BILANG pagsuporta sa mga programa ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte kontra iligal na droga at para na rin ipakita sa madla ang tunay na suporta ng masang Filipino sa Pangulo at sa Pambansang Pulisya ginanap sa Kampo Hereral rafael Crame, punong tanggapan ng Philippine National Police ang LAKAD TOKHANG sa pangunguna mismo ni PNP Chief General Ronald “Bato” dela Rosa.
Sabay sabay buhat sa ibat ibang lokasyon sa bansa ginanap ang nasabing aktibidad na ang ibig sabihin ay Lipulin At Kalampagin Ang Droga (LAKAD). ibat ibang sektor ang dumating at nakibahagi isang araw bago ang taunang anibersaryo ng People Power Revolution sa EDSA.
Layunin ng nasabing aktibidad na maipaliwanag sa madla ang tunay na sitwasyon ukol sa salot na droga at ang masikap na kampanya ng gobyerno upang sugpuin ito. sa bahagi naman ng PNP, ipinaliwanang ni Gen. Bato na ang tunay na kahulugan ng TOKHANG ay hindi naman ang pagpatay sa mga tulak at user kundi ang paghikayat sa kanilang tumigil na sa nasabing bisyo.
Kabilang sa mga dumalo ay mga riders group, Guardians, Metro Manila Development Authority (MMDA) Spokesperson Celine Pialago, ang aktres na si Elizabeth Oropesa, mang aawit na sina Faith Cuneta at Richard Reynoso at ang mga rapper na Paranaque Rebels, kabilang din sa mga dumalo ay sina Ms. Adeline Sy at ang kanyang ama na si Albino Sy at Arch. Butch Baliao at si DILG sa pangunguna nai USec. Martin Dino ng Barangay Affairs.
Samantalang iginiit ni USec Dino ng DILG ang mga dapat gawin ng mga kapitan ng barangay hinggil sa kampanya kontra droga, isang barangay naman sa Paranaque ang ni hindi magpapasok sa kanyang tanggapan ng bisita itong si Kapitan Chona Navarro ng Bgy. Don Bosco, nabigyan pa naman ng parangal na bilang grand champion sa Barangay Powers sa kanilang barangay ay hindi naman marunong makiharap sa tao.///michael balaguer, 09333816694, michaelbalaguer@diaryongtagalog.net
NAGSAMA-SAMA ang mga tagasuporta ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte (PRRD)sa ginanap kamakailan na paglulunsad ng “Kilusang Pagbabago”. Pinangunahan ni Engr. Albino Sy at ginanap sa Cuneta Astrodome tinatayang nasa 7,000 katao ang nagsidalo buhat sa ibat ibang kapisanan nila sa buong kalakhang Maynila upang isulong ang mga programa ng Pangulo at upang salagin ang mga maling paratang at puna sa kanilang minamahal na lider.
Kabilang sa mga dumalo ay sina Department of the Interior and Local Government Undersecretary for Barangay Affairs na si Martin Dino, Atty. Larry Gadon, Sandra Cam, DILG Asec Epimaco Densing, Adeline Sy at Arch Butch Baliao at ang kilalang Urban Planner Arch. Felino Jun Palafox at Ms. Lily Lim ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry Incorporated, dating Northern Samar Congressman Emil Ong at Pasay City Mayor Calixto.
Nagkulay pula ang loob ng cuneta astrodome sa suot ng mga tao na tila nanging official color ng administrasyon. Kasama ang mga mamamahayag buhat sa www.diaryongtagalog.net at ang representante ng Davao City Mayor Sarah Duterte-Carpio na nagkaloob ng kanyang talumpati na binasa sa madla. Balak ng Kilusang Pagbabago na palawakin ang kanilang grupo na nagsimula sa kabisayaan at kumalat sa buong bansa upang isulong di lang ang mga kasalukuyang programa ng gobyerno gaya ng laban kontra iligal na droga kundi pati at planong pagbabago ng saligang batas upang isulong ang pederalismo.///michael n balaguer, 09333816694, michaelbalaguer@yahoo.co.uk