MAPAYAPANG KATUGUNAN SA DIGMAAN NG RUSSIA AT UKRAINE HINIHILING

PEACEFUL RESOLUTION TO THE UKRAINE –RUSSIA CONFLICT URGED

HALOS dalawang linggo na ang nangyayaring gulo sa bansang Ukraine bunsod ng paglusob ng bansang Russia sa kanilang bansa at resulta nito ay may mga sibilyan na namatay.

Marami na ring mga ari-arian at imprastruktura ang nasira habang patuloy rin ang paglayas ng mga mamamayan ng mga apektadong bahagi ng Ukraine patungong sa kanilang mga kapit-bansa na hindi naapektuhan ng kaguluhan.

Tunay na wala ngang nananalo sa digmaan, ang international community ay nagbigay na ng mga sanctions sa bansang Russia gayundin ang ibang negosyong nakabase sa kanilang bansa ay umalis na duon sa pangamba na madamay sa gulo.

Marapat na resolbahin na lang ng dalawang bansa ang kanilang mga hindi pagkakaunawaan at huwag ng palalain ang kasalukuyang kaguluhan, yan ang hiling ng international community lalo yaong mga bansang hindi sumusuporta sa udyok ng digmaan buhat sa kanluran.

Maaring diplomatikong paraan o pakikipag usap ng dalawang panig ang solusyon sa sigalot nilang dalawa at hindi katwiran ang minsang pumalpak na usapang pangkapayapaan dahilan lang sa hindi sumipot ang kanilang mga lider.

Kapayapaan ang panawagan ng maraming bansa at tama na ang dalawang nagdaang digmaan huwag ng dagdagan pa dahil wala ngang nananalo sa pakikidigma.

Kapayapaan ang dapat manaig higit sa interes ng digmaan o pag udyok na pag awayin ang bawat bansa para sa kanilang kapakinabangan.

Kapayapaan pa rin ang dapat manaig sa kabila ng double standard na paningin ng kanluraning pamamahayag at mga pamahalaan nito kayaga ng nangyayari sa Palestine, sa mga Uyghur at Rohingya.

Kapayapaan at diplomasya ang dapat maging solusyon dahil hi hamak na mas maliit ang mga bilang ng namatay sa Ukraine kumpara sa Palestine, sa mga Rohingya ng Myanmar at patuloy na nagaganap sa mga Uyghur sa China.

Kumuha tayo sa awitin ng grupong “Asin” na may titulong: Cotabato na nagsasabing “Prinsipyo mo’y igagalang ko kung ako ay iyong nirispeto, kung nagtulungan tayo di sana ganito, ang gulo”

Ayon kay President Putin ng Russia hindi siya papayag na umanib sa NATO ang mga bansa sa tabi niya dahil ang NATO umano ay isang organisasyong terorista, magkaganon man sana ay idinaan niya na lang sa diplomasya at hindi sa dahas.///Michael Balaguer, 09333816694, koekted@diaryongtagalog.net at michaelbalaguer@yahoo.co.uk