloob ng kanyang pambungad na pananalita kasunod ang mensahe nina DOST Undersecretary for Research and Development Dr. Rowena Cristina L. Guevara at DOST Secretary Prof. Fortunato T. de le Pena.

Binasa ni ITDI Technological Services Division Chief Ms. Nelia ElisaC.  Florendo ang event rationale kasunod si  Supervising SRS Material Science Division OIC Ms. Josefina R. Celorico na bumasa naman ng introduction to the organization, MSD, ADMATEL at si  former Chief of the MSD Dr. Blessie A. Basilia na nagbigay ng overview nang AMCen MATDEV.

Si Senior SRS, MSD Engr. Marianito T. Margarito ang nagpaliwanang ukol sa Additive manufacturing and its applications. Habang si Science Research Specialist II of the MSD Engr. Jo-Ann C. Sy ang nagsalita ukol sa MATDEV facility kasunod ni Senior SRS, MSD Mr. Carlos S. Emolaga na nagpakita ng  virtual tour ng MATDEV facility.

Si  OIC Deputy Director for R&D and Chief packaging Technology Division of the ITDI Ms. Daisy E. Tanafranca ang nagbasa ng pangwakas na pananalita at nagsilbing moderator si Ms. Margarita V. Atienza.

Sa huli ang panawagan ng gobyerno sa pamamagitan ng ITDI ay pagtutulungan, sa pagitan ng pribado at pamahalaan, layunin ng stakeholder’s forum na hikayatin ang mga negosyante sa pagtutulungan lalo sa  bahagi ng 3D priniting na isang emerging technology.  (Michael Balaguer,+639262261791, konekted@diaryongtagalog.net)

Panawagan ng Internasyonal na Organisasyong Pangkapayapaan Ukol sa Krisis ng Karapatang Pantao sa Myanmar

Ang mga pangyayari kamakailan sa Myanmar ay naghatid ng pangamba sa buong mundo. Nang malaman ng internasyonal na komunidad ang tungkol sa mga kalupitan na ginawa laban sa mga inosenteng mamamayan, ang Heavenly Culture, World Peace, Restoration of Light (HWPL) ay naglabas ng opisyal na pahayag upang ipaalala sa lahat ng mga kasangkot sa Myanmar, United Nations at internasyonal na komunidad ang panlipunang responsibilidad na protektahan ang mga karapatang pantao at itaguyod ang kapayapaan.

Noong 2016, sinimulan ng HWPL ang isang pandaigdigang kampanya para sa pagsasabatas ng kapayapaan upang matiyak na ang mga tunggalian tulad ng sa Myanmar ay maaaring masolusyunan sa pamamagitan ng dayalogo at mapayapang pamamaraan. Ang HWPL at mahigit 1.3 milyong mamamayan sa 176 na bansa ay nakiisa para sa kapayapaan at nagtipon ng higit sa 738,000 lagda ng suporta para sa mapayapang paglutas ng mga hidwaan sa pamamagitan ng batas.

Binigyang-diin ng HWPL na ang kamakailang pagkilos ng militar ng Myanmar na pigilan ang di-marahas na protesta ay humantong sa dose-dosenang pagkamatay at daan-daang mga sugatan. Ikinalulungkot nito na ang bilang ay patuloy pa rin sa pagtaas.

“Ang buhay ng tao ay hindi dapat balewalain sa anumang sitwasyon. Hindi katwiran ang anumang uri ng hidwaan upang gumamit ng karahasan laban sa mga sibilyan, at walang interes ng anumang grupo ang maaaring mangibabaw sa buhay ng tao.”

Sinasalungat ng pandaigdigang organisasyon ang lahat ng uri ng karahasan sa iba’t ibang panig ng mundo, at nananawagan sa militar ng Myanmar na ‘igalang ang karapatang pantao at kalayaan sa pagpapahayag’.

Hinihimok din ng HWPL ang United Nations “na magsagawa ng mga aktibong hakbang upang maprotektahan ang karapatang pantao at masiguro ang kaligtasan ng mga mamamayan ng Myanmar.”

Sa opisyal na pahayag ay inanyayahan din ang “pandaigdigang pamilya ng kapayapaan upang magbigay ng mga pahayag na humihimok sa mga awtoridad at sibilyan sa Myanmar na magkaroon ng dayalogo at maghanap ng isang mapayapang solusyon upang maibalik ang kapayapaan sa bansa.”.

“Nang may iisang tinig, ang HWPL at lahat ng aming miyembro sa buong mundo ay nagpapahayag ng pag-asa na ang patuloy na krisis sa Myanmar ay malulutas nang mapayapa sa pamamagitan ng dayalogo at hindi karahasan, at nananawagan kami sa internasyonal na komunidad na sumali rito,” sabi ni Man Hee Lee, ang Tagapangulo ng HWPL.