KUNG AKO AY MAUUPO, KAYO AY TATAYO

GREEN REPUBLICAN SENATORIAL ASPIRANTS WANTS THE POOR TO WIN

KARAMIHAN sa mga tumatakbong senador ng bayan ngayon ay mayaman. Milyunaryo, bilyunaryo at hindi talaga nararanasan ang buhay sa malaking bahagi ng bansa, ang buhay ng mga hindi masyadong pinalad gaya sa mga kanayunan na bagaman payak ayon sa ilan ay taghirap naman kung ituring ng mga may katawan.

May nakapanayam ang www.diaryongtagalog.net na isang taga north Cotabato at tumatakbo sa ilalim ng Philippine Green Republican Party na siyang pinangungunahan ngayon ng mamamahayag at tumatakbo ring Pangalawang Pangulo na si Alexander Lague.

Ayon sa kandidatong si Elbern Suguipit kapag siya ay nabigyan ng pagkakataong maihalal bilang senador, ang mga serye ng mga resolusyon at panukalang batas na kanyang lilikhain ay naka umang sa napapanahong kalagayan ng maraming Filipino, ang mga hindi pinalad.

Tinukoy niya ang kahulugan ng salita, ito ay ang nakararaming tao, yaong mga hindi milyunaryo o bilyunaryo, yaong mga maliliit na magsasaka na may mga kapirasong lupain lamang, yaong mga maliliit na mangingisda, yaong mga naghahanapbuhay sa kalsada at mga maliliit na negosyante at entreprenyur.

Ayon kay Suguipt idinadalangin niya na ang mga mamumuno at magwawagi sa halalan ngayon ay yaong yunay na nakadarama ng kalagayan ng mga mahihirap o ng mga tao sa ibaba kabaliktaran sa sitwasyon ngayong namumunini ang mga mayayaman sa lehislatura kaya naiiwan ang nakararami dahil sa kanilang sariling interes.

Bilang isang entreprenyur namulat siya sa hindi patas na kalakaran sa pamilihan kaya sakaling palarin ayon sa kanya, ang mga batas na kanyang ia-akda ay para sa lahat ng Filipino.

Sapagkat mula sa sektor ng agrikultura ang ibig niyang ipakahulugan sa kanyang tagline na “kung ako ay Maupo, kayo ay Tatayo” kapag siya ay nabigyan ng pagkakataosn, maraming magkakaroon rin ng pagkakataong mai angat ng bahagya ang kanilang buhay.///Michael Balaguer, +639333816694, michaelbalaguer@yahoo.co.uk at konekted@diaryongtagalog.net

-xxx-